Forum Topic

Sa mga Operator or merong Tricycle Franchise Business, Kamusta naman po?

  • up
  • hi balak ko sana mag tayo ng tricycle business got 600k as capital

    since 250k-300k ang tricycle dito balak ko 2

    ang boundary nito is 400 per day 24 hours

    ang driver is yung pinsan ko then ako din kaso occasional

    anu po masasabi nyo dito sa mga tricycle owners jan?

    subdivision kase po kame and limitted lang yung tricycle bawal na din magdagdag and no colorum naman sa tingin ko kase lahat me tatak ng Toda
  • ^masyado mataas boundary mo pards. walang gusto mamasada sau. 300 pesos siguro pede.

    pano ba ang hatian nyo sa boundary? maintenance at gas sayo?
  • ^
    mejo mabigat pa ung 300pesos na boundary, dito samin sa malabon 125-150 lang takbuhan barako gamit namin, at 600k i suggest get a second hand toyota vios and then hanap ka ng murang franchise (allocate 100-120k) mas mabilis ang ROI sa taxi kesa sa trike, although mas malaking liability sa taxi dahil mas matindi kapag nakaaksidente ang driver kaya dapat maging mapili sa drayber.
  • @please

    boss may i know saang subdivision yan? pm na lang if you don\'t want to broadcast, tks
  • good day mga katoda, ilang taon nyo po nabawi yung puhunan nyo kung ipapadrive lang sa iba?
    nakabili kasi ako ng 2 trics, 125k(2ndhand tmx155 less than 2yr old.) and 175k(bnew barako). yung estimate ko kasi around 4 and 5 years, labas na dun maintenance costs at kung ano-ano pang gastos. parang matagal ata mabawi puhunan?

    nakaka 400-500 daw yung ibang driver(labas na dun gas at boundary na 130). tingin nyo fair ba na gawin ko 180 at sabihin na natin magtakehome lang sila ng about 350/day? pwede nila ilabas from 5am to 9pm.
  • up ulit, kanino at paano ireport ang mga colorum trikes dito sa malaria/tala caloocan? nagrereklamo kasi ang mga driver ko at maliit lang daw kita nila dahil sa mga colorum kaya gusto nila pababaan ang boundary.

    -- edited by Scout528 on Mar 12 2015, 03:31 PM
  • ^
    sa city hall yung mga may hawak sa traffic enforcers
  • good am...

    nagbabalak ako kumuha ng 3 units na 2nd hand.

    ano ano ang dapat kong i check sa pag bili ng 2nd hand trikes?
    btw, may prankisa na to.
  • Hi mga sir,

    Quick survey lang po, we are developing a kit that easily converts your tricycle into an electric/gasoline hybrid tricycle. Tanong ko lang po if anyone here is interested in trying our product. The estimated SRP is 60K-70K and includes a modern sidecar.
  • May update pa ba dito? magkano na ba bnew trike at boundary ngayon?
  • @terenz ka presyo ng isang pang pasadang jip na luma, samin dito sa quezon city 120-200k depende sa motorcycle at depende kung madami nag hahanap, 2 stroke engine 120-150k kasama franchise- depende sa bebenta ng may ari, 4 stroke 140k-200k depende sa motor at sa may ari, meron na dito nakapag benta as of now march 2017 meron na dito samin nag benta 220k latest model ng motorcycle
  • ^
    Sir brand new ba yun or mga second hand? medyo additional lang talaga sa franchise on top of the motorcyle. pero mukhang good investment naman.
  • @terenz panong b,new? motorcycle?? yup yung price is depende nga sa model ng motor, mismo, pero kadalasan talaga mga gamit na or ilang taon na binabyahe, yup maganda din investment ang tricycle meron samin operator 20+ unit nya 160 per unit boundary. passive income everyday hayahay nalang sya, ayun naka pundar na bahay at lupa, meron din sya mga jeep pero mas ok sa kanya ang tricycle, low maintenance pag nasira, then mura mga piyesa, unlike sa mga puv ang mahal ng maintenance.. saka ok sa tricycle para kang nag invest din anytime pag bumili ka ng halagang 160k na tricycle pa boundaryhan mo 150/day then pag ayaw mo na sa ganitong business pwede mo din sya ibenta ng mas mataas every year kasi napansin ko pataas ng pataas presyo ng linya depende sa lugar, samin kasi sarado na mga linya matagal na di nag dadagdag 10 years na ata kaya medyo mahal

    -- edited by tikitiki on Mar 27 2017, 10:32 PM
  • Mga sir baguhan po ako na balak magtry.. Sana may makapansin:

    1. Ano po dapat hanapin pag bibili ng second hand na pampasada
    2. Ano po difference ng "LINYA" at "FRANCHISE"

    Salamat po sa makakasagot.