Forum Topic

Teenager Kami Nung 90's

  • ^

    Hehehe unang beses ko nakagamit nyan sa simbahan, para sa lyrics ng mga kinakanta sa misa.
  • ^ tama - sa simbahan rin ako nakagamit nyan

    gamit rin para sa isasagot ng mga tao sa sinasabi ni father haha
  • The Hidden


    <click here for link>

    Gandang ganda ako sa movie na ito ... napanood ko ito nun bata ako. Angas kasi, ang naalala ko kasi yun masamang alien type nya na kotse lambo , yun bidang aliennaman type nya porsche. hehe
  • ^ Paulit ulit namin yan pinapanood sa betamax.hahaha.. Yung naaalala ko lang yata diyan yung boobs at yung alien na lumalabas sa bunganga.hehehe
  • Eto Tanda nyo? :)
    Hahaha




    -- edited by erper on Mar 11 2016, 09:03 AM
  • ^ may ganyan erpat ko para sa mga bukol bukol nya sa braso, iba ibang size yan e noh? hahahaha. umaattend pa kami nung seminar ni Ka Ernie sa Main Ave noon. ahahaha.
  • ernie form!!!

    at ernie barong... may biyak sa likod.
  • Hahahahaha !!!

    Kanina ko lang naalala to mga Sir, kung di ko pa napaginipan :)
  • Too bad maagang namatay si Ka Ernie Baron nasobrahan yata sa cleansing diet.
    Sya rin nagpasmula ng Baron Antenna.
    I once attended an inventors exhibit sa Quezon City Hall noon meron sila Ernie Baron na water fueled engine.
  • mama ko, fan na fan ni Ka-Ernie, kaya umattend din kame nung seminar niya sa may main ave.

    tumatak talaga sa isipan ko noon, mga grade 5 lang ata ako nun, yung sinabi niyang kayang mabuhay ng tao ng walang kinakain at purong tubig lang sa isang taon. yun pala related kasi triangle yung tubig, yung isang basong tubig ilalagay sa loob ng triangle, hanggang ngayon buhay pa yung triangle na yan sa bahay ng parents ko.
  • ^ hahahaha. onga noh. naalala ko lang nung nabasa ko sayo sir roam. yung amin nasa toolbox nalang ni papa. hahahha. ewan ko bakit dun nakalagay yun. yung malaki naman nabasag na ata. diko na maalala anong nangyari dun. nahulog ata ng uncle ko yun. tas pinackaging tape ni papa yun alam ko para mabuo.
  • Speaking of Sir Ernie Baron, naaalala ko talaga nung everytime meron syang binibigay na Knowledge (Knowledge Power) nasa isip ko pa nun, gusto kong maging katulad nya paglaki ko. Napakatalino hahahaha!

    Tapos nasa isip ko pa nun, pano nya nalalaman yung mga ganun (di pa kasi uso yung internet dati, puro libro pa) meron yata tong napakalaking Kwarto ng Libro, at pano nya natatandaan lahat nang nabasa nya hahahaha!

    Duda ko pa nung bata sya, E.T. hahaha kasi super out of this world ang talino hahahaha!

    I respected the MAN !! :)
  • ^ hindi rin on the spot kung sumagot si Ka Ernie sa tingin ko nireresearch din yata muna nila yung tanong. Pag tumawag ka kasi sasabihin mo na sa kanila kung ano yung dalawang tanong mo habang naghihintay ka sa queue. Napansin ko noon nagagalit sya paginiiba ng caller yung tanong.
  • ^ may team of researchers siguro du'n sa station. pero ang hirap pa rin nu'n kung walang internet. encyclopedia palang siguro nu'n...
  • idol na idol ko din yan
    "knowledge is power"
    sa kanya ko unang narinig yun
    distance ng sun to earth
    moon to earth
    bigat ng earth
    pinakamalalim na part ng sea
    pinakamataas na building, tao, o bundok
    etc....
  • Hanggang ngayon gamit ng tatay ko ang Ernie Form sa inumin na tubig sa bahay,

    Nung Elementary at High school naman ginawagan nya kmi ng ernie form na sakto sa ulo, gamitin daw un habang nag rereview para mas maalala ang mga nirereview hehehe.
  • ^ Fringe Therapy
  • kasabayan nung pyramid ni Ka Ernie Baron ung toning ni Johnny Midnight, ung me nakaharap na isang basong tubig sa radyo habang tumutugtog ang "Bulaklak" ni Kuh Ledesma (hindi ng viva hot babes ha!).
  • wala pang wikipedia at google noon. so henyo si ka ernie.
  • naalala ko mga natawag sa radyo kay ernie baron, tas malapit sa radyo mag feedback tas putol na, hehe, ilang beses na sinasabi na lumayo sa radyo.. natatandaan ko after ng sa radyo llipat ata ako ng am band tas yung mga kwentong aswang multo? panay brownout pa noon kaya radyo na de baterya gamit noon.. wala pa mp3 ipod noon.. ka simpleng buhay..
  • naalala ko mga natawag sa radyo kay ernie baron, tas malapit sa radyo mag feedback tas putol na, hehe, ilang beses na sinasabi na lumayo sa radyo.. natatandaan ko after ng sa radyo llipat ata ako ng am band tas yung mga kwentong aswang multo? panay brownout pa noon kaya radyo na de baterya gamit noon.. wala pa mp3 ipod noon.. ka simpleng buhay..


    Nakaka miss yung brownout tapos tambay lang sa kalye hanggang magkakuryente.
  • matindi brownouts noon......minimum 4 hrs up to 6 hrs, pero taas pa din ng singil sa kuryente, tsk tsk
  • ^sa pagkakatanda ko panahon ni ramos to, madalas kame tambay sa kalye kwentuhan ng tungkol sa halloween special ng magandang gabi bayan haha
  • Actually yung brown out sa panahon ni Cory yan. Natapos nung panahon ni Ramos kaya tayo nagkaroon ng systems lost charge dahil pinayagan na mag produce ng mag produce ng kuryente ang mga kumpanya.
  • ^ Ang tanda pala natin d2........
  • ^ di na bagay sayo palayaw mo sir.. dapat sayo SR na hehe
  • 6-digits lang ang phone number noon, tapos ginawang 7-digits. Nagkalabuan yung mga family contacts namin. hahaha
  • ^
    partry line...

    kuya paki baba ng phone! hahaha!
  • Yung handset nila ay yung di-ikot pa yung dialer at mabigat tapos lately naging di-pindot na na kulay gray tapos naging white.
  • tatlong beinte-singko lang sa isang araw, buo na ang araw ko :D