Forum Topic

Unified Laptop/Notebook/Netbook Users Thread Part 2 (NO Trading Allowed)

  • @dayamos
    check ko sir yan turbo ng intel proc,
    btw got the laptop at 900usd lang from amazon sulit nun black friday
  • ^wow, awesome deal :)
  • Share ko lang feedback ko sa Acer Nitro 5 (AN515-57-535Z) after 1 month of use. Specs below:

    15.6" 1920x1080 144Hz
    IPS Display
    Intel Core i5-11400H (6 Cores)
    512GB NVME SSD + 1TB NVME SSD
    16GB DDR4 RAM
    NVIDIA RTX 3060 6GB
    WIN 11

    Natapos ko na laruin ang Tomb Raider. Swabeng swabe sya. Wala akong naencounter na lag.
    Currently playing naman Rise of the Tomb Raider. Swabe pa rin.
    Installed GTA V na rin. Pero balak ko ito laruin kapag natapos ko na yung Shadow of the Tomb Raider.
    Starcraft 2 installed na rin. Nakapila na rin itong laruin. Nagtry ako ng tutorial para lang makita yung display at kinaya nya ultra settings.

    First time ko magkaroon ng high spec laptop coming from an office laptop (yes, maluwag yung office, allowed makapag-install ng games) na di kataasan yung specs, at wala akong masabi kundi ang saya palang maglaro ng games ng naka high - ultra settings. Lagi lang kasi akong low dahil di kaya at sa youtube lang nakakanood ng playthrough ng naka-ultra settings.
  • Good day mga boss saan po magandang bumili ng laptop worth 30k-40k yung pwede po sana credit card. And any suggestions of laptop for this range.

    Maraming salamat po
  • ^Sa C*berz*ne lang kami madalas magtingin kasi saktuhan rin prices kahit compared sa online store. Pinili ng anak ko yun Lenovo Ideapad flex 3 kasi maganda hinge and touchscreen din. Kaso i3 lang yun, 8gb ram, 512 gb. Around 40k nga, 12 mos zero interest via cc.
  • Any idea how's acer customer service like? planning to buy kasi ng acer nitro. current laptop is a thinkpad, medyo naspoil ako sa lenovo na hindi mahirap mag claim ng warranty. Gusto ko lang sana matry mag gaming laptop pero ung main worry ko talaga is after sales service. Thank you.
  • ^based on experience, as long as under warranty yung unit, walang problema ang Acer Service Center sa Paco Manila.

    Magkakaron lang ng problem if out of warranty na yung laptop tapos "end of support" na din sya, in which case sasabihin nila sayo wala nang available na parts and dalhin na lang sa mga 3rd party repair shops :(

    Top cover ng Aspire VX 15 pala yung pina service ko nung 2019, suggestion sa akin ng nakausap ko sa Acer Tech Support dalhin na lang daw sa Greenhills since 2016 model pa daw yun and baka wala nang available parts xD

    Nag YOLO na lang ako and dinala ko pa din sa Acer main service center sa Paco, buti na lang pwede pa i-order sa Taiwan yung top cover, medyo matagal nga lang dumating yung parts.

    Imagine kung sabihin nila na wala na talagang stock nung parts kahit sa main plant nila sa Taiwan... Ang course of action na lang siguro is to look for parts sa Shopee, Alibaba or Ebay.
  • Alin po mas okay dito?

    ASUS TUF GAMING F15
    i5 - 11400H (11th GEN)
    RTX3050 Ti

    ACER NITRO 5 2022 Model
    i5 - 12500H (12th GEN)
    RTX3050
  • Alin po mas okay dito?

    ASUS TUF GAMING F15
    i5 - 11400H (11th GEN)
    RTX3050 Ti

    ACER NITRO 5 2022 Model
    i5 - 12500H (12th GEN)
    RTX3050


    Medyo similar scenario tayo nung xmas. Pero ang choices ko is Asus Strix G15-G513RC (R7-6800H RTX3050) vs Acer Nitro 5 (i5 11400H RTX 3060).

    Acer pinili ko dahil mas mataas ang video card.

    BTT:
    Naghahanap po ako ng laptop cooler. Nakita ko itong IETS GT500. May gumagamit po ba nito dito? Based sa videos, maingay sya pero superb ang cooling performance nya dahil abot ng 5k RPM yung blower fan nya.

    -- edited by xMaJox on Feb 27 2023, 04:52 AM
  • Parecommend po 43k max budget.. heavy on excel... light gaming (dota2)... thanks!

