Forum Topic

Official PisoNet Usapan at Tanungan Thread (No Selling in the Forums)

  • sa banko yata meron , sabay diposit mo nalang ^_^, tas pag labas mo withdraw mo sa atm if meron ka
  • di na nagsosort sa banko eh. kailangan sorted na tapos tag 100 pcs kada plastic.

    sion pwede magparent ng coin counter nila?
  • Mga sir, pwede na po ba ultera 1599 Up to 10 Mbps
    at 70 GB Monthly Volume good for 4 units?dalawa lng kc pagpipilian ko dto sa area nmn,ultera at globe lte lng po.


    Sir bigyan lang kita kunting Idea:

    Ako sir may 6 units Pisonet sa House ko sa parking area ng house ko. 4 months na nag ooperate . Ang gamit ko lang na ISP ay PLDT Ultera 1299 @30g -3mbps (OLD Base Plan) at Globe Broadband 1299 @50g - 100mbps.

    So far sir no problem sa capping ko kasi puro LOL, Crossfire, Point Blank, FB at Y8 lang nilalaro sa shop ko. Hindi naman na ako lugi kahit dalawa pa yung Internet ko kasi nakukuha ko naman sa kita .

    Meralco - 3500
    Internet - 2598 + 1000 (Add Boost sa PLDT at Globe)
    Rent - Free
    ____________________________________
    Php 7098.00

    Profit every day is range from 700.00 ~ 900.00

    Hindi na lugi sir. Wala naman na rent sa pwesto, walang technician to maintenance since ako na bumubutinting.... walang bantay since naka CCTV 2pcs. inside, 1pc inside.

    -- edited by jhuncel on Sep 23 2016, 05:22 PM
  • Plano ko magdag dag ng 4units by december. dami kasi nagrereklamo kasi hindi makasingit ang ibang players ko. Madalas kasi sa isang pc ianaabot ng 2 to 3 hrs. Sobrang gigil sa kalalaro.

    Meron naman ako Opening at closing time kaya no problem sa magulang ng players ko.

    -- edited by jhuncel on Sep 23 2016, 05:26 PM
  • ung BDO sa labasan namin dati hindi na pinabibilang ung mga piso basta lagyan lang ng papel na maliit na nakalagay ung name ng depositor saka account number and contact number pero ngayon pinabibilang na kaya iniipon ko na lang ung mga piso saka na lang idedeposito .
  • mga idol, baka may kakilala kayong nagbebenta ng pisonet unit arcade type para pwede ko ng iwan sa tabi ng bahay, pabulong na lang po ng info kung bawal po dito, maraming salamat po
  • Meralco - 3500


    taas nito for 6 units, pinaka mataas na dapat ang 350/units per month 24/7 running yan wlang patayan. baka super high end yung units mo or sobrang luma na kaya malakas sa kuryente.
  • Ako sir may 6 units Pisonet sa House ko sa parking area ng house ko. 4 months na nag ooperate . Ang gamit ko lang na ISP ay PLDT Ultera 1299 @30g -3mbps (OLD Base Plan) at Globe Broadband 1299 @50g - 100mbps.


    if marunong ka sa networking pwde mo separate yung gaming sa browsing, yung globe na may cap lagay mo sa gaming.
  • PTPA:

    Planning to build a budget gaming PC (for PISOnet business purpose).

    PROCIE : AMD A4 KAVERI 7300 - 1850
    MOBO : Gigabyte F2A68HM-DS2 - 2330
    RAM : HyperX 1866 4GB - 1070
    HDD : Seagate 500GB SATA - 2090
    PSU - Please recommend yung budget meal lang po(thinking of generic PSU kaso worried ako)

    ok na ba to sa dota 2 and other latest games(kahit mid settings lang). and baka may alternate kayo na marecommend na mas mura. thank you po sa mga sasagot!
  • mga bossing ano bang magandang coinslot na universal? balak ko na kc magpalit ng universal coinslot.. nagsasawa na kami magbilang ng tigpipiso eh.
  • if marunong ka sa networking pwde mo separate yung gaming sa browsing, yung globe na may cap lagay mo sa gaming


    Naka Network lahat pc ko. Bihira ang mag Browsing. Madalas online gaming lang sila.

    taas nito for 6 units, pinaka mataas na dapat ang 350/units per month 24/7 running yan wlang patayan. baka super high end yung units mo or sobrang luma na kaya malakas sa kuryente.


    Kasama na sir Main House ko. hehheehe.

    sobrang luma na kaya malakas sa kuryente


    Hindi po sir. Kakabili ko lang last June 2016.

    baka super high end yung units mo


    AMD 3.7ghzProcessor
    8gig DDR3 Memory (2 Stick)
    5oog Hardisk
    2g DDR3 256bit Video Card ATI Rideon
    750w PSU Generic
  • Taas pala ng SPecs mo JHuncel..sakin kasi Dual Core lang 4GB RAM, 1GB Videocard..2nd hand yan..5.5k lang Score ko jan..TAble Top PIsonet..

