Forum Topic

*Condo Unit or House and Lot?

  • Hello mga sir/maam!

    Matturn over na yung house naming this month and plano namin bago lumipat iparenovate or ipaextend na muna namin, currently 60sqm FA niya so plano namin sana extension 100-120 FA.

    Hihingi lang sana ako tips if saan mas maganda mag house improvement loan sa bank ba? nag google kasi ako sabi nila madugo daw process pag sa PAG-IBIG ung loan ng house improvement?
  • ^
    without considering interest rates, sa private bank ako
    pagdating sa process and convenience.. hands down mas okay sa bank

    pero note na mahigpit ang bank, may iba 2 months ka lang hindi makabayad, default ata agad yung loan mo
    mas lenient si pagibig sa ganitong mga bagay
  • @aRTie

    tumawag ako sa PAG-IBIG, hindi pa pala pwede mag loan sa kanila hanggat hindi nalilipat ni developer sa name namin ung bahay.. usually 2 years daw yun.

    So most likely sa bank kami mag aapply ng loan..
    may marerecommend ba kayo sir na ok at mabilis mag approve na bank? :)
  • hindi pa pala pwede mag loan sa kanila hanggat hindi nalilipat ni developer sa name namin ung bahay

    even sa bank sir, kailangan nakapangalan na rin sa iyo yung property, yun kasi yung magiging collateral mo

    ang option mo lang is if may iba kang property na sa iyo nakapangalan, pwedeng gamitin yun pang collateral
    or apply for personal loan (no need for collateral), pero hindi advisable kasi mataas masyado ang interest rates

    may marerecommend ba kayo sir na ok at mabilis mag approve na bank? :)

    antay tayo ng ibang inputs sir, last loan ko kasi was 12 years ago pa with PSbank
    nagtanong tanong ako sa mga banks last year pero sa BDO and PSbank lang, and mejo hindi ako natuwa sa offers
    some of my friends though, nakakuha ng best offer sa Metrobank
  • @aRTie

    okay, sir! thanks sa inputs.. hopefully makahanap ng for bank loan.. excited kasi si wifey paextend.. haha
  • may marerecommend ba kayo sir na ok at mabilis mag approve na bank? :)

    ang tip ko re loan application ay magapply kayo mga start of 3rd moth of every quarter ir last week of 2nd month of every quarter and start of decmber of every year kung kaya mong mag antay.

    usually dyan sa mga weeks na yan nagsisimulang mag habol ang mga branches ng quota nila. malas mo lang kung above quota na sila. pero kung hindi pa naabot yung quota nila, dyan sa time frame na yan nila malalaman at mag ooffer ng best interest rates para lang ma meet nila quota nila
  • may naka subok na ba dito na bumili or acquire ng foreclosed house and lot from pag-ibig? if yes, paano ang sistema - buy it cash or pwede iLoan din sa pag-ibig ung foreclosed house and lot from pag-ibig?

    thank you!
  • psbank is sub ni metrobank... so halos same rate sila pero mas competitive si psbank dahil consumer loans talaga ang porfolio nila.
    same goes to bpi family and pnbsavings.

    check mo din chinabank, alam ko may ongoing promo sila ngayon...
  • ^
    Ang bilis nga nila, nag apply kami Monday, kaninang umaga nag text na ng approved kaso wala pa details mismo.
  • Thanks mga Sir sa mga suggestions nio..

    Medyo hindi pa malinaw samin is if makakapag bank loan ba kami talaga.. kasi kakaturn over lang samin ng house and PAG-IBIG financing kasi kami. sabi ng iba depende daw sa pagibig, sabi naman ng iba hindi daw pwede hati yung bank and pag-ibig sa house as collateral. haha
  • ^
    Ang bilis nga nila, nag apply kami Monday, kaninang umaga nag text na ng approved kaso wala pa details mismo.

    Trying to nego while waiting for other banks.

    Naibigay naman 100% yung loan amount but 8% fixed 5years and ang mahal ng bank fees.

    PS Bank
    BANK CHARGES
    Appraisal & Title Handling Fee OR#
    -
    Processing and Handling Fee
    16,400.00

