Forum Topic

Bakit TRAFFIC lagi? Ano ang problema? Ano ang pwedeng solusyon?

  • Toyota/Mitsubishi XXX - 55K all-in / Sure approval.

    ^Yan ang problema... madami nang "can-afford" ng sasakyan ngayon... madali na magkaroon ng sasakyan. Wala naman nababawas... padagdag lang ng padagdag.
  • Toyota/Mitsubishi XXX - 55K all-in / Sure approval.

    ^Yan ang problema... madami nang "can-afford" ng sasakyan ngayon... madali na magkaroon ng sasakyan. Wala naman nababawas... padagdag lang ng padagdag.


    and yet yung mga bumibili ang nagrereklamo sa sobrang traffic.

    dapat maglagay na lang sila ng car pooling lane sa edsa. bawal dumaan yung isa lang ang laman.
    o kaya gawing isa lang ang lane ng non-car pooling para ma discourage dumaan sa edsa yung mga sasakyan na driver lang ang laman. so either mag commute sila, dumaan sa side streets, or maghanap sila ng kasama na makakasabay araw araw
  • baka ang ibig niyang sabihin ay yung development at investment. Syempre paano lilipat sa probinsiya o babalik yung mga taga probinsiya kung walang pagkakakitaan doon. Gaya na lang sa ibang probinsiya, walang kalsada. Mano mano na buhatin yung mga produkto dalhin sa palengke hehe


    Ang pinakaproblema sa province iyong electricity, di kasing efficient ng MERALCO. Di mo alam kung kailan magkakablackout at pag nagkaroon ng malakas na bagyo, iyong ibang lugar inaabot ng mahigit 3 months bago marestore ang kuryente. + iyong security pa sa mga rebelde.
  • Ang solusyon sa traffic:

    Long-term:
    - Effective, efficient, accessible mass transport system
    - Decentralize development from Metro Manila
    - Develop and support local businesses to spark industrialization and create local jobs, not only in Metro Manila
    but also to other cities.

    Medium-term:
    - Plan of a way to tax people who own more than one car.
    - Encourage carpooling

    Short-term:
    - Establish a dedicated bus lane in EDSA, and ENFORCE it.

    These were the things at the top of my mind, pasensiya kung hindi kumpleto. :)
  • Alam naman na nating lahat kung anong problema - volume.

    1. Hindi ako naniniwala sa kahit na anong artificial na pamamaraan sa pagcontrol ng volume. Democratic ang bansa natin, kaya as long as kinita ng isang bibili ng sasakyan ng marangal ang salapi niya, naniniwala akong hindi siya maaaring pakialaman ng sinu man. Karapatan niyang gastusin ang salaping kinita niya sa paraang angkop para sa kanya basta hindi siya nakaaapekto ng masama sa kanyang kapwa.

    2. Bata pa ang Pilipinas EDSA na iyan. 2016 na EDSA parin. Natural mapupuno iyan. Ilang taon ba naman. Ang tanong, bakit ang bagal ng gobyerno pagdating sa infrastructure development? Huwag pakontiin ang sasakyan para magkasya sa maliit na kalsada, palakihin ang kalsada para magkasya ang mas maraming sasakyan.

    3. Sabi nga sa nabasa ko, hindi matitimbang ang pagiging progresibo ng isang bansa sa dami ng bumibili ng sasakyan. Masusukat ito sa dami ng may pambili ng sasakyan pero pinipili ang public transport. Kaikli ikli lang ng MRT parati pang sira. Saan ka pa?

    4. Marami kasing Pilipino tamad. Paglabas ng bahay padyak/tricycle. Pagbaba ng tricycle sakay ng jeep baba sa harap ng establishment na pupuntahan. Sa jeep nalang, kada 5 metro may bumababa. Multiply mo iyan sa dami ng jeep sa kalsada. Dapat tanggalin mga padyak, automatic na dapat iyan kasi hindi naman dapat nakakalat mga iyan sa kalsada. Tanggalin rin mga tricycle lalo na sa major roads. Kaiingay pa man din ng mga iyan. Imodernize mga jeep dahil kaiingay rin. Maglagay ng stops along the metro. Kapag hindi sinunod pati pasahero kulong.

