Forum Topic

Buying a 2nd hand car (Buy and Sell Offers strictly prohibited, FAQ on Page 1)

  • jonbeesy Send Message View User Items on 03 Mar 21 @ 03:49 AM #
    Hello uli,

    Sa mga may bagong vios jan 2020,
    Yung first 5000km nya, pag pinunta sa casa ng toyota, anu anu yung papalitan kaya nila? At magkano budget?,

    ~5k. basically change oil (semi synth) lang gagawin sayo and car wash.

    Pagcheckup lang kaya magkano bayad? Balak ko kasi ipacheckup yung bibilhin ko na vios 2020 sa casa ng toyota mismo eh.

    Thanks,

    si toyota mismo nagbebenta ng 2nd hand/repo cars. if jan ka bibili may ipapakita sila sayong 200 point inspection report. pero normally free check up sila
  • hello mga boss. ask ko lang if reputable ba tumingin sa mga car sites like tsi*ot.com? pansin ko kasi masyadong mura mga benta.. like yung Honda CRV 2013, may nakita ako nasa 200k lang.. Is this normal? puna ko rin mostly unregistered.. so for renewal pa ng registration, ganun ba kamahal yun? pag paso na rehistro, bagsak presyo na?

    Edit: napuna mag kaiba pricing sa tsikot vs sa carousell... yung 200k mo, may mabibili ka na 2015 models sa tsikot.. habang 1990's models lang halos pag sa carousell... super weird.. sorry newbie lang tlga, bka alam nyu reasons behind this..

    This. Tulad sa CRV, yung Fortuner na 2010-2015 model naglalaro lang sa 300-400k+. Parang too good to be true.
  • ^
    Basta bagsak presyo na unit malaki chance na scam yan.
  • napuna mag kaiba pricing sa tsikot vs sa carousell... yung 200k mo, may mabibili ka na 2015 models sa tsikot.

    This. Tulad sa CRV, yung Fortuner na 2010-2015 model naglalaro lang sa 300-400k+. Parang too good to be true.

    kung hindi man scam..
    if yung indicated price is sobrang baba, possible na financing yan or assume balance
    so yung price na nakikita mo, possible na DP pa lang or initial cashout
  • In my limited experience (which is a previous transaction Oct last year), parang okay yung facebook market sa paghanap ng sasakyan. Pwede ka maging mapili sa seller kasi kita mo FB profile niya. May clues ka agad kung magiging matino yung ka-deal mo like if may previous listings/deals, or even snapshots of their facebook wall so malalaman mo if legit yung tao. Conversely, makita mo agad sa FB profile if may red flags (fake account/new account/ahente/reseller/etc.)
  • ^Actually ok fb. Kagaya sakin tamad na ko maghanap masyado. Type ko lang dun yun hinahanap ko then hanap ng malapit sa area ko. Dun ko nakita yun nabili ko san pedro lang ako taga binan lang binilhan ko. Syempre check unit sa personal malapit naman e. Maganda naging usapan kaya deal agad. sunday ko pinuntahan sabi ko balik ako bukas sarado banko eh. Gusto na nga ipauwi yun unit sakin sabi ko ayoko bukas na pag bayad na.

    normally mga ganyan kausap nag didispose lang talaga ng sasakyan. yan yung madaling kausap, and confident sa unit nila.

    naalala ko horror story nung barkada ko sa 323 nabili nya sa bayanseller. honestly ang porma nung auto, tipong wala kana aayusin aesthetically. nun sinubukan nya isauli, nagastos na daw agad yung pera pinambayad, nag offer sya 20k ibawas para lang wag na palusot seller, pumayag daw agad. sabi ko bro ok na yan kaysa 150k mawala sayo. btw ang issue pala both engine and transmissions, plus sa singit singit may kalawang na di naman dapat natatamaan ng tubig.
  • ^Actually boss tama ka. Sobrang dali kausap nung owner paalis na kasi foreigner. Iniisip ko nga kung iba nakausap nun at hindi ako malamang binarat barat pa yun or niloko or mabudol budol pa.
  • Ang daming nagbebenta na "owner leaving". Kadalasan fake pero pag nakatiyempo ka ng totoong leaving, swerte.
  • ^Actually boss tama ka. Sobrang dali kausap nung owner paalis na kasi foreigner. Iniisip ko nga kung iba nakausap nun at hindi ako malamang binarat barat pa yun or niloko or mabudol budol pa.

