Forum Topic

Konzert Products Discussion Thread (No Trading Pls.)

  • Na-curious ako kung ano pa magagawa ng subwoofer sa current setup ko na 1pair of 650w speakers and 1pair 500w speakers. Bili ako ng konzert ks15, nagulat ako sa laki! Hhehe. Ganda ng yanig, kaya nya I-over power yung ibang speaker parang halos puro bass! Hehe.
  • I have two Pioneer Speakers 150 w each (left and right) with 6 ohms, ano po ang compatible na amplifier para doon?
  • magpapasko na naman, ano po kayang magandang mic ung nasa around 1k po? May nakita ako mic ng Konzert kaso d rin ako sure sa quality. Ung mic kc na gamit ko eh ung Hyundai Platinum DM-8000 ung mumurahin lng na tig 400php kaya d satisfied hehehe.
  • gamit ko daichi us-audio nasa 1k, maayos naman.
  • Mga masters patulong naman po. Yung 2 microphone ko bigla na lang ayaw gumana sa Konzert AV-502A ko. Sony at Yamaha ang brand ng microphone ko at maingat naman ako sa gamit. Sa tingin ko po hindi naman sira yung mic ko, although hindi ko pa na try gamitin sa ibang amplifier.

    Hindi kaya sira na yung mic input ng konzert ko?
  • HISONIC HS8287HH yan maganda review nyan wireless dual mic
  • mga master sino po dito nakabili na ng:

    Konzert SBx-2x4 2.1CH Soundbar Speaker System

    DTS na po ba ito?ok ba sounds sa movies?

    thanks!!!
  • Hi guys ano ba magandang gamiting bluetooth receiver na ikabit sa amp para makapag play ng music from smartphone? ok na ba yung nabibiling worth 300 online? TIA!
  • musta po ang performance ng Konzert 602R+? ito sana ang first choice ko kaso nakita ko yung sakura 389UB 5.1 channel with blue tooth/AM/FM USB/SD port 450 watts. alin po kaya mas OK sa dalawa?
  • Mga masters patulong naman po. Yung 2 microphone ko bigla na lang ayaw gumana sa Konzert AV-502A ko. Sony at Yamaha ang brand ng microphone ko at maingat naman ako sa gamit. Sa tingin ko po hindi naman sira yung mic ko, although hindi ko pa na try gamitin sa ibang amplifier.

    Update lang po. Now yung Mic level at echo level fixed na lang sya at di nababago sound kahit pihitin. Tapos yung Bass, Treble, Balance ay gumagana pa pero parang mahina yung changes niya. ex: pag tinodo ko yung bass ay lumalakas siya pero di katulad ng dati. Maayos pa kaya ito? Bihira ko naman gamitin ito at maingat ako sa gamit
  • Update lang po. Now yung Mic level at echo level fixed na lang sya at di nababago sound kahit pihitin. Tapos yung Bass, Treble, Balance ay gumagana pa pero parang mahina yung changes niya. ex: pag tinodo ko yung bass ay lumalakas siya pero di katulad ng dati. Maayos pa kaya ito? Bihira ko naman gamitin ito at maingat ako sa gamit


    Palitin na mga potentiometer nyang mga yan. 25php lang bawat isa nyan. try mo na din yung Balance mo kung nag left/right pa.
  • okay na po ba ang quality nung konzert 2.1 bluetooth.... bibilhin ko sana kanina pero tanong ko lang dito muna. Thank you!
  • Hello guys. Patulong naman mga masters. Ano kaya ang magandang subwoofer na ikabit sa Konzert AV 502A? Papaano ang setup? Sa amplifier ko rin ba ikakabit yung additional speakers o sa subwoofer? TIA.
  • @dabski
    anu ba speaker mo ngayon? kung magdagdag ka sub then go for active sub, meron si crown at konzert, depende sa size na gusto mo.
  • Saamat @frequency. Balak ko bumili ng 12" na Konzert Active Sub. Tama ba na Yung speaker out ng amplifier ang ikakabit ko sa input ng subwoofer?
  • mga sirs ano po ba ma re recommend ninyo na 2.1 speaker set up ng konzert purpose po ay movies and music

    sa kwarto lang ilalagay
  • @dab
    check mo yung super bass na output sa likod, then input sa sub.
  • Saamat ulit @frequency.
  • Hi guys,

    baka pede makahingi ng suggestions and recommendations niyo for budget conscious na pang bahay lang gagamitin and for videoke lang.