Forum Topic

Official PisoNet Usapan at Tanungan Thread (No Selling in the Forums)

  • Advantages: No need to buy Transformer, just connect to 12v PSU.
    Disadvantage: Pag nag hang, nag restart ang CPU , pati ang natitirang Time sa Timer reset din. Madalas nag sasauli ako ng oras sa players ko. Halimbawa ang natitirang Time is 4+mins. Pag nagreset automatic babalik ko piso sa Pisonetbox (6mins = 1piso)

    yung disadvantage hindi dapat mangyayari yun if ok ang system at hindi inaabuso ang units mo...

    ang hang ay sign ng isang mahinang system or pwde din mag inbistiga ka baka may problema sa gumagamit at ginagamit. kahit 24/7 gamitin ang unit if wlang problema hindi mag hang.
  • yung disadvantage hindi dapat mangyayari yun if ok ang system at hindi inaabuso ang units mo...

    Kung ang gamit sa isang computer shop ay 24/7 , imposible maging 100% OK all the time . Electronics yan at lahat may hanganan. Kahit tig 50k+ pa isang unit sa shop. Pero for sure hindi naman bibili ang isang internet shop ng ganyan kamahal na rig.

    ang hang ay sign ng isang mahinang system or pwde din mag inbistiga ka baka may problema sa gumagamit at ginagamit. kahit 24/7 gamitin ang unit if wlang problema hindi mag hang.

    Ang HANG isa na yan sa sakit ng computer kahit gaanu kaganda at katibay ng RIG. Windows, Software Application, Online Games, Internet yan naman usually ang nagigingb cause ng HANG. Hindi maiiwasan ang ganyan problema.
  • @dawinsm

    naka screw yung cpu at lcd monitor, it takes time kung pipilitin nakawin haha, bukod don may naka install ng cctv

    Sir naka ARCADE BOX ka ba? ILan unit mo? saka naka diskless ka? Gusto ko sana gawin diskless ang shop ko. Medyo kailangan ko pa kunting aral aral sa diskless. Hehehehe. Nag start kasi ako sa 6units with arcade box last May 2016. Paisa paisa ang dagdag minsan dalawahan. Nadispose ko na yung ARCADE BOX kasi sumisikip sa pwesto ko. Ngayun naka 15unit na ako.
  • Ang HANG isa na yan sa sakit ng computer kahit gaanu kaganda at katibay ng RIG. Windows, Software Application, Online Games, Internet yan naman usually ang nagigingb cause ng HANG. Hindi maiiwasan ang ganyan problema.

    ganito din ang iniisip ko dati hehehe pero if maganda ang pagkakasetup (hindi need ng mahal) at maayos ang systems possible pla hehehe

    and if hang you can press reset anyway, it will not shutdown your pc and hindi mawawala ang power or the undying Control+Alt+Delete.

    -- edited by AJCshop02 on Nov 30 2016, 08:55 PM
  • mga sir.. may tanong lang ako. how much is the ideal budget to start this kind of business? kahit mga 3 unit siguro.. salamat sa mga sasagot.
  • @jhuncel
    Sir naka ARCADE BOX ka ba? ILan unit mo? saka naka diskless ka? Gusto ko sana gawin diskless ang shop ko. Medyo kailangan ko pa kunting aral aral sa diskless. Hehehehe. Nag start kasi ako sa 6units with arcade box last May 2016. Paisa paisa ang dagdag minsan dalawahan. Nadispose ko na yung ARCADE BOX kasi sumisikip sa pwesto ko. Ngayun naka 15unit na ako.

    meron akong arcade, meron akong table na isang straight na apatan , iba iba,
    naka hybrid ako ^_^, using ccdisk, meron din ako ng diskless
    pag zero knowledge ung nilapagan ko hybird gawa ko
    pag may konting alam diskless naman.

    hybrid (ccdisk)- easy to install at i manage, ang maganda dito may ram cache at ssd cache din.
    sa hybrid naka save sa local pc yung mga lan games, yung mga online games naka save sa ccdisk server. Pero dipende naman sayo pwede naman lahat, yung dota nilagay ko din sa ccdisk server para isang copy o update lang ng map
  • ask ko lang mga sir kung ano settings ng netlimiter para di mejo tumaas ping sa LOL
  • sir okay lang po ba ang specs na ito pang pisonet

    A4-4000
    asrock mobo
    4gb ram
    500gb hd
    18.5 monitor

    okay lang ba sya sa price na 7.5k 2nd hand
  • @the_cute_anonymous

    Sir ok na po spec mo.
  • bago lang ako dito ask q lang paano ba iconnect sa net ang pisonet need ba ng lan cable o wifi lang? tnx sa sasagot
  • A4-4000
    asrock mobo
    4gb ram
    500gb hd
    18.5 monitor
    \

    medyo mahal ito fo 2nd hand, mahina pati ang onborad ng a4-4000 vs sa other a4 like 7300 or 6300.

