Forum Topic

Digital Broadcasting: The future of Philippine Television (*Political discussions NOT allowed)

  • Post deleted #12316999
  • Yes totoo nga. Postpaid 520 daw, Prepaid 600, gagawin daw add-on sa SatLite for 200.
    Pero meron din naman sa free TV kung ayaw mo gumastos, malinaw din naman TV5 sa digital pero sana mag HD sila para di sayang yung iba pang channel slots, kaya pa naman nila since 2 lang program nila sa frequency

    Parang mahal masyado pag 520. Tyaga na lang muna ko siguro sa TV5. Kahit kasi sa SatLite ka kumuha ng lowest plan nila, tapos mag add ka ng 200 sa nba ay nasa 300 na din monthly mo, tapos konti lang channel mo.
  • Question: Available pa ba yung Abs-cbn TV plus Go yung nilalagay sa cellphone? or baka may iba kayo recommendation for usb Type-C na smartphone para hindi na ako bibili ng micro usb to type C adapter

    NBA sa One Sports lang habol ko
  • ^
    Alamko bawal na magbenta ng abs cbn products.

    buy ka na lang ng cheap china cp na may built in isdbt TV. Para wala ka na ikokonek na iba. May antenna na rin sarili yun.

    Yung mga brand na st@rmobile marami.
  • Wala akong mahanap na murang alternative tv box kaya nauwi ako sa pagbili ng Affordabox ng 888php. As expected channels are meh at andaming repeated broadcast channels. At least mukhang ok ang CNN Philippines channel. Sana may music video channels tulad ng mtv/vh1/channel v dati at anime channels man lang.

    -- edited by staticghost on Aug 02 2020, 04:59 PM

  • buy ka na lang ng cheap china cp na may built in isdbt TV. Para wala ka na ikokonek na iba. May antenna na rin sarili yun.


    +1

    BUT IMO better pa din branded like Samsung J2 DTV which I've been reliably using since 2017, now as a backup phone. Removable / replaceable din battery kaya I was able to extend its life by purchasing batteries through Lazada and Shopee. Based on experience and sa mga nabasa ko, better ang reception nito Samsung compared with chinaphones , & dongles even tvplus go. Kahit sa indoors nakakasagap. Previously I managed to try yun MyGica wifi isdb-t, I ended up returning it kay Lazada coz of sloppy reception. I guess ganun din (weak signal) most of the tv usb dongle variants nila.

    -- edited by musicgeek on Aug 02 2020, 08:54 PM
  • Hello po.

    Ask ko lang ano maganda Antenna for DTV. Yung po sana available sa Lazada or Shopee.


    Thanks
  • cybertech
  • Sa mga gumagamit ng Affordabox dito, may naka experience na ba ng dalawang issues na ito sa inyo?

    1. Kapag unplug after use at after a few hours/days, replug then turned on, Channels 1-4 na GMA specific channels lang ang available. Kailangan pa uli mag rescan ng channels.

    2. Kapag nagba browse ng channels, nagha hang/crash ang unit. No response sa button press sa remote at dashboard ng unit. Doesn't even respond to long press ng power button that should shut the unit off. It will stay that way until I unplug the power cord, replug the power and reboot the box.
  • May bagong subchannels ang GMA NETWORK ????

  • Pa OT, napansin ko lang ginagaya ba ng GMA ang ABS ?

    Una sa PDR's ngayon sa multi-channel na. Baka sa susunod may exclusive content na din sila sa mga channel nilang bago, tapos sa affordabox lang exclusively mapapanood. But that's just me. hehe.
  • di naman natin masasabing ginaya ng GMA ang ABS kasi ganyan naman talaga ang magiging setup talaga ng digichannels.

    btw, since nung pinaalis na namin cable subscription namin, wala na kami ginagamit na any tvbox except sa built-in ng Avision tv namin (isdbt ready). not from tvplus or affordabox ung builtin nia.
    the good thing is kuha nia mga dapat nia maabot samin. we have GMA channels (main, news, heart, hally, and some 3-4 blank channels). too bad, di abot ptv, cnn, tv5 samin kaya nasa "air mode" sila.
  • Bakit kaya biglang nawawala ang mga GMA Channels sa TV Plus ko? Nangyayari tuloy araw araw ako nag re scan kasi pag ini off na ang tv plus, pag binuksan kinabukasan need na naman i re scan kasi wala yung 4 GMA Channels. May naka experience na ba sa inyo ng ganito mga tv plus users?
  • Pag may tv ka na ganito (naka ISDB-T) no need na ang affordabox, tvplus or any digital box kasi kuha na nya yung mga naka digital na channels sa Pilipinas.


