Forum Topic

Official PisoNet Usapan at Tanungan Thread (No Selling in the Forums)

  • ^mahal talaga pa config pero 1.9k lang yung unit, ako 1 lang buy ko tapos hindi nako umulit hahaha kasi same performance lang ng current setup ko hehehe try mo QoS Tomato flashed routers mura lang kaw na mag flash.
  • ^yung gigabit kasi ang type ko na device ni MT. meron na sa fiber optic na router pwede mo na ma control bandwidth per IP. dlink ba yung meron QoS na router? tsaka tplink?
  • ^mahihina ang QoS sa Pldt Router, dlink at tplink, need mo talaga mag flashed ng toamto firmware sir.
  • magandang araw po. pisonet po gaagmitin pero 110 po ung monitor. any idea po. masisira ba monitor kahit may gamit akong transformer na 110
  • ito yung current connection ko puno po ang units while nag speedtest ako
    kaya gusto ko yung MT na giga dahil match sya sa switch ko naka giga den.



    hindi ba dilikado mag update ng firmware sa router? as you mention kasi tomato firmware ipalit sa default? gusto ko den i try yan idea mo sa ibang branch na mga units ko...

    -- edited by 2008_spy on Aug 20 2016, 10:28 PM
  • ^iDol spy, gigabit na din po ba lan port ng pldt fibr modem? naka dalawang Tomoto flashed router na ko dati linksys at asus hindi naman masyadong delikado mag upgrade ng FW.


    eto yun MT ko gigabit port na din. saka mas madali mag update ng FW sa MT. check update, then download&install lang updated na un FW ng MT tapos hindi pa mawawala yun config mo. :D


  • Mga Boss pano ba ibalik sa original na itsura tong taskbar ko para kasi siyang nakasafe mode eh..hindi tuloy makapag internet..anyone?thanks in advance sa sasagot i try searching in youtube pero wala eh..yung Start Button hindi yung Usual na Start Button..
  • ^boss spike meron kaba naka zip nyan? hehehe gusto ko mag try gusto ko hatiin connection ko sa game and streaming
  • sira yata image mo boss hindi ma view pwede mo naman maibalik yan desktop mo eh mag system restore kana lang.
    ito yung path: start/all programs/accessories/system tools/system restore


    Mga Boss pano ba ibalik sa original na itsura tong taskbar ko para kasi siyang nakasafe mode eh..hindi tuloy makapag internet..anyone?thanks in advance sa sasagot i try searching in youtube pero wala eh..yung Start Button hindi yung Usual na Start Button..
  • Ayaw ng System Restore Sir eh...sa Inis ko binack up ko na lang sa Drive D: yung files then tsaka ko pinormat yung C: ayon..umayos na..panira din kasi negosyo ilang days then hindi nalaruan yung isang unit...anyway thank sa inputs mo Sir2008_spy
  • sino nakaka alam o naka pag try i max yung oras ng single chip o single timer?

    iniisip ko kasi from 1 peso coins slot bili nalang ako ng 5 peso coins slot tas i max ko yung timer if aabot, para hindi na ako bumili ng dual timer or ng new board
  • ^ 3digits timer max 999mins, 4digits timer max 9999mins... ewan ko lang kung tama intindi ko sa tanong mo. :D
  • kung meron ka PIC microcontroller pwede mo siguro ma magic yan pero madugo na yan kasi eeprom programing

    hehehe
  • ^ 2008_spy
    Ilan existing Pisonet mo?& ano Speed at gamit mo internet?Arcade Type ba Pisonet mo o Table Top?Sakin kasi Arcade Type plan ko sana magswitch sa Table Top para space Saver..kaya lang ano ba Pros & Cons ng Table Top?
  • ^ 2008_spy
    Ilan existing Pisonet mo?& ano Speed at gamit mo internet?Arcade Type ba Pisonet mo o Table Top?Sakin kasi Arcade Type plan ko sana magswitch sa Table Top para space Saver..kaya lang ano ba Pros & Cons ng Table Top?


