Forum Topic

fun run fanatics

  • musta blesspow ang 10K sa 7-11? maganda daw ang review
  • @isleeve_PH

    Okay na okay yung RUN 800. Para saken sobrang sulit ng RUN na yun.

    Pagdating dun sa assembly are is malawak na mahabang street sya sa Asiana kasi eh. Nakapila na kaagad dun yung mga booth ng sponsors. May mga bukas na din at namimigay ng mga sample products nila kahit 4am nun like booth ng gatorade medium size na gulf pero gatorade nakalagay take note puno yun. Walang pila so unlimited sya. Which is good kasi bago ka tumakbo pwede ka na uminom kaagad or mag stock, maglagay sa bote or sa hydration bag. Then nandun din yung extra joss mga kape and chocolate drinks. Yun nga lang puro drinks pa. Okay na okay yun kasi sa ibang fun run pagkatapos pa lang ng takbo tsaka nagbubukas ng booth yung mga sponsors eh.

    Yung baggage area naman is okay naman din, maraming naka asign kasi naka depende sila sa BIB number hindi sa per category.

    Then yung starting line is 400m away pa from the assembly area and stage. Kaya medyo may mga nalate din na 21k which is unang mag start kasi di rinig yung nagsasalita sa starting line dun sa assembly area. Pero okay din yun kasi sarap mag warm up. Then sa starting line may mga bouncer na kaagad para yung mga papapasukin lang nila is yung mga nasa tamang category lang.

    Okay din yung mga portable toilet nila. Mabango at laging nililinis.


    In terms of route okay na okay yung route nya kasi unang subok nila dun. Medyo nakakasawa na rin kasi kung puro MOA, BGC, CCP or UP eh. May mga part na madilim yung daan pero minimal lang. Then may mga mababaho rin like yung sa may tulay, kasi amoy canal eh. Pero mas marami yung magaganda yung daan. In terms of hydration is napakaraming hydration stations halos dikit dikit nga lang kasi nga dame sponsors ng 7-11 eh. Pocari Sweat and Powerade yung naka assign sa hydration. Pero pag pabalik na kailangan pa tumawid dun sa track ng papunta pa lang kasi nandun lang sa side na yun yung mga hydration. And tinanong ko yung kasama ko sa 21k wala daw banana sa daan. Hehehe. Marami rin mga martials sa daan and mga nag gaguide.

    Then pagkatapos ng race makukuha kaagad yung pocari sweat and loot bag may laman na finisher shirt slurpy tumbler na batman at isang saging. Then pagbalik sa assembly area meron dun free massage booth sponsored by salonpas yata(di ko sure). Sulit lahat ng sponsors kasi unlimited kuha and mabilis yung pila. Like sa Unli bottled coke, unli Mr. Donut, unli gardenia pandesal, unli Monster Energy, unli pocari sweat, unli royal tru lemon, unli fit and right, unli gatorade, unli powerade, unli magnolia ice cream, unli lollipop. Kaya halos lahat ng tapo puno yung loot bag at yung may mga dalang bag na malaki at plastic eh yun ang sobrang nasulit kasi kahit ilan talaga pwede mo kunin.

    Ayun okay naman sya.

    haba ng review ko ehehe. pasensya po.
  • siguro they made up for it kasi na postponed na ng ilang beses pero based sa review mo sulit nga talaga since marami ng freebies at importante sa lahat is ok yung hydration. Halos ata ng sample natikman mo na blesspow at ok yan para matuloy2 tong thread natin since kkonti lang naman tayo kaya kahit mahaba man at least nag effort ka mag share ng iyong experience!
  • Red Cross Million Volunteer Run
    Feb. 10, 2013

    sinama ako nung friend ko... okay ba ito? parang sobra dami tao kasi sa picture [2012], parang hindi kna makakatakbo...hehe
  • @isleeve_PH

    Yung mga chocolate drinks at mga kape di ko tinikman. Puro maasim kasi yung mga drinks like gatorade eh. Pero sobrang dame talaga na freebies. Unli donut talaga. Naka 5 yata ako na kain tapos nakauwi ako ng mga 4. Halos lahay yata ng tao dun halos di na madala yung loot bag kasi puro bottled drinks eh. Hehe. Yung iba humingi pa ng box para lagay yung ice cream on stick na selecta kahit ilan din kasi yung makuha dun eh. Sana sa next year ganun ulet. Sasali ulet ako.

    @airnolds

    Nakita ko din yan sa mga LRT stations may mga ganyan. Sa picture lang siguro madameng tao. Heheh. Ewan ko lang sa event mismo. Konti lang kasi yata yung major sponsors dyan. Pero okay yan. Kasi mura at sure na di ka mapapahamak. Kasi puro mga taga RED CROSS ba naman yung mga tao e. Hehehe
  • @airnolds, tama si sir blesspow sali lang kayo sakali maraming tao iwasan niyo na lang like milo yun nga sa sobrang dami talaga ng tao yung event na yun lalo na sa 5k category. Anyhow at least naka tulong naman kayo sakali sa red cross.

