Forum Topic

Gusto ko na Mag-GYM / Workout (2)

  • Nakita ko nga yang video na yan. Mamaw sa lakas. Pero tingin ko laking tulong na puro mamaw rin siguro mga kasabay niya sa gym.
    Sa akin kasi ay hirap na ako malampasan mga buhat ko dati kung san mga kasama ko sa gym noon ay mga bouncers, mga sumasali sa bodybuilding contests at mga juicers. Talagang gaganahan kang magbuhat ng mabigat rin.
  • Sir d3rrick, so nung nagsimula ka sa SL ay 110 lbs bench press mo? Yun ata rason kung bakit nababagalan ka sa progress. Kasi ako nung Nag-SL ay back to zero (bars lang gamit ko) ako. Matagal pero nalampasan ko naman lahat ng previous PRs ko.

    Ang rules kasi sa starting strength at stronglifts ay dapat magsimula ka sa empty bar. Para ma-correct form at muscle use (sa exercise) mo. Yun lang manghihinayang ka magbuhat ng magaan kung malaki na progress mo sa buhat. Sa case ko ay tiniis ko naman yun. Iniisip ko na lang na 15-25mins lang tapos na ako sa workout kumpara sa dati na 2+ hours. Hindi rin ako nagdagdag ng ibang exercises. Yung basic lifts lang ginawa ko.


    Yes sir 110lbs na po ako nag-start. Iniisip ko kasi since almost 5 month na ako nagygym before SL, at lagi naman kasama bench press sa routine ko before. Overall happy naman ako sa strength gain ko sa ibang exercise, first time ko din magawa chinup at dips with my BW (150lbs) na hindi ko nagagawa dati lol, eto lang talagang bench press ang sa tingin ko naiiwan. Chineck ko progress chart ko, pang 4th week ko lang pala eto kaya pala BAB. I thought nasa 5th week na ako.
  • ^ ayos lang 'yan. mas mabilis pa nga progress mo sa 'kin nu'ng nag SL ako for 9 weeks .8xBW lang narating ko sa bench.
  • balik alindog program

    I was very busy/lazy these past months since November naputol 'yung strength training ko. I have a beach outing and i'm planning to gain some decent size in 3 weeks(!). I know sobrang kulang sa time, pero i'm planning to do this.

    my plan:

    skip leg days, saka na pagkatapos ng beach heheh.

    workout every day. alternating between gym and home.
    focus on purely aesthetic.
    focus on the following: chest + biceps + abs, then shoulders + triceps + traps. lastly hips.

    Day 1: Gym - chest + biceps
    Day 2: Home - abs + hips
    Day 3: Gym - triceps + shoulders + traps
    Day 4: Home - abs + hips
    Day 5: Gym - chest + biceps
    Day 6: Home - abs + hips
    Day 7: Gym - triceps + shoulders + traps

    kain ng madami first week, switch to pure tuna + egg diet on weeks 2 and 3. add cardio on latter part of week 2 and week 3.

    wala lang trip lang tignan ko kung ano mangyayari sa katawan ko. nagawa ko dati sobrang ganda ng gains ko 5x a week gym (pero with personal trainer) then paguwi and the 2 days, focus on abs, 6.5 weeks lang halata na mga cuts ko and nag bulk agad ako.


    update lang pagpasensyahan nyo na - gusto ko may tracker ako in the way of having a log here, para lalong ma-motivate ako.
    day 1 - sa bahay ako nagsimula, conflict sa sked eh. abs muna and konting hips. using an app para may taga bilang heheh.
    day 2 - masakit pa din abs ko, which is a good thing.
    chest exercises na tig-10-12 reps with 3 sets each: incline dumbbell bench, bar bench, decline barbell bench. di ko magawang buhatin 'yung dumbbell galling sa floor pag decline hassle, kaya nauwi sa bar. wala muna weight bars ko, focus ako na ma-complete reps ko.
    as with the biceps, I did alternate curls, chin ups na wide grip (i'm hoping to progress na maging mid-narrow grip in the future), and cable curls (di ko alam tawag, basta naka-T 'yung kamay, then lalapit ko sa ulo 'yung handles).
    I still had some juice left, so I extended a bit for cable crosses then finally, concentration curls.

    feels good to be exercising again. tingin ko na-retain ko pa kaunting strength ko from the stronglifts training I did before ako nagging busy late last year. i'm also taking supplements now with fish oil + creatine.
  • Mga boss ano ba ok na suppement o protein shake pang beginner?

    Tama na ba ang whey isolate o may dapat pa ako isabay?

    Ung tamang pacquiao prime na kawatan lang

    Hindi arnold swarzenegger

    Hehe
  • ^depends sa starting point mo. Ano na ba ang condition ng katawan mo now?
  • ok na 'yung whey isolate for beginner. actually sa mga purist, other than natural food, 'yan lang mar-recommend nilang supplement.
  • update lang pagpasensyahan nyo na - gusto ko may tracker ako in the way of having a log here, para lalong ma-motivate ako.


    Gumawa ka ng physical log. Gumamit ka ng log book na pang security guard.

