Forum Topic

IT Helpdesk as stepping stone for SysAd / Network Engineer ?

  • ayun salamat atleast medyo nagka idea ako sa gagawin kong path depende sa tanong ni magnetic , additional question ko lang mga boss kung magsisimula ba ako sa IT field ok lang ba kumuha ng mga vocational sa TESDA? baka kasi hindi counted yun sa mga company dito sa pinas. Balak ko sana kumuha ng computer hardware servicing kasi iba yung natapos ko pagkatapos nun mag work as a pc technician then kuha ng mga certificates para advancement.
  • @boybugs18

    Ok rin sa TESDA. Kumuha rin ako ng TESDA classes after ko nag high school, during vacation going to college. At kung sakali man hindi siya counted sa HR, ang importante yung internal knowledge mo, masarap sa pakiramdam na may nalaman ka na bago. Marami ako nakasama sa trabaho from my first year of work hanggang ngayon(10 years na), hindi man lang marunong mag reformant ng sariling PC.
  • @eskulit
    grabe naman yung di marunong magreformat sir esku hehe buti nalang medyo marunong ako mag reformat ako nalang nag rereformat ng laptop ngayon . ano nga po pala work mo sir eskulit?
  • @boybugs18
    oo bossing, meron mga ganun "IT People". Hindi marunong mag-assemble ng PC, mag-reformat etc. Ang dahilan, kasi nga naman hindi daw itinuturo sa Bachelor's Course. Usually kasi sa Technical(2 years), TechVoc or self-learned yun. Sa ngayon, tawagin mo nalang ang position ko na "Puppeteer" hehe. More on automation yan sa mga linux/unix physical or virtual servers para hindi mo na sila isa-isang dine-deployan ng update. Baguhan palang din ako sa puppet eh.

    -- edited by eskulit on Aug 25 2016, 06:59 AM
  • @eskulit

    eh ung mga administration nyo sir, san nyo natutunan, kasi gusto ko talaga ng networking or administration pero nasa programming path ako, ano bang mga course ung malapit dyan or nagtuturo talaga ng ganyan?
  • @Deadmau5

    bago ka maging admin, kailangan mo muna magka-experience as L1 Datacenter Operator or Data Control Analyst. Sa case ko, Datacenter Operator muna, then naging team lead. After maging Senior Ops, may path kung gusto mo mag management or technical. Siyempre technical path ka. Ngayon pipili ka kung saan mo gusto, Network, Database, Linux/Windows, Storage(lahat yan admin position).

    Hindi mo kailangan ng experience para mag-apply sa L1 Datacenter Operator or L1 Data Control Analyst, kasi fresh grad position yan. At kapag na hire ka na, ihanda mo nalang ang unang ilang buwan mo baka ma-memory overload ka hehe. With regards sa magtuturo, oo meron mga senior na mag train sa inyo.

    Hindi lahat ituturo sa inyo, kailangan niyo magkusang alamin ang mga bagay bagay. In general yan, kahit sa anong klaseng career path ka pa.
  • @eskulit

    salamat sa pag sagot boss eskulit may tanong ako ulit hehe, sa mga nababasa ko ang sabi nila mas marami talaga daw demand sa programming kesa sa maging system/network engineer tama po ba yun? nalilito kasi ako kung saan talaga yung magandang path na puntahan .
  • ^Noong nagsimula ang cloud expected na bababa ang demand sa mga sysad at network engineer. Sa mga IT Project nalang ngaun, malayo ang ratio ng programmers vs sysad&network engineer. Tapos booming pa ang Automation ng mga trabaho ng sa IT at mga provider ng *As-A-Service. Bwesit kasing mga programmer yan inautomate lahat.
  • @trilobugz
    Lol. Pero tama ka boss. kaya pati kaming mga admin kailangan malaman lahat related sa cloud like openstack at aws. At siyempre, meron pa tayong virtualization like vmware ESXi.

    @boybugs18
    Hindi ka dapat malito sa path mo. Basta sundan mo kung ano yung sa tingin mo na comfortable ka. Kung mahilig ka sa programming, go for it. Pero huwag ka lang makisabay sa iba, yung tipong kung saan ang nakararami ay dun ka na rin.
  • @trilobugz

    haha wag naman ganun boss talagang work nila yung pag automate e talagang ang technology mahirap e predict

    @eskulit

    sige boss salamat sa mga tips ,balak ko pag aralan yung mga hindi common para naman hindi kame mag sikipan pag nag aapply na hehe
  • Selling my 48 ports switch, spare and unused.

    Model : WS-C2960X-48TS-L

    Cisco Catalyst 2960-X switches feature:
    ? 48 Gigabit Ethernet ports with line-rate forwarding performance
    ? Gigabit Small Form-Factor Pluggable (SFP) or 10G SFP+ uplinks
    ? FlexStack Plus for stacking of up to 8 switches with 80 Gbps of stack throughput (optional)
    ? Power over Ethernet Plus (PoE+) support with up to 740W of PoE budget
    ? 24-port PoE fanless switch for deployment outside the wiring closet
    ? Reduced power consumption and advanced energy management features
    ? USB and Ethernet management interfaces for simplified operations
    ? Application visibility and capacity planning with integrated NetFlow-Lite
    ? LAN Base or LAN Lite Cisco IOS software features
    ? Enhanced limited lifetime warranty (E-LLW) offering next-business-day hardware replacement

