Visit the Forums
Register Now!

User Login


Forum Topic

Bakit TRAFFIC lagi? Ano ang problema? Ano ang pwedeng solusyon?

  • Toyota/Mitsubishi XXX - 55K all-in / Sure approval.

    ^Yan ang problema... madami nang "can-afford" ng sasakyan ngayon... madali na magkaroon ng sasakyan. Wala naman nababawas... padagdag lang ng padagdag.
  • Toyota/Mitsubishi XXX - 55K all-in / Sure approval.

    ^Yan ang problema... madami nang "can-afford" ng sasakyan ngayon... madali na magkaroon ng sasakyan. Wala naman nababawas... padagdag lang ng padagdag.


    and yet yung mga bumibili ang nagrereklamo sa sobrang traffic.

    dapat maglagay na lang sila ng car pooling lane sa edsa. bawal dumaan yung isa lang ang laman.
    o kaya gawing isa lang ang lane ng non-car pooling para ma discourage dumaan sa edsa yung mga sasakyan na driver lang ang laman. so either mag commute sila, dumaan sa side streets, or maghanap sila ng kasama na makakasabay araw araw
  • baka ang ibig niyang sabihin ay yung development at investment. Syempre paano lilipat sa probinsiya o babalik yung mga taga probinsiya kung walang pagkakakitaan doon. Gaya na lang sa ibang probinsiya, walang kalsada. Mano mano na buhatin yung mga produkto dalhin sa palengke hehe


    Ang pinakaproblema sa province iyong electricity, di kasing efficient ng MERALCO. Di mo alam kung kailan magkakablackout at pag nagkaroon ng malakas na bagyo, iyong ibang lugar inaabot ng mahigit 3 months bago marestore ang kuryente. + iyong security pa sa mga rebelde.
  • Ang solusyon sa traffic:

    Long-term:
    - Effective, efficient, accessible mass transport system
    - Decentralize development from Metro Manila
    - Develop and support local businesses to spark industrialization and create local jobs, not only in Metro Manila
    but also to other cities.

    Medium-term:
    - Plan of a way to tax people who own more than one car.
    - Encourage carpooling

    Short-term:
    - Establish a dedicated bus lane in EDSA, and ENFORCE it.

    These were the things at the top of my mind, pasensiya kung hindi kumpleto. :)
  • Alam naman na nating lahat kung anong problema - volume.

    1. Hindi ako naniniwala sa kahit na anong artificial na pamamaraan sa pagcontrol ng volume. Democratic ang bansa natin, kaya as long as kinita ng isang bibili ng sasakyan ng marangal ang salapi niya, naniniwala akong hindi siya maaaring pakialaman ng sinu man. Karapatan niyang gastusin ang salaping kinita niya sa paraang angkop para sa kanya basta hindi siya nakaaapekto ng masama sa kanyang kapwa.

    2. Bata pa ang Pilipinas EDSA na iyan. 2016 na EDSA parin. Natural mapupuno iyan. Ilang taon ba naman. Ang tanong, bakit ang bagal ng gobyerno pagdating sa infrastructure development? Huwag pakontiin ang sasakyan para magkasya sa maliit na kalsada, palakihin ang kalsada para magkasya ang mas maraming sasakyan.

    3. Sabi nga sa nabasa ko, hindi matitimbang ang pagiging progresibo ng isang bansa sa dami ng bumibili ng sasakyan. Masusukat ito sa dami ng may pambili ng sasakyan pero pinipili ang public transport. Kaikli ikli lang ng MRT parati pang sira. Saan ka pa?

    4. Marami kasing Pilipino tamad. Paglabas ng bahay padyak/tricycle. Pagbaba ng tricycle sakay ng jeep baba sa harap ng establishment na pupuntahan. Sa jeep nalang, kada 5 metro may bumababa. Multiply mo iyan sa dami ng jeep sa kalsada. Dapat tanggalin mga padyak, automatic na dapat iyan kasi hindi naman dapat nakakalat mga iyan sa kalsada. Tanggalin rin mga tricycle lalo na sa major roads. Kaiingay pa man din ng mga iyan. Imodernize mga jeep dahil kaiingay rin. Maglagay ng stops along the metro. Kapag hindi sinunod pati pasahero kulong.

    5. Sa mga nagsasabi rin na controlin private vehicles, hindi rin ako pabor diyan. Hindi naman private vehicles humahambalang sa gitna ng kalsada, diba? Karamihan sa mga iyan point A to B, pero of course may mga pasaway lalo na yung mga mahilig magdouble park sa harap ng establishments. (May pambili ng sasakyan pero walang 20.00 para magpark ng maayos.)
  • A Php21 billion (US$440.2 million) project has been awarded to Hyundai Rotem Co. to construct a subway linking a train station in Manila all the way up to Bulacan. Hyundai Rotem is an train-making company affiliated with Hyundai Motors. The subway porject is in partnership with local company ULC.

    <click here for link>
  • sometimes its good to know how our richer friends are doing




    Last night, the person in charge of the official San Francisco BART Twitter account lost it. In 57 tweets, the account espoused truth and honesty, and pretty much admitted what everyone in the Bay Area already knows: the crumbling institution kinda sucks.


    <click here for link>

    and sometimes rich people need to know how to count their blessings.

    [youtube]https://www.youtube.com/watch?v=bwvlbJ0h35A[/youtube]

    aww tags not working. link nalang

    <click here for link>

    -- edited by AmalgamvsAloof on Mar 18 2016, 11:48 PM