Forum Topic

Tipidpc Folding bike users (TFB)

  • Sa may Lancaster Imus kami sir. May nakita rin ako fb group ng Lancaster bikers, try siguro namin sumama pag medyo confident na mag bike wife ko sa road. Naiilang pa siya kapag may sasakyan eh.

    Try din namin punta minsan dyan sa daang hari, pero sa ngayon sa loob muna kami ng village. hehe.
  • Vermosa tayo mga boss.

    @toonice,
    sama mo esmi mo doon dahil sports complex talaga siya safe and sound.
  • May kaibigan akong nagpunta na dyan para sa crossfit event nila. Hindi ba need ng membership dyan sir?
  • No need sir, kung gagamit ka lang ng track and field at swimming pool Lap may bayad. pero open to public no need for a registration.
  • mga sir pwede pa recommend na sulit bilhin na bike gears. Helmet, front and rear lights saka kung ano pa yung ibang essentials. Not sure if okay na ba yung mga nabibili sa shopee/lazada.
  • @toonice

    Kung helmet go to bike shops mismo para ma fit mo ng tama wag mo tipirin ito best investment mo for your own safety. Okay lang naman sa lazada kung lights habol mo.
  • Sige sir noted yung pag fit sa bike shops. Pero baka may marecommend ka din bang for the buck na brand. hehe
  • Met crossover helmet

    nasa 2k, may rear light

    kaysa bumili ka ng Sagmit o kung anong kopya ng kilalang brand..wag mong tipirin ang safety gear..mas mahal ang mabaldado

    check mo rin yun Sandugo Kranos, 1.7k lang, kaso parang pang trail yun kaysa casual ride

    sa ilaw, okay na yung Raypal
  • Nagback read ako sa thread mula page 1. Haha ang tagal ko binasa pero ang dami ko rin natutunan. Sana ginawa ko yun before ako bumili para mas na weigh yung initial bike choices ko. Ngayon ko lang nagets yung mga recommendation.

    Nakakatuwa din makita yung progress ng mga tao dito, from minimal knowledge to almost experts na.

    Sulitin ko na lang muna yung bike. Same na weekends ko pa lang din naman nagagamit at hindi pa talaga super long rides. Yung goal pala namin sana ay makabyahe from Imus to Tagaytay. I know mas malapit na yung imus compared sa ginagawa ng iba, tanong lang ano kaya magandang training gawin para masabi na ready na ako bago i-attempt na mag byahe pa Tagaytay?

    Sa fitness status ko naman, getting back in shape pa lang ako, I used to run sa mga fun run and train weekly pero 21km pa lang yung pinakamalayo ko.
  • @toonice

    try niyo mag ride sa moa every weekend sir. maaga syempre para hindi pa mainit. hehehe
  • good pm sa lahat.. san po pwd makabili ng mini velo? yung pwd po iship dito sa mindanao.
  • Guys meron ba sa inyo alam kung ano spoke size and length ng Hubu F610 sa rear wheel? Hindi ko kasi alam paano i-measure gusto ko sana palitan ng spokes. Ginamitan ko ng tape measure estimate ko parang nasa 180mm. Ang alam ko lang is 20x1.35 yung tire size. Patulong naman. thanks

    -- edited by imscythe on Jun 06 2019, 07:11 AM