Forum Topic

Official PisoNet Usapan at Tanungan Thread (No Selling in the Forums)

  • thanks mga boss
    try ko yang adons - baka meron sa chrome na adons para block mga porn site or specific word
    if wala baka maforce ako sa firefox in case wala akong option sa chrome

    wala akong router kasi eh na pwede iedit ang rules
    yung huawei 936 gamit ko
    naka-homegroup ako

    supersulit talaga yung unlinsurf ni smart
    kahit live streaming ako sa nba, tapos may nagyou-youtube at online games, walang buffer
    tae lang madalas ang CROSSFIRE sa lag
    akala ng mga naglalaro dito either problema daw sa connections
    pero pagpinakita ko ping - nganga sila
  • ^at sya den nag sabi na meron sya script ? doon pa lang pwede na sya gumawa ng para ma filter ang porn...
    mas ok den ang proxy na option para jan hahahah pero madugo ito na option kasi hiwalay na setup ito

    maliban nalang kung kabisado mo linux? hehehe


    ganito lang po kasi script shutdown ko
    shutdown /m \\admin_1-pc /s /f
    save as .bat


    wala din kasi akong server
    naka-home-group lang ako



    *******************************
    buti nga pala tigas ng Kasperky gamit ko
    may nagtry na maginstall ng keyloggers for crossfire
    gusto magnakaw ng mga accounts
    block agad ni KIS
    tapos hindi rin familiar ang loko na may deep freeze
  • ahhh sakin kasi pag na time na ma idle ang keyboard and mouse for 2 minutes na hindi nagagalaw automatically shutdown po ang unit...

    NOte: pag time na po sya hindi na po nila ma galaw ang keyboard and mouse ito po setup ko.

    same lang tau ng setup sa pisonet wala den ako server pero so far wala nakapag porno dahil naka enable logs ko sa router kung saan makikita ko mga pinapasok nila na mga sites... so yung site na yun ang i block mo pag meron ka hinala na porn site ba or bawal...

    sample sa beeg dot com ang daming sub na category so doon dami mong i block hehehe

    OT. nag lalaro ka po ba ng CF ? hahaha

    -- edited by 2008_spy on May 16 2016, 08:38 PM
  • thanks sa mga post mo boss 2008_spy
    nakakakuha kao ng idea


    CF- hindi boss, since before hindi kaya ng mata ko yung first person view na laro
    para akong masusuka na babagsak
    pero if mano-nood lang ako sa naglalaro, walang problema
    need ko rin kasi ilagay dito sa pc ko CF para macheck ko muna or iapply ang mga bagong updates
    tsaka yung bugoy - naglalaro rin pero hindi addict, kahit ano kasi hilig yun lalaruin nya
    ngayon hilig nya roblox, bukas baka youtube naman, minsan naman minecraft


    baka may pinamimigay kang "solid" na account dyan ng CF :D
    para lang sa bugoy ko :)
  • ^hahaha puro vip kasi account ko pina palaroan ko sa mga tumer ko para hakot tumer den hahahaha
    marketing strategy lang baga hahahah

    btw ilang po ba units mo?
  • question: ok pa ba kumuha pa ng 4th gen celeron? hindi ba baka ma phaseout na yun? skylake na ba?
  • @2008
    3 lang units ko
    shakoy nga boss, ako pa gumawa ng account sa 2 suki ko
    para lang makapaglaro sila
    yung isa ang tagal bago nya maremember ang pass at user
    yung isa until now ako pa rin tig-login
    mgab ata eh :D
  • question: ok pa ba kumuha pa ng 4th gen celeron? hindi ba baka ma phaseout na yun? skylake na ba?


    mahal pakasi ang skylake sa ngyon eh hehehe pero sa performance ng onboard niyan mas ok nalaban yan sa A8 7600 ng AMD.

    pero 40units ko na binubuo ngyon puro 2nd gen lang, mas mura kasi at wlang masyadong pag kakaiba sa 3rth to 4th gen lalagyan mo din kasi ng dedicated vga. problema lang wla ka makukuha na bnew na 2nd gen at if meron man halos same price ng 4th, pero pag 2nd hand (processor=1k at mobo=700 lang) malaking tipid hehehe wla lang warranty.

    if ayaw mo sakit sa ulo bnew talaga skylake or A8 7600.
  • mga sir asko ko lang pwede po ba ipapalit ung piso naten sa banko? sino po naka try na magpapalit sa banko ? binibilang po ba manual o tinitimbang ang barya sa banko? di ko na alam kung san ko ilalagay mga barya ko eh hehehe salamat po sa sasagot...
  • uu bibilangin yan sa bangko sir mano-mano
    may ibang macdo or jolibee na nagoofer ng free burger with a minimum coins
    dati sm supermarket may percentages if marami kang ipapapalit
    dont know na lang ngayon
    canvass lang muna the best kahit paano may free*
  • bank deposit. sa RCBC at BPI per 100pcs kada plastic hindi on the spot ang bilang pero need mo lagyan ng label yun mga plastic ng barya mo. name, acct#, contact# then may isign ka na agreement na kapag may kulang sa barya mo ibabawas automatic sa acct. mo. sa BDO on the spot ang bilang kung magdeposit ka ng barya.
  • ayun mas madali
  • ako sa mga grocery at mga botika lang sa gilid gilid, sila pa natutuwa pag nag dadala ako ng barya tuwing linggo, since suki na at tinawala na sila, walang ng bilang bilang, basta naka balot sa plastic ng yelo at 200 ang laman.
  • Good Day. Guys sa mga Expert dyan sa Latest Online Gaming with DATA Allowance ng Ultera.
    Plan ko kumuha ng GLOBE or PLDT ULTERA 50gb for 2 Account. Since nakatira ako Prenza 2 Marilao Bulacan, walang DSL daw sa area namin. I Have 8 units Computer Brand New nabili last Month lang sa gilmore. Any idea po kung Pwede na po ang 100gb at 10mbps sa 8 Unit using Online Gaming lang at walang Youtube or downloading sa mga User/Customer?

