Forum Topic

Bakit TRAFFIC lagi? Ano ang problema? Ano ang pwedeng solusyon?

  • Post deleted #11711549
  • @akosiempoy

    Agree to all your points :)
  • guys, sa tingin nyo, bakit kaya yung mga idea nating yan e hindi ginawa ng mga naunang gobyerno? di kaya sa sobrang tutok nila na pataasing an ekonomiya e nakalimutan na nila ang buhay sa bansa natin? o gusto nilang pataasin ang ekonomiya para mataas din ang kita nila?


    tingin ko ang issue sa traffic nalasap lang natin ng magkaroon ng issue ang mrt/lrt, at dahil na rin sa election campaign at udyok ng ibang group, party, at media. pero bago pa yan, wala naman talaga umaangal lol.

    so typical pinoy culture, hanggat di natatae wag muna tumae lol tapos pag nasa express way na booom!
  • anyway, may way ba para iparating yang message mo kay duterte???? ganda eh


    lol

    alam ng admin yan, decongestion at mass trasport
  • but i like sir @akosiempoy's comment on long term solution. in all aspects talaga dapat ang gobyerno natin wag masyadong reactive when facing issues and problems, maganda proactive lagi.
  • jeer1210 Send Message View User Items on 08 Jul 16 @ 11:51 AM #
    guys, sa tingin nyo, bakit kaya yung mga idea nating yan e hindi ginawa ng mga naunang gobyerno? di kaya sa sobrang tutok nila na pataasing an ekonomiya e nakalimutan na nila ang buhay sa bansa natin? o gusto nilang pataasin ang ekonomiya para mataas din ang kita nila?


    Wala kasing pakialam halos lahat ng politiko sa atin, pag upo nila ang inuuna nila paano makakabawi. Tulad nalang ng Panot administration wala silang pakialam kahit magka addict addict mga Filipino, basta limpak limpak na salapi dumadaloy sa kanila. Kailangan kasi ng mga slave na mahihirap para mabuhay ang few Elite.

    Solution sa Traffic: Tangalin iyong ibang Bus sa edsa lalo na iyong pasaway, i relocate sila sa ibang province. Then Gobyerno ang bumili ng mga BUS at swelduhan ang mga driver. At magtayo ng Bus Terminal na may schedule ang dating.

    Magtayo rin sila ng BUS Terminal na iyong Biyahe na Province ang location eh hindi pwede pumasok sa Metro Manila, or halimbawa lahat ng North Bound hanggang Balintawak/Munoz lang. Tas sa Balintawak/Munoz Terminal meron duon na BUS ng Government at iba pang Alternative na Sakayan, tulad ng Taxi at Jeep since may LTR/MRT terminal na rin duon.

    Tas lahat ng Entrance sa LRT/MRT may X-ray at Detector tulad ng sa Airport para di na bukas ng bukas ng mga bagahe.
  • @Battlestarmargarine

    Seryoso sir ganyan kalayo ang byahe mo? Kakaiyak, sobrang layo pala ng bahay nyo ano.
    Pag meron ka siguro sasakyan at least Php 1000 ang budget mo para sa fuel, toll and parking :-(


    Seryoso yan ser... Sa BGC lang ako dati kaso nalipat office namin dito Eastwood, Tyaga tyaga na lang sa byahe. :) Inaasa ko na lang sa Diyos at kay Duterte. hehe.

    @akosiempoy

    oo nga sir mukhang promising naman ang bagong Administration suportahan na lang natin.
  • anyway, may way ba para iparating yang message mo kay duterte???? ganda eh


    @quinn,

    dont worry.. afaik decongestion is isa sa plan ni president du30 while he's still campaigning.. hopefully magpush thru.. and i am betting on it... though 6 years might not be enough, i am really glad that he won because i know that his accomplishments will set as precedent sa mga susunod na uupo. .. kita mo naman in a week's time ang dami na nangyari.. one of those are naming the drug protectors, going after these effin generals means he really means business.. hindi lang yung mga low life pushers... nakakatawa nga eh, yung mga haters nya na nagsasabing small time criminals lang hinahabol nya, ang sinasabi ngayon naman is trial by publicity yung sa mga generals kasi big names na... isa pa is yung laglag bala issue.. umabot ito ng world news, nakakahiya ang main airport natin to think napakasimple ng solution pero yung previous president ang sabi maliit na bagay lang daw yun.. . finally solved na ni du30... kung bala lang at walang baril, bat kakasuhan? hindi nila naisip before yan.. well, kasi meron kumikickback.

