Forum Topic

Unified Laptop/Notebook/Netbook Users Thread Part 2 (NO Trading Allowed)

  • @dayamos
    check ko sir yan turbo ng intel proc,
    btw got the laptop at 900usd lang from amazon sulit nun black friday
  • ^wow, awesome deal :)
  • Share ko lang feedback ko sa Acer Nitro 5 (AN515-57-535Z) after 1 month of use. Specs below:

    15.6" 1920x1080 144Hz
    IPS Display
    Intel Core i5-11400H (6 Cores)
    512GB NVME SSD + 1TB NVME SSD
    16GB DDR4 RAM
    NVIDIA RTX 3060 6GB
    WIN 11

    Natapos ko na laruin ang Tomb Raider. Swabeng swabe sya. Wala akong naencounter na lag.
    Currently playing naman Rise of the Tomb Raider. Swabe pa rin.
    Installed GTA V na rin. Pero balak ko ito laruin kapag natapos ko na yung Shadow of the Tomb Raider.
    Starcraft 2 installed na rin. Nakapila na rin itong laruin. Nagtry ako ng tutorial para lang makita yung display at kinaya nya ultra settings.

    First time ko magkaroon ng high spec laptop coming from an office laptop (yes, maluwag yung office, allowed makapag-install ng games) na di kataasan yung specs, at wala akong masabi kundi ang saya palang maglaro ng games ng naka high - ultra settings. Lagi lang kasi akong low dahil di kaya at sa youtube lang nakakanood ng playthrough ng naka-ultra settings.
  • Good day mga boss saan po magandang bumili ng laptop worth 30k-40k yung pwede po sana credit card. And any suggestions of laptop for this range.

    Maraming salamat po
  • ^Sa C*berz*ne lang kami madalas magtingin kasi saktuhan rin prices kahit compared sa online store. Pinili ng anak ko yun Lenovo Ideapad flex 3 kasi maganda hinge and touchscreen din. Kaso i3 lang yun, 8gb ram, 512 gb. Around 40k nga, 12 mos zero interest via cc.
  • Any idea how's acer customer service like? planning to buy kasi ng acer nitro. current laptop is a thinkpad, medyo naspoil ako sa lenovo na hindi mahirap mag claim ng warranty. Gusto ko lang sana matry mag gaming laptop pero ung main worry ko talaga is after sales service. Thank you.
  • ^based on experience, as long as under warranty yung unit, walang problema ang Acer Service Center sa Paco Manila.

    Magkakaron lang ng problem if out of warranty na yung laptop tapos "end of support" na din sya, in which case sasabihin nila sayo wala nang available na parts and dalhin na lang sa mga 3rd party repair shops :(

    Top cover ng Aspire VX 15 pala yung pina service ko nung 2019, suggestion sa akin ng nakausap ko sa Acer Tech Support dalhin na lang daw sa Greenhills since 2016 model pa daw yun and baka wala nang available parts xD

    Nag YOLO na lang ako and dinala ko pa din sa Acer main service center sa Paco, buti na lang pwede pa i-order sa Taiwan yung top cover, medyo matagal nga lang dumating yung parts.

    Imagine kung sabihin nila na wala na talagang stock nung parts kahit sa main plant nila sa Taiwan... Ang course of action na lang siguro is to look for parts sa Shopee, Alibaba or Ebay.
  • Alin po mas okay dito?

    ASUS TUF GAMING F15
    i5 - 11400H (11th GEN)
    RTX3050 Ti

    ACER NITRO 5 2022 Model
    i5 - 12500H (12th GEN)
    RTX3050
  • Alin po mas okay dito?

    ASUS TUF GAMING F15
    i5 - 11400H (11th GEN)
    RTX3050 Ti

    ACER NITRO 5 2022 Model
    i5 - 12500H (12th GEN)
    RTX3050


    Medyo similar scenario tayo nung xmas. Pero ang choices ko is Asus Strix G15-G513RC (R7-6800H RTX3050) vs Acer Nitro 5 (i5 11400H RTX 3060).

    Acer pinili ko dahil mas mataas ang video card.

    BTT:
    Naghahanap po ako ng laptop cooler. Nakita ko itong IETS GT500. May gumagamit po ba nito dito? Based sa videos, maingay sya pero superb ang cooling performance nya dahil abot ng 5k RPM yung blower fan nya.

    -- edited by xMaJox on Feb 27 2023, 04:52 AM
  • Parecommend po 43k max budget.. heavy on excel... light gaming (dota2)... thanks!

    Intel i5/i7 at 512gb ssd po sana. Tnx

    -- edited by nivla18 on Mar 18 2023, 10:36 AM