Forum Topic

Nikon D5100 Users Thread

  • Mga master Pa OT po.. may d3100 ako super novice po ako.. di ko alam pano i off ung flash sa manual mode? help po ty
  • ^

    Di naman mag oon ang flash sa manual mode.
  • Hi mga master. Need ko lng po feedback nyo. Baka may Fuji users d2 or kung sino po may idea kung maganda ba yung kitlens nila na 18-55 f2.8-4? Nag kitlens na ako kaso ung 18-55 f3.5. Or pag ipunan ko nalang lalo para sa 35mm? Thanks po
  • Guys! pa critics naman po.. 1st time ko magkaroon ng camera.. pero medyo may alam na ko sa photoshop + lightroom..
    libre lait. pero yung makakatulong sana.. thanks.


  • mga boss tanong ko lang po..

    may nakakaalam po ba sa inyo kung saan po nakakabili ng replacement lcd screen?
    or saan po ang repair shop nito?

    Nikon D5000 po ang model.

    salamat po nang marami. :)
  • @corpuz

    Medyo late reply pero sagutin ko na lang din.

    Kung yan yung intended output na habol mo then ok na yan. Nagmukha nga lang generic na passport photo pic.

    There are several ways to improve the overall shot though..nasa sayo na lang kung susundin mo:
    - Ayusan mo si model, konting make up lang, ayos ng buhok tapos tamang posing pwede na.
    - Laruin mo na lang sa anggulo at lighting, kahit flashlight ayos na
    - Medyo may extra space sa taas ng ulo ni model, konting crop na lang yun.

    Since nagsisimula ka pa lang din naman, payo ko syo basa-basa ka ng mga fundamentals ng basic photography - lighting, composition, manual settings, etc lahat yan makakatulong para mas gumanda ang tira mo kahit pa anong brand at model ng camera ang ipagamit syo.

    Eto seryosong payo, ang mga panget na kuha mas lalo lang papanget pag dinaan mo sa photoshop/lightroom. Wag ka masyado mag rely sa post processing para gumanda ang kuha mo - eto din ang naging mali ko noon kaya madaming beses din ako nag trial ang error.

    Maraming libre na babasahin online na makakakapag turo syo neto kaya pag may time ka basa-basa ka lang, sa ganun paraan din ako natuto at nahasa kahit papano.
  • @grayfox17

    thanks po sa reply/critics, helpful sya. noted po yung mga tips nyo.

    mukang madami pa kong kelangan malaman sa photography.. hehe

    eto yung mga bago kong shots..
    feel free to criticize






  • matagal na ko hindi active sa pag shoot, nakatambak na nga lang ang mga gear ko pero yung natutunan ko na basics sa photography hanggang ngayon natatandaan ko pa. Masyado kasi ako nahilig noon kaya naging critical ako sa mga sarili kong kuha.

    As much as possible, mag self study ka muna bago ka magpakatay ng tira mo. Iba-ibang feedback ang matatanggap mo at malas mo kung makatanggap ka ng comment na parang nanliliit na sa technical level mo - sa experience ko, madaming feelingers na photog na mahilig magmagaling pero sila mismo mga palpak din naman. Sa katagalan mapapansin mo din to lalo na pag nahasa na ang mga mata at knowledge mo sa pagkuha.

    Wag mo rin masyado i-pressure ang sarili mo sa pag achieve ng sobrang gandang tira sa ngayon. Kung trip mo mag auto mode muna then go fo it, wag mo hayaang pangunahan ka ng iba sa mga trip mo. Tumingin ka rin ng iba't ibang shot para madiscover mo kung saang field ng photography ka magkaka-interest, mas madali kasi matuto pag gusto ng mata mo yung subject na nakikita mo.
  • @corpuz

    1st photo - too much space sa taas ng ulo ni model, use the rule of thirds.
    2nd photo - same as 1st photo.
    3rd photo - space again above the head, straighten the horizon, tilted kasi sa right. use rule of thirds.

    Sharing my street photography




  • @mark_alice2127

    Thanks sa Tips sir.. noted po..

    ganda ng shots mo sir.. anong camera and lens gamit mo?
  • ^

    Nikon D3300 + 50mm f1.8G Prime Lens. Photos were shot raw and in M mode, post processed in lightroom.

    -- edited by mark_alice2127 on Jul 11 2017, 05:33 AM
  • Hi Guys, I have a d5100 and a d90. Where should I put my prime lens and my zoom lens? Thanks
  • ^either one's fine. Nasa paggagamitan mo naman yan.

    Ang pagkakaalam ko (and correct me if im wrong na lang) compatible naman ang dx at fx lenses sa dalawang body na yan.
  • Post deleted #11981162
  • D5100 di pwede FX dahil walang built in VR sa camera...DX lenses have VR in lens

    Basta F mount sir pwede. Both fx and dx kenses have vr versions. Sample ng fx lens na may vr are the 70-300mm vr and 70-200mm f 2.8vr2/fvr3.. Lack of vr can be compensated by adjusting the shutterspeed(at least 1/FL) or using tripod.