    nasa bahay 12+personal ang sa branch/rent area 8+5+4 +7 currently setup for new location
    sa bahay ko is fiber connection with 100mb pldt yan lahat yung sa area 10mb 5mb pldt lahat home lang wala ako business line
  • ^ ah ok ang dami mo na palang units ng pisonet..PLDT pala lahat ng ISP mo..Arcade Type yan Spy?o may Table Top ka na pisonet?plan ko kasi mag Table Top Pisonet eh..existing ko 6 units na Arcade Type..gusto ko yan iBRanch Out tapos yung ipwepwesto ko samin Table Top..
  • Good day ka tpc, ask ko lng saan kaya pwede makahanap ng maayos, at murang pisonet box, gagamitin ko sana para sa piso laundry. and saan kaya may nagkakabit nun. salamat!
  • @white: iba sya sa arcade na style. sa mga area ko na nadeployan 60/40 and 70/30 pero sa net yan kasi sa gross kunin ko muna ang share ni pldt/bill

    @denzyo7
    pisonet box for laundry? hehehe kakaiba den plan mo boss
    sa car was marami na ako nakita pisonet style den pero DIY ka mag carwas.
  • Ah ok..wala kang mga table top na pisonet?puro arcade type pisonet mo?
  • Usapang timer basic question sa nakagamit na

    Ano kaibahan nung lumang Allan timer sa bagong version?
  • ^ 3digits timer max 999mins, 4digits timer max 9999mins... ewan ko lang kung tama intindi ko sa tanong mo. :D

    tama ka paps 999mins pag 3 digits at 9999 pag 4 digits

    pero ang tanong ko is base don sa minutes selector don sa circuit board.

    sample, unang labas ng pisonet is 1 peso = 4 min, ngayun 1 peso = 5 min na, paano naging 5 minutes? by adjusting yung selector na 1 to 6 sa likod, diba?

    ang tanong given yung selector, yung 1 peso = ilang minutes yung pinaka sagad na pwedeng i set?
  • ^base sir sa table, 16mins x 2 x 5? 160mins?

  • ^ yon oh, thanks

    ibig sabihin, kung sawa kana sa 1 peso, pwedeng yung coinslot nalang ang i upgrade to 5 peso coinslot

    ang setting 5min X 5
    or
    0 0 1 0 0 1

    -- edited by dawinsm on Sep 02 2016, 12:12 PM

    -- edited by dawinsm on Sep 02 2016, 12:13 PM
  • ^tama....
  • @ dawinsm & Spike...hindi ba minsan kumakagat kahit Piso lang ang ihulog?sakin kasi puro Piso Coinslot...tsaka alam mo naman yung ibang mga bata hanggat kaya makadugas sa oras gagawin lahat..
  • Never ko pa na try ang 5 peso o gumamit.

    sa mga shop ko naman wala namn makukulit o nandadaya.
  • ^ ah ok so Piso Coinslot lahat sayo..nga pala dawinsm san ka bumibili ng spares yung 2nd hand lang..like Motherboard, RAM, V.C, HD..san may nabibilan na mura?sa Gilmore ka rin ba bumibili?
  • Mga sir tanong lang po. Magkano po ba hatiaan sa kita at gastos dito? Plano ko pa lang kasi eh. Yung pwesto na pagtatayuan ko is hindi samin. Nag offer sya na 60% sakin and 40% sa kanya. Tapos 250 pesos daw ang bayad sa kuryente per pisonet. Sa internet naman hati daw sa bill. Ganto ba talaga yung kalakaran mga sir? Thanks po sa sasagot!
  • ^sa iba ka na lang sir maglagay ng units, sila lng un pupuwestohan ng units sila pa gumagawa ng sarili nilang policy sa hatian :D common sir inaawas muna sa kita ng mga units yun pambayad sa internet. saka kayo maghahati ng 60% sayo at 40% sa kanila. then yun bill ng kuryente sagot ng may-ari ng pinag-pwestohan mo. :) 250 per unit sa kuryente at siya pa mismo magbabayad sa meralco eh malamang na siya lang kumita hahaha... wait mo reply ng ibang master jan. :)
  • ^ thanks sa reply sir. Tingin ko nga sya lang kikita dito eh. Wala syang puhunan pero sya pa kumita. Kausapin ko sir. Sabihin ko na kanya yung kuryente. Susundin ko yung hatian na sinabi mo. Thanks uli!