Forum Topic

*Condo Unit or House and Lot?

  • ^
    di mo naabutan magka bubong ang BBL terminal? hehe
    panghe ng cr dun dati di ko lang alam now haha..
  • ^

    wala pa bubong yan dati hehe

    nagulat nalang ako nung dumaan ako nung nakaraan, may bubong na.

    -- edited by gowueld on Feb 14 2019, 02:35 PM
  • mukhang nakakasakay kita dati haha.. 2006-2017 ako dyan sa BBL sumasakay hehe
  • @Richmond

    sorry puro dmci kasi alam ko, check mo na lang din siguro yung Kai Garden Residences (Boni) saka Prisma Towers (Pasig blvd. - if okay lang sa iyo na malapit sa fault line)

    nung nagtitingin kami last year, meron pa silang 1BR na less than 3M, pero baka ngayon close or over 4M na rin
  • @17

    san school kayo sir hehe
  • ^
    working na boss. sa macapagal ako before nagwowork.. then napalipat sa ON Semi sa Carmona kaya napabili sa Terraverde..
    kaso na offeran ng maganda dito sa makati kaya UVeXpress naman haha wawang mga taga south... may sasakyan mahal naman ng toll at parking...

    tapos napalayo pa bili ko sa carmona nyahahaha...

    kung sa ON sana ako 10mins away lang hehe..
  • @aRTie

    yup check ko mukha un lang maganda choices so far sa place na un dmci and avida parang panget feedback sa smdc eh
  • ^

    Ahh, taga san jose lang ako dati nung panahon na student ako (taas ng southwoods) so diyan ako galing pagpumapasok ako sa Taft dati.
  • BBL din ako mga sir! Philcoa nga lang. hehehe

    Bihira ako sa buendia pero sarap jan, ang gaganda ng mga kasabay
    mostly kasi college girls :D
  • ^

    hahaha oo - may lagi ako nakakatabi na schoolmate ko diyan dati pero never kami nagusap, madalas lang kami nagtatabi.

    ---

    Kaya gustong gusto ko talaga mag ka unit eh.

    Una ko kasi binili auto hehe
  • Bihira ako sa buendia pero sarap jan, ang gaganda ng mga kasabay
    mostly kasi college girls :D


    perks ng commute... may driver kana, may magandang katabi ka pa hahaha...
    madami talaga maganda from Pacita lol...
  • ^

    Mga galing CSA Binan
  • @Richmond061892

    checked yung prices, nasa 4.2M na nga ang pinakamura na 1Br sa Prisma, 4.6M naman sa Kai
    3M lang to last year, bilis tumaas

    yung mga projects nila sa cubao like Infina and orabella, mejo mababa pa, nasa 3M pa rin ang 1Br
    if willing ka I-consider na ganun kalayo, pwede na considering dadaanan naman to malapit ng subway (if ever matuloy)


    @17

    perks ng commute...

    pag mejo inaantok antok pa yung katabi mo, minsan mapapa-lean sa balikat mo :D

    @gowueld

    may lagi ako nakakatabi na schoolmate ko diyan dati pero never kami nagusap, madalas lang kami nagtatabi.

    tsk tsk, hina naman sir! hehehe
  • haha dito naman sa UVExpress, dalawa pila.. isa sa ticket at isa sa van mismo... so diskarte, hahanap ka ng kasama para ikaw bibili ng tiket ninyo at sya naman ang pipila sa van. may isa akong regular na ka partner pero till now di ko inaalam name.. pero nagkakangitian at usap na kami hahaha...
  • sa mga nakapag benta na ng condo dito, gano katagal mabenta ung condo nyo? may mabbigay ba kau tips? or may bagay ba kau na sana nalaman nyo bago kayo nag benta ng condo?
  • ^ marami akong kilala na gusto magbenta ng condo. wala pa akong narinig na nabenta nila.
    kaya pag nagkwentuhan kami, sabi nila pinapa AirBnB nila habang hindi pa nabebenta.
  • pag malapit sa school madali i benta. yung sa officemate ko sa tapat mismo ng patts. 3 mos lang nabenta na.
  • Guys, planning to buy house and lot through Pagibig, 2nd owner na ako.
    Ano ba dapat consider ko? Yung mayari nanghihingi ng "earnest money" then may agent din ako kausap na siya daw bahala mag ayos ng Pagibig.

    Need your advice. Salamat.
  • @iPhat

    Guys, planning to buy house and lot through Pagibig, 2nd owner na ako.
    Ano ba dapat consider ko? Yung mayari nanghihingi ng "earnest money" then may agent din ako kausap na siya daw bahala mag ayos ng Pagibig.


    Be careful sa mga "Agent ng Pag-ibig" kuno. Naloko officemate ko dyan.

    Yung agent nya kuno ay kumpleto sa papeles hanggang sa titulo ng lupang binebenta from pag-ibig.. In the end naloko sya.

    Pumunta sya sa office ng Pag-ibig mismo to verify yung lot na binili sa "agent kuno" and found out na available yung lote, pero hindi sya na nahatak ng pag-ibig. In short, lahat ng binayad nya sa agent nya walang nangyari.

    Not sure kung nagawa mo na, pero I would advice na pumunta ka muna sa pagibig office to verify kung for sale ba talaga yung lot etc.

