Forum Topic

Buying a 2nd hand car (Buy and Sell Offers strictly prohibited, FAQ on Page 1)

  • Ask ko lang po if good kumuha ng sasakyan thru financing. Budget ko lang kasi is 250k not including ef.
    Im looking at 2015-2016 model ng vios and yaris.
    Medyo need lang for convenience ng hatid sundo since school service is not yet available.
    Also thought of using the funds as dp for bnew pero i dont have a garage so i mainly looking at used market para di ako msayado mag worry na nasa labas lang siya. I know it's irresponsible to get a vehicle without proper parking area pero nasa Subd naman ako and HOA is okay with it. Thank you
  • Buying a 2nd hand car is very risky for car newbies but the substantial discount (vs bnew price) makes it worth it. That is if you buy it in cash. Kung ififinance mo na din, you bloat your purchase price so you might as well just go for bnew.

    In short, kung mag 2nd hand ka, cash dapat. Kung magfifinance ka, better get a bnew car.
  • malabo pa yang 2016 superman vios na 250k

    batman makukuha mo dyan, goodluck
  • Ask ko lang po if good kumuha ng sasakyan thru financing. Budget ko lang kasi is 250k not including ef.
    Im looking at 2015-2016 model ng vios and yaris.
    Medyo need lang for convenience ng hatid sundo since school service is not yet available.
    Also thought of using the funds as dp for bnew pero i dont have a garage so i mainly looking at used market para di ako msayado mag worry na nasa labas lang siya. I know it's irresponsible to get a vehicle without proper parking area pero nasa Subd naman ako and HOA is okay with it. Thank you


    pasok na sa 2010 Vios yang budget. hindi ka pa hirap sa maintenance
  • We are on the verge on buying this week na. Baka mag altis 2003 kami dahil yun ang pasok sa budget. Maganda kasi feedback ni Scottie Kilmer about dun sa kotse na yun. Ask ko lang ano magandang brand ng gulong sa bang for the buck? Bukod sa Fluids and Filters ano pa dapat palitan upon purchasing? Baka kasi kay makalimutan ako. Noob kasi ako sa car at beginner driver pa lang.
  • Bukod sa Fluids and Filters ano pa dapat palitan upon purchasing?


    check all under chassis condition
  • Baka mag altis 2003 kami dahil yun ang pasok sa budget. Maganda kasi feedback ni Scottie Kilmer about dun sa kotse na yun


    minsan yung variant ng US ay malayo sa variant na binebenta sa PH
  • ingat sa murang second hand sa mga market place, inspeksyonin mabuti daming sasakyan lumubog sa baha
  • Mababa talaga market value ng 2003 altis kasi malakas sa gas. Same with late model toyota crown and honda accord. Yung mga ganyang malalaking sedan, mahal pag bago pero pag luma na bagsak na bagsak ang value dahil impractical na.
  • ^ at mas mataas pa alam ko registration dahil considered luxury car
  • ingat sa murang second hand sa mga market place, inspeksyonin mabuti daming sasakyan lumubog sa baha


    naku oo nga. andami lubog na sasakyan sa Noveleta. kakalungkot din naman para sa mga owner, pero be cautious mga lodi sa pagbili ng seguda mano na auto.
  • @ixi97,synchron, gobi
    Thanks mga sir sa input nyo. Follow up questions po
    What car model should i look for 300k budget?
    since it wil be park outside, ano po preventive maintenance I should start learning?
    Is it okay to get bnew if ippark lang naman sa labas?
  • Get a garage first, yun ang first step. The rest follows.
  • dito sa metro manila, majority of car owners park their car outside whether brand new or not. same care, either way: regular cleaning, waxing, etc.

    kung wala ka masyado alam sa sasakyan, maliban sa mag drive, mas ok mag brand new para very minimal chance na may masisira within the first few years.
  • vios superman sa 300k, mitsu mirage hatch or g4, or honda city transformer

    dala ka mekaniko pag mag inspect yung may scanner
  • kuniva_productions Send Message View User Items on 07 Nov 22 @ 09:41 AM #
    What car model should i look for 300k budget?


    try mo suzuki dzire meron mababa mileage na bago bagong model.

    since it wil be park outside, ano po preventive maintenance I should start learning?
    Is it okay to get bnew if ippark lang naman sa labas?


    not related sa PM pero napansin ko nun wala pa akong garahe mabilis masira un mga goma not sure sa location mo pero dito sa bulacan lahat ng goma ng salamin lumutong at ngayon parang natutuklap, un mismong salamin naman nagkaron ng water droplet marks dahil tamad ako dating magpunas siguro mapapayo ko magpunas ka ng sasakyan kada umulan at bago umaraw.
  • Get a garage first, yun ang first step. The rest follows.