    Sa training log, magbaon ka na lang ng maliit na papel o maliit na notebook tapos dun mo isulat ang weight, reps, and sets na ginawa mo.

    $h1t happens and a website can go offline any time.

    -- edited by bintsmok on Mar 21 2018, 01:14 PM
  • pag po ba may dextroscoliosis okay lang po ba mag gym? nakakatakot kasi e
  • pag po ba may dextroscoliosis okay lang po ba mag gym? nakakatakot kasi e
  • balik alindog program

    I was very busy/lazy these past months since November naputol 'yung strength training ko. I have a beach outing and i'm planning to gain some decent size in 3 weeks(!). I know sobrang kulang sa time, pero i'm planning to do this.

    kumusta po yung progress?
  • Guys hingi ako advice, binigyan ako ng tito ko ng dumbells , anung kilo ba dapat ako mag start? 2 kilo per dumbell? 35 years old ako, 75 kg at medyo bilog and tyan ahaha.. target ko lang ay yung makapag bawas ng timbang pati tyan..chest at biceps lang ako tas statinary bike..salamat po.
  • Mga boss ano magandang bluetooth earphones na ok gamitin sa gym.

    Hassle kasi ung may wire
  • Sir allan roy

    Medium built. Minsan may chan minsan wala pero wala abs hehe.

    3x a week na ginagawa ko. Mon wed sat. 1.5hrs each

    6 x 3 sets upper tapos 6x3 sets din sa lower. Tapos mga 2x3 sets sa abs. 5 mins rowing. 5 mins treadmill

    Di pa din ako nag protein shake. Chismis kasi masama sa bato ang protein shake. Kaya puro natural muna kung ano nababasa sa net. Hehehe.
  • Guys hingi ako advice, binigyan ako ng tito ko ng dumbells , anung kilo ba dapat ako mag start? 2 kilo per dumbell? 35 years old ako, 75 kg at medyo bilog and tyan ahaha.. target ko lang ay yung makapag bawas ng timbang pati tyan..chest at biceps lang ako tas statinary bike..salamat po.

    5 kg per dumbell try mo. if mashado light, then increase. Ano-anong exercise na ba ang nasa plan mo?


  • Medium built. Minsan may chan minsan wala pero wala abs hehe.

    3x a week na ginagawa ko. Mon wed sat. 1.5hrs each

    6 x 3 sets upper tapos 6x3 sets din sa lower. Tapos mga 2x3 sets sa abs. 5 mins rowing. 5 mins treadmill

    Di pa din ako nag protein shake. Chismis kasi masama sa bato ang protein shake. Kaya puro natural muna kung ano nababasa sa net. Hehehe.

    @sell_out, personally nagawa ko naman na walang protein shake, but dito sa US kase accessible ang mga high protein food na mura like salmon or beef kaya OK lang talaga na wala. Remember rin na may calories rin ang protein shake kaya if a-add mo to sa current diet mo, it means you are adding calories. Ngayon dedepende naman sa intention mo. Lose weight, calorie deficit... gain weight, calorie surplus. pacquiao is lean with muscles at ganun yung tinarget ko last year but nangyari saakin, first 2 mos eh nag gain pa ako ng weight trying to gain some muscles, then saka ako nag cutting till I achieved my goal. yung result I posted here last July 18.,, check it out if di mo pa nakikita. Ngayon nagtrtry na naman ang mag gain ng weight/muscle in preparation sa summer dito sa US ng July/August.
  • Salamat sa tip sir allan roy

    Isa pang query:

    Sa mga gym equipment ano ba dapat ang prioritize. E baka may mas dapat ako iproritize nasasayang oras sa ibang equipment na di gaano epektib

    Ito sa upper body
    Bench press
    Overhed press
    Inclined press
    Compound row
    Gavitron
    Lat pulldown
    Lateral raise
    Preacher curl
    Pec fly
    Rear pec fly
    Seated dip
    Vertical press
    Tricep extension


    Ito sa lower
    Leg curl
    Leg press
    Leg extension
    Seated calf


    Ito sa abs
    Abdominal
    Low back
    Pull over
    Rotary torso

    Cardio
    Tredmill
    Stationary bike
    Rowing
  • Usual diet

    Sa umaga
    white rice 2 fried eggs o kaya bran with skimmed milk w banana o berries o avocado. o whole meal bread at peanut butter. Coffee every other day. Green tea din.

    Lunch
    white rice pan fried chicken breast o salmon o kung ano man na fish fillet with veg broco cauli carrots steamed. Minsam chicken stew o curry with veg

    Dinner halos same din sa breakfast o minsan smoothie lang

    In between meals smoothie na milk yogurt berries banana honey o apple carrot orange beetroot o minsan penaut butter at wholemeal bread ulit. Almonds cashew o trail mix.

    Beer mga 2 bottles a week

    Bihira ako mag beef 1x a week o 2x a month.

