Forum Topic

Kapisanan ng mga Web Developer na nagtatrabaho lamang sa Bahay (Homebased Web Developer)

  • mga sir magkano ba magpagawa ng custom wordpress theme?
  • May tanong ako guys. Sa first job ko kasi ay wala kaming source control system, kaya for backups ng code and database ay nagkekeep nalang kami ng local copy namin sa computer at sa flashdrive. Before ako magresign sa dating kong company ay binura ko yung copy ko ng database sa aking flashdrive at computer since napaka laki ng kinakaing space at baka ma punta din ako sa legal trouble. Then one time ay nagkita ulit kami ng dati kong katrabaho at nabanggit niya na nasa kanya pa yung copy ng production database nung company. Sabi ko sa kanya ay dapat niyang tanggalin iyun kasi baka mademenda siya nung dati naming company, pero sabi niya ay okay lang daw na ikeep iyun kasi siya naman yung nagdesign nung DB.

    Feeling ko guys unethical ito eh, kasi unang una ay binayaran tayo nung company at resource nila ang ginamit natin kaya bawal naming ikeep yung production DB. Medyo nagkaroon kami ng heated debate, Suspetya ko ay gagamitin nya ito para kumita siya. Tanong ko lang, posible ba na maibenta niya yung DB sa competitor nung company namin? I mean nanduon kasi yung listahan ng supplier at costumer nung company. Isa kasing malaking IT distributor ng computer hardware yung dati namin company.

    Iniisip ko baka kasi mapagbintangan din ako nanagbenta ng DB kahit na matagal ko nang binura iyun sa flashdrive ko.
  • ^normally bawal yun, pero kung wala naman sa contrata na bawal, safe sya. fault ng company na hindi nag lagay ng clause for intellectual properties.

    hayaan mo na sya buhay nya naman yan. basta yung sayo, idelete mo na at kalimutan mo na.
  • good day guys tanung ko lang kung anu ang maisusuggest nyo na magandang web hosting na hindi naman ganun kamahal ang presyo.

    thanks in advance.
  • @kortopi
    crazydomains.ph
  • Nakakafrustrate ang WPF, yung simpleng pag iincrease lang height ng isang components eh halos inabot ako ng isang araw. Hindi siya simpleng "Height = 80" lang, as in kailangang mong imodify at icopy yung buong template nung controls sa project mo para lang mamodify mo yung height.

    Kung job market ang pag-uusapan, hindi naman indemand ang WPF, infact may mga articles nga na nagsasabi na mukang dead technology na ang WPF. Naka 2 projects na ako sa WPF, sana pala ay sa web dev nalang ako nagfocus.

    Sana pala sa web ko nalang ginawa yung projects na iyun, at least na-improve ko pa yung skills ko sa web. Powerful ang WPF, pero hindi naman ito nirequest ng client. At hindi din naman nito maaapektuhan ang performance at usability ng system kahit na sa winforms ko ginawa.

    Feeling ko nagsayang lang ako ng skills, hindi naman siya indemand kaya hindi ko din magagamit sa trabaho(company). Well anyway, ang point ko lang ay dapat pala naging pragmatic ako, dapat ginamit ko nalang yung well know technology kaysa sa rare technology dahil sa kagustohan kong maging "edgy". O baka naman na burnout lang ako.

    Sorry for my post.

    -- edited by about_us on Nov 25 2017, 09:26 PM
  • ^WPF is Wordpress ba yan sir? If yes, ano ibig sabihin ng F?
  • ^
    ^
    ^
    Ay hindi po, bale Windows Presentation Foundation po siya, hindi siya related sa web, bale desktop technology po siya ng microsoft. Pinost ko lang yung rant ko dahil frustrated lang ako. Although home based ako ngayun kaya pasok parin siguro yung rant ko sa topic na ito.

    May follow up question po ako sir. Yung next project ko kasi is I believe dapat web based siya (ASP.Net). Bale ganito po ang gusto ng client. Kailangan niya ng inventory system, pero yung mga user ng system ay magkakaiba ng location physical, so meaning magkakaiba sila ng network. Ano pong magandang diskarte duon? Eto yung naiisip kong approach.

    1. kumuha ng murang hosting para duon ideploy ang system.
    2. kumuha ng static IP at sa main office nalang nila ihost ang system.

    anong magandang approach mga sir? Pasensya na, first time ko kasing mag freelance

    -- edited by about_us on Nov 25 2017, 10:35 PM
  • @about_us- advice ko sir kuha kayo ng Public IP.then sa main office nyo ihost and system or kung san nkalagay ung Database server. Opinion lng po.

