Forum Topic

Digital Broadcasting: The future of Philippine Television (*Political discussions NOT allowed)

  • ^yeah parang papasok sa kabilang tvbox yung 5v kaya pwede masira. di ko naisip yan kanina.
    I guess hindi tlga pwede ON yung 5v booster sa both tvbox.

    I suggest gamit nalang kayo ng magandang passive antenna.
    or two antennas.
    kung di nyo afford, mag diy antenna nlng po kayo.
    example yung sa page200 na diy antenna.
  • guys ang alam ko di pede maglagay ng passive splitter between powered antenna at ng dtv box saka iturn on yun antenna power sa box....masisira lang yun power supply ng box or yun box mismo.... may coil kasi yun splitter connected accross sa output line nito na magbibigay ng short circuit sa DC power na isusupply sana ng box sa antenna.... di rin makakarating yun power sa antenna dahil isoshort circuit ito ng splitter..... kung magkakabit ka ng dalawang boxes sa isang two way splitter para mashare nila yun powered stock antenna at saka iturn on yun antenna power sa parehing boxes ay magsasalubong ang mga power nila at masisira yun dalawang boxes....

    ok lang maglagay ng splitter para mashare yun antenna sa dalwang boxes kung di isiswitch on yun antenna power sa dalawang boxes kaya lang yun tv stations lang na may malakas na signal ang makukuha mo tulad ng abscbn mahahati kasi sa 50-50 yun input signal pagdating sa output ng splitter... saka may dagdag pa na signal loss dahil sa attenuation na maiinsert ng splitter mismo....

    -- edited by Kido on Nov 16 2017, 10:27 PM
  • ^ sa aking splitter set-up from outdoor antenna hindi ko na ginamit yun antenna adaptor (w/ 5v led indicator), fr. splitter + antenna cable direct connect sa tv box na.. nuong earlier set-up ko kasi kahit 1STB + TV ang connection with antenna adaptor hindi ako maka recieved ng signal kahit anong channel kaya during trial and error set-up nun tinanggal ko sa series connection yun adaptor naka received na ng signal ang STB ko + outdoor antenna positioning for better clear viewing.. then nun gumamit na ako ng splitter direct ko na sa STB.. again GMA channel lang talaga ang problema ko.. pero nun nag-uulan last week (signal no.1 sa CALABARZON) clear at stable signal ang GMA channel.. nun nawala ang pag-uulan hirap na ulit makakuha ng signal.. hhmmm..

    Location: Loma, Binan Laguna
    STB: RCA 1501 at 1603
  • ^
    Na mention ko na rito noon, pero ulitin ko lang. Depende sa setup, baka makatulong ang aluminum foil design kagaya rito (https://www.youtube.com/watch?v=0_gkiLdMATc).

    Nung nagsisimula pa lang ang ETC at 2nd Ave, hindi ma-pick-up ng BRL ko. Pero pagkatapos kong lagyan ng aluminum foil sa likod ng BRL, pasok kaagad yung dalawa. Ang distance between foil at BRL may effect din sa reception, so trial and error lang. Kung nasa poste naman ang antenna nyo, kailangan lang siguro ng imagination at creativity. =)
  • ^
    hehehe you remind me of my diy antenna na ang elements ay gawa sa mga bbq sticks na nakawrap ng aluminum foil na pinagdikit-dikit ko ng hot glue.... ginawa ko yun last year based sa hoverman gray antenna design na idinikit ko lng sa isang plywood.... lakas sumagap ng signal yun nga ang gamit ko noon una sa fukuda box ko at sagap pa yun gma.... kaya lang laging nasisira tuwing may malakas na hangin at umiikot yun antenna kaya nawawala sa orientation niya.....
  • ^
    Baka hindi dapat buong plywood gamitin mo kasi nagiging "sail" ang effect nya sa hangin.
  • anong magandang anthena para sa dtv? yung cnn kasi di ko masagap
  • location mo po?

    kung mapera
    - Greentek dtvo-8
    - BRL

    kung wala
    - stock antenna, extend nalang yung wire using female to female connector ng antenna wire.
    suotan ng condom or sakluban ng tabo, garapon etc.

