Forum Topic

Buying a 2nd hand car (Buy and Sell Offers strictly prohibited, FAQ on Page 1)

  • Nga pala, nakuha ko lang yan for 35,000. Natawaran ko pa ng 3,000 after thorough test drive. Hehe.
  • nadaan sa sa tawad kase gandang lalaki

    -- edited by axelangel007 on Apr 20 2019, 09:08 PM
  • Malaki and malakas naman kaso naaasiwa lang ako at alam mo malaki sya for the car's size. Gusto ko palitan ng para sa SB talaga.


    no issue yan basta walang leaks saka malamig ang aircon mo ngayon. wag ka magpapalit kasi OEM ng avanza ang ginamit..... baka humina ang lamig ng aircon mo niyan pag nagpalit ka ng mas maliit....

    remember, the bigger the condenser, the colder the freon going back to the compressor, and the colder the air coming out of the evaporator....

    kung mahina, hanap ka na lang ng laminated evaporator na kasya dyan to take advantage of the bigger condenser, mas lalamig yan using laminated evaporator (KUNG meron)...
  • ^Pinabalik ko sa original set up ang wiring ng rad fan kasi naka rekta. Pero di pa ako makahanap ng thermoswitch pero nakaabang na din ang socket kaya pagkabit ko ng working switch, balik oem setup na ulit sya.

    Isa pa na hinahanap ko ngayon is idle-up. Di naangat ang menor kasi pag bukas ng aircon.
  • @red

    Ano pala original brand name ng HTW ng Small Body?
  • mga sir ask lang ano mga dapat hanapin kung encumbered yung sasakyan na bibilhin, sa psbank nabili repossessed , with open dead of sale, release mortgage, or/ cre salamat

    -- edited by jhemycielo12 on Apr 22 2019, 08:39 AM
  • ot
    matanong kona rin kun ano po steps kapag bumili ng brand new pick up sa toyota. baka kasi maling tao ang malapitan naming( ni tatay) tao at magkaproblema in the long run.

    -- edited by sem_rs on Apr 22 2019, 09:24 AM
  • ^2 options kayo:

    Bank Financing or kay Toyota Financing Services. Need nyo ng accomplished application for, proof of billing, proof of income and PDCs.
  • mga sir ask lang ano mga dapat hanapin kung encumbered yung sasakyan na bibilhin, sa psbank nabili repossessed , with open dead of sale, release mortgage, or/ cre salamat


    Assuming cancelled Na yung amortization, check mo sir kung natanggal na yung encumbrance sa or/cr. Tapos hingi ka ng copy ng cancellation of mortgage then pwede mo idin iverify sa psbank mismo.
  • hindi pa sir nakalagay pa din yung encumbrance sa c.r
  • Hingi ka copy ng cancellation of mortgage sir. Yan kasi proof mo na clear kay psbank yung oto. Tapos yung normal transaction like deed of sale, then pacheck mo din sa HPG kung may 'hit' yung sasakyan kung itatransfer nyo sa pangalan nyo.
  • salamat sir
  • Asikasuhin mo agad na malipat sa pangalan mo yung sasakyan dahil katakot kapag sa isang company nakapangalan yung car. Baka mahirapan ka kapag tumagal.
  • mga sirs ano po comments ninyo sa almera? medyo marami po kasing 2016/2017 na almera na repossessed ngayon. kaso usually pinang-grab/uber ata.
  • Nissan siya
  • probably the only sub-c sedan with aircon vent sa rear seat
  • Ano pala original brand name ng HTW ng Small Body?


    hanap ka na lang ng NGK.... sa banawe nagbebenta ng Genuine NGK wires... NGK din name ng store.

    hirap maghanap ng OEM na pang 4AF, e.... iba itsura ng para sa 4AFE... pede ka magtanong kay toyorama o kaya kay ichiban.... toyota specialists yan mga yan.

    check mo muna kung may mga cracks yung insulation bago mo palitan. no need to change kung wala ka nararamdaman na misfire pag nag idle ang makina pero pag may mga crack na yung insulation, Pede na palitan.... wag ka kukuha nung SEIWA black, ang daling mabunot nung wire sa plug... sayang pera. pinaka safest mo is NGK na genuine...
  • ^Yung isang seller sa FB inaalok sa akin yung SEIWA nya kasi yun daw OEM. Tumataginting na 1,200 binebenta sa akin. lol Sige NGK hanapin ko. Kaya ko gusto palitan kasi yung isang plug going to distributor loose na and madaling mabunot baka matanggal kasi pag nadaan ako sa lubak.