    09165491417

    Price still negotiable, market price is 200k, need it to dispose RUSH.
  • Mga sir, need advice po. Gradute po ako nang IT. Pero for the past 4 years po ay puro call center napasukan ko as agent. Then nag factory worker po ako sa korea. Ngaun po bumalik nako nang pinas. Gusto ko sana tuloy ung IT career ko. Anu po magandang gawin? Like pumasok sa mga bootcamp? More on network admin po sana ung gusto kong path. Thanks!
  • Ako from Graphic Artist to I.T Specialist,
    one man team lang ako dito kasi di rin kalakihan yung company. Nag aadjust pa ako kasi mag 1year pa lang ako. And ngyon pinag aaralan ko yung VMWare Pro. At the same time naggamit ko pa din yung pagging Graphic Artist ko pag may pinapagawa sila na mga Brochure, Logo's, Audio Visual Presentation at etc na related sa Graphics.

    Eto mga hawak ko dito sa company na work ko.
    PC
    Laptop
    Printer
    Scanner
    Fax
    CCTV
    Server
    Fingertech
    At tracker ng mga Kotse

    -- edited by BBChuck on Nov 08 2017, 03:34 PM

    -- edited by BBChuck on Nov 08 2017, 03:36 PM
  • @BBChuck

    magkano bigayan dyan..bka may hiring ...apply ako

    Thanks
  • @ulyssesdones

    Mababa bigayan dito paps. Kinuha ko lang din to kasi walking distance sa bahay nami. Nag experience lang ako, aalis din ako dito. Hahah! ttnong ko paps kung hiring pa sila.
  • Ok/maganda kaya ang experience sa isang vendor?
  • ^ depende siguro product na hawak mo.. kung VMs/firewalls/load balancers/SaaS ayos yan.
  • ** nakakainspire ung mga nabasa ko sa previous pages, share ko lang yung saken. **

    Im a graduate of BS Physics sa PUP. 1st job ko is Backoffice work lang sa isang BPO company. After 1 year.. na promote ako and medyo nadagdagan yung sweldo ko.. kaya ko na kumain sa Chowking tuwing sweldo. dati kasi tuwing may bonus lang. I resigned after 2 years and studied CCNA gamit yung backpay ko.

    I got my CCNA cert 2010. Ang hirap makahanap ng work. Walang experience at di IT related yung course. Halos lahat ng inaaplyan ko tatawanan nalang daw ako. So I decided to study BS IT sa AMA. maswete ako at supportive ang parents ko. After 1 year, nagapply as ASE ung prof ko sa isang BPO company.. pero nilista nya ako sa possible candidates for the post. Friday may tumawag saken, Saturday interview, Monday job offer.

    Nagulat ako at Network Analyst yung post na offer saken. So di ko na tinapos ung IT course ko and pumirma na agad. Ganda ng napuntahan kong project. Kami ang nag load ng configurations ng mga customer routers ng isang US Telco. Cisco, Juniper, Adtran, switches, Accesspoints. Almusal namin yun, mag load ng configurations and make sure na working ang lahat ng applications ni customer. I stayed there for 5 years, umalis lang ako dahil nagsi alisan na rin ang mga tropa. kanya kanya ng palakihan ng sweldo. Siyempre ayaw nateng maiwan..

    Ngayon more on LAN side na ng network ang support ko.

    Di pa ko ganun ka taas gaya ng mga master na naunang nag post pero nasa 60+ na rin sweldo ko with 6 yrs exp in Networking. Malayo layo pa ang target kong sweldo bago sabihing successful ako sa field na to.

    Advise ko lang sa mga gusto makapasok sa ganitong field, wag alisin ang focus sa goal. Apply lang ng apply. intindihin ung mga tanong. Picturan yung mga diagram, aralin sa bahay yung mga di masagot. magiging bala nyo yun sa susunod na interviews. Hanggang ngayon ganun mindset ko. Kung di man ako makuha at least masasagot ko na yung mga natanong saken.

    Wala sa course yan, nasa bala mo yan (in my case CCNA cert) at tyaga. samahan na rin ng dasal.

    goodluck sa mga aspiring System and Network admin. walang ibang pupuntahan ang mga nasa ilalim kundi pataas.
  • the reality is ang sysad/neteng role is still a certification game sa umpisa. as much as i wish that it isn't pero yun ang nangyayari until today. now let me clarify "sa umpisa" kasi as you become more experienced it becomes less relevant. having a cert gets you through the door sa mga interviews kahit sabihin natin na IT helpdesk ka at nagsisimula palang. the key is getting through the door (having a cert) at kaya mong panindigan yung sinasabi mo sa cert/resume mo sa interview.

    hindi ko sinasabing this is the only way, i'm just sharing this from experience and i've heard this situation over and over sa mga nakikilala ko. so basically ang sinasabi ko lang is whatever yung situation mo ngayon, do something to get through the door, make sure you got your fundamentals right and nail your interview. once you're in then make the most out of the experience, keep doing it and become better at it. and if you really work on yourself darating ang panahon na hindi mo na klngn magapply. ikaw na ang tinatawagan.
  • mga idol baka sakali may interesado sainyo libreng network basics webinar check nyo nalang sa Facebook: <click here for link>
    starts on May 30
  • Mga boss, baka meron kayong kakilala ng naghahanap ng OJT. IT job. Pa message na lang. Nagtatanong kasi ung ka-officemate ko. Thanks. Sorry kung wrong forum.