    or Diy antenna (cheap)
    ito gamit ko, smooth GMA, PTV, TV5, CNN, INC, ETC, 2nd ave, IBC13, LAHAT na except SMNI.
    sa page 200 may guide.
  • ^ sir saan makakabili ng greentek wala ako makita sa lazada e. brl lang meron
  • ^
    May mga info simula sa page 120.
  • kentonsec,

    try mo sa DIY or ACE Hardware.
  • Choppy ang abs-cbn at sports + action sa RCA Digital Box ko. Other channels ay okay naman. Im using Baron's BXR in a 5 foot pole, my TV is Samsung HDTV. Anu kaya problema, di ako makapanood ng maayos ng UAAP?
  • Choppy ang abs-cbn at sports + action sa RCA Digital Box ko


    same here
    abs at sports+action choppy, pero ung abs 1seg ok naman.
    nitry ko tv+ using the same antenna, hindi naman choppy si abs..
  • ^
    but sakin ok naman ang signal reception ng abscbn ng fukuda ko walang problema....
  • ngayon ko lang nalaman pwede pala tv namin maka sagap ng DTV signal. baka next week bibili ako Greentek dtvo-8
  • hindi choppy sakin sports action. rca tvbox din.

    yung ptv4 ko ang naging choppy.
    pag rotate ko ng kaunti sa antenna towards antipolo direction nawawala yung choppy/stutter/pixels.
    kaso yung GMA naman nagkakaroon ng choppy or stutter. LOL!

    I think nasa magkabilang edge sila ng beamwidth ng antenna ko. hays~
  • Guys I have an LG UJ436520 TV, i believe it is a digital TV. My question is, do I really need a digital TV box like WOW Digital TV Box? or, just buy a DTV Antenna and connect it directly to my TV? Will I get the same number of channels like a TV Box from just using DTV antenna? Thanks!
  • DonP
    Guys I have an LG UJ436520 TV, i believe it is a digital TV. My question is, do I really need a digital TV box like WOW Digital TV Box? or, just buy a DTV Antenna and connect it directly to my TV?

    antenna lang ang kakailanganin mo. specifically, UHF antenna. same channels, except encrypted channels exclusive only to abscbn black box.
  • Guys I have an LG UJ436520 TV, i believe it is a digital TV. My question is, do I really need a digital TV box like WOW Digital TV Box? or, just buy a DTV Antenna and connect it directly to my TV? Will I get the same number of channels like a TV Box from just using DTV antenna? Thanks!


    does it have an ISDB-T receiver? if yes, then you'll only need an antenna, if not (probably it has a DVB-T or DVB-S, like most LCD/LED TV in the market currently), then you would need an external receiver like the tv plus or wow digital tv box.

    btw, can't find the model in LG site.
  • Bumili ako ng bagong tv plus. Bakit hindi available ung mga exclusive channels na kasama sa tvplus?
  • ^scan mu sir
  • Ung bagong model ng tvplus ung nabili ko. meron siyang sim card na kasama. need ba ung sim card na iactivate
  • @rae
    nope di kailangan. nag rescan ka na? so walang mga cinemo?
  • ^
    IIRC the SIM is for the ABS-CBN channels' pay per view stuff.
  • Raemond
    Bumili ako ng bagong tv plus. Bakit hindi available ung mga exclusive channels na kasama sa tvplus?

    @Raemond
    may HDMI out na ba yan nabili mo? nabasa ko kasi sa mga sellers sa OLX. may HDMI na yung new models.
  • @pektus - sir this is the correct model

    http://www.lg.com/ph/tvs/lg-43UJ6520
  • @DonP
    The official product page doesn't even list which digital TV standard it supports. WTH?
  • OK na Signal reception, wala ng choppy/stuttering ang ABS, at Sports + Action, naglalaro sa 88 to 90% quality with a 100% Strength (Signal).
    Greentek antenna' s are 750+pesos, kaso dalawa na lang stock nung nagpunta ako sa SM Bacoor ACE hardware store, yung DVT0-8, yung GT-960B madami pa.
    Ganda ng quality broadcast ng CNN Philippines, HD. Sa egg.TV medyo stutter ang sound while watching live e-sport tournaments.
  • anu kaya maliit na tv 24 inch below with isdbt mura lang may alam ba kayo?
  • not sure if may 24inch na may builtin isdbt ang avision. check mo nlng sa fb nila.

    one of the cheapest sila na maganda ang reviews.
    7k yung 32inch nila na may isdbt