May Scaling si Windows na pwede mo palakihin ang text and icons.
I would go for a 27 inch na 1440p tapos mag-scaling ka na lang to 125% or 150%. Mas friendly din yung weight nyan sa VESA mount. Di ganon kamahal kasi mas magaan compared sa 32 inch.
Back in stock sa Lazada yung naka wishlist ko na Gigabyte G27Q (27inch IPS 1440p 144Hz Adaptive freesync) pero tumaas price naging 16.2k, (nasa 15k ata dati)
Meron din naglabasan sa lazada ko sa similar items. Acer Nitro VG272U (27 inch IPS 1440p 170Hz OC, Gsync compatible) at ang price nya nasa 13.6k to 13.7k lang. Ok kaya ito?
Current monitor ko Viewsonic 24 inch 1080p 144Hz. Looking to upgrade within the next few months.
Meron din naglabasan sa lazada ko sa similar items. Acer Nitro VG272U (27 inch IPS 1440p 170Hz OC, Gsync compatible) at ang price nya nasa 13.6k to 13.7k lang. Ok kaya ito?
ok na ok ito para sa akin...galing din ako sa 24" 1080p na 60Hz lang na monitor.
Nakuha ko na yung Acer monitor na na-mention ko. Ang complete model number nya Acer VG272U V.
Sa lazada ko nabili. PC Chain superstore name ng store. Next day nadeliver agad dito sakin sa Paranaque. 13.7k kasama na shipping.
Tama ang specs. 27 inch IPS, 170Hz, with Freesync / Gsync compatible. 2x HDMI, 1 Display port. Walang mga usb. Meron built in speaker, and meron din audio jack for headphone or speaker dahil alam naman natin na hindi maganda ang mga built in speaker ng monitors. Basura yung stand kaya mura. Tilt lang. Walang height adjustment. Pero VESA naman at compatible sa monitor arm ko.
Wala ako tools at hindi ako marunong sa calibration settings kaya nilagay ko na lang sa sRGB yung setting at mukang correct naman ang mga colors. Meron din pala HDR kaso 8bit pa din. HDR400 certified. Pag check sa windows settings, nakalagay 8bit with dithering. Hindi ko na lang enable HDR. Nag stick na lang ako sa sRGB standard. Swerte din at walang dead pixels or stuck pixels.
Satisfied ako. Nice upgrade from my old Viewsonic XG2401. 24" TN 1080p 144Hz.
hi guys any recommend budget monitor below 5k php pang 2nd monitor ko lang usually naka portrait mode sya so TN is a no no no ewan ko lang sa VA kung ok sya pang portrait ....? anyone knows ?
Guys, anyone here tried using an apple cinema display the one with mini displayport? Plan to use it on a windows PC. Di ko kasi Malaman if working sya (display) since wala pa akong displayport converter... Pag on mo ba maglalabas sya ng "no display" like typical monitors do kapag Wala syang signal na nadedetect? Kasi yung nandito saken pag saksak ko blank lang Yung screen, parang naka off nag try ako magplug ng mouse and keyboard sa USB ports sa likod, umiilaw Naman Sila... Wondering lang Ako sa screen Kasi Wala talagang nalabas... Papaconfirm ko lang before Ako bumili Ng cable, pricey din Kasi... (Sorry for the capitals)
Hello, pa tulong po sa pag decide -- pros and cons sa choices below
27 in qhd monitor. Hi refresh a bonus. For mix office/excel and entertainment.
Parang over 1 year narin xitrix at koorui models, pls share long term feedback
Xitrix g2720: ips, qhd, ?10k ish,
Koorui 27e1qa: va, qhd, 144hz,
Lg 27TQ625S-PT: tv monitor, ips, fhd, ?10k ish
Ok sana sugg above na acer vg272 pero out of stock
Thank you.
Prsim+ X340 Pro 165hz - anyone here na nakatry na bumili? From SG to and it looks good on paper.
di ko sure sa monitor, pero yung tv nila hindi ko gusto. mabagal yung os tapos mas mababa quality ng screen and images/palabas compared sa level ng samsung. mura siya katulad ng mga chinese made tv.