Forum Topic

Gaming Mouse Personal Reviews

  • @HWINOREE,

    I meant something like this para maging hotswap.


    I know na mouse micro switch pa din yung gagamitin not keyboard switches.
  • Ang pinakita mo lang naman sa pic ay circuit board kung saan hindi mounted ang isang microswitch ("SW2"). Yung black na switch ("SW3") most likely switch yan ng scroll wheel. Nasan diyan sa circuit board yung feature para maging swappable ang switch?

    I know na mouse micro switch pa din yung gagamitin not keyboard switches.


    Kung mouse microswitch ang tinutukoy mo paano pumasok ang tanong sa paggamit ng mechanical keyboard sockets?

    May nakatry na ba sa inyo gumamit nung hotswap sockets na ginagamit sa mech keyboards para sa mouse?


    Hindi pareho ang switches ng mouse at ng mechanical keyboard, completely different sila in mechanism at form factor. So confusing ang usapan ng mouse switches at mechanical keyboard sockets. Either gumamit ka ng socketed mouse microswitch OR gumamit ka ng socketed mechanical keyboard switch, pero obviously very difficult may DIY ng keyboard switch para sa mouse kasi ang laki niya compared sa mouse microswitch.

    Tulad ng sinabi ko earlier, kung usapan lang ng swappable switches eh di bumili ka na lang ng ilang models ng Asus na ganyan ang specifically ang option:



    -- edited by HwiNoree on May 16 2022, 02:01 AM
  • Post deleted #12417795
  • ^Maybe he was talking about mill-max sockets. He was talking about sockets used in mech keebs not switches
  • Mukang na gets ko na yung tanong. Mukang pwede kung meron Mill Max socket na maliit enough kasi medyo closely spaced ang 3 pins ng microswitch, unlike sa mechanical keyboard switch na malayo ang pins kaya walang issues sa spacing.
  • Mga boss,

    tanong lang: compatible po ba ang Kaihl GM 8.0 sa mga mouse na nasa baba? Balak ko kasi magpalit ng switches.

    1. Logitech G102
    2. Redragon Pegasus

    -- edited by bryanjacla7790 on May 25 2022, 07:06 PM
  • @bryanjacla7790

    Yes compatible. Same same naman yung micro switches na ginagamit sa mouse clickers.

    @hwinoree @mutaters

    Yes that is what im talking about. Nakakita ako ng replacement switch board ng G304 sa shapi. Might try to insert mill max sockets na lang dun sa board na yun para hindi masyado masakit kapag nag screw up. Haha
  • Hotswap switch pala yung ROG Sica. Hingi sa pinsan kasi luma na at sira na daw scroll wheel. parang may dumi lang sa sensor kaya nagloloko. Linis lang at okay na ulit. :D
  • Yung Razer Deathadder Elite ko mga 6 or 7 years old na siguro, buhay parin. Pinalitan ko lang yung left switch ng bagong Omron D2F-01 microswitch. Yung scroll wheel encoder (yung nagdedetect ng ikot ng scroll wheel) pinalitan ko narin. Parehong galing sa suking online selling platforms ang parts. Dapat may soldering skills ka lang at mabubuhay ng matagal ang isang mouse sa kakapalit ng moving parts, huwag lang masira yung electronics mismo.
  • Mga master

    Oks ba ang Pulsar Xlite Wireless V2 compared sa Glorious Model D Minus wireless? I have the Model D Minus but so far sobrang sakit ng wrist ko whenever I stop using the Carpio 2.0. I think it's because of the hump that's why my wrist is forced to rest harder sa flat surface.

    I now have the Razer Orochi V2, Steel Series Rival 3 and the Model D Minus - all of them lead to wrist pain after 8 hrs of continued use (for work).

    I'm now using the Carpio 2.0 permanently but gusto ko sana mouse lang yung sinasampahan ng kamay ko for mobility and ease of use.

    - Or should I need to have a doctor check it up baka talagang may kalyo na sa loob and it's squeezing the nerve easily.
  • Gamit ko ngayon Logitech G102. Less than 1000 pesos. Sulit naman. Enjoy gamitin. Yung Dragonwar Mouse ko ginamit ko since 2015 and gumagana pa rin. Pero pinahinga ko na muna. Enjoy ako sa Logitech.
  • Or should I need to have a doctor check it up baka talagang may kalyo na sa loob and it's squeezing the nerve easily.