    Or yung unit ba nabibilhin mo is "Pasalo?" that is different story.
  • @iPhat

    Ano ba dapat consider ko? Yung mayari nanghihingi ng "earnest money" then may agent din ako kausap na siya daw bahala mag ayos ng Pagibig.

    Considering walang issue tulad ng nabanggit ni Razorjay, and na check mo na walang issue sa property na bibilin mo, i think fair lang na manghingi si seller ng earnest money, parang down payment kumbaga

    Security lang yan sa part ng seller na serious ka bilhin yung property. Sa part kasi nya, sobrang tagal pa bago nya makukuha yung payment, and once nag start kayo ng processing sa pagibig, hindi na sya pwede mag accept ng ibang buyer. Kahit meron pang dumating jan na kayang bilin yung property ng cash, wala na syang magagawa. If bigla kang mag backout, atleast may nakuha sya kahit pano for holding his property for you for some time

    Make sure lang na everything is properly documented
    Pwede kayong gumawa ng contract to sell and affix dun yung money na hiningi nya as part of payment sa property
  • Yung bibilhin na house and lot is binebenta na ng may ari mismo. Accdg dun sa agent na kausap namin, pwede daw pagibig.

    Salamat sa mga information nyo.
    Pano ko ba malalaman kung clean ang title?
    And ilan months from pag apply sa pagibig up to releasing ng cheque?

    -- edited by iPhat on Feb 20 2019, 06:42 PM
  • ^
    Pano ko ba malalaman kung clean ang title?

    hingi ka ng copy ng title, or kahit title number lang
    then punta ka sa registry of deeds kung saan naka-register yung lupa, kuha ka ng certified true copy ng title
    dapat consistent lahat dun sa copy nya

    if possible, hingi ka rin ng copy nya ng government IDs, para sure na sya nga yung nakapangalan sa title

    pero hindi ba part ng work ng agent mo due diligence and pag verify kung clean yung title?

    And ilan months from pag apply sa pagibig up to releasing ng cheque?

    not sure sir sa timeline sa pagibig, ang alam ko kasi sa bank, pero pareho lang naman yan
    although I would assume na mas mabagal si pagibig

    - initial processing ng loan can take around 2 weeks to a month, magpipirmahan kayo jan ng documents with the seller
    - once okay na lahat ng papers, bibigyan ni bank/pag-ibig si seller ng payment guarantee
    - sa part mo, you need to transfer yung title ni seller sa pangalan mo sa registry of deeds, eto yung mejo matagal na process
    yung papers ko sa RD, malapit na mag 5 months hindi pa rin tapos, pero since may agent ka, kaya siguro na mas mabilis, lalo na kung may lagay, pero minimum na siguro ang 1 month
    - once nalipat na sa pangalan mo yung title, saka ire-release ni bank/ pagibig yung payment kay seller

    note lang na ang amount na pwede mo ma-loan, usually 60% to 70% lang ng value ng lupa, so kailangan mo pa magbayad ng lump sum kay seller nung kulang


    correct me na lang if may mali
  • @ artie
    Salamat ng marami sa infos mo.
    Kudos to you.
  • ^
    Np sir. Happy to help
  • Normally ba talaga hindi na loan sa bank 100%?

    In our case DMCI, 30% DP in-house habang ginagawa, then remaining 70% sa bank.

    So meaning yung remaining 70% hindi ma loan ng buo yun? Or depende sa capacity to pay?

    My wife will be the principal, then co-maker ako since I already have an ongoing car loan hehe.

    -- edited by TheUninvited on Feb 20 2019, 11:14 PM
  • @All,

    Turnover na po ng bahay ko bukas. Tanong ko lang po if magkano po ang magagastos sa occupancy permit at magpapermanent connection ng Meralco? Tsaka, okay lang ba magmove-in na ko bukas? Wala kasi magbabantay sa bahay and Tuesday ko pa maifile application for occupancy permit gawa ng holiday.
  • And ilan months from pag apply sa pagibig up to releasing ng cheque?


    1-2 months lang releasing ng checque ng Pagibig HDMF. Developer will notify you once nasa kanila na ang checque.
  • Normally ba talaga hindi na loan sa bank 100%

    Normally hindi, kasi si bank parang nag a-act lang din na private buyer ng property on your behalf. Kung hindi mo mabayaran yung property and ma foreclose, sa kanila mapupunta yun and eventually, kakailanganin din nila i-dispose.

    Kung 70% ng property value yung loan for example, edge na ni bank yun na pwede nya mabenta yung lupa ng ganung amount, way below market price pero hindi sya lugi in case ma foreclose

    Anyway, minsan may mga developer and bank tie ups na kayang magbigay ng mas malaki for financing, like 10% dp 90% financing, merong ganyan sa filinvest and eastwest bank minsan

    Si dmci, minsan may promo yan na 20% dp lang for those not so fast moving projects, lalo na kung malapit lapit na yung turnover. Other condos even offer 5% to 10% dp pag rfo, siguro may arrangement na rin with banks pag ganito
  • Ok thanks, sa comprehensive reply sir.

    Better siguro mag inquire kami directly sa bank and baka pwedeng parang trial loan or something, to see if how much ang kayang i loan para di kami mabigla sa lump sum haha.
  • another member moving in.. congrats sir...