    Sa engine wala ako problem, sa interior ako madami kulang tulad ng 1 missing passenger side door handle, cracked dashboard and sirang takip ng center console compartment.
  • Tumataginting na 1,200 binebenta sa akin. lol


    500 lang bili ko dati dun sa black nila, e...

    I think.... not sure, ah.... Denso ata ang OEM ng small body... basta ito ang part number niya:

    90919-22194

    pero pede na yung NGK, at least Japan na high quality.... medyo mahal lang.

    bumili ako dati ng SEIWA black para sa 4AFE, daling mabunot nung wire dun sa plug connector, buti na lang natanggal ko yung connector sa spark plug gamit ng long nose... simula noon ayoko na ibalik yung SEIWA. binalik ko yung OEM.
  • sa interior ako madami kulang tulad ng 1 missing passenger side door handle, cracked dashboard and sirang takip ng center console compartment.


    meron pa ako nakikitang nagbebenta ng di cracked na dashboard sa FB... meron din nagbebenta ng Levin/Sprinter 2 din center console (with armrest) dun....

    ^_^
  • mga sirs ano po comments ninyo sa almera? medyo marami po kasing 2016/2017 na almera na repossessed ngayon. kaso usually pinang-grab/uber ata.


    Meron yung kapitbahay namin na Almera 1.5 gamit niya sa grab. Complain niya is malakas daw sa gas.
  • tanong lang mga master

    pag bibili ng 2nd hand unit, ano pwede ipatingin sa mekaniko? toyota bigbody 1993 ung unit na i checheck
  • mga boss balak ko palitan ang kotse ko. hindi na po kasi kaysa ang family. hingi po sana ako opinion nyo. balak ko bumili ng revo na matic. parang yung lang ako kaya ng budget ko.

    -- edited by glengrey21 on May 03 2019, 03:02 PM
  • Meron yung kapitbahay namin na Almera 1.5 gamit niya sa grab. Complain niya is malakas daw sa gas.


    malakas po talaga if 1.5 makina nya, ang matipid daw talaga ngayon is G4 since 1.2 lang...
  • mga boss balak ko palitan ang kotse ko. hindi na po kasi kaysa ang family. hingi po sana ako opinion nyo. balak ko bumili ng revo na matic. parang yung lang ako kaya ng budget ko.


    di ka magsisisi dyan paps. mas ok sana kung manual sabay diesel makuha mo hehe
  • mga boss balak ko palitan ang kotse ko. hindi na po kasi kaysa ang family. hingi po sana ako opinion nyo. balak ko bumili ng revo na matic. parang yung lang ako kaya ng budget ko.

    di ka magsisisi dyan paps. mas ok sana kung manual sabay diesel makuha mo hehe

    makakakuha ka ng space gear na local diesel (4D56) unit sa price range niya.
  • ^ it is 1.5E paps, enjoy your City. dami na natin naka City dito sa TPC. Ano mileage nung City mo?

    60k Mileage for 2013 Model. Not bad na din. Thank you for the correction, E pala siya.


    ano itsura nito?
    sa positive side ba?

    btw na check mo yun alternator kung nagkakarga ba sa battery?


    Yes sir, yung positive side na may supposed to be plastic cover na red. Found out na naka epoxy nalang at aluminum foil. Pinalitan nalang namin ng isang buo. And yes nag kakarga naman ang alternator, nung nag flicker and ilaw dun na ako kinabahan dahil hindi constant and naging voltage that time.
    Everything is buttery smooth now, wala na siya issue. hehe
  • Kakakuha lang namin ng 08 Carens A/T kanina for spare car. Parang mascomfy sa Montero kaso yung clearance halos pang sedan lang din
  • Mas comfy talaga yan kase hindi yan PPV. Mas masarap din i-drive, I reckon.

    -- edited by TheUninvited on May 10 2019, 12:56 AM
  • Not sure kung pwede, pero sana may makatulog.

    Honda BR-V or Mitsu Xpander?

    Halos same price range e, ty sa sasagot!