Forum Topic

Buying a 2nd hand car (Buy and Sell Offers strictly prohibited, FAQ on Page 1)

  • ^ 100-140k

    timeless para saken itsura nyan basta ok makina at kahit stock lang
  • worth it paba yung mga tig 60k na corola small body sa market place? first car kung sakali.. i saw a post sa fb naka side skirts at body kit maayos ang loob i wonder kmusta ilalim
  • worth it paba yung mga tig 60k na corola small body sa market place? first car kung sakali.. i saw a post sa fb naka side skirts at body kit maayos ang loob i wonder kmusta ilalim


    kung alam mo ginagawa mo, oo. kung wala ka alam sa kotse lalo na sa small body at lalo kung wala ka pera, wag.

    kung first car mo pa lang, suggest ko 2000 na Vios onwards. ito yung gen 1 Vios na lumabas dito at SKD ito, made in japan maliban sa gulong at baterya.
  • meron din ako vios robin, pinapalitan shock mounts, 700 pesos lang 1 piraso. pagbaba ng shocks, ok pa daw. no signs of leaks, orig pa. 15+ yrs ayos pa shocks. tibay talaga ng orig parts.
  • kung alam mo ginagawa mo, oo. kung wala ka alam sa kotse lalo na sa small body at lalo kung wala ka pera, wag.


    yun lang wala ako cash kaya opted sa ganyang cars dahil gusto ko din matuto magkalikot and iba kasid ating sakin nung mga box type na old models kumpara sa mga vios

    magastos ba talga? pang ilalim, paint, body works, engine mostly ba pag ganyan edad eh sirain na?
  • yun lang wala ako cash kaya opted sa ganyang cars dahil gusto ko din matuto magkalikot and iba kasid ating sakin nung mga box type na old models kumpara sa mga vios

    magastos ba talga? pang ilalim, paint, body works, engine mostly ba pag ganyan edad eh sirain na?


    depende talaga sa condition nung kotse pero sure ako ng marami dyan na mura pero madami mga sira... asahan mo talaga na pag mura, madami ang sira.

    payo ko, tiis ka muna na mag ipon para sa mas modern na modelo... ang 1989 to 1997 na corolla hindi ko marerekomenda para sa walang alam sa kotse dahil vintage na itong mga ito.

    ang small body, big body at love life ay para lamang sa mga marunong sa kotse o maraming pera. galing ako sa big body at kinalaunan binenta ko rin, rusi gala ang napili kong bilhin at hanggang ngayon, rusi gala pa rin gamit ko
  • mga sir, ano kaya best price range ng mga lxi/vti 97-00 na automatic? worth it pa ba bumili?


    Sobrang mahal na ng mga surplus parts ngayon. Hindi na tulad dati. Parang hindi na worth it
  • coresync Send Message View User Items on 26 Nov 22 @ 10:39 AM #
    mga sir, ano kaya best price range ng mga lxi/vti 97-00 na automatic? worth it pa ba bumili?

    kabibili ko lang few months ago ng 99 lxi... 80-140k price range nung naghanap ako.
    problemado ko ngayon kasi di umaandar ehehehhee, tapos walang "honda expert" na alam yung solution.
  • ^ panuorin mo si oto matik workz sa YT. pwede mo ring tawagan cavite ata yun
  • worth it paba yung mga tig 60k na corola small body sa market place? first car kung sakali.. i saw a post sa fb naka side skirts at body kit maayos ang loob i wonder kmusta ilalim


    huwag yung side skirts at body kit tignan mo. mas importante kondisyon ng makina at body mismo kung ok pa. kung gusto mo matuto sa kotse, ok yan pero baon ka maraming paracetamol at pasensya. samahan mo na rin ng budget para sa makina kasi yun talaga aalagaan mo kapag natapos mo na pang ilalim.
  • worth it paba yung mga tig 60k na corola small body sa market place? first car kung sakali.. i saw a post sa fb naka side skirts at body kit maayos ang loob i wonder kmusta ilalim


    eto payong kapatid.... wag ka maghahanap ng naka porma, ang hanapin mo all stock, kung ano yung itsura nung bagong bili palang, yun dapat itsura niya pag binenta. dito mo makikita kung inalagaan ang kotse kung all original siya.

    pero dala ka pa rin ng trusted mekaniko kung talaga gusto mo ng small body... pero kung ako ang tatanungin, hanap ka ng 1.6 GL na matino, either 1989 GL na genuine SKD or 1992 all power na 1.6L GL.