    Baka carpal tunnel syndrome, dahil sa overuse ng hands. Pakonsulta ka sa rheumatologist.
  • hello po. may alam po ba kayong mouse repair service around pasay-makati area? nagdo-double click na yung logitech g304 ko.

    thanks.
  • mas marereco ko sir bili ka na lang ng sarili mo soldering tools and try to replace them yourself. Good skill to acquire, and you don't even need to be too neat to make it work.
    Or kung pass kayo sa ganung idea, go to any mall or kiosk na may phone repair, may tech sila lagi jan na marunong mag solder, kayo nga lang magdadala nang sarili niyong switch, then ask for service. Baka hingin sa inyo mga 300-500php not sure.
  • @blue_apple_pencil

    pass po sa DIY. and wala din ako idea kung anong magandang switch para dito.

    may nakita ako mouse repair service sa fb. badtrip lang kasi nag inquire ako through pm. seenzoned lang. sana sinara na lang nya fb page nya.
  • @localfly

    Matagal na akong nagre-repair ng mga mice ko. Yung gamit ko ngayon na Deathadder Elite na mga 6 years old na napalitan ko na yung isang microswitch at yung decoder (yung nagbibilang ng ikot ng scroll wheel). Advantage ko kasi matagal na akong electronics hobbyist kaya sanay ako sa soldering at unsoldering. Naiintindihan ko kung ayaw ng ibang tao pasukin pa ang pag-DIY ng mouse kasi for best results dapat magpractice muna sa broken electronics. Medyo tricky rin kasi magtanggal ng mouse microswitches.

    Simple lang solution diyan:
    1. Bili ka ng Omron switch sa Shopee, meron dun nagbebenta. Yung binili ko na Omron D2F-01, dumating after 2 or 3 days

    2. Tignan mo yung disassembly procedure ng G304: Example video here:



    3. Punta ka sa mall, dalin mo switch at mouse. Hanap ka ng cellphone repair shop at tanong mo kung willing sila magtanggal ng old mouse microswitch at magpalit ng bago. Kung go sila pwede either a) guide mo si kuya repairman sa mouse disassembly or b) pakita mo disassembly video sa cellphone mo para wag na siya mag-guesswork.

    4. Good as new ang mouse once napalitan ang switch.

    -- edited by HwiNoree on Jul 05 2022, 06:03 AM
  • ^thanks for the vid paps, I'm also planning on resoldering my G304's LMB.
    Yun kasi ginagamit ko pang work, kaso double clicking narin, super annoying.

    @localfly
    I understand, pero I'd still recommend you give it a shot, it really is easier when you're doing it.

    Well, mahirap parin actually, pero ang analogy ko parang sa PC, unang baklas mo na wala kang alam sa internals niya, pero pag ginagawa mo na simple lang pala.

    Tama rin si boss Hwinoree, try it first sa mga sira niyo mouse.

    And yeah, the next best alternative, punta ka lang talaga sa mga smartphone kiosk na nagso-solder, sakanila mo pagawa, baka nga dika singilin ng mahal kasi madali lang sakanila yan.

    -- edited by blue_apple_pencil on Jul 05 2022, 08:07 AM
  • @HwiNoree, blue_apple_pencil

    wala kasi akong tools, kaya pass ako sa DIY. kung meron lang, ita-try ko talaga. sa cp repair shop ko na lang siguro dalhin. orderin ko na lang yung replacement switch. thanks sa advice nyo sirs

    another thing, aside from omron switch, ano pa additional option na magandang switch?
  • @localfly: tools?... shakee at ratsada lang katapat niyan... maraming choices ng soldering iron dun...
  • @localfly
    may nag solder na dito dati, kailh ata gamit niya? forgot it boss. pero you won't go wrong with omron.
    isa palang reco, dala karin siguro laptop when you do the soldering job sa cp store, just to test kung maayos pagkakasolder nila.

    ___________
    all this solder talk, may question lang ako bilang soldering noob, may parang maximum number of times ka lang ba pwede mag solder/resolder sa isang board? Nalalaspag ba yung part na yun nung board kaka solder and resolder?
  • Tip lang pag nag DIY mouse switch replacement, lalo na pag medyo luma na yung mouse.

    Ingat lang sa pag dismantle at re-assemble dahil pag medyo brittle na yung plastic, madaling mabali yung mga clips at screw posts or madaling ma strip yung mga screw threads.

    I learned this the hard way nung nagpalit ako ng switches sa G903 ko. Ang complicated pa naman ng internals nung mouse na yun.
  • all this solder talk, may question lang ako bilang soldering noob, may parang maximum number of times ka lang ba pwede mag solder/resolder sa isang board? Nalalaspag ba yung part na yun nung board kaka solder and resolder?


