Forum Topic

Buying a 2nd hand car (Buy and Sell Offers strictly prohibited, FAQ on Page 1)

  • mga sir, magkano babayaran rehistro sasakyan? expired last Jan 2019.

    Yun nasa or ko 2229.06 pero month early ako lagi. Add mo nalang penalty mo at emmision test at insurance.
    Yun total ko kasi 3860 lovelife pero si tropa kasi nagasikaso at wala akong time. mas mura kung ikaw mismo maglalakad mataas taas lang yun sayo kasi may penalty.
  • Mga master pa help naman. Yung anak kp plano bumili ng 2nd hand na sasakyan. Ok pa ba ito? Wala kasi ako alam sa sasakyan.

    2010 FORD FOCUS 2.0 S

    TDCI HATCHBACK DIESEL AUTOMATIC

    TRANSMISSION: A/T
    MILEAGE: 120+ (route Cavite-Batangas only)
    FUEL TYPE: DIESEL
    COLOR: TONIC BLUE
    REGISTERED : 2019

    First owner
    Excellent running condition
    Steering wheel controls
    LED headlights
    Tinted windows
    All Power/Original
    100% not flooded/no history of accidents.

    Price : 250K (neg)

    Ano ba pwede ko pa itanong dito at magkano kaya pwede pa matawad?

    Thanks!
  • Ford. Big NO!
  • Ford. Big NO!


    why po sir? Pa share po ng reason.

    -- edited by Pichano on Jun 19 2019, 01:31 PM
  • spare parts ng ford is quite expensive kung meron sa casa ka makaka bili at matagal bago din dumating as per experience.

    also search mo mga issue ng ford focus
  • ^
    can you suggest a car within a 200k budget na hatchback sin at wala masyado sakit ng ulo?
  • Mga master pa help naman. Yung anak kp plano bumili ng 2nd hand na sasakyan. Ok pa ba ito? Wala kasi ako alam sa sasakyan.

    2010 FORD FOCUS 2.0 S

    TDCI HATCHBACK DIESEL AUTOMATIC

    TRANSMISSION: A/T
    MILEAGE: 120+ (route Cavite-Batangas only)
    FUEL TYPE: DIESEL
    COLOR: TONIC BLUE
    REGISTERED : 2019

    First owner
    Excellent running condition
    Steering wheel controls
    LED headlights
    Tinted windows
    All Power/Original
    100% not flooded/no history of accidents.

    Price : 250K (neg)

    Ano ba pwede ko pa itanong dito at magkano kaya pwede pa matawad?

    Thanks!


    Hanap ka na lang iba paps, wag na yan.
  • ^
    can you suggest a car within a 200k budget na hatchback sin at wala masyado sakit ng ulo?


    Parang mahirap mag-isip ng hatchback worth 200k. Pero kung sedan, pwede Altis na 2002-2003 model or Honda Eagle Eye. Then dapat, meron extra money for repairs and maintenance.

    -- edited by ssi_markd on Jun 19 2019, 02:17 PM
  • ^
    Thanks paps!
  • [youtube]KePrK9FseGk&t=22s[/youtube]
  • FORD FOCUS
    mahal maintenance...stick to japanese brands...
  • Parang mahirap mag-isip ng hatchback worth 200k


    EG Hatch
    Yaris/Echo
  • Dagdag ka siguro ng 100k, pwede na siguro sa Jazz GD?
  • @oona

    Sa tao mo lang nabili yan sir? Ang mura na nyan for 35k. Isa yan sa pinagpipilian ko eh. Either smallbody or ESI ng honda. Iniisip ko lang since 2nd hand, need ng extra cash for repairs. Sa SB kasi makakakuha ka less than 50k eh.
  • @Pichano: Don't get Ford Focus. Ford user ako but I don't suggest you getting 2010 Focus, dami ako nabasa na may issues 'daw' ang Focus as well as Fiesta. not sure if true kasi hirap din maconfirm if totoong owner ng Focus at Fiesta ung nagsasabi ng mga issues. pero para safe side ka, just don't.

    By the way, I own 2018 Everest, so far no issues naman (1-year old pa lang naman though may mga kilala ako na 100k-250k+ na ang mileage pero di naman sirain due to proper maintenance. Ung family friend namin, 2015 Everest nila almost 120k na takbo before binenta at nagpalit ng 2018 Everest wala naman naging issue aside from some dents and scratches). Sabi ng 'iba', dami daw issues etc and mahal ang parts. Regarding sa parts - can't speak for parts of Focus however madaming parts available and mas mura sa casa ang Ford & Mazda parts sa FrdMaz Banawe (alam ko may brach din sila sa Cavite).
  • Hi safe po ba bumili ng 2nd hand car kung nasa abroad ang may ari? Pero may representative naman sa pinas, at nasa tao niya yung blank deed of sale at iba pang related documents sa bentahan ng kotse.