    Registration & Filing Fees
    21,828.00

    Notarial Fee
    500.00

    Documentary Stamp Tax
    23,723.00

    Cancellation Fees
    -
    Sub-Total
    62,451.00

    OTHERS:
    Fire Insurance / Contractors' All-Risk (CAR)
    7,620.80

    Credit Life Insurance (CLI)
    15,182.11

    E- Title Conversion Fee
    Sub-Total
    22,802.91

    Total Bank Charges
    85,253.91


    -- edited by TheUninvited on Aug 09 2019, 12:13 AM
  • Is there a legal way not to pay capital gain tax or any tax when selling a real estate? I'm not sure pero sa U.S parang may nabasa ako na kapag bibili ka rin ng other real estate wala kang tax? meron kaya same law satin? correct me if i'm wrong salamat
  • ^ you don't have to pay any type of tax upon purchase of real estate. yun nga lang hindi mo malipat sa name mo yung property. at tataas nang tataas ang penalties.
    pwede naman kasi na notarized doas at title lang ang hawak mo. yun ay kung tiwala ka sa nag benta na hindi nya kukunin uli yung title. kasi pwdeng maisyuhan ng new title yung seller kung sasabihin nya na nawala yung title nya na hawak mo na. medyo matagal lang ang process pero nagagawa nila yun.
    yung within the family lang naman at may tiwala ka ay pwedeng doas lang ang notarized tapo bigay sa yo ang title after payment.
  • @richmond

    hindi yata applicable sa atin yun sir. sa US kasi, based lang po sa nabasa ko, hanggat di ka nagliquidate, walang tax. Kaya naman may tax ang pagbebenta is inaassume ni government na kumita ka sa sale
  • @TheUninvited sir kamusta pag loan nyo sa PSBank? nag GO po ba kayo?
    balak ko din kasi kumuha ng foreclosed house and lot sa PSBank.

    @all hingi sana ako suggestion.
    pwede po ba ung mag loan ako sa ibang bank na mas maliit ang interest at bayaran si PSBank ng full amount?
    sa PSBank lang kasi ako may nakita na foreclosed house and lot na mura.. or meron pa iba?
  • ^
    I doubt na papayag sila na sa ibang bank ka maglo-loan

    anyway, inquire ka na lang din, sumasagot naman sila kahit sa email lang
  • @0bit0

    Nope BPI kami, 8% fixed 5 years kase sa PSbank.

    Sa BPI ang offer samin 6.88% fixed 5 years plus up to 50k waived fees (32k fees net vs 85k fees of PSBank) -OR- 5.88% fixed 3 years but no waived fees (64k fees).

    Ano kaya mas ok dun sa offer ng BPI?

    -- edited by TheUninvited on Aug 13 2019, 07:57 PM
  • Ano kaya mas ok dun sa offer ng BPI?

    this is just me, pero dun ako 5 years fixed, para less surprises

    heck, I got mine @ 11% interest 10 years fixed nung nag loan ako before
    atleast fixed na yung babayaran ko for the duration of the loan

    3 years fixed is not bad na rin, if sobrang biglang tumaas yung interest mo sa 4th/5th year, lipat ka na lang ng bank, I weigh mo na lang if maco-compensate yung processing fee na babayaran paglipat
  • Is there a legal way not to pay capital gain tax or any tax when selling a real estate?

    ipa-shoulder mo sa buyer yung CGT
    tell your buyer na binabaan mo na yung presyo ng property mo and the buyer will have to shoulder other expenses

    ganun ginawa nung seller ko for the lot I bought last year
    although totoong below current market price ko nakuha yung lot
  • thanks @aRtie and
    @TheUninvited - maganda nga un 6.88% fixed 5 years ni BPI against sa offer ni PSBank.. napansin ko din sa site na available din sa BPI ung mismong house and lot na nakita ko sa site ni PSBank..
    ano kaya ung monthly income requirements para makapag loan ng 2m plus?
  • ^
    Estimate ko between 40-50k net na household income.

    Maganda dyan ang bilis ng approval ni BPI and PSBank. Wala na ng CI na pumunta sa bahay.

    PSBank - 1 working day after application submission
    BPI - 3 working days

    Chinabank - CI pumunta sa bahay 1 week after, wala pa offer till now.
    BDO - walang paramdam since applying online.
  • @TheUninvited - siguro ako mag CI para makita ng actual ung house and lot na gusto ko hehehe.. syempre baka marami pala dapat palitan at ipayos dun sa bahay or ano itsura ng actual na unit, foreclosed kasi un.

    Hingi narin sana ako tips na dapat ko itanong or malaman kapag nag punta ako sa bank..
    1st time ko kasi mag apply ng housing loan, try ko this weekdays mag pasyal ng bank
  • yung mga bank charges, normally ba kasama na yan sa processing fee na hinihingi ng developer?
  • ^hiwalay yung bank charges dun sa babayaran mo sa developer @ turnover, estimate 80k sa bank fees tapos 80k ulit sa developer.

    daming requirement ni dmci regarding changes lang sa marital status, hirap magasikaso lalo pag ofw ka.
  • Update sa Chinabank, 6.78% 5 years sa kanila but bank fees around 90k.

    I guess the best ang Chinabank rates if walang promo si BPI ngayon. Bank fees kay BPI is 22k + 7k na fire insurance.