    -- edited by mervz22 on Nov 27 2017, 02:33 PM
  • Introduce ko po konti kong kaalam sa programming mga sir. Java developer since 2003 ako. and now wed app developer using pure java. Mukhang karamihan e mga .net dev sana pwede ako makisali sa discussion at magbahagi ng konti kong nalalaman.

    cheers.
  • hi guys, magkano po sa ngayon ang pinakamurang register ng domain? At saan po maganda?
  • @kortopi

    sa crazydomain 45php lang
  • mga sir. question.

    magkano presyohan ng wordpress website with homepage and maybe another 2 or 3 pages?

    kasama na domain set up, etc etc.
  • Hi guys/masters

    I am planning to look for job related to Android Dev, are there any Android devs here? How was your career? I also wanted to learn web dev but I have yet to start my training on it.

    Ano po ba yung mga best company to apply for Android dev? I just wanted to expand the list that I have to include companies that does Android apps.

    Thank you po!
  • @PcCowboy02

    Kung template design yan, mga 20k pwede na.
  • Mga boss baka may makatulong sakin. Meron kasi ako Centos 7 VPS na may kasama na CPanel at WHM. Ang problema ung doc root ng PHP at Apache naka default sa /home/user/public_html. Nagkakaproblema ung routes nung PHP framework ko, di ko kasi gamay CPanel at WHM mas sanay ako dun sa pagconfigure ng server manually sa terminal. Nagsearch na ako sa Google pero di ko pa din mapagana na ilipat ung doc root ni Apache at PHP sa /var/www/html. Baka matulungan nyo ako, thanks.
  • hi, mayron ba kayo php server side script na pag android chrome yung nagbrowse ng page automstic na basahin nya cellphone number at isave sa database sa mysql? tapos magsend ng sms na welcome to our site!
  • guys i don't know if this is the right thread, any help will be appreciated.

    I need to know or someone who can help me develop an app like grab and uber.
  • Guys patulong naman mag presyo ng system first time ko kasi magfreelance..wala lang akong idea kung magkano..magkano ba pinakasimple? Windows form c# language..Company nagpapagawa hindi pang thesis..at pano ba gumawa ng quotation?
  • hi, para sa wordpress experts, kaya nyo ba gumawa ng ganitong website in just 1 day? <click here for link> ? wordpress divi gamit
  • @gardner, dapat sundin mo yung software fevelopment cycle, tapos bawst stage msy timelines at corresponding payment bseat stage st tuwing mstapos ang isabg stage, dun ka maningil
  • Good day! Baka maaari pong humingi ng tulong regarding fees... I was asked to develop an inventory system (i'll be using vb.net) and their website.. Hindi ko po alam kung paano ko pepresyuhan. Pa help naman po! Salamat and God bless!
  • Hi guys, ano po gamit nyong responsiveness checker ngayon for web development? medyo outdated na ako :(
  • Hi guys..I am looking php web developer who can help me to enhance my project. I need to fix some issues and bugs and enhance like SMS notifications and generate reports into pdf. Please send me PM. Thanks
  • hi, na encounter nyo ns ba yung javascript na pag irun napypunta sa endless loop pero pag iopen sa separate window ok naman, naka ubos ako 2hrs kakatrace yun pala ok at walang problem.
  • @minereth

    Have you check the console on the inspect element built in sa browsers and found issues?
    Diyan mo mostly makikita issues ng js and most probably andoon ang problem ng loop problem mo.
    Minsan naman it is just an issue with the hierarchy of js, may mga iba na nag-coconflict with others pag nasa taas or nauna siyang ilagay.
    Just my thoughts..
  • yung control-shit-j gamit ko, pero di ko sya mapalabas kase busy yung browser.
  • Hi guys., meron akong tanong, bali backoffice kase ang work ko web php programmer. ngayon kase nag request yung manager namin na mag homebase nalang ako para matutukan ko ng maayos yung website namin, nahirapan din kase ako mag byahe andami kong lates ang layo ko sa office saka mga issue sa mga katrabaho 3years nadin ako sa kompanya, ngayon paano ang magandang rate sa akin? i mean paano nila ako irarate since hindi na ako nag titime-in sa office? or by project nalang ang bayad sakin hindi na kada kinsenas? wala pa kase ako idea, since bago palang ako mag hohomebase kung sakali.
  • @22pises

    For me, dapat same rate parin dapat.
    Same benefits and all.
    Time, same time at dapat OL ka lagi on the said time.
    Time in and out the same parin.
    Mas makakatipid pa nga company niyo kasi less na gagamit ng kuryente sa opis.
    Just be sure na magawa mo agad and on time mga trabaho.
  • @ailanjezreel

    bali suggestion palang to ng manager namin, at i papa-aprove pa sa boss, dalawa lang kase programmer ako dito sa pilipinas yung isa yung nag hahandle ng hosting sa ibang bansa, bali ako lang lahat ang gumagawa ng programming work dito, since wala pa akong kapalit at matapos lang ng madali yung last project kaya naisip ng manager namin, iyan nalang din ang sasabihin ko sa boss na rate thanks sir sa idea.