    Ano ano po ba ang dapat kong i check para naman safe ako? Hard earned money kasi ipangbibili at baka mag amok ako pag na scam. hehehe.

    Salamat po sasagot.
  • blank deed of sale


    dapat yung kakausapin yung mismong may ari ng sasakyan. dapat makita ng buyer na yung CR ay nakapangalan dun sa current owner mismo at yung deed of sale ay fully filled out detailing the vehicle, plus signatures and photocopies of their IDs showing their signature there.

    anything else, turn away and look for other cars. wag ka manghinayang sa kotse na mura pero urat urat naman yung papeles.

    ito rason kung bakit pinakamaganda na buyer mismo kelangan makita yung kotse bago bilhin, di pede yung proxy kasi di alam ng proxy ang gusto ng buyer kahit may dala pa siyang mekaniko.
  • Any advise kung anong year model ng Toyota SB ang okay kunin? Pati nadin sana engine hehe. Planning to have my 1st car within a 100k budget.
  • Hi safe po ba bumili ng 2nd hand car kung nasa abroad ang may ari? Pero may representative naman sa pinas, at nasa tao niya yung blank deed of sale at iba pang related documents sa bentahan ng kotse.

    Ano ano po ba ang dapat kong i check para naman safe ako? Hard earned money kasi ipangbibili at baka mag amok ako pag na scam. hehehe.

    Salamat po sasagot.


    aside sa pagcheck if maayos ang oto.. need mong icheck mabuti yung papel. di pwede blank deed of sale kasi kelangan may pirma yun ng owner. or baka open deed ang sinasabi mo wherein andun yung pangalan ang signature ng mayari pero blank pa dun sa pagbebentahan, this case icheck mo IDs ng owner if valid pa. 3 types of Valid Ids yata need then pa notaryo mo na agad yung papel then after purchase asikasuhin mo na transfer of ownership
  • Hi safe po ba bumili ng 2nd hand car kung nasa abroad ang may ari? Pero may representative naman sa pinas, at nasa tao niya yung blank deed of sale at iba pang related documents sa bentahan ng kotse.

    to add pa dito be sure na aware yung may ari na binebenta yung sasakyan nya. there are instances na yung kamaganak lang pala sa pinas ang nagbenta tapos magugulat na lang si owner na wala na yung sasakyan nya pag uwi. kung pwede humingi ka ng SPA from the representative para safe ka.
  • Seeking your advice on this , fellow tpc members

    Bnew BRV or a second hand Montero/Fortuner 2015/2016 ? TIA
  • Bnew BRV or a second hand Montero/Fortuner 2015/2016 ? TIA

    check mo condition nun forturner or montero, better vehicle overall
  • dun na ko sa bnew iwas sakit ng ulo
  • ^ kung cash ok iwas sakit ng ulo, pero kung loan sakit parin ng ulo ang brand new :)
  • ^actually sakit sa bulsa LOL
  • ^ Masakit kaya sa ulo kung masakit ang bulsa. haha!
  • ^

    Kaya ang tinitignan ng bank is dapat yung monthly amortization mo ay 1/3 or less lang ng monthly income mo.

    Para hindi masyado masakit.

    Kung bnew, ang outlook mo dapat ay long-term hindi yun monthly payments... in the long run, mas panatag ka parin sa bnew... kelangan mo lang i-manage financials mo.

    I bought my car thru loan on my 1st year at work... eto matatapos ko na sa Feb/March 2020... masasabi ko mahirap sa una, pero once na naging disiplinado ka sa mga gastos mo, madali na lahat. Pero siyempre may sacrifices ako na ginawa.

    Hindi naman siya totally sakit ng ulo if convenience naman nabibigay sayo ng bnew na sasakyan, pati na rin peace of mind.

    -- edited by gowueld on Jul 12 2019, 05:20 PM
  • To each his own sabi nga nila.
    Ako 1st car ko 2nd hand pinili ko kahit kaya kong bumili ng brand new ng cash kasi praktisan lang ba, kumbaga wala pa kasi ako alam nun masira man o mabangga hindi ako malulungkot. 4 years have past ng maintenance and modifications napamahal na sakin masyado and ayaw ko ng ilet go. Ngayon kailangan ko na ng 7seater suv, considering na kaya ko bumili ng brand new ng cash, mas gusto ko abangers ako dun sa mga magbebenta ng half the price na maayos pa, lol. Hindi ko kasi matanggap na masyado mabilis magdepreciate yun value sobrang nanghihinayang ako.