Forum Topic

Gusto ko na Mag-GYM / Workout (2)

  • hi guys,

    sa mga "IF" gurus dyan, ask ko lang ok bang uminom ng detox water (lemon + cucumber) during fast period?
  • Ok lang yan bro, di ma break yung fast mo diyan.
  • Protein Snacks

    Eto yung better quality protein snacks/protein on-the-go sa US na dinala ko dito sa Manila.




    Meron rin silang protein chips, 20g of protein per pouch. parang potato chips lang but healthy. Medyo mahal nga lang at around P100/pouch.
  • bogman Send Message View User Items on 26 Nov 16 @ 05:37 AM #
    Ok lang yan bro, di ma break yung fast mo diyan.


    salamat sir bogman, eh paano kong lemon + honey (1 tbs) ok pa rin ba?
  • Isang Kutsara ng natural honey is 64 calories, ang safe inumin is 50 cals pababa. So no.
  • Naubos na 2lbs mp combat 100% whey ko. Kaka order ko lang sa l_zada na ON gold standary whey 2lbs.. sa sunod 5lbs na bilhin ko.
  • salamat sir bogman, eh paano kong lemon + honey (1 tbs) ok pa rin ba?

    May calories na kasi ang honey kaya di pwde. DI ko alam yang 50 calories, galing hehe. Basta nung nag IF ako water lang or plain tea pang tawid ko.
  • Naubos na 2lbs mp combat 100% whey ko. Kaka order ko lang sa l_zada na ON gold standary whey 2lbs.. sa sunod 5lbs na bilhin ko.


    Kamusta ang resulta?






  • -- edited by bintsmok on Dec 03 2016, 10:36 PM
  • Close fight. Astig

  • Good day! Ask ko lang sana anong magandang workout and diet para sa akin. 21 years old na po ako, 5'3 po height small guy type and 53kgs skinny, ano kayang effective na workout + diet sa akin?

    Update:
    Im planning to buy ON Serious Mass 6LB and check ko kung may effect btw nag woworkout na ako for almost 20-30mins per day sana effective hehe.

    -- edited by cheschanco on Dec 12 2016, 04:10 PM
  • sino dito nakapag try na ng DIY na mga cement dumbbells? ok ba? para sa mga taong tulad ko na dukha at wlang pang gym gusto ko sana gumawa ng mga cement weights mas mura kasi and sa bahay lang naman.

    Salamats!
  • ^nacheck mo na ba yung available dumbbells sa quaipo?

    ganito yung ginamit ko sa US nun nagpunta ako doon. cement-filled siya, tapos vinyl sa labas. sa experience ko, masyado bulky siya for its weight. may mga exercises na mahirap gawin dahil malaki yung diameter ng plates. and 20 lbs lang weight ng bawat isang dumbbell na yan



    I guess same sa DIY, magiging bulky siya masyado at hindi ka magiging flexible sa pagpalit ng weights. kapag kayang kaya mo na buhatin yung dumbells mo, gagawa ka ulet?
  • ^
    Ganyan din akin binili ko sa walmart pero pain in the ass yan i mean masyadong malaki at umuuga or umaalog minsan Kaya ganito na binibili ko sa walmart <click here for link> solid pa i think hanggang 50lbs yan meron. Sa ngayon 30lbs pa lang gamit ko.....

    -- edited by vladz17 on Dec 13 2016, 10:28 AM
  • sino dito nakapag try na ng DIY na mga cement dumbbells? ok ba? para sa mga taong tulad ko na dukha at wlang pang gym gusto ko sana gumawa ng mga cement weights mas mura kasi and sa bahay lang naman.

    Salamats!


    Libre :)

    Push Up at Pull Up

    Kung sa tingin mong napakalakas mo na para sa Push Up, paupuin mo ang anak / GF / wife mo sa likod mo.




    Same idea with Pull Up


  • epektib po ba ung 30days challenge na work out para sa katulad ko na skinny at wala pa experience sa kahit anong workout .. 5'5" ako at 22yirs old..
    or may marecommend kayo jan na program para mag kalaman naman ako saka abs.. gusto ko na mag bagong buhay help
  • ^
    Starting strength by Mark Rippetoe
  • Paano tanggalin yung mga kalawang sa home gym, tapos pipinturahan ko sya uli ano magandang pintura
  • Paano tanggalin yung mga kalawang sa home gym,


    Steel brush?
  • Para ngayong Pasko at Bagong Taon. Wehehehe.



    -- edited by venerzky on Dec 21 2016, 01:58 PM
  • ano pong pintura ang gagamitin ko after matanggal yung kalawang like primer?
  • Hello ask ko if me alam kayo best supplement for loss appetite? safe ba?
  • guys ok lang ba kung biceps puro bar curl lang gagawin ko? hanggang sa sumuko ako.... kumbaga hindi na paiba iba ng style for example hindi na ako mag hahammer. thanks!
  • Hello ask ko if me alam kayo best supplement for loss appetite? safe ba?


    Gusto mong mawalan ng gana sa pagkain? Eh ang sarap-sarap kumain eh. Hehehe. Kontrolin mo lang ang pagkain mo. Hindi mo kailangan mawalan ng gana sa pagkain.
  • guys ok lang ba kung biceps puro bar curl lang gagawin ko? hanggang sa sumuko ako.... kumbaga hindi na paiba iba ng style for example hindi na ako mag hahammer. thanks!


    Dumbell/Barbell bicep curl pwede na. Mix mo na lang yung frequency at intensity. Sa barbell marami kang klaseng bicep curl na magagawa. narrow, wide at regular grip. Sapul ang lahat ng parte nyan.

    -- edited by venerzky on Dec 21 2016, 09:47 PM
  • @venerzky

    opo for fat loss. .dba safe naman supplements ehehe
  • guys ok lang ba kung biceps puro bar curl lang gagawin ko?


    Gamit ka nito:



    Pwde din mag pronated grip para target ang forearms.

    -- edited by Davidx23 on Dec 22 2016, 08:33 AM
  • Hello ask ko if me alam kayo best supplement for loss appetite? safe ba?


    Address the problem's root cause

    Check mo ang diet mo. Karamihan ng sakit natin ay dahil din sa kinakain
  • Hindi lahat ma-so-solve ng proper diet. Minsan nasa genetics yan. Use combo - proper diet plus supplements plus training.

    Yung mga ibang fat burners both may appetite loss at stim. Hindi lahat same ang effect ng appetite loss, for example sa akin parang feeling ko may hyper acidity ako and reverse ang effect mas ginugutom ako. You need to do a trial and error kung anu ang brand na hiyang sa yo.
  • Di ko sinabi na lahat ay naso-solve ng proper diet.

    Lahat ng vitamins and minerals ay pwede makuha sa whole food except for Vitamin D which is best taken from sunlight.

    Kalokohan din yang fat burners. Kung tumaba ka dahil sa over-eating, di ba dapat ang i-address mo ay diet? Marami kasi gusto ng shortcut or instant results.