    Limited yung solder/unsolder by yung resilience ng traces at solder pads sa printed circuit board. Every time na nagtatanggal ka ng component at nagsosolder ng bago humihina yung soldering pad. As a rule, NEVER pwersahin na matanggal any component pag unsoldering . Kung talagang wala nang solder na nakakapit very minimal ang force para matanggal ang component. Kung meron pang naiwan hindi mo freely matatanggal ang component at pag pwinersa mo pwedeng matuklap ang solder pad. Worst-case scenario yan although pamisan salvageable pa, pero baka medyo mahirap para sa beginner:





    Yung video na pinost ko earlier sa Logitech G304 ideal scenario yan, yung isang pindot ng solder sucker (desoldering pump) tanggal na lahat ng solder. In reality pwede may maiwan kahit na anong higop mo, especially kung mahina ang higop ng solder sucker. Pag ganyan ang ginagawa ng iba pinapainit halos simultaneously lahat ng legs ng microswitch habang hinahatak ang switch. In other words, sabay sabay lulusawin ang solder sa tatlong legs ng microswitch. Ang requirement nga lang dito meron kang soldering iron na enough ang wattage (pag 30W or lower mahirap yan) at yung soldering iron tip dapat malaki (like type K, yung mukang blade). Kung pointed na conical (type B and type I) baka hindi enough ang heat delivery para matunaw yung solder ng sabay sabay, unless mataas ang wattage ng soldering iron or kaya i-adjust ang temperature ng iron para mas mainit.

    Isa pang option, na pinakamadali para sa walang experience sa soldering/desoldering ay gumamit na lang ng desoldering iron, desoldering pump to na may heating element ng soldering iron kaya 2-in-1. Mura lang naman (meron 299 pesos lang sa Shopee) pero mas worth it kung marami kang ide-desolder (tulad ng switches ng mechanical keyboard) or gagamitin mo ulit in the future.



    -- edited by HwiNoree on Jul 05 2022, 11:37 PM
  • Mga Master

    May naka-try na sa inyo ng Tecware Pulse Elite? Medyo interesting sya since hot-swappable yung switches kaso ang Cons nya is yung battery life which defeats the purpose of being a wireless mice if palagi naman wired due to frequent charging. Anyhow hows the overall experience using it despite the disadvantage?
  • Please help.

    Wala nakong ibang makitang mouse na may Proper Switch sa Mouse3 (Scroll Wheel Button) bukod sa Gamesnese MVP na may Kaihl 4.0 Switches.

    Ang problem ay hindi siya available dito sa PH.

    May alam paba kayong mouse na gumagamit ng legit Switch sa Mouse3 or kahit modder na magpapalit sa Mouse3 ko from cheap button toechanical Switch? Or kahit mouse brand na may proper switch pero alam ko wala talaga bukod dyan sa sinabi kong brand.
  • Mga Master

    May naka-try na sa inyo ng Tecware Pulse Elite? Medyo interesting sya since hot-swappable yung switches kaso ang Cons nya is yung battery life which defeats the purpose of being a wireless mice if palagi naman wired due to frequent charging. Anyhow hows the overall experience using it despite the disadvantage?


    Eto yung binili ng uncle ko nung sinamahan ko siya sa Gilmore last Sat.. Black color. Sandali ko lang nagamit pero para sakin worth it naman for its price. Ayoko lang yung texture nya, feels cheap (solid shell). Di ko na try yung alternate shell. Pero maganda yung shape. Sarap din gamitin. About sa battery life, meron naman siya option na huwag i-turn on yung rgb.
  • @HwiNoree
    Good stuff! Thanks sa lengthy but jam-packed response. Diko lam na may silbi pala yung green layer nun. Now I know hehe
  • Wala talagang may alam ng mouse na may maayos na Switch for mouse3? Kahit modders dyan? I can pay you to mod my current mouse if need be. Or buy a mouse and then mod it for me? I really need a mouse with a durable mouse3.
  • ^boss curious, what if i-map mo na lang sa side buttons yung function nung MMB (Middle Mouse Button/Mouse3)
  • Wala talagang may alam ng mouse na may maayos na Switch for mouse3? Kahit modders dyan? I can pay you to mod my current mouse if need be. Or buy a mouse and then mod it for me? I really need a mouse with a durable mouse3.
    Anung mouse ito? Naka ilang palit na rin ako sa mga middle mouse clicker.
  • Wala talagang may alam ng mouse na may maayos na Switch for mouse3? Kahit modders dyan? I can pay you to mod my current mouse if need be. Or buy a mouse and then mod it for me? I really need a mouse with a durable mouse3.


    Marami mouse modders sa fb. Isa na kita ko pero di ko pa try is jettiemodz

    hello po. may alam po ba kayong mouse repair service around pasay-makati area? nagdo-double click na yung logitech g304 ko.


    Bili ka na lang sa shopee nung mouse clicker repair part sa shopee. No need to solder. Replace lang nung board.<click here for link>

    -- edited by toonice on Jul 08 2022, 01:42 AM