    5. Sa mga nagsasabi rin na controlin private vehicles, hindi rin ako pabor diyan. Hindi naman private vehicles humahambalang sa gitna ng kalsada, diba? Karamihan sa mga iyan point A to B, pero of course may mga pasaway lalo na yung mga mahilig magdouble park sa harap ng establishments. (May pambili ng sasakyan pero walang 20.00 para magpark ng maayos.)
  • A Php21 billion (US$440.2 million) project has been awarded to Hyundai Rotem Co. to construct a subway linking a train station in Manila all the way up to Bulacan. Hyundai Rotem is an train-making company affiliated with Hyundai Motors. The subway porject is in partnership with local company ULC.

    <click here for link>
  • sometimes its good to know how our richer friends are doing




    Last night, the person in charge of the official San Francisco BART Twitter account lost it. In 57 tweets, the account espoused truth and honesty, and pretty much admitted what everyone in the Bay Area already knows: the crumbling institution kinda sucks.


    <click here for link>

    and sometimes rich people need to know how to count their blessings.

    [youtube]https://www.youtube.com/watch?v=bwvlbJ0h35A[/youtube]

    aww tags not working. link nalang

    <click here for link>

    -- edited by AmalgamvsAloof on Mar 18 2016, 11:48 PM



  • <click here for link>

    Watch a Tunnel Get Built Under a Highway in Just One Weekend
  • My personal solution e yung mga may sasakyan that is 2 decades (20 years) old should not be allowed to drive in metro manila from monday 0001H to Friday 2359H. Weekends lang sila dapat (hassle din to saken kasi I own a sentra 1993).

    Even if it is a PUV or Trucks or private vehicle.
  • tanga kasi nag design ng metro manila eh ansikip ng mga daanan
  • tanga kasi nag design ng metro manila eh ansikip ng mga daanan


    May point. Di kasi na-anticipate ng maayos yung biglang dami ng sasakyan. Kahit major highways sikip eh or nagiging masikip kasi ginagawang terminal ng bus or PUV yung mga "Loading and Unloading Area". Isang example nito e yung sa SHAW Starmall, parang terminal na ng bus sa cubao. hahaha. Yung mga residential roads nagiging one way kasi yung isang side ginawang parking.
  • tanga kasi nag design ng metro manila eh ansikip ng mga daanan


    more like the roads were OK when they were designed but the population with cars increased so much

    Makati in the 70's. Since when ka nakakita ng glorietta parking lot na ganoon ka empty in daytime?




    -- edited by AmalgamvsAloof on Jun 02 2016, 07:35 PM
  • My personal solution e yung mga may sasakyan that is 2 decades (20 years) old should not be allowed to drive in metro manila from monday 0001H to Friday 2359H. Weekends lang sila dapat (hassle din to saken kasi I own a sentra 1993).


    well what a coincidence.

    Posted 17 hours ago

    Starting in July, cars 19 years or older (cars made before 1997) will be banned from the streets of Paris during weekdays between 8 am and 8 pm.

    The effort is designed to reduce air pollution in the city

    <click here for link>
  • ^ Paris? :( Pwede ba NCR Philippines din? hehe.
  • Toyota/Mitsubishi XXX - 55K all-in / Sure approval.

    ^Yan ang problema... madami nang "can-afford" ng sasakyan ngayon... madali na magkaroon ng sasakyan. Wala naman nababawas... padagdag lang ng padagdag.


    My personal solution e yung mga may sasakyan that is 2 decades (20 years) old should not be allowed to drive in metro manila from monday 0001H to Friday 2359H. Weekends lang sila dapat (hassle din to saken kasi I own a sentra 1993).


    Walang problema sa old vehicles

    Ang isa sa root cause ng problem ay binebentahan ang mga wala namang sariling house and lot with parking space
  • pati nga commonwealth na napakalawak nagkakatrapik kasi naba-bottleneck kung di bottleneck e mga nakabalagbag na public vehicles. andaming dapat iaddress ng gobyerno. dapat gobyerno nalang humawak ng public transpo.
  • Ang isa sa root cause ng problem ay binebentahan ang mga wala namang sariling house and lot with parking space


