Forum Topic

Buying a 2nd hand car (Buy and Sell Offers strictly prohibited, FAQ on Page 1)

  • I used Nankang Sport SII 205/45/17 before sa track day nung panahon na active pa Subic International Raceway, madulas at ang lambot ng sidewall...during sharp cornering/hairpins, hangang kalahati ng sidewall may marka ng aspalto.

    Better performance ang Federal SS595 Super Steel and 595 EVO -- mas mahal lang nga konti ang 595 EVO so better value para sa akin ito.

    Nankang and Federal are budget tires kung limited nga ang pondo. If malaki budget, iba pa rin ang Yokohama S-Drive and Bridgestone Potenza -- last time nasa 7K-8K na per tire na 205/45/17 & 215/45/17 ha ha ha. Ang chaket!!! :-)
  • di naman talaga tatagal engine support o anumang bushing kung puro lubak dinadaanan at medyo barubal imaneho yung sasakyan . try nyo mag drive araw araw sa nlex sctex tplex, tatagal yan

    same roads, different cars (civic FD and another make/model). nauuna talaga daw masira ang engine support ng FD.

    its like asking which car has better consumption, FD or Alits. tapos ang sagot ay "it depends if you have a heavy foot".
  • Sakit na talaga ng FD ang engine support. Un ang primary na dapat titignan kung bibili ka ng second hand na ganung model. Ung sa akin nag oaparamdam na din pero sana wag tumuloy
  • hi mga master, planning to buy my first car. Any inputs on Honda City 2013 AT and Vios 2014 AT. FC, Maintenance, etc. noob here. Thanks!

    -- edited by bulsecoip on Apr 16 2018, 10:02 AM
  • hi mga master, planning to buy my first car. Any inputs on Honda City 2013 AT and Vios 2014 AT. FC, Maintenance, etc. noob here. Thanks!


    FC depended pero sa maintenance panalo Vios.
  • update lang might buy this week konting research pa.

    for 150K ano mas ok sa dalawa

    Toyota Revo 1998 Diesel
    or
    Honda CRV Gen1

    weekend driving with seldom out of town trip
  • ^ mahal mga parts ng Honda
  • @Gobi
    since medyo may edad na ang target mo, I would opt for something na mas madali maintain since kahit pa good condition yung sasakyan, due to normal wear and tear eh siguradong sooner or later may ipapaayos ka dyan and as sir hubocars pointed out, mahal pyesa ng Honda.
  • ^ Revo it is!
  • kung pang araw araw yan, i would go for revo also. pero since weekend lang naman, doon na ako sa mas masayang car. angat na angat ang CRV in terms of porma and performance and comfort.
  • ^ omaygadddd

    CRV it is!
  • post mo pics sa show me your ride pag nakabili ka na
  • ^ mahal mga parts ng Honda

    di naman araw araw masisira ang pyesa ng revo at crv, they are both reliable vehicles.

    siguro ganito nalang, you pay a little bit more for comfort and performance of the crv or opt for the frugal engine of the revo but with a bit less creature comfort.

    of course if you need the revo's space for hauling...
  • saan kayo nakaka bili ng 2nd hand cars? Kasi matagal na ako naghahanap, puro online. Mahirap kasi sa online, baka maraming minagic. Unlike sa kakilala talaga. Usually yung mga online seller, nasa malalayo.

    Im eyeing into a bigger unit (suv,pickup) withing 500k budget. Kung kaya, pinaka mababa na ang 2010 models
  • Yun na yon. Sinabi mo na, sa kakilala or sa online. Pwede din sa mga 2nd hand car garages/showrooms pero mas mahal. Magsama ka na lang ng mekaniko para pangontra magic.
  • sa online ako nakabili pero malapit sa lugar ko, magaling na mekaniko kelangan mo pag ganyan
  • Sa fb or olx ok naman pero filter mo na lang na malapit lang sa loc mo. Mahirap talaga ang 2nd hand market, dalawa ang issue jan e, papeles at yung sasakyan mismo
  • [quote]Sakit na talaga ng FD ang engine support. Un ang primary na dapat titignan kung bibili ka ng second hand na ganung model. Ung sa akin nag oaparamdam na din pero sana wag tumuloy [quote]

    Parang sa Hyundai Santa Fe. Recurring issue ang ABS/Traction Control/Hill Descent sensor in short Wheel Hub Sensor around the world.