    sorry need to rant kasi sobrang frustrated talaga ako sa previous admin... kita mo naman yung mrt natin na isa sa main solution sa traffic in edsa, dumaan kay erap at gloria.. nung panahon lang ni pnoy lang nagkaletse letse.. almost 1km na pila tapos 4 lanes pa! tren na humihinto sa gitna ng tulay, tren na nagoovershoot sa last station... so yung hindi makagamit ng mrt saan sasakay? siempre sa bus,fx,taxi na dadaaan sa edsa.. dagdag congestion! haha.. tapos yung inuna nilang upgrade ng mrt is ticketing system?! haha. *nyemas... kaya isa pa palang solusyon sa traffic, wag boboto ng pulp*l na lider... wag yung out of touch sa reality... tignan yung background at accomplishments.. hindi dahil sa anak lang ng kung sinong poncio pilato... pasensya kung medyo naging about politcs na, hehe... kasi it's related naman, masasalamin kung anong klaseng gobyerno meron ang isang bansa pag tinignan mo ang traffic situation nito..
  • agree ako sayo sir empoy 100% i share the same sentiments.
  • Di muna ako aasa na ma-so-solve ni DU30 ang trapik sa atin. Lider lang naman ang nagbago sa atin. Same parin ang mga tao sa Legislative, Judiciary at Executive department ng government natin. Pati ugali ng mga pinoy same parin. Tignan mo nalang mga post sa TopGearPhilippines marami parin ang pasaway.
  • a radical solution that has dangers, but some intriguing advantages

    The city of Gurgaon, roughly a half-hour’s drive south of New Delhi, has survived without a functioning municipal government for roughly four decades. If the city of 2 million residents needs to pave a road, or hire police, firefighters or garbage collectors, a patchwork of private companies makes it happen. Or … not.

    “It’s a weird place,” says Shruti Rajagopalan, an economist at SUNY Purchase who grew up a short drive away from Gurgaon. She co-authored, with her colleague Alex Tabarrok, a 2014 study of its strange inner workings. “It shouldn’t exist, theoretically.” And yet, the city is a magnet for India’s middle class. The population has swelled by more than 1,600 percent over the past 25 years. “People are just clamoring to move to Gurgaon,” she says. Which raises an intriguing question: Should other cities embrace Gurgaon’s radical experiment in privatization? She explains why, despite its pitfalls, Gurgaon offers a strangely promising blueprint for urban development.


    <click here for link>

    don't let the clickbait headline about sewers scare you

    Instead, the sewage collects in a septic tank at the edge of the property. The building’s owner contracts a tanker truck to ferry the sewage to a dumping ground or river. It’s not ideal, but it’s hardly out of the norm in India. Of the 5,161 cities and towns across India, 4,861 lack even a partial sewage network.
  • Pabor ba kayo na buhayin ang odd even scheme kung sakali. May magagawa pa kaya un? hehe

    -- edited by curenei on Jul 28 2016, 06:47 AM
  • ang nakikita Kong solusyon Diyan sa traffic is tanggalin Na natin Ang mga jeep at tricycle.. Sa Ibang Bansa wala naman Ganyan Kaya malinis tingnan lugar at Hindi Masyado traffic....Ang isasagot ng iba Saan mo ilalagay yung mga mawawalan ng kabuhayan? Ang Sagot ko Diyan eh bakit sa Ibang Bansa wala namang jeep at tricycle pero maraming May trabaho?

    -- edited by ny15 on Aug 01 2016, 01:01 PM
  • i thought the JICA finding na billions (3b?) ang nawawala daily was an exaggeration. sabi ko pa utot talaga ng JICA.. kung anong2 nirereport na number etc..

    my travel today from house (pasig) to makati which lasted 1 hour 40 minutes (those who are familiar with C Raymundo, Mercedes Avenue, C5, Kalayaa Ave route will know this) proved me wrong..
  • ive read somewhere that we can still work on subways kahit na latag na ang city plans for major cities? Is this true (for engineers out there).

    i hate to compare pero sa hongkong pala when i was there, yung may mga sasakyan dito sa pinas, hindi na bumibili ng cars doon dahil bukod sa mahal ang parking and lupa, their BEEP cards serve as fare system para sa Bus, Train, grocery, etc. in short, inslam talgaa sa masa yung system and they have a very adequate train system (actually parang 5 systems ata un na lahat may meeting points).

    I was just curious if investments can still be made to improve the train systems natin? we have 3 active systems, I think we need mga 15 more, just for manila alone (on subway systems).