    Plan 1599 50g + Plan 1599 50g = 100g/Monthly
    Any Idea po kung sapat na ang 100g /Month sa Shop ko na itatayo?

    Please help, any idea po sa mga expert?

    Thanks
  • Taga Prenza 2 Marilao Bulacan ako, wala daw DSL sa Prenza Marilao, kaya balak ko mag LTE nalang with CAP Allowance .

    Plan 1599 @ 5mbps DATA Allowance 50g +
    Plan 1599 @ 5mbps DATA Allowance 50g = 100gb Data Allowance

    Madali ba maubos ito sa mga Online Latest Games?
    Walang Youtube or Downloading muna sa mga Customer.

    Please pahelp po naman.
    Naka-ready na ang 8 units, Internet nalang kulang...

    Any Idea po mga expert sa Pisonet/computer shop
  • Good day po,

    OFW po ako and balak ko na po mag end of contract this year so by december nanjan na siguro ako sa pinas. balak ko po sana mag start ng pisonet business starting at 10 units. magkano po kaya ang need na capital per pc at magkano po ang monthly expenses at magkano ang potential income.Taga Cavite nga po pala ako. Thank you po
  • @jhunecel

    try mo muna na isang plan, para masukat mo if kakayanin, madali lang nman mag pakabit basta handa mo nlang mga requirements.
  • ^pag naubos talaga, try mo gumamit ng webcache software, handycache or pfsense , halos 50% din bawas niyan sa internet access.
  • @xephy007

    if ito gagawin mong hanapbuhay, wag umasa na malakas ang kita lalo na if 10units lang ang ilalagay mo. sa 10units more ore less nasa 15k lang net income mo.
  • tama. wag mo sayangin opportunity mo dyan. kadaming pinoy na gusto mag-abroad pero di makahanap. bakit di na lang kamag-anak mo mag manage? tapos ikaw na lang financier.
  • @AJCshop02

    Isa lang po sa mga balak yan mag hohomebased po ako sa pinas at mag grocery yung wife ko. at balak ko din mag lagay pa ng additional units once mabalik ang puhunan ko. madami pa akong balak na business and nataon lang isa yung pisonet dun. Thank you sa info though. God Bless :)
  • Isa lang po sa mga balak yan mag hohomebased po ako sa pinas at mag grocery yung wife ko. at balak ko din mag lagay pa ng additional units once mabalik ang puhunan ko. madami pa akong balak na business and nataon lang isa yung pisonet dun. Thank you sa info though. God Bless :)


    maganda rin naman mag business din sa pinas sir.. yan din ang dahilan bakit nag aabroad yung iba.. para maka ipon pang business di para mabili yung luho at magpatayo lang ng bahay..

    ako rin balak ko rin sana mag business.. for me is PC Parts Shop+Net Shop+Graphic Designing
    then kay misis yung pagbebenta ng Online+Shop narin
  • @immortalkings

    Good luck satin bro. sana lahat tayo maging successful sa mga plano natin hehehe :)
  • Mga Sirs, san ba yung location nung ALLAN na store? hindi ko kasi makita e, and if may location kayo sa Google Maps mas ok hehe. Thanks!
  • allan timer
    brand po yata yan nung timer ng mga pisonet sir
    nasa raon/quiapo daw po meron po
    or sa gilmore meron na rin yata
  • ^ meron talaga store nyan dyan nakuha yung mga gata raon, datoi kasi dun sa malapit sa cariedo station ng LRT hindi ko lang alam if lumipat na.
  • @xephy007

    unahin mo muna yung mga food/store business kasi kahit medyo maliit ang pwesto malakas ang kita, pag ok ang food after 3months sumubok ka ng 3 to 6 units dun mo din lagay sa food/store business mo na need ng extra magbabantay. pag naging ok ang pisonet mo at medyo marunong ka na sa computer or alam mo na takbo ng negsoyo mag expand ka ng 20 to 30 units .

    ako nagsimula sa 10units sa tapat ng bahay namin, then nag upgrade ako naging 15unit yung mga then yung 10luma ginawa ko pisonet, nag expand ng 1 branch na mag 28units at upgrade ng homebase, yung another 10 naold nilabas ko unit as pisonet, yung pinaka luma na pisonet pina rent to own ko sa dati ko mga pwesto.

    ang pinaka point dto is mag plano muna, san papunta ang business mo.
  • ^may 3rd na pla kami nasa 42units, pero yung pisonet ko nag bawas ko nasa 35units nlang nasa labas ngyon
  • @AJCshop02

    Thank you bro sa lahat ng advice. will consider everything that you have said. :)
  • Hi, tanong ko lang ulit kung sino nakakaalam ng location ng Allan? :)