Forum Topic

Kung may 600k ka anong business itatayo mo?

  • Mga boss.. since lumalaki na business ko, meron na akong sampu na empiyado kailangan ko na siguro ng ERP. May suggest ba kau? ung libre na ERP lang. Need ko lang eh ung inventory, accounting, financial cycle at employess data.

    Nagpost ako dito ng business ko. nalago na sya.
  • ito ba yung ser?

    clay005 Send Message View User Items on 18 Jul 16 @ 09:12 PM #
    Dipende sa lugar..

    Ako nagtayo ng bilihan ng gulong ng jeep at ng kotse.. second hand and brand new.. 300k puhunan ko dun. Nabawi ko na sya within two years lang. tapos last year water refilling station.. 100k lang puhunan ko dun.. sa october mababawi ko na din ung puhunan ko dun..
  • up
  • gusto ko rin sanang mag business kasi nagsasawa na ko sa profession ko ngayon, gusto ko mag change career. ano ma susuggest nyo?

    -- edited by dahbirck on Feb 08 2017, 10:45 PM
  • sound system?
  • dahbirck Send Message View User Items on 08 Feb 17 @ 10:38 PM #
    gusto ko rin sanang mag business kasi nagsasawa na ko sa profession ko ngayon, gusto ko mag change career. ano ma susuggest nyo?


    ano ang passion mo ser?
  • @leomar
    ano ang passion mo ser?

    nahilig ako sa gym, running, hiking tsaka boxing sir. Yan yung mga bagay na nagpapasaya sakin pag wala sa trabaho. Pakiramdam ko buhay na buhay ako pag ginagawa ko mga bagay na yan, haha

    -- edited by dahbirck on Feb 10 2017, 09:53 AM
  • @dahbrick alam mo na po ano business ggwin mo hehehe
  • up
  • prepix Send Message View User Items on 20 Jun 16 @ 12:52 PM #

    Invest mo sa bitcoin tapos hintayin mo yung pagtaas ng value.i started 24,000 per bitcoin as of today 35k+ na value per bitcoin.


    Milyonaryo na siguro to ngayon. :p
  • ^pwede kong panay bili lang ng bili ng BTC, tapos binenta nya lahat nung 3rd or 4th week ng Dec '17.

    -- edited by carlorules on Apr 11 2018, 11:04 AM
  • San naman merong 100k capital for water refilling station? Pls direct me to it.
  • San naman merong 100k capital for water refilling station? Pls direct me to it.

    deep well lang tapos sekretong refilling sa loob ng bahay.. haha
  • up
  • -piggery
    - free range chicken farm
    - tatanim ng cacao indemand kasi hehe yun naiisip ko business

    agri nalang ako XD
  • @Andoksus balita ko pagtatanim ng cacao 10 years bago lumaki yung cacao tree for business?
  • naiisip ko mag franchise ng dunkin donut? sino may experience na dito mag franchise? magandang investment ba dunkin donut franchise?
  • yung pinsan ko may 2 stalls ng siomai king silang mag-asawa. Ok naman daw pero dapat tutok ka sa business kase baka mamismanage lang kung pinatakbo mo sa iba, so yung misis nya nagresign na lang sa bank and sya na nagmanage :)
  • Up
  • Swak ba ang business na Piso WIFI?
  • With 50k ano maganda gawin? Need ng extra sideline pandagdag gastos. Maliit pa sahod ng bagong pulis, sana totoo sinabi ni duterte na tataasan niya sahod namin.. :)


    kamusta ser? hahaha
  • online business thru lazada or shopee with 500K capital pwede na siguro.
  • Mahirap sa business is ung pag-adopt, kung kaya mo ba e-sustain in the long run. Ung burn-out matindi lalo na if may work & family ka pa. Kaya majority ng mga 1st time businesses nagsasara either gawa ng burnout or hindi profitable.

    Sa 600k, mas ok kung food franchise like "h*nlin", "master shom*i", "zag*" etc kasi meron na system yan na fully tested and proven effective, it will help you avoid the hassle of running a business that you still need to develop, sustain & adopt to real world environment.

    Edit:
    Sili farm, sobrang in-demand sili. Kakabili ko lang isang balot 3pcs sili laman nung weekend, P10 na pala un.