    -- edited by jildine24 on Sep 11 2020, 10:03 PM
  • Paano maglagay ng subtitle sa GMA AFFORDABOX

  • ABS-CBN magbabalik na sa free tv

  • Nasa digital tv na rin ba yan, sa balita sabi sa analog broadcast pa lang ang A2Z?
  • ^Yes. Manual search ko 509.139mhz frequency sa TV Plus for ZOE TV . Although color bars pa lang now baka tmrw pa may palabas when ABS CBN shows officially launch on A2Z




    -- edited by musicgeek on Oct 09 2020, 01:28 PM
  • ^ hindi ko masagap yan A2Z channel sa blackbox kahit manual search sa frequency walang nalabas, meron na ba senyo?
  • Color bars lang sa akin. Using EasyTV.
  • parang dyan lang sa Metro Manila and nearby province lang merong A2Z.

    sinubukan ko hanapin yung A2Z pero wala lumalabas kahit color bars.
  • wala talaga hindi ko masagap yan A2Z channel, baka selected area lang sya pwede
  • Can't detect the A2Z signal, and I'm in Metro Manila. :O
  • ^Nasagap ko lang kahapon sa 509.139mhz frequency kaso nawala na din today pati color bars. Im from Paranaque btw. May nabasa ako na may plan na ibroadcast digitally yan A2Z pero wala pa official announcement. In the meantime tiyaga muna sa analog broadcast, pwede daw irekta tvplus antenna sa TV.
  • ^ weak signal pa A2Z, south area din ako wala talaga masapag sayang naman



  • Cablelink (analog) yan, manually scanned and found it sa pinakadulong channel. Grainy at may pagka blurred compared with Kapamilya Channel.



  • Hindi pa daw talaga available A2Z sa dtv. "False signal" lang yata nasagap natin the other day




    A2Z Channel 11 magiging Available sa Digital, kapag na aprubahan na kanilang permit

    BryanC25 6 October 9, 2020 10:23 AM

    Nakarating sa aming Kampo na sa kasalukuyan ay may naka pending na Application for Digital Broadcasting ang ZOE TV para sa iba pang channels nito.

    Sa ngayon ay sa Analog TV pa lamang ito mapapanood sa Metro Manila at ilang kalapit na lugar sa pamamagitan ng traditional Antennas.

    Sa kasalukuyan kasi ay mayroong Light TV si Zoe Broadcasting na syang approved na for Digital Broadcast kaya naman nasasagap ito ng mga Digital Boxes partikular na ng ABS-CBN TV Plus.

    Maihahalintulad ito sa pag usbong dati ng ilan pang Digital Channels ng ABS-CBN kagaya ng Movie Central, Asianovela Channel, Jeepney TV at iba pa.

    Matapos silang makakuha ng Approved Permit ay tsaka pa lamang sila inilabas ng ABS-CBN sa kanilang TV Plus Digital Box.

    Sa oras na ma aprubahan na ang naka pending Application na ito ng ZOE Broadcasting ay sya pa lang na magiging available ang A2Z Channel sa Digital Boxes.

    Ngunit kagaya ng sa Analog Broadcast, ay mag re rely pa rin ang lahat sa kapasidad ng ZOE Broadcasting. Hindi kasi kagaya ng ABS-CBN Broadcasting na may mga kagamitan para sa Digital Broadcasting, ang ZOE ay may limitadong pasilidad pa lamang para dito.

    Hindi maaaring gamitin ng ABS-CBN ang kanilang pasilidad ayon sa sources upang ipahiram sa ZOE Broadcasting unless may pahintulot ito ng Gobyerno, na sigurado namang alam na nating lahat ang maaaring kasagutan dito.




    <click here for link>

    -- edited by musicgeek on Oct 11 2020, 01:05 AM
  • curious lang ako. sa dami ng transmitter ng abs-cbn na nakatengga na lang. pwede kayang iparenta niya sa zoe ang mga transmitter at si zoe naman ipaparenta ang airtime sa abs-cbn? pwede kaya ang ganitong setup?
  • ^
    Hindi maaaring gamitin ng ABS-CBN ang kanilang pasilidad ayon sa sources upang ipahiram sa ZOE Broadcasting unless may pahintulot ito ng Gobyerno, na sigurado namang alam na nating lahat ang maaaring kasagutan dito.
    <click here for link>
  • aww!! sabi na eh... MM and nearby province lang yung A2Z.

    mapadigital or analog channels kasi hindi masagap dito sa Pangasinan eh. sana maayos na ng ABS yung case nila or mapalakas ng ZOE ang signals nila (better kung may digi channels sila).
    kakaumay din pag panay GMA lang nakikita sa TV. lol