    -- edited by AJCshop02 on Dec 04 2016, 08:18 PM
  • Mga boss need suggestion, balak ko kasi bumuo ng coin slot ano ba maganda single/dual or yung universal na programmable sa 3 types ng coin? at ano mas ideal sa pisonet a4 kaveri or a6 kaveri? balak ko yung web browsing at normal na online games lang install like dota2,lol,cf etc. thanks po in advance.
  • guys nagamit parin ba kau ng Deepfreeze sa mga unit nyo pisonet?
  • guys nagamit parin ba kau ng Deepfreeze sa mga unit nyo pisonet?

    Ako sir hindi na. Kasi monitored ko naman lahat ng players ko.
  • Mga boss need suggestion, balak ko kasi bumuo ng coin slot ano ba maganda single/dual or yung universal na programmable sa 3 types ng coin? at ano mas ideal sa pisonet a4 kaveri or a6 kaveri? balak ko yung web browsing at normal na online games lang install like dota2,lol,cf etc. thanks po in advance.

    Sir try mo mag universal nalang P600.00 yata coinslot nyan.
    Regarding naman sa Processor, gamit ko now is A4 6300k 3.7ghz.
    Dati naka arcade box ako, lakas sa kuryente umaabot ng 14.00~15.00/cpu/day (8am-12am) arcade box type kosumo ng kuryente. Pero nung pinalitan ko na ng Table Top Pisonet, nabawasan na ng 4-5pesos..

    Pero mas okey ang A8 series at mas matipid sa Kuryente. Hindi ko rin sure kasi hindi ko nasubukan.

    -- edited by jhuncel on Dec 05 2016, 02:44 PM
  • sino po meron diagram ng wiring pag nasa box na, nagawa ko na po yung wiring ng coins slot at timer at transformer, problema ko kung pano ko sya ilalagay sa tabletop or arcade type of pisonet box
  • guys nagamit parin ba kau ng Deepfreeze sa mga unit nyo pisonet?

    kung hindi ka naka diskless need mo yan
  • Sir try mo gumawa ng Mini Box napakadali lang sir, check mo yung diagram ko baka makatulong sayo sir. Andyan na ka post na yung diagram ko. Saka kayang kaya mo yan sir. Tyaga lang. Ako nagtyaga sa pag pokpok pokpok ng Pisonet Box. Sa umpisa naguluhan ako sa wiring pero focus talaga ako sa wiring at ayun na tutunan ko na.

    nakagawa na ako ng isang mini pisonet box last sunday haha
    from 9am to 8pm di ko alam kung nakatipid ako o napagod lang ako haha

    eto mga nagastos ko
    140 lagare sa gilid gilid
    80 paet= mga 3 pokpok lang bali na talim
    stickwell,
    basta madami pa akong binili dahil martilyo lang ang gamit ko sa bahay,
    at barena na hiniram ko pa sa office.

    wala akong ka alam alam pag dating sa pag papako haha, dahil sa stickwell tumibay naman
    ang problema ko hindi pantay yung mga gilid hahaha, so far working naman.

    yon lang pala , hindi na ako bumili ng pang butas, drill bit pang kahoy lang pinang butas ko,
  • @dawinsm

    Good for you that sir. Sa umpisa medyo nangangapa pa kagaya ko, pero sa sumunod na box, nakabisado ko na. Heheheh

    +1 for sir
  • sino po meron diagram ng wiring pag nasa box na, nagawa ko na po yung wiring ng coins slot at timer at transformer, problema ko kung pano ko sya ilalagay sa tabletop or arcade type of pisonet box