    sa AAV bro way back, sarap daw bumili sabi ng mga barkada ko. almost unused na, ang mura pa magbenta ng sellers. not sure if same case ngayon dahil sa online nakikita na ng owners yun resale values ng auto nila. pero sabi nun isa kong barkada nakakatyempo parin daw sya minsan.
  • Nakakatakot bumili ng 2nd hand na CVT. Sabi nila 400k ang replacement if nasira, pang mayaman lang talaga.
  • Sa repo warehouse check niyo din if yung unit may logo ng prudential guarantee. 2 out 3 na chineck ko dati na naka under PGA ay nakapangalan sa foreigner. Natakot yata na ma lockdown dito sa Manila kaya tinakasan yung liabilities dito sa pinas hehe.

    Bald0

    Anong model yang tinutukoy mo sir?
  • kaya ako manual paren kung 2nd hand ang kotse na mabibili kung masira man hindi masaket
  • ^agree boss. Yun clutch ng manual darating talaga time papalitan mo yan pero di kasing sakit pag matic madali pa ayusin.
  • Praning din ako dati diyan, nagkaroon ako ng city at civic na matic, di ko pinapatagal, binebenta ko na after a few years dahil natatakot ako masiraan ng transmission. Pero sa vios napanata loob ko dahil dami ko nakita na for sale na surplus transmission sa banawe at sa mga online buyandsell.
  • yung clutch mura lang pagpalit. yung transmission medyo madugo pero di ganun kamahal magpalit.

    Kasi pareho ko na napalitan yan sa kotse ko. haha
  • So far wala pa kong nababalitaan sa honda na nasira kagad yung cvt tranny niya. Pumutok yung ganitong issue sa Nissan eh. Then si suzuki swift first time lang din ilagay yung cvt for model 2018 to latest. Let’s see kung ano mangyayari sa new gen na swift after 5 years.

    mostly steering lang sa crv and civic sa latest models, pero sa older models ng FD transmission talaga every few years daw.
    pero sa swift sayo ko lang nabalitaan, badtrip yan kasi ok sana lumaki market ng suzuki sa atin para marami options mga buyers.
  • afaik yung sa swift is yung AGS yata ang maselan or needs different maintenance than conventional auto
  • Followed the advice here, nagtingin nlng ako sa FB Market place. I'm eyeing a 2010 NISSAN XTRAIL Automatic. Nasa 300k lang. Any thoughts bakit parang mas mura sya as compared sa ibang counterparts nya like Honda CRV, Toyota Rav 4, Suzuki Vitara?
  • @ninjababez

    Dalawang variant pala yung ni release ni suzuki nung 2017. Yung nakuha ko last batch na ng AT 4-speed tranny then by Q3 of 2017 onwards nilabas na nila yung pang 2018 variant at CVT na talaga. So far yung mga weird na reklamo lang nila yung sipol sound kapag pumapalo sa 1500 to 2500 rpm yung speed which is normal naman yun sa cvt vehicle.

