Forum Topic

Buying a 2nd hand car (Buy and Sell Offers strictly prohibited, FAQ on Page 1)

  • ftw123 Send Message View User Items on 08 Apr 23 @ 09:40 PM #
    Helllo. Magkano usually notary fee ng deed of sale? Thanks!

    yung iba fixed amount, 500-1k... yung iba 1%-5% ng stated amount.
    karamihan ng fixed amount ang singil, sila yung hindi mahigpit sa requirements. basta bigay mo lang DOS then notarize kagad nila. yung mga by rate, sila madalas yung mahigpit. kailangan kung sino si vendee sya mismo yung magpapa notarize (with 2 valid IDs), sila din hahawak ng orig copy, certified true copy lang yung sayo.
  • usapang Deed of Sale, di ko pa pala napa-notarize yung DoS nung nabenta kong oto nung january 28. May time limit ba pa-notarize nun?
  • walang expiration ang pagpapanotaryo ng DoS pre, ang delikado lang ma expire ay Valid IDs. Pero once manotaryo na ang docs, yun ang me expiration. One year ata, or kung ano nakatatak na validity nung notaryo.
  • Kia Rio 2010 MT 130k expired rehistro.

    G ko na ba?
  • first family car. pang hatid sundo sa school..okay ba yung nissan grand livina 09-11 300-340k presyo nya sa marketplace
  • 7 seater pang school? 5 ba anak nyo? Haha
  • first family car. pang hatid sundo sa school..okay ba yung nissan grand livina 09-11 300-340k presyo nya sa marketplace


    kung within village or intercity mas maganda kung ebike na lang gamitin mong panghatid sundo sa school iwas ka pa sa traffic. pero kung tipong galing kang mandaluyong sundo hatid sa greenhills tapos family car... hmmm Vios or Innova?
  • may vios or innova po ba na 300k-350k?
  • 7 seater pang school? 5 ba anak nyo? Haha

    Pwede gawing pang service din kung maraming bakante
    Meron akong kakilala na ganito ginagawa, 7k per kid per month din nakukuha nya
  • nissan grand livina 09-11 300-340k presyo nya sa marketplace


    Sa price range na yan, parang mas ok pa 2008-11 or 12-13 avanza for me. Mas matipid sa gasolina.
  • Pwede gawing pang service din kung maraming bakante
    Meron akong kakilala na ganito ginagawa, 7k per kid per month din nakukuha nya


    yung liteace ng brother ko 2k per head..bale 6 na bata plus anak nya..gising sya ng 6am tas mag kaon na tas hatid sa school..pag dating 4pm mag hahatid na pauwi..ok na 12k san nya kukuhanin yun kaya ung taga amin di kaya tapatan kasi nasa 5k singil nya tas xwind at adventure pa gamit nya..
  • legal school service ba yan?
  • ^ car pool service ang tawag. Madami niyan sa school ng anak ko and encouraged pa nga ng pta. Mas kampante ako na ang nagmamaneho ay magulang at pasahero din anak niya kesa sa mga official school service na kaskasero drivers whithout minding na puro bata ang pasahero.
  • tama si sir lxi97, bale school service and car pool..2 kids lang naman yung hatid sundo at kung meron pang gustong sumabay pwede rin..yung trike palabas lang ng village ay 32 pesos na..madami rin yung nag carpool dito, more or less 100 pesos per head kada araw.. hindi rin advisable n e-bike/trike kasi along main highway yung dadaanan..malalaking truck ang kasabayan

    -- edited by xyzaalexi on Apr 13 2023, 10:20 PM
  • ^ pero pag ganyan na car pool as in normal private car gamit jan?
  • Hirap sa ganyan ikaw liable kung may mangyari sa mga bata...
  • ^ kagaya din ng sa official school services, may waiver naman as long as hindi ka negligent as a driver. liable ka lang kung proven na nagligent ka. pero malaking factor yung fact na pasahero mo mismo yung anak mo so that itself will give you the benefit na nagingat ka gaya ng pagiingat mo sa sarili mong anak.
  • kahit anong business naman, merong risk, merong accountability, varying degree nga lang

    kahit simpleng pagtitinda ng pagkain, merong danger of food poisoning
    syempre you do your best to deliver good clean food, lalo pa siguro kung yun din yung pinapakain mo sa pamilya mo

    kung ikaw naman yung parent na nangangailangan ng service, i'm pretty sure mas gugustuhin mo na naka mpv yung anak mo kesa naka tricycle papasok sa school
  • first family car. pang hatid sundo sa school..okay ba yung nissan grand livina 09-11 300-340k presyo nya sa marketplace

    anyway, balik sa original question, i don't think ok yung option mo for the reason na baka mahirapan ka sa pyesa
    at that age, anticipate mo na sooner than later, maraming maglalabasan yan na sira
    mas mapapadali yung buhay mo dun sa maraming source ng aftermarket parts

    same sa suggestion ni sir waki, mas okay siguro kung avanza
    you'll get a lot less car with avanza pero for sure, hindi ka papahirapan nyan paghanap ng parts
  • Naisip ko lang at dahil ang daming freak accidents. Lalo na nabanggit sa highway daw with many trucks..

    Kahit sabihin money is not a problem, kaya ayusin mga sira etc. But what if may serious injury, or worse may death. Hirap sa konsyensya. Lols
  • got a 2008 hyundai accent crdi mt for P160, 000

    pagkabili ko dinala ko agad sa Mt. Samat, Pilar Bataan.

    grabe yung fuel consumption nito, 214 kms travelled, 10.55L lang kinaen diesel pa nasa 550 pesos lang balikan bulacan to bataan. inabot pako ng trapik sa Lubao at NLEX. With uphill zigzag pa sa Mt. Samat.

    Buti ito binili ko kaysa Honda City IDSI.
  • ^ MT boss? dami naman sya parts locally?
  • magkano ba ngayon old hilux model ng toyota?
  • ^ MT boss? dami naman sya parts locally?


    Manual transmission sya, meron naman sa mga auto supply nagpalit nako air filter
  • @synchr0n1z3r82

    What made you choose this over the Honda City with idsi engine? With that budget ka price range nya yung Altis na 2002-2007. Curious ako kasi paborito itong ipa-raffle ng isang Mekaniko sa FB at YT. Dahil paborito ito ng mekaniko ibig sabihin somewhat reliable sya.

    Dati ang dami nito sa daan pero ngayon parang kumonti na lang.

    -- edited by jeff_3429 on May 03 2023, 03:20 AM
  • ^ diesel engine yan lang, hindi sya maangas tignan pero sa takbo at tipid yun panalo saken

    nag YT din ako ng idsi at accent crdi at lahat ng naka accent nagsasabi kaya 20kms per liter and above sa idsi nasa 16kpl

    tested and proven sa daan in my experience so far. 20.36 kpl sa fulltank to fulltank method ko. mala wigo ang konsumo pero malakas bumatak dahil diesel
  • ^Ah ok. Ok na din pag nagsawa ka na pwede ka magpalit anytime without losing too much money. Parang nag rent ka lang. Yun ang kinaganda sa 2nd hand.
  • Post deleted #12446288