Forum Topic

Buying a 2nd hand car (Buy and Sell Offers strictly prohibited, FAQ on Page 1)

  • ^

    Actually, hindi na rin masama bumili ng bnew via loan... kasi consider mo rin inflation rate.

    Noong 2016, sabi ko, gusto ko bumili ng MX-5, at that time 1.6m lang siya. Ngayon magkano na? 1.93m na...

    Point is, pag nag loan ka, hindi ka na affected ng inflation in terms of pricing, you pay fixed monthly amount throughout your loan term.

    Unlike pag ni cash mo ng buo, masakit na, tapos malaki laki agad mawawala sayo. And potentially, mas nagmahal na yun sasakyan na gusto mo. So ipon ka ulit?

    Pinupunto ko lang talaga na ang pag bili ng bnew via loan ay hindi sakit ng ulo as long as you are financially capable to meet those monthly amortizations.

    Nothing against sa 2nd hand cars naman.
  • new BRV or a second hand Montero/Fortuner 2015/2016 ? TIA
    yung second hand....pumili ka ng di masyadong gamit...makakahanap ka ng 20t lang tinakbo...after 5years konti na lang depreciation nyan...di gaya ng bago...
  • We have 2 cars: a vios bought 2nd hand and an ecosport bought brand new. Parehong 1.5L engines. Even discounting the monthly amortization sa ecosport and the high cost of comprehensive insurance, mas malaki pa din gastos compared sa vios. Mahal kasi periodic maintenance sa casa. Yung vios ok na sa shell. Mahal din piyesa ng ford. Pag naka 5 years, most likely isa diyan mabebenta at isa diyan mapapamana pa sa anak na magbibinata. Alam niyo na kung alin at alin.
  • Bnew BRV or a second hand Montero/Fortuner 2015/2016 ? TIA

    kung Diesel yung Montero/ Fortuner, dun ako

    kung maalaga naman ang owner, 3 years is good as bnew
  • Noong 2016, sabi ko, gusto ko bumili ng MX-5, at that time 1.6m lang siya. Ngayon magkano na? 1.93m na...

    effect to ng train law sir, hindi naman normally ganun kabilis tumaas ng sasakyan
    may instances pa nga na bumababa ang presyo, although very rare
  • ^

    Yup, which means anything can happen for the period of time na nagiipon ka pangbili ng sasakyan.

    EDIT

    At the time na kinuha ko yung City ko, 800k lang siya

    Ngayon 876k

    Ang typical na tubo sa Auto Loan for 5 year period sa ganitong presyo ay nasa 200k.

    So you are looking at 100k+ difference

    -- edited by gowueld on Jul 13 2019, 10:27 AM
  • pero I agree with your point sir gowueld

    nothing wrong with financing something as long as you are capable

    for some people, kahit may pang cash pinipili mag loan
    yung iba kasi kayang paikutin yung pera and earn from it, much more than sa interest na mawawala sa loan
  • ^

    Ako kasi i use my car as a tool to earn... hindi ko siya tinitignan bilang liability na 100% dahil nagagamit ko naman sa pang araw araw

    Kaya hindi ko iniisip depreciation kasi gagamitin ko naman ng matagal
  • Ako naman i see the car as a necessity. Sa trabaho ko lagi ako madaming dala kaya hirap mag commute, maski mag taxi or grab. Plus may anak akong inaasikaso, hatid sundo, etc. Kaya hindi ko din kino consider yung depreciation.

    Kung dumating panahon na magigipit ako, mas pipiliin ko magtipid sa pagkain kesa sa gas. Basic need talaga dating sa akin.
  • Guys.. complete Docs ang issue lang yung ID ng 1st owner expired ng Dec 2018.. pwede pa ba matransfer ownership to? Wala contact dun sa 1st owner eh (2nd owner na kausap ko)
  • Pahihirapan ka niyan sa LTO. Kaya dapat talaga transfer agad pag bili. Yung mga naririnig kong ganyan naghahanap na lang ng taga loob at naglalagay. Or effort mo hanapin si 1st owner. Subukan mo hanapin sa FB, baka sakali.
  • @GobiGobi
    Sakin naman wala i.d. yung first owner , buti mabait yung lto chief ng calamba sabi sakin gumawa na lang ng affidavit, ayon nalipat naman
  • Ayun, larga na sa LTO calamba. Hehe.
  • nagtanong din akosa FB,, ok lang daw na expired daw ID.. ang kelangan lang hindi valid yung DOS kasi may notaryo.
  • Post deleted #12237920
  • Tamaraw fx diesel
  • usapang insurance mga boss, sino recommend niyo na insurance company? hindi pahirapan sa pag-avail and hindi mahal?

    and any idea if magkano insurance para sa 2015 Land Cruiser V6?
  • Pa-advise naman po for an entry-level used SUV para sa unang car na bibilhin (newbie). SUV po kasi ang gusto para po marami-rami ang pwedeng makasakay.

