Forum Topic

Gaming console rental PS3 and Xbox360

  • @bayona009

    Salamat sir. Meron kaming SFV pero isang kopya pa lang dahil wala pa masyadong demand pero kagabi may pumunta nagtatanong kung okay lang ba maingay at kung may SFV. Nakakuha na ako ulit ng lima pang controller tapos may dadating na Naruto, WWE, at isa pang Black Ops III mamaya. May mga nagtatanong na din ng Tekken 7 pero wala pa din kasi sa PS4 nun.

    Eto na pala siya ngayon...




    [img][/img]

    -- edited by jsnepo on Mar 11 2016, 11:28 AM

    -- edited by jsnepo on Jun 04 2017, 07:35 PM
  • ^ pano control mo para hindi nila maiuwi/maibulsa yung controller?

    tsaka hindi ba lugi since mas mabilis ang wear and tear nung mga controllers? mahal pa naman ang controller ng ps4.

    kumusta sales? makakabawi ba sa renta, kuryente at psweldo?
  • @aouieboy

    Kasama sa accruals namin ang mga controller. Responsibilidad ng naglalaro yung controller. They give it to me once they are done playing... kasama nung bayad. Two controllers lang per unit ang pwedeng gamitin.

    Break even na kami sa renta, kuryente, at Internet. Wala kaming tao, kami kami lang minsan ng bayaw ko, asawa ko, pinsan nila at mga katropa nila.
  • @jsnepo ganda ng set up mo sir. ganyan din balak ko business pag uwe problema ko na lang location. kaka inspire yang setup mo, more pics pa hehehe
  • @pherrr

    Thanks sir. Mahirap talaga maghanap ng location. Mahirap sa mall eh.
  • @jsnepo
    Uyy.. Mukang dumadame suki mo sir ah... May mukang mga kano p hehe.. Pinaka malaro ba NBA o black ops 3? May fb page ba kayo sir?
  • @bayona009

    Medyo sir pero wala pa din kami sa daily target but we're half way through it. May mga foreigner akong regulars. At first they played FIFA then when I got more copies of Black Ops III, I set them up for LAN parties. They then discovered that they can cooperatively play Diablo III so that's what they play now. Some of them even played for six hours straight.

    May FB page kami. Feel free to check it. <click here for link>

    -- edited by jsnepo on Mar 20 2016, 02:20 AM
  • @jsnepo
    Musta sir? Nakita ko na fb page nyo, pag may kilala ako gusto mag ps4 sasabihin ko shop nyo hehe. Saka sir ps4 player k din ba?
  • @bayona009

    Humina sir last week. Walang tao dahil Holy Week pero bumawi kahapon dahil may bomb threat daw sa Ateneo.

    Salamat sa pag-refer sir. Naglalaro din ako sa PS4 pero madalas nasa PC ako. Sa bahay naman, PS3 ang gamit ko. Medyo madami din backlog. Hahaha!
  • @jsnepo
    Ah my tumal pala pag holy week,, ah mahirap nga dude pag marame backlog ako nga ps1 ps2 ps3 GameCube Wii Xbox Xbox 360 di pa ksama mga handheld consoles at pc super backlog ako hahaha.. Baka ilang years pa bago malaro lahat dadagdag pa ps4 this year hehe. Musta nga pla shop nyo? Vacation na yata ng mga student.
  • @bayona009

    Sir, bumawi ang shop ko ngayong April. =)

    Sa ngayon pinakamalakas pa din ang NBA tapos Call of Duty at FIFA. Dumadami na din ang naglalaro ng UFC, WWE, Naruto, at Diablo III.
  • @jsnepo
    Uyy musta tread na to? Musta na shop mo dude?
  • @bayona009

    I'm getting higher hours per day now compared to April. Partida na din dahil bakasyon na. Weekends are still okay, not as big as the weekdays especially Tuesday and Friday which have the highest hours we get each week.

    Still the biggest games are NBA 2K16, FIFA 16, and Black Ops III. We added Uncharted 4 to our list of games and we're anticipating the release of Infinite Warfare and NBA 2K17 later this year.

    -- edited by jsnepo on May 14 2016, 04:56 PM
  • @jsnepo
    Ayos yan dude... up this thread... Sana lumakas pa lalo shop mo, my mga plan na ba for tournaments?
  • @bayona009

    Meron kaming incoming tournament. Wala pang date. Inaayos pa lang namin.
  • Sir jsnepo hanggang 9pm lang kayo?

    Sayang we usually play after work, like mga 10pm-1am. I guess your main market are students though!
  • @sykotik

    9PM po kapag walang tao. Kapag may tao, tuloy lang po kaming bukas. We even extend even beyond 12MN.
  • Thanks jsnepo. Maybe I'll give you guys a call first before we decide to drop by on late evenings.
  • @sykotik

    Yup. Feel free to give us a call. Our number is on our FB page. Thanks.
  • sir, na inspire ako sa business mo. hehe. mukhang ok ito atleast hilig ko din naman if ever papasukin ko ito.. ask ko lang sir if panu pag same game lang lalaruin ng 2 customer? or pag nabili ka ng game 2 disc agad??

    pede po ba yung isang psn account nalang para kahit same sila ng game na lalaruin sa HDD nalang i aacess??

    naglagay po ba kayo ng aircon? -sensya na interested lang po talaga. ;)
  • Yung games kasi depende sa demand kami kumuha. Nung nag-start kami di ko alam kung ano pang bebentang laro, maliban na sa NBA siyempre. Napagalaman namin na malakas din ang FIFA kaya kumuha na din kami.
  • Magkano per hour sir?
    Layo lang talaga
  • Kurt, check our FB page. :D
  • Sir, ask ko lang kung magkano rent per hour... pano nacocontrol para di mawala or maiuwi yung games o controller... balak ko kasi mag tayo ng ganitong business dito sa cavite...
  • Good day sir. Kamusta sir business?
    Going good pa dn ba sir?
  • Okay naman. Dumadami ang tao.
  • Mga sir/mam. Ano po FB page niyo? I am thinking po kasi na mag open ng business na ganito since gamer din ako particularly sa PS4 or Xbox One. Ask ko lng po? bentang benta pa po ba ang xbox 360/ps3 nowadays sa mga customers? pa help nman po..thank you