    isa rin yan. sa mga maliliit na kalsada. andaming nakapark, pag titignan mo sa malayo zigzag, ang sikip! tsk. grabe.
  • Kung ipapatupad lang ang mga existing na batas, walang problema sa traffic.
  • partly kasalanan ng mga developer ng condo yan. nalala ko dati C-5 shortcut to ng mga papuntang south or vice-versa pero dahil nag tayo sila ng mga condo along at near C-5, di nila na assess yung volume ng sasakyan na madadagdag.
  • Sustainable Mass transport system, yan muna dapat ang baseline ng Govt, para maramdaman ng mga tao na kahit papaano eh gumagaan yung stress with everyday commuting, this would also condition the minds of the people na meron tlagang maayos na solusyon w/c can enforce them to cooperate..wala eh, aminin natin madami pa rin talagang matitigas ang ulo sa atin. kanya-kanyang gawa ng paraan para lang makasurvive, w/c is doesnt benefit everyone most of the time.

    And then maybe, just maybe they can start implemening other means/rules to improve traffic management accordingly.
  • dito sa Mindanao ave madaming dumadaan na mga truck. sila ang nagiging dahilan ng traffic.
    although magandang sign yung mga truck dahil ibig sabihin madaming "goods" ang kailangan i-transport.
    so dapat, yung gawing design ng train hindi lang pang tao. dapat may capability mag transport ng goods.
    tapos may special stations para mag load/unload ng goods.
    yung tipong ipapatong lang yung mga container galing sa mga truck. yung parang sa pier.
    that way, mababawasan na yung mga truck sa daan
  • Long term?

    Hawakan ng gobyerno ang bus operation(walang private companies na hahawak) on both city and provincial nang sagayon hindi nag hahabol yung mga bus driver, standard na pasahod.

    Improve infra (Internet)
    Work from home will decongest Manila, QC, etc

    Fix MRT/LLRT maglagay ng reliable na mga tao

    Hindi pwedeng bumili ng sasakyan ang mga walang parking lot

    Strick implementation of no parking (streets, highway, sidewalk, etc)
  • My personal solution e yung mga may sasakyan that is 2 decades (20 years) old should not be allowed to drive in metro manila from monday 0001H to Friday 2359H. Weekends lang sila dapat (hassle din to saken kasi I own a sentra 1993).


    kung mag i-implement sila ng ganito, dapat liitan ang registration fee ng ganitong sasakyan
  • Sobrang daming tao lang talaga dito sa Metro Manila. Bawasan mo ang tao rito sa Metro Manila mawawala ang trapik. Pagandahin ng gobyerno ang buhay sa probinsya at kung may mga nagaaply umalis ng bansa, aprubahin agad. Mag bawas ng tao rito sa bansa lalo na kung nakatira ka Metro Manila. Ito lang ang solusyon na nakikita ko dahil sobrang daming tao na talaga rito sa Manila.
  • Hawakan ng gobyerno ang bus operation(walang private companies na hahawak) on both city and provincial nang sagayon hindi nag hahabol yung mga bus driver, standard na pasahod.


    problem with that is if all buses are monopolized by the government, there would be no competition. Kaya nga uso ang privatization kasi madaming problema before. You can do the same thing by just passing a law mandating a monthly salary for bus drivers. No need for the govt to control all bus companies
  • Bawat taon, ilan ang ratio ng pinapanganak sa namamatay? 50 to 1? 100 to 1? Kada buwan ilan ang nanganganak? Ilan ang tumititra dito sa umaalis? Sobrang sikip na rito sa Metro Manila. Kino kontrol dapat ng gobyerno ang pagdami ng tao rito sa Manila at dapat may programa sila kung paano paalisin sa ibang bansa ang mga taga Metro Manila.
  • ^ or pagandahin at ispread sa probinsya ang mga opportunities dito sa MM.
  • provincial rate dapat tanggalin
  • Pero parang impossible mangyari na mako kontrol ang pag dami ng tao rito sa Metro Manila kaya mas lalo lang lalala ang trapik dito.
  • problem with that is if all buses are monopolized by the government, there would be no competition. Kaya nga uso ang privatization kasi madaming problema before. You can do the same thing by just passing a law mandating a monthly salary for bus drivers. No need for the govt to control all bus companies


    Prob is, mahirap magpasa ng law dahil silang mga nasa congress, sila sila din halos ang mga operators or may ari ng mga bus companies. Ayaw nila ng makaka interfere sa profits nila. May governing body man satin, may LTFRB nga pero parang hindi rin maayos na regulate ang mga buses.