Forum Topic

Buying a 2nd hand car (Buy and Sell Offers strictly prohibited, FAQ on Page 1)

  • thanks. gusto ko sana kasi makita yung loob ng radiator, kaya maganda sana mabuksan ko yung radiator cap.


    pwede mo naman irequest yun sa pagbibilhan mo ng kotse. lahat ng query bago bilhin ang isang second hand pwede yun
  • synchr0n1z3r82 Send Message View User Items on 13 Dec 22 @ 02:12 PM #

    baka may nakabili na dito ng ex taxi na unit?

    magastos ba gamitin? X_X

    depende sa gagamit at depende sa mekaniko na magmmaintain. marami kasing mekaniko is pag nasira dun lang aayusin. pag ganyan, dapat marunong din sa sasakyan yung gagamit ng xtaxi para malaman nya din kahit simple pa lang yung symptoms ng issue.

    we had 2 na xtaxi, kia lx and big body. di kami masyado nagkaissue kasi may alam sa pagkalikot family ko. and bahay/palengke lang yung kotse
  • ^ yung gastos po ba? expected naman mas mataas sa non taxi na 2nd hand. . .

    mga 5k a month siguro?

    -- edited by synchr0n1z3r82 on Dec 13 2022, 04:25 PM
  • Mga paps hingi lang ako opinion niyo. For a budget of 500-650k. Which from the option below will you choose and bakit? Magkakaiba sila ng segment pero need ko lang ng smaller car as an alternative sa SUV. Mostly kasi 2-3 lang sakay including driver tapos ang laki pa ng SUV dalhin.

    1. Wigo
    2. Brio
    3. Vios
    4. Honda City
    5. Altis

    -- edited by ssi_markd on Dec 13 2022, 10:20 PM
  • wigo or brio para mas malaki contrast sa suv. mas madali isingit at mas madali ipark.
  • GM Honda City!
  • 1. Wigo
    2. Brio


    this two and to add on your list.

    Celerio and Espresso.
  • 4. Honda City
    5. Altis


    dito ako since pag 3 yung sakay, there will always be 1 person sa backseat
    para comfy pa rin yung nasa likod kahit matangkad yung mga nasa unahan
  • totoo ba na dapat dalhin yung sasakyan + or/cr sa HPG para iverify kung may alarma or hot car? ayaw nila na papel lang ang dadalhin.

    -- edited by razor on Dec 14 2022, 07:16 PM
  • Yes, sila gagawa ng micro etching sa sasakyan mo para sure na walang daya. Kung hindi nila gagawin yan, ang dali na magpalusot ng carnap na sasakyan.
  • to all,

    magprocess na po sana ako ng transfer of ownership, medyo nalilito lang ako:

    1. pede ba mauna muna yun HPG clearance then after process na rehistro para name na ng current owner ang magreflect or;
    2. rehistro muna then HPG clearance then saka magpa change ownership.

    salamat po sa sasagot

    -- edited by 13thAngel_25 on Dec 14 2022, 10:47 PM
  • HPG clearance muna then change ownership.

    sabay ang change ownership at rehistro/renewal ng kotse
  • ^maraming salamat paps
  • Mga paps hingi lang ako opinion niyo. For a budget of 500-650k. Which from the option below will you choose and bakit? Magkakaiba sila ng segment pero need ko lang ng smaller car as an alternative sa SUV. Mostly kasi 2-3 lang sakay including driver tapos ang laki pa ng SUV dalhin.

    1. Wigo
    2. Brio
    3. Vios
    4. Honda City
    5. Altis


    Brio ako dyan. Hondaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
  • HPG clearance muna then change ownership.

    sabay ang change ownership at rehistro/renewal ng kotse


    last na lang mga paps, kung sa Crame ako mag pa clearance will it be an issue kung taga cavite po ako? or dapat sa cavite ako kumuha ng HPG clearance...

    TIA po ulet....
  • Hello everyone just want to update and magtatanong na din.

    Ako yung yung bibili na sana kami nung altis 2003 kaso hindi natuloy. Nag bnew na Innova yung binili nila na Automatic.

    New driver pa lang at ayaw ko muna I-drive yun dahil natatakot ako. Saka kapatid ko yung lagi may gamit kaya ayaw ko makipag agawan.

    So pag may P100k budget ka, alin dito ang pinaka ok?

    -Toyota Small Body
    -Lance hotdog
    -Nissan ECCS
    -Lovelife(A little bit of a reach)

    Preference ko sana eh small body pero open din naman sa ibang kotse. Yung mga lancer hotdog nagagandahan din ako kasi ang ganda ng interior.
    P100k lahat ng pera let's say. Sa kotse mga 50-70k ang budget tas yung P30k eh sa rehistro, repair etc.

    Salamat ng marami.
  • So pag may P100k budget ka, alin dito ang pinaka ok?


    eto sir pero sa Corolla AE111/EE110 need mo dagdag budget
    -Nissan ECCS
    -Lovelife(A little bit of a reach)

    try mo din ang Corolla AE101/EE100
  • Hot dog or pizza pie, sakto sa budget mo. Karburador and manual (no power) piliin mo para mas konti pagawain.
  • So pag may P100k budget ka, alin dito ang pinaka ok?

    -Toyota Small Body
    -Lance hotdog
    -Nissan ECCS
    -Lovelife(A little bit of a reach)


    dagdag mo ang Honda City 1st gen o Type Z
  • Bigbody na 2E. basta XE
  • jeff_3429 Send Message View User Items on 09 Jan 23 @ 11:18 AM #

    Hello everyone just want to update and magtatanong na din.