    Masakit pag wala kana sa warranty dahil nasa 5k per piece. ang presyo nito
  • Usually yung mga online seller, nasa malalayo.


    ako naman mas prefer ko malalayo for example QC ako tapos seller nasa Bulacan or Cavite kung hindi kakilala. Mejo paranoid kasi ako eh baka may spare key/alarm yung mayari itakbo yung oto sabay chop-chop. (pacencia na ganito magisip nasa pinas eh)
  • Kung hindi naman oem yung alarm, mura lang magpalit. Less than 1k. or just get a comprehensive insurance for your newly bought car.

    Isa pa, kung magnanakaw ako ng car, pipiliin ko random kesa doon sa dati kong binenta na mas madali ako mata track.

    -- edited by lxi97 on Apr 18 2018, 12:35 PM
  • share ko lang experience ko

    May bibilin kaming 2nd crosswind malapit lang sa area namin (post from FB benta kotse group) dalawa kami ni mrs nag inquire. Ung msg ko is typical na inquiry and stating na "same location lang kami ni seller", then si mrs naman is just asking if available pa.

    Ang nireplyan nya lang is si mrs, ako seen lang. so inisip ko na lang na kasi babae kaya dun xa nag reply. since si mrs ang nireplyan xa na nakipag usap then nakapag set ng appointment kung kailan pwede ma check xwind, so they decided sat ng week na un.

    Sat morning, ng msg ako na "onday way na kami (me, my father and ung mekaniko) "using my FB messenger dun sa seller (remember d nya ko nireplyan during nung ng inquire ako) at the same time ng send ako ng msg sa seller sa phone nya na binigay nya kay mrs.

    since malapit nga lang kami sa place nung seller napuntahan namin agad. then pag katok ko at sinabi ko na kami po ung bibili ang sabi lang sakin is "sorry sir hindi na namin bebenta nag bago kasi isip ng may ari, wala daw gagamitin na sasakyan pag dating nya ng pinas" napa WTF na lang ako sinayang nya oras ko at ung binayad ko sa mekaniko.

    so tingin ko ayaw ng may ari na ibenta ung sasakyan nya na malapit sa area nya either may tinatago xa na sira ng kotse at ayaw nya matuntun xa agad.

    ito pala ung last na sasakyan na tinignan ko (naka limang sasakyan ata ako na tinignan walang pumasa sa mekaniko ko) before we decide na kumuha na lang ng bnew. nakakapagod din kasi maghanap ng sasakyan ubos oras at panahon.
  • sir Gobi

    Good morning

    Meron naba makukuha na Revo na 150K?

    Last na Check ko nasa 180 - 200k plus pa nakikita ko na Revo

    Plan ko din kasi Bumili ng Revo. hehe
  • May nabasa ako dito na nakakuha ng revo sa kamaganak na jackpot presyo. Yun pala binaha kaya mura.
  • di naman araw araw masisira ang pyesa ng revo at crv, they are both reliable vehicles.

    siguro ganito nalang, you pay a little bit more for comfort and performance of the crv or opt for the frugal engine of the revo but with a bit less creature comfort.

    of course if you need the revo's space for hauling...


    pag luma na ang sasakyan, kahit anong brand pa yan, simula nang palagi nang bibisita sa talyer yan.
    sigurado ako isa yan sa mga dahilan kung bakit pinagbibili nya na yan.
    yung mga sasakyan na lagpas 5/10 years ay regular customoer na yan sa mga talyer.
  • every year sa lumang sasakyan, merong ipapagawa. merong lalabas at lalabas yan. ang importante, handa ang budget.
  • tama every year/6 mos. may gastos ka, change-oil, oil filter, baterya, gulong, underchassis, mga regular maintenance kailangan mo isama sa budget mo. kaya ako kapag magisa lang nagbiyahe balik sa commute na lang.
  • champiro sx2 best tires.
  • dalin mo lang sa m7 banawe yung engine support problem mo i fabricate lang nila yan sabihin mo lang smiley type 500 labor 500 isang support pa fabricate
  • mga bossing, noob question lang po, any bakit kahit naka aircon na ko pumapasok pa din yung amoy sa labas? Tnx po.... 2014 ford fiesta owner here.
  • mga bossing, noob question lang po, any bakit kahit naka aircon na ko pumapasok pa din yung amoy sa labas? Tnx po.... 2014 ford fiesta owner here.


    hindi naman fully sealed ang cabin section. may mga butas para sa tubes, wires,
    pinakamalaking butas ay sa steering column

    -- edited by hubocars on Apr 20 2018, 04:18 PM