Wala ako agenda today kundi manood ng MMFF 2022 movies to unwind and wala na patumpik tumpik pa, here’s what I can say.
Partners in Crime: 0/10
*Walang tumatawa, walang nakakatawa. I guess padownfall na ang style ni Vice sa pagpapatawa. Walang bago. Mabuti nalang andyan si Lassy at MC. Epic failed talaga ang comedy execution at yung story di masyado naikwento ng maayos. Diko maimagine na gawa ito ni Cathy Garcia Molina, Wen Deramas pa din talaga! Walang chemistry si VG at Ivana Alawi, pramis! Mas matatawa pa kayo sa rating ko kesa sa movie nila.
My Father, Myself: 3/10
*Madami nako napanood na LGBTQ movies. Isa ito sa unique ang atake. Naku Joel Lamangan, ginawa mo ito para magkaroon ng controversy at pag usapan noh? Flat yung movie, hindi ako ganun nakarelate pero possible na may ganitong mangyare lalo kung kasing hot ni Jake ang stepdad. Parang mga movies na napapanood sa VivaMax ganern. Brutal dialogue, hot scenes at disturbing family conflict.
Deleter: 4/10
*Nag expect ako dito ng malala dahil alam ko makakarelate ako dahil may idea ako sa content moderator jobs pero hindi natackle dito paano ba sila talaga as a content moderators, kung paano yung buhay nila most especially how they handle everyday life and why they stayed sa ganito trabaho. Pasweet yung pananakot overall. Hindi din namaximize yung acting ni Nadine. Slowburn ito, antayin nalang yung ending. This is an example of an unusual job na nakakapagod. Medyo matagal na din walang ganitong genre sa Philippine cinema para maiba naman options ng tao. Pero mas comedy pa ito sa Partners in Crime dahil sa tawanan ng mga tao ????????
I bet kung ang sequel is ung knives out un naman ang the lesser movie. Its kinda predictable na kasi ung glass onion knowing na alam na ung flow of story ng knives out.
How To Love Mr. Heartless
My rating is 8.5 or 9 out of 10
Usually hindi ko kinakaya ang cringe at yamot sa mga dialogue na sobrang awkward o saliwa at mga pilit na acting sa typical Pinoy films atleast recently..
Pero dito, maganda ang pagkagawa at magagaling ang acting at delivery ng lines. hindi sila pogi at ganda lang.