    Ako yung yung bibili na sana kami nung altis 2003 kaso hindi natuloy. Nag bnew na Innova yung binili nila na Automatic.

    New driver pa lang at ayaw ko muna I-drive yun dahil natatakot ako. Saka kapatid ko yung lagi may gamit kaya ayaw ko makipag agawan.

    So pag may P100k budget ka, alin dito ang pinaka ok?

    -Toyota Small Body
    -Lance hotdog
    -Nissan ECCS
    -Lovelife(A little bit of a reach)

    agree with synchr0n1z3r82 , add onti meron ka nang 96-99 honda city.
    but if sagad na yung 100k (including immediate repairs), ill go with small body or itlog
  • synchr0n1z3r82 Send Message View User Items on 14 Dec 22 @ 08:25 AM #

    ^ yung gastos po ba? expected naman mas mataas sa non taxi na 2nd hand. . .

    mga 5k a month siguro?

    sorry paps ngayon ko lang nakita to...

    hindi sya monthly gastos... more on pagkakuha ng unit, pagawa kagad lahat ng important... then plan ahead para sa mga future na ipapagawa. so yeah, siguro safe na magtabi ng 5k amount para sa mga future na ipapagawa.

    bumili kami ng xtaxi big body @30k... immediate gastos is replace all belts(pati timing belt)/fluids/filters/thermostat/overhaul ng rad/replace most suspension parts/biyak ng gas tank/interior and glass detailing/palit 4 tires/basic wiring fixes... siguro 70k lahat lahat na including the unit. ginamit namin for couple of months to monitor if may kailangan ayusin sa engine... after mga 6 months siguro nag top overhaul kami, di naman need, pero naffeel ko na kasi na parang kulang na yung power, and may onting itim na sa spark plug. so insteal na plug guide/seal lang, direcho na top OH.

    hanggang sa mabenta namin yung unit yan lang ginastos namin. more than 4 years samin
  • ^ ilan na milate nyan boss
  • Mga paps hingi lang ako opinion niyo. For a budget of 500-650k. Which from the option below will you choose and bakit? Magkakaiba sila ng segment pero need ko lang ng smaller car as an alternative sa SUV. Mostly kasi 2-3 lang sakay including driver tapos ang laki pa ng SUV dalhin.

    1. Wigo
    2. Brio
    3. Vios
    4. Honda City
    5. Altis


    Update: Nakakuha na ako nung isang araw. 2017 Honda City VX Navi GM6. So far ok naman. Stock lahat. Hehe. 27k+ kms lang with service records.

    Pangatlong Honda City ko na to since 2015. My last Honda City was sold last October 2022 lang. 2010 model GM 1.5. Nabenta naman sya sa maganda presyo kaya nilet go ko na din. Hopefully mas ok itong GM6.

    May tinignan akong 2015 Altis that day din from a car dealer. Upon inspection sa engine bay, mukang nagkaroon ng malaking bangga kasi may portion na naliko sa left area ng chassis compare sa right na straight naman. May reservation na ako dun sa Altis pero refundable naman daw kung di ko magustuhan.

    Sinabi ko sa seller na meron bangga, di daw niya napansin yun which I doubt. Besides from that, yung front frame na malapit sa radiator is parang pinukpok para lang madiretso kasi hindi pantay. Then yung engine cover, nagtataka ako bakit may mga gasgas din. Very noticable pa naman sa Atlis ang engine cover kasi color black talaga sya tapos yung gasgas is parang kiniskis sa semento.

    Pati nga pala gas at toll ko binayaran din nung seller kasi siguro nahiya. Hanggang sa huli, inilalaban ni seller na hindi daw yun nabangga at hindi daw nakakaapekto sa performance ng sasakyan. Haha.

    Kaya sa mga bibili ng 2nd hand car, inspect mabuti kung nabangga siya kasi bihirang seller ang aamin na nabangga yung unit na binebenta nila.

    -- edited by ssi_markd on Jan 15 2023, 03:37 AM
  • ^Congrats boss. Magkano?
  • 520k paps. Palitin lang gulong kasi expired na. Hehe.

    Mukang mas matipid ito compared dun sa mga previous City ko na GM. Kasi yesterday I travelled 110kms mix city and hi-way driving with 3 pax, AC on, ECO off. Full tank to full tank hanggang makauwi 495 pesos lang.
  • ^Mura? Di ba Million bago nyan since top of the Line mga VX di ba?
  • ^Mura? Di ba Million bago nyan since top of the Line mga VX di ba?


    VX Navi is yung top of the line nung 2017 which is ito yung nakuha ko. Sabi nung kapit bahay namin na nagbuy & sell is hindi na daw ako talo sa presyo. Pinasilip ko sa kanya and wala naman daw bangga front and rear. Hindi daw flooded unit din. Amoy bago pa daw loob. Iba daw kasi yung amoy ng bago sa amoy pinabago. Literal na all stock daw talaga which is sabi niya mas ok daw yun.

    -- edited by ssi_markd on Jan 16 2023, 12:50 AM
  • Mas attractive din sa akin yung mga 2nd hand na binebenta na all stock
  • Mga master, planning to purchase a 2nd hand car
    ano ba mas ok, yung kaya i drive pa sagada ng hindi mahirap?
    2017 - Hilux, Navara, Wildtrack, Everest, Escape? Mux? Masyadong mahal ang fortuner..

    Salamat