    Sir back read ka check my diagram inside sa box. Meron ako dito post.
  • Good for you that sir. Sa umpisa medyo nangangapa pa kagaya ko, pero sa sumunod na box, nakabisado ko na. Heheheh

    +1 for sir

    tingin ko bibili muna ako ng complete tools, sakit ng likod at balikat ko kinabukasan sa pag lalagare siguro, para bawas pagod at bilis ng trabaho,
    kung didikitan siguro yung gilid gilid maitatago yung mga sablay na kanto, ano ba tawag don? yung itinitornilyo sa mga corner mostly kulay yellow or gold sya
  • mga sir.. may tanong lang ako. how much is the ideal budget to start this kind of business? kahit mga 3 unit siguro.. salamat sa mga sasagot.

    up ko lang mga sir.. interested ako malaman salamat

    Liha mo nalang tapus pinturahan mo ng Puti na pang kahoy tapus Masilyahan mo ng Latex na pintura yung na ma hinahalong white powder hindi ko namatandaan anu pangalan nun, mawawala ang mga kanto kanto nyan at makinis pa siya.. Ganyan din sana gagawin ko kaya lang wala na time kasi.
  • mga sir.. may tanong lang ako. how much is the ideal budget to start this kind of business? kahit mga 3 unit siguro.. salamat sa mga sasagot.

    up ko lang mga sir.. interested ako malaman salamat

    Pwede po arcade box type or desktop type pisonet. Pero kung space mo maluwag pwede ka na Arcade type. Pero mas ok sakin ang desktop type pisonet box kasi presentable at luluwag pa. Hindi pa magastos sa kuryente. Unlike sa Arcade Type malakas sa kuryente kasi . Check my Post andoon yung picture ng shop ko sir. Dati ako naka Arcade type, pinalitan ko lang ng desktop type yung mga box ng coinslot.

    Suggest lang naman sir yan.
  • mga boss, question po.

    ano gamit nyong SW/HW para malimit
    yung net distribution per PC?

    naka-8Mbps ako at hinahati ko sa 6
    na PC. salamat mga paps!
  • Pwede po arcade box type or desktop type pisonet. Pero kung space mo maluwag pwede ka na Arcade type. Pero mas ok sakin ang desktop type pisonet box kasi presentable at luluwag pa. Hindi pa magastos sa kuryente. Unlike sa Arcade Type malakas sa kuryente kasi . Check my Post andoon yung picture ng shop ko sir. Dati ako naka Arcade type, pinalitan ko lang ng desktop type yung mga box ng coinslot.

    Sir Jhuncel, pano po naging malakas sa kuryente yung arcade type? Paexplain naman po. Naka arcade type na pisonet po kasi ako. Thanks!

  • Liha mo nalang tapus pinturahan mo ng Puti na pang kahoy tapus Masilyahan mo ng Latex na pintura yung na ma hinahalong white powder hindi ko namatandaan anu pangalan nun, mawawala ang mga kanto kanto nyan at makinis pa siya.. Ganyan din sana gagawin ko kaya lang wala na time kasi.

    hindi ko na pinakinis, mabilisan salpak agad, masilya yata yung sinasabi mo na hinahalo sa pintura para makinis,
    hindi kakayanin ng masilya yung mga sablay ko sa gilid halos half ng 3/4 na plywood ang kulang, kung lagpas pwedeng katamin para pumantay, kaso paloob ang kulang haha

    Un lang heheheehe..
  • @mhaarrkk123

    Sir Jhuncel, pano po naging malakas sa kuryente yung arcade type? Paexplain naman po. Naka arcade type na pisonet po kasi ako. Thanks!

    Ang Arcade Box type meron mga FAN sa loob para hindi basta mainit kasi nasa loob ang cpu. Tapus mahirap pa linisin ang Box sa loob lalo na sa alikabok at mga pesteng daga minsan namamahay sa loob. Pero depende na din sayo sir kung hindi mo lalagyan ng FAN. kasi yung luma ko Arcade box type dalawang fan naka Installed since nabili ko ito. Nacompare ko ang dati ko Arcade BoX Pisonet to New renovated desktop box pisonet, malaki ang nabawas sa bill ko ng Meralco. Its up to you sir kung mag babagsak ka ng ARCADE BOX sa mga bahay bahay or tindahan, wala na problema sa kuryente kasi sagot ng babagsakan mo. unless hati kayo sa meralco.