Forum Topic

Skyworth LED / LCD TV

  • Share ko lang yung setup ko. nagpost na ako dati may dinagdag lang ako.




    24\" TV
    onkyo Amp
    LG DVD player
    Wharfdale Sub woofer
    CPU <--- dagdag sa setup

    kinabitan ko ng CPU para maging smart TV. kulang ko na lang wireless kb and mouse.
  • OT. ^IMO, Yung Sub ikanto mo or ilayo mo man lang sa\'yo. Kakainin ng low freq yung High saka mid pag nakatapat ka sa PC. Just my 2 cents.
  • hindi naman ako nagpPC sa harap mismo. mahaba cable ng KB at mouse

    besides panooran lang ng anak ko ng youtube. at mga movies na hindi kaya ng built in player
  • Ano po mare-recommend nyo na pinakamurang Skyworth na full HD? Gagamitin lang sa PS4. Kahit 32-40 inch lang.
  • tanong lang mga sir,

    san kaya pwede makabili ng adapter nung skyworth lcd tv, ung 12v 5a tapos 4pin

    salamat sa mga sasagot
  • Hi po

    Ask ko lang po kung meron po bang model ng skyworth na basic tv lang na 40-43\"
    Ips panel na isdb-t narin?

    Maraming salamat po sasasagot


    Smart TV nga lang ito, bought 42E510s @ php19,800 last Sunday, and so far so good.

    - Smart TV
    - ISDB-T ready, kuha nya lahat ng available digital signal dito sa area namin using outdoor antenna (wala kwenta un free indoor antenna). Kuha pati Cinemo, Yey and Knowledge Channel kaya lang blank screen lang since encrypted un signal nila.
    - Skyshare (screen mirror of your smart phones and laptop ala miracast)
    - Compare with my old KTC LED TV, mas malakas ang sound nito
    - Good picture quality
    - Better UI than my old KTC

    Sana tumagal katulad ng KTC ko na 4 years na pero in good condition pa rin hehehe...

    -- edited by jhezsie20 on Oct 20 2015, 09:09 PM
  • tanong lang mga sir,

    san kaya pwede makabili ng adapter nung skyworth lcd tv, ung 12v 5a tapos 4pin

    salamat sa mga sasago


    electronics boutique

    @jhezsie20, nice. isdbt ready. yan next target ko sa tv. skyworth an ata pinkamura na isdbt ready na tv for 42inch. meron ba silang di smart tv pero isdbt? di pa kasi ako nakakapasyal sa appliance center.
  • meron ba silang di smart tv pero isdbt?


    ang alam ko wla pa, pero correct me na lang if im wrong.

    Smart TV nga lang ito, bought 42E510s @ php19,800 last Sunday, and so far so good.


    parehas tayo ng model ska ng size, pero 26k yung kuha ko last march, 24k kung cash ang payment. Laki ng pala ng ibinaba na price.
  • @jhezsie20

    Sir cash price po yan? lam nyo po kung magkanu pag credit card 12 months?

    saka paki pm narin po ako kung san nyo po nakuha.

    Salamat po
  • @Grail2025
    Yes sir, cash price po. Credit card is around php21k+ ata. SM App* Center ko nakuha.
  • Hello pips, kakabili ko lang ng Skyworth 24e510 na TV. unfortunately natumba sya at nabasag ang LCD. Nagtanong ako sa service center at 7000 daw ang LCD panel. ang bili ko ay 7200 lang. ano pa kaya ang option ko sa aking bagong bili at bagong sira na tv. huhuhu
  • ^ wala na sir. yan ang cons ng mga tv nowadays. nagiging disposable na. bili ka na lang bago.
  • pahingi naman po latest software ng 43E3300. pasend naman ako ng link or thru email. salamat.

    -- edited by ggness on Oct 28 2015, 04:44 PM
  • matanong lang. how can you increase the size of the subtitle sa LED tv mo kapag nanonood ka ng video file with .srt (subtitle) sa USB slot?
  • ^ you cant (afaik)
  • ^ naka smart tv ka ba? choose a video player that can change the subtitles
  • Post deleted #11549000
  • hi po. magtatanong sana ako if may nasiraan na ng remote ng skyworth tv at kung san makahanap ng replacement or working universal remote. i bought an rca universal remote pero hindi ko naman po na program. tinest ko yung remote sa ibang tv e ok naman.

    thanks in advance po sa sasagot.
  • ^ meron sa service center mismo ng skyworth. o check mo din sa mga online
  • ano marerecommend nyo na isdb-t tuner para sa may mga lumang skyworth?
  • Post deleted #11550290
  • Ang agmit ko ay uung tig 1.2k sa ace hardware. malinaw naman yung signal isdb t.
  • Anyone here managed to make DLNA work with their SkyWorth TVs? (specifically 40E390i)
    wala yung icon sa home screen, makukuha ba sa update ito?

    akala ko pa naman makakapag stream na ako agad ng movies from my PC w/ just the eithernet cable straight out of the box

    -- edited by Stipz on Dec 11 2015, 11:40 AM
  • Ask lang po. Basic installation ng active 3d glasses of skyworth 42e790. Di po kasi naman magamit yun glasses. Di ma detect ng tv kahit ilang minuto na nakatapat. Thanks for replies.
  • ^ wala pong installation o detection na kailangang gawin para sa glasses. gagamitin mo lang iyan.

    mag play ka lang ng 3d movie.
  • help naman ayaw mag open yumg skyworth tv namin may power naman..saan ka ya service center nito taga antipolo ako
  • ^ @temperance01
    http://spcserviceph.blogspot.com/2014/10/list-skyworth-authorized-service.html
  • paano installan ng google playstore ang android smart tv ng skyworth?
  • ^ jojitb
    yung sa akin hindi talaga compatible kahit naka root na. 42e69 ata yung model ng sa akin
  • @adonis827
    50e400 yung tv namin. kahit ano try ko na procedure para mag install hindi umaandar ng matino yung play store. pero hindi ko pa sya na try i-root. kakatakot heheh