    Correct 100000%.
  • Get a garage first, yun ang first step. The rest follows.


    first preventive maintenance.
  • saan ba maganda tumingin ng mga unit ngayon online? marketplace? madalang na yung owner/seller, madalas hawak na ng dealer... ok ba bumili sa dealer?
  • marketplace lang saken low budget kasi o kaya sa mga groups
  • hindi pa ako decided kung 2nd hand SUV worth 600k ang bibilhin ko or mag 50% down ako sa BNew 7 seater MPV then 20k+ monthly for 3years.

    sa Bnew kasi iniisip ko din yung ibang babayaran pa habang naghuhulog din sa MA. Tapos ayaw ko magaya doon sa mga friendnko na bigla na lang nahatak or pinasalo yung car during pandemic.

    kayo ba na nasa same situation ko dati, ano kinuha niyo? BNew or 2nd hand?
  • ^
    First car ba sir, may pamilya?
    Mas may peace of mind kasi pag bnew, after few years pa usually naglalabasan yung sira

    Ako hangga't kaya, sa bnew ako. Pag 2nd hand kasi, kahit anong check gawin mo, possible na bigla na lang may lalabas na problem. Mahirap kung itirik ka sa gitna ng kawalan kasama ng pamilya mo. Hehe

    First car ko though was a 5 years used car. Dun ako natuto mag troubleshoot ng car problems, to some extent, mag repair na rin. Pero lahat ng next ko was bnew na
  • youtube lang sapat na kahit noob sa oto XD
  • synchr0n1z3r82 Send Message View User Items on 15 Nov 22 @ 09:19 PM #
    youtube lang sapat na kahit noob sa oto XD


    iba pa rin ang may experience & exposure.
  • Pwede nyo rin subukan yung mga Dealer Certified na used cars. "Nacheck" na raw ito maigi. Though wala pako kilala na kumuha sa ganito.
  • 1 beses lang ako nakatikim ng bnew na sasakyan, pero galing sa magulang. After non, puro 2nd hand na pero sarili ko ng pera. Ang dahilan ko naman is allergic ako sa utang kaya ayoko mag car loan so no choice, 2nd lang kaya kong bilhin ng cash. Pero kung mayaman ako at kaya ko bumili ng cash, bnew lagi kukunin ko. Malaking bagay din yung may peace of mind. Lower risk ka sa brand new.
  • ^
    First car ba sir, may pamilya?
    Mas may peace of mind kasi pag bnew, after few years pa usually naglalabasan yung sira

    Ako hangga't kaya, sa bnew ako. Pag 2nd hand kasi, kahit anong check gawin mo, possible na bigla na lang may lalabas na problem. Mahirap kung itirik ka sa gitna ng kawalan kasama ng pamilya mo. Hehe

    First car ko though was a 5 years used car. Dun ako natuto mag troubleshoot ng car problems, to some extent, mag repair na rin. Pero lahat ng next ko was bnew na


    2nd car na, 2nd hand yung una ko car, yes, pampamilya. yun ang isa ko iniisip, peace of mind, although may mga brand new na nagkaka issue agad pero madalang.

    medyo may alam naman na sa basic troubleshooting and pag diagnose, ang problem lang is paano if sa alanganin na lugar nasiraan, tapos si misis ang may dala and hindi ako kasama.

    iba pa rin ang may experience & exposure.

    tama, minsan nagkaka idea ka lang kung ano ang issue dahil na experience or napanood/nabasa mo.

    Pwede nyo rin subukan yung mga Dealer Certified na used cars. "Nacheck" na raw ito maigi. Though wala pako kilala na kumuha sa ganito.

    isang option din ito, medyo nga lang may patong na sila, dati kasi madalas sinasabi wag bumili sa mga 2nd hand shop car dealer dahil madalas ay pinapaganda lang yung labas, eye candy kung baga.

    1 beses lang ako nakatikim ng bnew na sasakyan, pero galing sa magulang. After non, puro 2nd hand na pero sarili ko ng pera. Ang dahilan ko naman is allergic ako sa utang kaya ayoko mag car loan so no choice, 2nd lang kaya kong bilhin ng cash. Pero kung mayaman ako at kaya ko bumili ng cash, bnew lagi kukunin ko. Malaking bagay din yung may peace of mind. Lower risk ka sa brand new.

    allergic din ako sa utang, kung sakali ito pa lang yung utang ko. hehe


    kapag ba sa brand new bukod sa MA and PMS ano pa ang ibang babayaran? Insurance? ang isa ko siguro option din is bumili ng around 3yrs old na car, sana lang walang hidden issue, lalo electricial, nakikita din ba sa OBD2 scanner yung totoong mileage?
  • ok pa po ba crv gen 2 manual sa 260k? 45k mileage. base sa post ng seller, 10-12 km/l ave. fuel consumption nya.

    Or ano pa po ba magandang option na 7 seater or suv sa budget na 200-250k range? Salamat po.
  • ceejaytwo3 Send Message View User Items on 24 Nov 22 @ 07:52 PM #
    ok pa po ba crv gen 2 manual sa 260k? 45k mileage. base sa post ng seller, 10-12 km/l ave. fuel consumption nya.
    Or ano pa po ba magandang option na 7 seater or suv sa budget na 200-250k range? Salamat po.

    - if totoo yung mileage then oks yan sa price.
    - i highly doubt if 10-12 km/l yan, most probably sa highway yan. ave ng crv is 8km/l, normally as low as 6km/l if metro manila roads.
    - i think not all crvs is merong upuan sa likod, i have seen a few na wala, unless tinanggal lang nila.
    - sa budget mo, i would go for avanza. yun na yung pinaka bago na mabibili mo based on your budget. or if you want, i'll go for old school na revo/adventure/crosswind.
  • mga sir, ano kaya best price range ng mga lxi/vti 97-00 na automatic? worth it pa ba bumili?

    thanks

    -- edited by coresync on Nov 25 2022, 06:40 PM