    @aLL san kaya may MUra Bilihan ng Coin CHanger?naghahanap kasi ko para hindi na HAssle magpabarya..nagtanong ako kila Allan wala daw sila..
  • Hi! Ask ko lang po kung mag kano na bentahan ng dual coinslot ngaun? Thanks!
  • Hi! Ask ko lang po kung mag kano na bentahan ng dual coinslot ngaun? Thanks!


    Sir tips ko sayo kaw na mag assemble ng Pisonet Coins Slot. Mas makakatipid ka pa.

    Box Type Gawin mo sir. Madali lang ang set up ng Pisonet Box at wiring nya.
  • AMD A4 6300 3.7ghz yung kukunin ko na procie, need paba ng stand alone video card for dota 2, cross fire, etc.
  • @ aLL sono taga marikina dito?baka pwede magvisit sa pisonet shop nio or you may visit my shop..sharing of thoughts..
  • Good morning! may problem din kasi yung 2 units ko, yung isa may display kahit walang time. at yung isa naman, ang hirap mag boot sa malaking pisonet box, replaced na yung switch timer nya pero pag sa cpu switch i on mag bo boot naman...
  • Good day.

    Ask ko lang if kakayanin ng PLDT Fibr plan 2899 ang 10 units na pisonet at 2 PC (personal)?

    Gusto ko kasi mag install dota 2 sawa na daw sila dota 1.

    Thank you!
  • ^kaya yan sir 3mbps nag kinaya ang 10units eh.
  • ^ Thanks!

    As of now sa sky 3mpbs nakakabit yung mga units
    hindi kaya maglaro ng dota 2 then nagffb yung isa
    try ko iconnect yung 10 units sa pldt plan 1299 namin
    sana kayanin
  • ^need mo ng QoS para hindi lag sa Dota2
  • @jhuncel

    Rent - Free

    bad idea, there is no such thing as free rent kahit syo pa ang place. babayaran mo sarili mo para sa rent. dun mo makikita kung kumikita pisonet mo. kumikita ang pisonet mo, kumikita rin puwesto mo.
  • @AjCshop02

    anu po yung QoS?
  • Mga boss may page na ba dito regarding sa mga permits na need para makapag operate ang pisonet? nagbabalak kasi ako itry tong business na ito from scratch magkano kaya magagastos ko kahit sana 4 units muna, magkano pala set nyo per hour? sa area kasi namin 10/Hr lang sa mga comp. shop. sana po may makasagot.
  • mga sir and maam.

    magtatanong lng sana ako sa inyo. meron akong 5 units ng pisonet tpos globe 3mbps 7gb per day ata ung capping nya (old plan) lng gamit ko.
    balak kong magdagdag ng 3 units pa tapos magdagdag pa ng isang isp.

    ano po kaya magandang isp na idagdag?
    tsaka may idea b kau regading sa mikrotik routerboard at sa pagpapadiskless?

    salamat sa mga isusuggest nyo!

    -- edited by stockweld101 on Oct 01 2016, 06:54 PM
  • AMD 3.7ghzProcessor
    8gig DDR3 Memory (2 Stick)
    5oog Hardisk
    2g DDR3 256bit Video Card ATI Rideon
    750w PSU Generic


    hehe hindi mataa ng specs, mataas lang ito sa kuryente...

    sayang if nag AMD ka sana A8 nlang para hindi mo need ng video card, and if nag video card ka na din lang sana gddr5 yung mem, mga hindi nabebentang items ang binigay syo sir. sayang pera at kuryente, and since may video card ka na wla masyado effect if 8gb ang mem mo na dual channel sana nag research ka muna ng konti.
  • AMD A4 6300 3.7ghz yung kukunin ko na procie, need paba ng stand alone video card for dota 2, cross fire, etc.


    no need na ng video card if mga online games lang lalaruin syo, gawin mo nlang dual channel ang mem (2x2gb or 2x4gb) para mas mabilis ang onboard gpu niya. bakit ayaw mo ng a4 7300 mas mababa sa kuryente ng 5W un sa actual gaming.
  • @AJCshop02 [TS]

    nakabili na ako nung A4 6300, ok na siguro ako dun. yung sa memory siguro baka pede ko pa mapapalitan. single 4GB 1866 kasi yung kinha ko.

    Next question ko po, pede po makahinge ng guide sa PLDT plan na suitable sa pisonet.

    as of now, 3 units palang meron ako depende pa sa magiging outcome in the future kung magdadag. Anu pede nyo irecommend na Family plan dito?

    here are the list:

    999
    1299
    1995

    PS. Games na lalaurin ay Dota 2 and other online games, browsing

    -- edited by malarcon on Oct 03 2016, 10:51 AM
  • sino naka G cafe sa inyo? feedback naman. thanks
  • intel g2030 no need narin ng VC, not sure kung meron pang ganyang proce now.