    1. justifies why old buses can be removed. hindi ba pwede imass produce yung mga bus sa BGC? magaganda ung mga bus na un a.
    2. sa dami ng bus stops natin, alam na natin yung mga hot spots na dapat nilalagyan ng train stations.
    3. word on the street is that malls can "lobby" daw where the train station should terminate (the closer to them, the better?) anong kagagauhan to?
    4. the better the system, the more we can convert drivers to commuters (like me!)
  • Sa mga BUS commuters, or yung mga may private vehicles, may effect ba sa travel time nyo nitong bawal na ang UV express sa EDSA?
  • The P2P Greenbelt to ATC route is very beneficial for me. Hindi na ako nagdadala ng oto papasok sa work. Travel time is 20-30 mins. Fare is P50, P100 roundtrip. It feels comforting that somehow I have a very small contribution to reduce the congestion going to the South.

    Ang traffic pa man din sa Osmena dahil sa ginagawang Skyway. Sana madagdagan pa ang ruta ng P2P system!
  • ^ I agree. mas mabuti kung mababawasan ang mga nagdadala ng oto. lalo na yung magisa lang naman sa oto at walang kasabay, malaking space ang matitipid kapag nangyari yun.

    the gov't should really use the bus stops. clear the sidewalks of vendors. strict implementation lang talaga ang kelangan. dapat talaga may bantay kasi kapag wala sinasamantala ng mga pasaway.

    Speaking of pasaway, like sa litex, papaalisin yung mga nagtitinda sa kalsada tapos magbabantay lang saglit. pag alis ng mga bantay parang mga langgam na nagtayo ng lungga ang mga pasaway. ang hirap as a pedestrian lalo na kapag umuulan. maglalagay sila ng trapal, napakababa at ang nakikinabang lang naman sa silong e silang mga nagtitinda, yung mga dumadaan nahihirapan magpayong kasi sumasabit sa mga tali ng trapal nila at sobrang napakasikip. parang ewan lang yung baranggay officials. kitang kita naman na pero di pinapansin. palibhasa nagtotong sa kanila yung mga nagtitinda dun, wala na silang pake kung mahirapan yung mga dumadaan.

    sorry for venting.
  • Wala Na ba yung mahabang pila sa mrt? May nagagawa Na talagang pagbabago Ang duterte administration!!!

    -- edited by ny15 on Aug 02 2016, 11:21 AM
  • ^ so far ang napapansin ko nalang e yung siksikan, as of the queue (sa Q.ave station at 5:30 am), wala naman, in my experience.
  • The gov't should really use the bus stops. clear the sidewalks of vendors. strict implementation lang talaga ang kelangan. dapat talaga may bantay kasi kapag wala sinasamantala ng mga pasaway.


    Clap clap.clap. May ibibigay kayong hanapbuhay?
  • clear the sidewalks of vendors


    isa ito sa problema sa trapik. Dapat meron designated na palengke/talipapa na di nakakasagabal sa trapik.

    look un Divisoria lately eh nilinis na ewan ko lang if balik ulit sa dati. lumuwag ang kalsada.

    sa Guadalupe wala na halos vendor sa tapat ng Chowking pansin ko kasi lagi ako dumadaan pag gabi na at malinis tignan. at yung mga PUJ pansin ko din na binabagalan nila ang takbo pag malapit na sa trapik light para maghakot ng pasahero. kaya bumabagal at nagsisikip ang kalsada.
    Sa drayber eh mahalaga din po ang oras namin, mahalaga din po ang kabuhayan namin wag naman garapal.
    muntik na ko malate dahil sa ganyan. SMH.

    illegal terminals isa pa yan sa problema. kolorum yan pa.
  • Clap clap.clap. May ibibigay kayong hanapbuhay?


    EDIT: to make it clear, diko sinabing wag sila pagtindahin sir.

    may tamang lugar para sa mga vendors. pwede namang magtinda ng hindi nakakasagabal eh. kelangan lang ng malasakit sa iba. di naman sila pinagbabawalan magtinda, pero nagtitinda sila sa hindi dapat pinaglalatagan. nagbabayad ba sila para sa pwesto nila? hindi. may permit ba sila para sa negosyo nila? wala. nagnenegosyo sila ng libre. inventory lang gastos nila (tsaka tong). e pano yung mga nahahassle nila? I'm not against them. ilagay lang sa tama. lahat tayo gustong kumita.

    -- edited by jeer1210 on Aug 03 2016, 07:50 AM
  • Re: Mass transport system

    Implement time intervals and designated stops.