    -- edited by scandinavian_armor on Jul 15 2017, 07:57 AM
  • D5100 di pwede FX dahil walang built in VR sa camera...DX lenses have VR in lens


    You're talking non-sense.
  • almost forgot d5100 nga pala ang thread na to and i sold my d5100 set quite some time ago. ... but then again, the basics never really changes regardless of whatever gear a shooter uses.
  • Salamat sa mga inputs mga sir, patuloy pa rin ako sa pag test kung san ba talaga. Salamat ulit :)
  • between the two lens, si 50mm ang mas prefer ko na mas nakasalpak parati sa body. Its lighter and sharper. Ang problema mo lang kasi sa dalawang lente na yan is yung working space lalo na pag indoors - zoom lens obviously will not work well whereas sa prime konting atras lang ok na, ideal pa sya for portrait and street. Mas astig pa yan kung yung prime lens mo is 1.4 na.

    Pero yun nga depende sa pag-gagamitan mo lang talaga. Either body is fine for each lens tapos bitbit mo sila sabay pareho - impractical but possible.
  • ^kung 18-55, 17-50 or any zoom lens na below 35mm ang minimun focal lenght, yun mas pipiliin ko sa medyo tight workspace(carshows, house event, etc) over 50mm. Mas mapapkinabangan ko yung wider FL esp groupshots.
  • Wala naman problema sa kit lens or wide angle. Ako mismo lens of choice ko lagi ang 17-50 (tamron lang ang nagamit ko) pag indoor studio shoots pero kasi ang advantage ng dedicated prime lens tulad ng 50mm is yung aperture nya, di pa problema ang distortion. Set mo lang sa 1.8 good ka na nun. Si kit lens kasi 3.5 lang at si 17-50 parang 2.8 lang yata yun. Di na masyado issue kung indoor or low light yung venue.

    Tsaka may pandaya ako sa paggamit ng 50mm para masakop ang group shots - i-compress mo sila so instead na naka hilera sila na magkakatabi gawin mo parang class picture na parang meron sa harap at meron din sa likod OR pwede din i-group mo sila na 4 person at a time lang. Waist up lang ang kuha mo ok na hehe...
  • Hello po mga sir, matagal narin bago ko nagamit d5100 ko (bout 4 years ago) siguro dahil hindi tlga ako magaling sa photography (haha) kaya tinambak ko lang sya. Ngaun gusto ko na matuto.

    Btw, I'm focusing sa portrait muna (i think thats the basic) siguro and please give me advice kung ano starting lense (yung cheap) na pwede ko i-purchase? right now i'm using my stock prime lense.

    Ty sa magrereply :)
  • ^mag start ka sa kit lens. May reason kung bakit yan ang usual na naka bundle sa mga body lagi, pwede na kasi sya pang portrait (35-50mm), wide(18mm) at zoom (55mm). Mahina nga lang aperture at 3.5 pero sanayan na lang din yan. Pero kung meron ka na dedicated prime lens ok na yan for portraits.

    Maraming free tutorials online na pwede mo aralin sa free time mo para matuto ka ng fundamentals ng photography. Pag nagamay mo yun kahit na anong field sa photography ang tahakin mo sigurado madadalian ka na lang.
  • Buhay pa ang thread! =) Musta na mga oldies?
  • pa share mga master


  • Mga master ok ba ang 1.8G 50mm prime lens for taking shots of 2 person (mag ina ko)? Yung bokeh background kaya pa din ma-achieve without much post processing? Tinatry ko kasi sa kit lens hindi ko magawa kaya ko pag 1 tao lang pero siyempre hindi ganon ka blurred background. Salamat
  • ^mahirap ma-achieve ang bokeh sa kit lens, madadale mo lang yun pag medyo naka buka ng husto ang aperture mo so you'll need ANY lens that has atleast 2.8 or less na aperture. A prime lens is ideal for portrait and bokeh purposes kasi 1.8 na yan lalo pa kung 1 or 2 people. Pag group medyo alanganin na kasi lalayo ka na talaga ng husto nun.

    Ang optimal working distance mo lang din sa prime is at about waist up ng subject mo.
  • @grayfox17

    Ganon po ba, most of the time naman is 1-2 people lang din ang kukunan ko. Kung sa travel po at kukunan ang ibang landscape ok din ba ang 50mm? or dapat dala ko padin ang kitlens? Ano ba masuggest niyo 1.8G 50mm lens or yung may mga zoom like 50-200?
  • kit lens at prime ok na yan para hindi ka rin masyado mabigatan. Gamitin mo na lang yung kit lens pag gusto mo mag wide for landscape tapos yung prime pag sa tao na or low light conditions.
  • ^
    isa pa po pa lang question pag sa low light or sa gabi tapos gamit ko ang prime lens need ko pa ba bumili ng external flash or yung built in flash e ok na dipende na lang sa settings?