    SUV's are usually up to 7 seats including driver but if you want more than 7 people and you better go AUV class like Innova/Revo/Tamarraw FX, Isuzu Crosswind or Mitsubishi Adventure and those above are the best picks for AUV

    -- edited by Vashtard on Jul 15 2019, 12:05 PM
  • ^ 2nd Gen Pajero may 10 seater config (jumpseat instead of 3rd row)
  • ^ 2nd Gen Pajero may 10 seater config (jumpseat instead of 3rd row)

    di ko lang sure ang price range ng Pajero 2nd gen 4D56... esentially SUV and L300 had a child and this was the result... yep this has an engine of L300 with turbo and intercooler kung Diesel Engine

    dapat yun din ang recommend ko =/
  • Pa advise naman mga paps. Plano ko kasi bumili ng 2nd hand car. Mirage hatchback.

    Honest naman ang seller at sinabi ang issue. Nanginginig daw pag naka full stop at nasa "Drive" ang gear. Pero pag umandar daw ay ok na.
    Pero pag mainit na daw ang makina nawawala na yung panginginig. Ano kaya problema nito? Malaki kaya gagastusin ko sa pagpapaayos ng
    ganitong issue?

    Mirage 2013
    1.2 engine
    45km odo
    Php260k

    Ano sa tingin nyo? Salamat po!
  • Madami ako nababasa na hirap maresolve yang problema sa erratic idling ng mitsubishi. Isipin mo na lang kung may simpleng solusyon yan, dapat pinagawa na niya bago niya ibenta. Malamang mahirap or mahal ipagawa kaya hinayaan na niyang as is.
  • ^
    sabi either sensor or throttle body ang diperensya.
  • @Pichano
    2nd gen na mirage na lang ang bilhin mo, mostly kasi ng issues ng 1st gen na resolve na at the time. TBH wala ako experience sa CVT as I'm using a 2017 GLS MT. It has run 47k headache free kilometers, tipid sa gas, tipid sa maintenance, araw-araw pamasok and long drive on weekends.
  • Pa advise naman mga paps. Plano ko kasi bumili ng 2nd hand car. Mirage hatchback.

    Honest naman ang seller at sinabi ang issue. Nanginginig daw pag naka full stop at nasa "Drive" ang gear. Pero pag umandar daw ay ok na.
    Pero pag mainit na daw ang makina nawawala na yung panginginig. Ano kaya problema nito? Malaki kaya gagastusin ko sa pagpapaayos ng
    ganitong issue?

    Mirage 2013
    1.2 engine
    45km odo
    Php260k

    Ano sa tingin nyo? Salamat po!


    May ganyan din 2013 Mirage HB CVT namin.

    Don't get it. Mga 3 or 4x na ata kami tinirik niyan sobrang sakit sa ulo.

    Culprit is fuel pump always failing.

    Sa CASA kasama fuel tank (16k), ayaw nila ibenta na fuel pump lang.

    Tapos yung replacement brand sa Banawe, mga 6 months or less lang tinatagal.
  • for some people, kahit may pang cash pinipili mag loan
    yung iba kasi kayang paikutin yung pera and earn from it, much more than sa interest na mawawala sa loan

    eto ginawa ko noon nung makuha ko yun swift brandnew almost 5 years ago (patapos by january 2020) lumalabas parang 2k (instead of 12.8k) nalang binabayaran ko montly dahil sa umiikot na pera.
    pero nun natuto ako mag kalikot, parang hirap na ako umalis sa 2nd hand LOL
    masyadong malaki ang baba vs brandnew
  • nagtanong din akosa FB,, ok lang daw na expired daw ID.. ang kelangan lang hindi valid yung DOS kasi may notaryo.
    bro medyo naguluhan ako dito
  • Post deleted #12238134
  • May ganyan din 2013 Mirage HB CVT namin.

    Don't get it. Mga 3 or 4x na ata kami tinirik niyan sobrang sakit sa ulo.

    Culprit is fuel pump always failing.

    Sa CASA kasama fuel tank (16k), ayaw nila ibenta na fuel pump lang.

    Tapos yung replacement brand sa Banawe, mga 6 months or less lang tinatagal.


    nakuha mo part # nun orig bro?
    sobrang hassle naman kung pati orig ay sirain
  • ^ Yung Mirage na sedan (lowest trim) ng kuya ko brand new niya binili 5 years ago. Kakatapos lang ng 5 years last month. Ngayon July, nawalan ng hatak, after ipatingin both sa casa at sa labas, nadale na cvt transmission. Nung una, sabi itry iflush cvt fluid at may ginawa pa na ewan ko kung ano, gumana isang araw lang then balik ulit sa dati. Ayun natuluyan na cvt transmission. Sakit tuloy ulo nya since wala na warranty at bigla nasira. Minalas sa nabili nya.

    -- edited by ropongi on Jul 16 2019, 11:38 AM