    -- edited by carlorules on Sep 26 2018, 05:28 PM
  • Okay sana ang franchise kaso mahal ang franchise fee at marami pang babayaran. pwede ka naman magsimula ng business by buying yung food equipment na kailangan mo. I bought mine sa worlflex trading co sa marikina.

    Yung advantage lang talaga sa franchise is my marketing/sales plan na sila.
  • tama. ayun ang binayran mo sa kanila brad.
  • up
  • Here's what i am thinking now about starting another business.

    Pa comment nalang mga guru for your advice and insights.

    For small scale business, like food, FMCG, services (Laundry), trading etc.
    - think of how much i want to have on my pocket, each day of operation, this means > Sales - OPEX - Savings = Money on my Pocket (MOMP) where MOMP is what i want to spend or add to the savings for the future.

    - the purpose is to know how much puhunan, sale and effort i need to achieve the MOMP for the business, this way i can focus on growing my other business related to IT, Online Biz, Education and other of the same type that i want to establish.

    What do you think guys? lets have your suggestions, word of encouragement and critiques.
  • Yung mother ko kasi nag 5/6 talaga simula pa noong nagkamalay ako. Alam ko sideline na nya ito noon. Meron pa ngang dose-dosenang itlog ang binabayad sa amin kasi iyun yung business ng umutang sa kanya. Ilang taon din iyon na parating may mataas na patong-patong na mga karton ng itlog yung nasa kitchen namin. Delay daw yung bayad sa mga itlog nya kaya wala raw siyang cash itlog lang daw yung kaya nyang ibayad.

    Ngayon ayaw na ng mother ko magpautang kasi matanda na raw siya. kahit na ngayon puro kaibigan na lang niya ang mga kliyente nya pero ayaw nya pa rin. Kawawa naman yung mga umuutang sa kanya kaya ako na lang ang nagpatuloy. Meron yung kahit wala nang pera sa private hospital pa dinadala yung kamag-anak. Dito kasi sa amin, sa Mandaluyong may persistent na tsismis na kapag dinala mo yung kamag-anak mo sa emergency/Icu, sa kabao mo na ito iuuwi. Meron din yung paulit-ulit na binabagyo yung pataniman sa probinsya. Meron din yung may ari ng mga sari-sari store o kahit ano pa yung kagipitan nila. Ako,yung mother ko nga parati kami sa Mandaluyong
    hospital pumupunta pero puro minor lang naman kasi kung sa Lourdes na may insurance siya ay malayo dahil sa Manila pa. Mukhang mahusay naman sila sa M.H. pero ikaw talaga bibili at gagastos lahat ng kailangan ng pasyente. I digress.

    Alam ko masama ang 5/6 pero yung mga umuutang talaga ang may gusto nito. Marami pa raw kailangan na requirements at sabi pa nila, aanhin mo ang pera sa bangko kasi ang liit-liit ng kita. Ang ginagawa ko di ko na lang binabawasan yung inuutang nila, di katulad ng ibang 5/6 na simula pa lang may bawas na yung inutang para sa unang hulog. Minsan pumapalya rin sila ng bayad na di nila kayang gawin sa mga legal creditors pero ok lang sa akin. Meron din akong mga kamag-anak na nag 5/6 din pero small amounts lang sila para raw iwas lugi. Iyun din yung payo nya sa akin na wag daw akong magpautang ng malaki. Ano magagawa ko kung iyun talaga yung bill ng private hospital, alangan namang 1/4 lang yung ipautang ko eh di lalong lalaki ung bill kasi hindi papayagang palabasin ng hospital yung pobre. Parang IMF lang na kapag uutang ka kalahati lang o kulang yung ibibigay sa iyo kaya ung proyekto mo malaki ang posibilidad na pumalpak at lalong mabaon ka sa utang.

    Kung tutuusin, ayoko talaga mag 5/6 lending kasi sa totoo lang mas malaki pa ang kikitain ko sa gold sa maikling panahon pero mas makakatulong ako sa pag 5/6 at nakatulong din ako sa ekonomiya ng Pilipinas.
  • good day mga sirs,

    hindi ku alam kc kung tamang thread yung tanungan ku, anyways kumuha kc aku ng franchise yung concept niya food bike cart.....now kc napagisip-isip ku kung may mga permit na kelangan, may advise namn c franchisor na suffice nadaw yung barangay permit....peru unsure aku dun....seek ku lang yung advise ng may similar na gantong business...salamat po sa makakatulong