@alexis
Congrats!
Madaming factors ang icoconsider kung anong BPM ang sisimulan:
- Crowd (active na ba mga crowd? If oo, mukhang kelangan mo ng banger na 85 or akyat ka na sa 128++)
- Dami ng materials/bala
- Type ng club (baka house/club music hanap nila)
- Time ng program (opener ka ba? ok lang kung oo. otherwise, continue reading)
- May naunang DJ (ikaw ba ang kasunod niya? kung oo, mas recommended kung mag-usap kayo kung anong huling BPM niya, sabayan mo yun para swabe)
- Yan ba safe zone? Comfortable ka ba sa BPM na yan? Yan ba trip mo? Yan din ba trip ng crowd?
- change BPM every once in a while. pantanggal umay.
- Most importantly, nag-eenjoy ba kayo (ikaw at crowd) sa BPM na yan?
Mix,
parang sa bahay lang din ako pag nagpapatugtog.. hindi iisang bmp ginagamit ko.. halo halo eh..
more on house sila dito na relaxing lang... hindi yung maingay... yung parang bass lang yung beat pero yung kanta normal lang... pero ang gusto ko talaga yung mga bagong rnb.. kaso yung boss ko lagi ako sinasabihan na naririnig na nya mga playlist ko sa mga sikat na bar dito..haha!
Deep House or Future Bass yung genre na hanap niyo ata. Lounge music siya. Actually, madali yang i-mix. Pero ang trick diyan is Harmonic Mixing para mas enjoy at maging challenging. Kung marunong kang mag-gitara or alam mo yung chords, then pwede ka namin turuan ng next level mixing. :)
siguro kung may mairecommend ka na playlist, idownload ko nalang... saka na ako mag mix kung bihasa na ako.. nagagandahan kasi sila sa ganyan genre.. pang sunset daw.. may pinuntahan kasi silang bar na ganyan yung beat ng kanta... yung pwede makipag usap tapos patango tango nalang na sumasabay sa beat.. so yun, relaxing daw...
syempre almost 4-6hrs din ako nag peplay ng music.. start kasi ako ng 5 or 6pm.. and ends at around 11 or 12midnyt.. minsan isang set ng reggae, isang set ng twerking shit rnb music..
Anong kasunod? Dipende sa crowd. If tipong party peeps, then bangers na. If mga couples or professionals, then mga chill pa din. Dapat lang nakasegregate na mga genres sa computer folders. :)
Laruin mo na yung BPM at pwede mo na isabay ang dalawang tracks sa ganyang genre.
Check mo mga remixer sa channel ni revillz. Then hanapin mo sa ibang website. :)
noob inquiry lang po. Pwede ba maextract yung instrumental na gamit sa isang remix music tulad ng videos na nasa youtube? may nagustuhan kasi akong beat at gagamitin sana sa future music videos. Pwede po kaya yun? Copyright issues?
@arkyn
Yung copyright, dipende sa source ng audio if nasa creative commons yung rights pwede siya gamitin. Otherwise, need natin bumili ng copy to avoid infringement.
Di ko makita yung video. Blocked dito sa opis so di ko ma-identify kung ano yung song.
Extract? Pwede naman kaso ang usual na issue sa youtube extraction eh mababa ang quality. I would suggest na kunin ang title niya and get it from another source.
hello pasali. question lang, malaki ba difference ng ddj-sx sa ddjsx2? di ko po alam kung ito yun tamang forum
pero thank you in advance sa sagot :)
and ok lang ba as a beginner yan na agad bilin ko? mas magastos ata kse pag upgrade ng upgrade hehe. gusto ko yung matagal ko na sya magagamit. thanks po