    Tubig mga 6-8 liters a day

    Baka may tips p okayo sa tamang diet

    -- edited by sell_out2 on Apr 05 2018, 01:32 PM
  • Double post

    -- edited by sell_out2 on Apr 05 2018, 01:30 PM
  • Sa target muscle ako nagbabase kase. So sa Day 1, I do Chest, Biceps, Triceps, abs. Day 2, Shoulders, abs, legs, Day 3 Cardio (5k run or akyat 100 floors or both), then rest tapos cycle lang. I only do max of 4 exercises per body part. May days na incline chest, may days na decline, may days na flat lang.
  • Ok sir salamat ulit sa tip
  • Make it simple.

    Kahit push up at pull up lang ay malaki na maitutulong sa physique improvement.

    Yung mga nagsasabi na walang kwenta ang push up ay kadalasan gumagamit ng improper form. Dont flare out your elbows and tighten your abs and glutes. Kung lumalakas ka na, raise your feet by 2 feet from the ground to shift more of your bodyweight to the chest and triceps.

    Kung lodi ka na sa push ups, try the dips. Make sure lang na proper form. Dips can really screw your shoulders if done wrong.

    Sa pull ups, try mo muna ang lat pull down machine kung di mo pa kaya ang bigat mo.

    Sa legs, squat and deadlift
  • ^
    Yung dips yan ang pinaka paborito ko bale may bench ako tapos meron akong 30 or 35lbs na dumbbells sa legs ko na sinasalo ng dalawang legs ko yung dumbells.

    After ng isang set pagtayo ko ramdan na ramdan ko agad sa triceps ko na parang namamanhid.
  • I'm referring to the dip wherein there is no leg support.

    Bench dip yata ang ibig mo sabihin
  • Sa mga gumagamit ng app ano gamit niyong app??

    Ok ba ung jetfit?

    Hanap ko sana ung app na parang may gym instructor kana din
  • Hello po sa mga veterans natin dito,
    hingi naman po ako ng guidance nyo about fitness,
    ito po basic inputs na mapprovide ko

    Weight: 175lbs
    Height: 5'10
    Waistline : 34"
    Age: 22
    Body Fat%: 15-20%
    Body Type: Endomorph

    Goal ko po ngayon sana bilang newbie is pumayat sana then lumakas ung katawan,
    hindi ko kasi kaya buhatin ung sarili ko sa push ups palang.

    wala po akong access sa GYM
    Mon-Sat po kasi pasok ko
    8am - 5pm then malayo po home to work travel ko.
    then mostly nakaupo ako sa work

    ano po kaya pinaka optimal na diet/ exercise para sa ganitong setup?
    gagawin ko best ko para maging disiplinado sa pagkain. yun po kasi nabasa ko dito.

    bale hindi na po ako kumakain ng junk foods and umiinom ng softdrinks ngayon.
    mamahalin ko na si water. maski pag kakain sa labas, puro tubig lang.

    gusto ko po tulungan sarili ko para sa mas magandang pangangatawan.
    maraming salamat po sa susuporta
  • ^
    1. kung hirap ka magpush up, then try mo pa rin magpush up, kahit pakonti-konti, kahit 10 muna kada araw, kada gising, (push-up, squat-jump, then jog in place hanggnag pagpawisan ka.)
    2.
    bale hindi na po ako kumakain ng junk foods and umiinom ng softdrinks ngayon.
    mamahalin ko na si water. maski pag kakain sa labas, puro tubig lang.


    try mo mag IF (fasting) although mahihirapan ka siguro at baka magutom ka kaagad or mahilo since di ka pa sanay, pero gaya nga sabi nila, laging mahirap sa simula. pede mo pa rin kainin kung ano gusto mo kainin, pero syempre mas ok na iwasan na ang softdrinks at junk foods, and stick sa tubig at coffee (w/o or less sugar)
    3. wag na wag ka tatamarin. kung goal mo is para sa sarili mo then push mo lagi sarili mo, napansin ko sa mga gusto pumayat at nag gigym, after 2 months tinatamad na. (either mahal, malayo sa kanila, walang kasama or tamad na). tagal ko na naggym at napansin ko kahit mabagal pag payat ko at least may nakikita ako resulta (84 - 74kg)
  • ^thank you so much po!
  • wala po akong access sa GYM
    Mon-Sat po kasi pasok ko
    8am - 5pm then malayo po home to work travel ko.
    then mostly nakaupo ako sa work


    Same tayo ng situation, ako naman from Sat ~ Thu 0600H ~ 1730H ang pasok ko.

    ang ginawa ko naginvest ako una sa bench and dumbbell nun nakulangan na ako sa dumbbell sinunod ko naman un barbell tapos last tong Pull up and Dip Station.

    Late ako nakakapagworkout nakakapagsimula ako 1900H.

    Kung magsisimula ka pa lang itry mo un routine sa <click here for link> may progression jan. pagnagka pera ka maginvest ka sa pull up and dip station marami ka ng magagawa jan.
  • ^may suggested stores/online shops po ba kayo kung san maganda bumili ng bench?
    5 in 1
    6 in 1
    7 in 1
    alin po ba pinaka sulit dyan?
    salamat