    Yung 1989 ang alam ko GL ay OEM long pocket pag SKD.... hindi maroon ang kulay ng interior, parang bluish ata ang OEM kulay ng interior ng SKD long pocket na 1989 GL.

    yung 1992 1.6L all power OEM ang power steering at power side mirrors, baka meron ka pa mahanap na mura. wag ka kukuha ng converted... kung 1989, 1990 o 1991 yan walang all power na OEM... 1992 lang nagkaroon ng all power na 1.6L small body at OEM yun. at isa pa, walang OEM power steering ang small body 1.3 sa lahat ng mga taon.

    pede ka rin maghanap ng 1992 big body. SKD ito, made and assembled in Japan basta 1992 to 1993 lang. baterya at gulong lang ang local.

    -- edited by redwing0001 on Nov 27 2022, 09:59 PM
  • Mga sir salamat. Yun nga iniisip ko pag honda mahal ang pyesa. Either lxi/vti or lovelife (problema lang dami ex taxi). Ano ba automatic na car mabibili ko sa 160K? Toyota BB sana kaso 200K+ pa. Hehehe
  • ^ civic dimension ; lancer cedia ; o kaya city idsi baka maka tsamba
  • ^Try Lancer Pizza 97-2002 marami pang maaayos na units parts are locally available in the market bnew and surplus. Sa presyong P160K magandang condition na makukuha mo. Just bring your trusted mechanic
  • lovelife (problema lang dami ex taxi)


    madali lang mapuna kung ex-taxi. madalas sa plaka hindi tugma sa modelo, pangalawa, sobrang mura ng presyo, isa pa, yung interior madalas itim at yung engine bay itim din ang kulay. alam ng mekaniko yan kung ex-taxi kaya magdala ka ng bihasang mekaniko para maka sigurado.
  • bagong raket ni Jeep Doctor, car buying assistance, pwede kaya sya maarkila hanap ako ng HONDA CIVIC ESI ahahahah
  • Post deleted #12435177
  • ^ kano at ano issue?
  • Post deleted #12435183
  • Post deleted #12435192
  • Pare parehas po ba ang port/pin ng ODB2?
  • bagong raket ni Jeep Doctor, car buying assistance, pwede kaya sya maarkila hanap ako ng HONDA CIVIC ESI ahahahah


    Gusto niya kapag magpa-assist ka along qc or nearby areas lang. Ayaw ng malayo. Hehe
  • Sa mga naka GLS Montero 2016-2018 model, any other common issue niya? Planning to acquire sana. Bukod sa nababasa ko na maselan yung e-brake feature niya, meron pa kayang iba?
  • nasa magkano kaya market value ng Mirage 2015 GLX MT? around 59k odo
  • ^300-350k
  • may plan akong bilhin na car, Expander 2019.

    text LTO <space> Vehicle <space> PlateNo and send to 2600
    gumagana pa ba ito? sinubukan ko yung car ko, updated registration naman pero 2020 lang ang reply ng LTO SMS.

    paano pala icheck yung radiator kung mainit na ang engine? ilang minuto ang need pahingahin?

    sa pag validate ng papers mas maganda dalhin sa HPG or sa LTO? kahit ba photocopy or printed copy pwede na?
  • paano pala icheck yung radiator kung mainit na ang engine?


    sa luma, temp guage. sa bago, temp indicator.

    ilang minuto ang need pahingahin?


    kung short drive, kahit 1 min ok na. kung long drive, mga 5-10 mins kasama compressor
  • sa luma, temp guage. sa bago, temp indicator.

    thanks. gusto ko sana kasi makita yung loob ng radiator, kaya maganda sana mabuksan ko yung radiator cap.
  • baka may nakabili na dito ng ex taxi na unit?

    magastos ba gamitin? X_X
  • Naalala ko, nakakita ako ng vios taxi isang araw, kapag umaabante, makikita mo literal na nauuna umabante ang harap na gulong ng mga 2 pulgada bago sumunod yung kaha. Maluwag na siguro wheel bearing. Parang anytime matatanggal. Kakataka bakit pinapalabas pa sa ganong kundisyon. That being said, ex taxi units are a big NO for me.