    Intel i5/i7 at 512gb ssd po sana. Tnx

    -- edited by nivla18 on Mar 18 2023, 10:36 AM
  • lagi po.may prompt upgrade to window 11. lagi kprin i decline kasi hindi ko alam kun mas okay mag upgrade o okay na hindi na. pang msoffice ang gamit ko.
    any advise po
  • Post deleted #12443595
  • Good day mga boss
    Which do you think is better between

    Option 1
    i3 11th gen
    8gb
    512gb
    mx350
    30k

    Option 2
    i5 11th gen
    8gb
    512gb
    intel iris
    35k

    MS office and photoshop

    many thanks po

    -- edited by Squall_2798 on Mar 31 2023, 03:44 AM
  • @Squall_2798
    for me go for option 2. iris xe and mx350 maliit lang gain ng mx350, compared sa larger gain ng i5 sa i3. there is a reason kung bakit mas expensive siya.
  • i bought a second hand laptop. a dell. chineck ko warranty niya online hanggang 2027 pa. so pag may problema ba dito pwede ko dalhin sa local dell? i have no receipt and box.
  • Any suggestions for a laptop para sa student/teacher
    Budget 30-40k
    All brands are welcome,
    isip ko Dell or Lenovo?
    Though di ko alam kung san din pwede tumingin at bumili. Ghills paba or oks na sa C-Zone?
  • ^C-Zone oks na or online stores, di na nagkakalayo sa pricing. Pero kung 2nd hand siguro sa Ghills nga pero meron rin sa online marketplace. Lenovo na nakasanayan ko kasi sia din gamit sa work ko and di naman ako pinahiya.
  • hi! okay ba yung dell xps to be used for work mainly used for MS Office, Adobe Arcobat, Photoshop etc.? I need something portable (small [not more than 14"] and light). I am currently eyeing at the dell xps line-up or are there any other better windows laptop you can suggests?
  • @rob1989,

    You can research / check out Lenovo X1 Carbon series…
  • may idea kau kung store san pa nabibili ram kvr1333D3S9/4G?
  • Post deleted #12448383
  • binuhay ko ulit yung T420s ko!!!
    ahahay astig ang specs for a ~11yr old machine -

    CPU - Intel core i5 2520M
    Display - 1080p IPS panel using LVDS to eDP converter
    RAM - 16GB SODIMM DDR3 RAM
    Main Storage - 2TB SATA SSD
    Secondary Storage - 256GB mSATA SSD via cdrom caddy
    WIFI1 - Alfa AWPCIE 1900 RTL8814au via wwan slot
    WIFI2 - Intel Dual Band 7260ac via wifi slot



  • Pa suggest Po Best laptop for a 100k budget?

    May nakita Ako mga Acer nitro mamaw specs pero mura lang i9 11th gen 3060 / r9 3070 Tig 70/80k lang ano Po kaya catch Neto?
  • ^if official or reputable store mo nakita yung units, I think wala naman catch yan :)

    I'm guessing kaya bumaba na ang presyo is naguubos na lang sila ng stocks ng mga lumang models since lumabas na yung mga naka RTX 40 series na laptops.

    Meron ako nakita last time nasa Gimore ako na naka RTX 4060 and i5 12th gen, nasa 70K yata if I remember correctly.
  • Yes sa malls ko lang din nakita Yung Acer nitro
  • Nag hahanap ako ng sulit na laptop under 80k. Gagamitin ko for college so gusto ko sana mahaba yung battery life pero nakakalaro ng Esports games nang maayos. Pwede na sa needs ko yung mga 60k na laptop pero tatagal sakin ng almost 5 years kaya gusto ko yung maganda na talaga, at least sa build quality.

    Maganda kaya yung TUF A15 2023? Sana may mahanap ako na iba kasi yun lang nakikita ko maayos.

    May isusuggest pa ba po kayo?
  • ^try looking around sa mga shops sa Gilmore, meron na mga models naka RTX 40 series, mas bago na sila and I guess tatagal yun ng 5 years, "specs wise" :)

    I'm saying "specs wise" kase on paper, dapat tumagal sya. Pero that will depend on "build quality" ng laptop, kung tatagal ba sya talaga under normal use ng 5 years. Depende din kase sa gumagamit ng laptop :)

    Ang mga alam ko lang na tumatagal because of build quality are the Lenovo Thinkpad series and some Apple Macbooks...
  • Mga boss ok ba tong laptop na to? Ok po ba ang after sales service ng MSI kung dadalhin ko sya pabalik jan sa pinas?

    MSI Katana 15 B12V
    i5-12450H
    16GB DDR5-4800
    1TB M.2 SSD (NVMe PCIe Gen4)
    NVIDIA® GeForce RTX™ 4060 Laptop GPU 8GB GDDR6
    15.6" FHD (1920x1080), 144Hz, IPS-Level

    Currently nakasale sya $499 AUD off kaya nadedemonyo ako.

    Thanks po sa feedback.