    @wakidiaz

    Suzuki Swift Dzire yata yung model na yan. Though ang premium ng interior ni Swift Dzire kaso di ko trip yung exterior niya. Hehe

    @kjlink

    as far as I remember may overheating issue yung mga model na yan, double check mo lang din. Pati gas consumption parang same sila ni Toyota Rav4.
  • Followed the advice here, nagtingin nlng ako sa FB Market place. I'm eyeing a 2010 NISSAN XTRAIL Automatic. Nasa 300k lang. Any thoughts bakit parang mas mura sya as compared sa ibang counterparts nya like Honda CRV, Toyota Rav 4, Suzuki Vitara?

    kung OK interior bro, and condition ng makina at napusuan mo talaga kunin mo na.
    matatawaran mo pa yan kasi di namna hot item yan
    yan maganda pag malakas sa gas yung auto, mababa resale value

    Dalawang variant pala yung ni release ni suzuki nung 2017. Yung nakuha ko last batch na ng AT 4-speed tranny then by Q3 of 2017 onwards nilabas na nila yung pang 2018 variant at CVT na talaga. So far yung mga weird na reklamo lang nila yung sipol sound kapag pumapalo sa 1500 to 2500 rpm yung speed which is normal naman yun sa cvt vehicle.

    ok na ba NVH nun bagong swift?
    sobrang love ko yun swift ko noon, di ko ramdam na maingay interior
    na realized ko nalang nun nautusan ako ng boss ko bumili ng parts and ayusin mga sira
  • So far sa bagong gen ng swift minor issue lang din like sa caliper pins kelangan i-teflon tape, kalaban talaga ni hatchback yung mga lubak sa kalsada. Sa bumper to bumper traffic naman kapag manipis yung tapak mo sa brake may konting vibrate siya... yun lang na notice ko sa model ko pati sa mga latest model ni swift.

    Anong magandang mags para sa 185/55 R15?
  • CR-V 2nd gen. Anything to check before buying? Aside from A/C compressor.
  • So far sa bagong gen ng swift minor issue lang din like sa caliper pins kelangan i-teflon tape, kalaban talaga ni hatchback yung mga lubak sa kalsada. Sa bumper to bumper traffic naman kapag manipis yung tapak mo sa brake may konting vibrate siya... yun lang na notice ko sa model ko pati sa mga latest model ni swift.

    Anong magandang mags para sa 185/55 R15?

    actually bro yun teflon tape sa caliper pin ang dahilan bakit mabilis maubos ang brake pads.
    may sarili akong fix dyan, and kasama dun pag gamit ng tamang silicone grease sa slides
    yun fix ko dyan unorthodox, pero wala pa sablay. swift, vios gen 1 and 2, altis, mazda 3 and everest ng barkada ko.
  • Hello guys, okay po ba 'to?

    2006 Honda Civic FD 1.8v
    Manual transmission - 74K mileage
    335k pesos
  • @ninjababez

    Same din ba na nakakapudpod ng pads yung coke can? Anong brand ng silicon grease yan try ko din ipa-apply sa next pms ko. Pang long lasting din ba sya? Thanks
  • @Kevin08

    IMO may pagkamahal, siguro Honda tax na din and if legit yung low mileage niya or if alam mo history nung sasakyan, pweds. Otherwise sa ganyang budget, kaya mo makakuha ng 2011+ Altis/City/Vios.
  • Toyota vios batman isa sa stable na vios gen.. Swak na swak sa 300k budget.
  • Same din ba na nakakapudpod ng pads yung coke can? Anong brand ng silicon grease yan try ko din ipa-apply sa next pms ko. Pang long lasting din ba sya? Thanks

    permatex or dynatex
    every 2 years or 20k km ko repair yung brake system, kasabay ng pagpalit brake fluid bro
    much longer if you want, basta palinis lang brake caliper every PMS schedule using brake cleaner

    btw yung coke in can or lata fix, yun yung di ko ginagawa nasisira lang lalo yun dahil walang play. metal epoxy gamit ko, wont make sense unless gawin ko sa harap mo (im planning to upload a DIY video)
    also yung sa teflon sa caliper pin, wala naman sa original configuration yun nung brake system. ilan mechanic na nabara ko dahil pinipilit nila yun ang fix. mga tamad mag linis mga ito ng brake system at lagay lang ng lagay ng teflon at grasa (kaya lumobo rubbers) ito din ang nagpapa stuck sa brake para mapudpod ng mabilis yun pads. ginagaya lang kasi nila yun ibang caliper pin na may rubber grommet tulad nitong nasa pic..