    @blesspow, grabe wala pa akong nasalihan na ganyan ka generous well the most na yung unilab nasalihan ko nung 2010 pero unlike yours sa dami ng take-out at freebies sulit talaga. Alam ko pag sulit talaga yung slimmer runs at yung robinsons buddy run, umaapaw sa groceries yun.
  • @bless

    sa website nila madami tao [2012].. andun din si boss Dick Gordon...hope i get to see him in person! :)

    @isleeve

    true, takbo lang ng takbo!


    Planning to buy a Runners Belt Bag... meron na ba sa 500php budget? coz i need to keep my car keys with me during the run... hehe
  • Mahal pala yung sa RED CROSS. Hehehe.
  • @airnolds I've sent a PM regarding sa race belt.

    @blesspow, yeah for a good cause naman since sa red cross naman mapupunta sakali.
  • kaya ba ng isang begginer ang 10k on the spot no training?
  • @prepix

    wag sir, mahirap yan..... ako nga dati nag-gym/treadmill/jumprope regularly... then stopped for a few months...

    Then binigla ko 5k, hingal ako after... tapos sobra sakit legs ko kinabukasan....hehe...

    although feel ko hindi mo rin matatapos ung 10k if hindi ka conditioned even if you try your best... assuming na most of the time tatakbo ka ah... baka naman lakarin mo 10k...haha

    @isleeve

    Got it bro! , check ko sa bahay mamaya!
  • @prepix, tama si sir airnolds well sa tingin mo your built for running nung school years siguro kaya yun. Pero if hindi ka pa nag try tumakbo for sure injury at pagod lang mapapala mo.
  • check this out guys. diet for runners!

    http://www.garagesalecow.com/blog/post/Family-Activities/Dieting-for-Runners.aspx
  • mga ka TPC support nyo po ang event namen.. sa March 16, 2013 at Valenzuela City. for more info on this Fun Run Event visit www.runforchrist.info pwede na rin kayo mag register online jan. pa like narin po ng FB page namen www.fb.com/RunClosertoChrist for updates. for more info pwede nyo ko macontact 0923-5990060

    -- edited by jmx22banned on Feb 23 2013, 02:17 PM
  • kamusta na mga tpc runners? sinong naghahanda para sa ironman2013? taas paa! :)
  • wow ikaw na sir twitch_24, I dont know how to bike. I've joined the relay event last year sa Mactan as runner. Well I wouldn't want to try it again if it is not an all expense paid ... LOL! Good luck on your training!
  • buti na lang nakita ko tong forum na to as i have some questions, anyone using a suunto quest running pack or soleus 3.0 w/ hrm? anong mas maganda?

    tsaka anong maganda na running short at shirts, hindi naman kelangan na branded, yung sulit e ok na. any online store?
  • @armerc, i hope may makasagot niyan sa watch mo cause I'm using Garmin Forerunner 405 with HRM.

    Yung sa running shirt and shorts try equipe, wala naman silang online store. Pero if you plan to buy online make sure kasya yun sizes niyo last time binili ko from nikestore.com akala ko same lang sila ng size pag L pala ang laki talaga. Nanghinayang ako sa isa Livestrong shirt since I can't use it, sobrang luwag at laki na sa akin.
  • Mga masters pasuggest naman ng magandang device na pangsukat ng distance, kahit wala na yung mga calorie count etc. gusto ko kasi magtry mag 10k. Every run ko 30 mins straight ako jog kaya gusto ko malaman gaano kalayo natatakbo ko, in prep na rin sa pagsali ko sa 10k

    Anong bang maganda for beginner? Soleus one? May mga pedometer ba accurate din? Ayaw ko ng app kasi hassle kung ilalabas ko pa yung phone to check.
    Planning to buy this fri. Sana may sumagot thanks!
  • Mga masters pasuggest naman ng magandang device na pangsukat ng distance, kahit wala na yung mga calorie count etc. gusto ko kasi magtry mag 10k. Every run ko 30 mins straight ako jog kaya gusto ko malaman gaano kalayo natatakbo ko, in prep na rin sa pagsali ko sa 10k

    Anong bang maganda for beginner? Soleus one? May mga pedometer ba accurate din? Ayaw ko ng app kasi hassle kung ilalabas ko pa yung phone to check.
    Planning to buy this fri. Sana may sumagot thanks!
  • Mga masters pasuggest naman ng magandang device na pangsukat ng distance, kahit wala na yung mga calorie count etc. gusto ko kasi magtry mag 10k. Every run ko 30 mins straight ako jog kaya gusto ko malaman gaano kalayo natatakbo ko, in prep na rin sa pagsali ko sa 10k

    Anong bang maganda for beginner? Soleus one? May mga pedometer ba accurate din? Ayaw ko ng app kasi hassle kung ilalabas ko pa yung phone to check.
    Planning to buy this fri. Sana may sumagot thanks!


    gamit ko Garmin ForeRunner 25.
    may GPS, pedometer, atbp.
  • any events for 2022? need ng goals para balik training.

    closed na siguro ang Standard Charter race. Kahit start muna sa 3k or 5k then gradual na from there.