    Like some 1st-world countries, this is another way of easing up traffic/ rush hour/busiest parts of the city. People will be obliged to MANAGE their own time effectively (w/c somehow is a problem of most people, including myself) :D

    So lets say your suppose to be at work by 10am, dapat an hour or 30 mins before umaalis ka na ng bahay to catch your transport on time (w/c is why dapat reliable yung time stamp ng bus/trains)
    Is it a hassle? At first, yes but eventually people will learn how to manage their time wise.
    Mindset kasi ng karamihan yung "honda"( just in time) which has its pros and cons ( most of the time mas maraming cons) w/c again is another contributor to why such a "rush hour" exists, w/c btw is a terrible condition in ours knowing na rush hour na siya. Designated stops w/c can also be hassle but is a long-term solution. Ano ba naman yung 5-15 minutes walk(exercise) from a stop to your destination.
    So pag smooth na yung transition ng tao and public transports during this so-called "rush hour" then we all know what happens next.

    I dont think this takes rocket-science to implement, its just a basic act DISCIPLINE that starts in everyone.
  • Wala Na ba yung mahabang pila sa mrt? May nagagawa Na talagang pagbabago Ang duterte administration!!!

    araw araw ako sumasakay ng mrt at masasabi mas ok ung experience ko ngayon. dati 6am sa north avenue stn, mahaba na ang pila, ngayon diretso na ko sa platform. 4pm sa boni stn siguro 3 tren ang dadaan bago ako makapasok, ngayon isang tren pa lang nakakapasok na ko, at nakakaupo pa minsan pagdating ng shaw o ortigas.

    sana tuloy tuloy na to
  • Regarding p2p, yung bus from trinoma to glorietta vice versa mahaba pila lalo na sa gabi. Kapag nagdadala ako sasakyan mga 7:30 nasa trinoma na. Kapag nag p2p 8pm dahil sa tagal ng paghihintay sa bus. Ayaw ko mang magdala ng sasakyan no choice super importante yung oras samin lalo na at susunduin pa namin si baby sa in-laws.
  • araw araw ako sumasakay ng mrt at masasabi mas ok ung experience ko ngayon. dati 6am sa north avenue stn, mahaba na ang pila, ngayon diretso na ko sa platform. 4pm sa boni stn siguro 3 tren ang dadaan bago ako makapasok, ngayon isang tren pa lang nakakapasok na ko, at nakakaupo pa minsan pagdating ng shaw o ortigas.

    sana tuloy tuloy na to
    Matagal ko ng suggestion yang ibenta sa mga ibang outlets ang tickets, ayusin ang dispenser machines, gamitin ang cp load pambili ng ticket at etc... buti naman at ginagawa na nila ang iba.
  • Marami pa namang solusyon dyan... di lang naman infra at pagbawal sa pagbili ng sasakyan ang kelangan dyan... actually madami akong naiisip na paraan...

    Hatiin natin sa long-term at fast yung solusyon.

    Fast solution
    1. Study the demographics of the Riding public - kung anong oras sila pumapasok, umuuwi at kung ano ano pa...
    ex. A. Students pumapasok ng 6AM umuuwi ng 5PM B. government workers pasok 7AM uwi at 5PM C. mall emps pasok at 9AM uwi at 6PM D. Etc
    Kita nyo ba san ngayon ang rush hour? So dapat solusyunan yan ng shifting na hindi magpanagpo sa 3 hours ang mga tao.
    2. Study the vehicle demographics of the riding public tapos pag-aralan kung anong best solution sa routing at schedule ng mga bus... sabihin natin ipagbawal ang mga kotse o kaya BUS sa EDSA at a certain hour...
    3. Ipag bawal ang paghinto sa ilalim ng SM Makati or at least 1 minute lang dapat ang hinto.
    4. Enforce strict traffic rules.
    5. Pag-aralan ang utilization ng mga alternate routes... Dito ipadaan ang mga private vehicles.
    6. May ticketing system ang pagdaan sa EDSA... sabihin natin ang BUS ay dapat 8beses lang sa isang araw makadaan dyan at pag ubos na ticket niya di na siya pwedeng dumaan pa... yung private vehicle eh 2 beses lang... Para kahit bumili pa ng 1000 libong sasakyan yung isang tao na umiiwas sa odd-even scheme... di pa rin makalusot.
    7. Ban setting up of new BPO\'s and other businesses inside Ortigas and Makati

    Long term solutions
    1. Better infrastructure - i close loop na yang MRT na yan at pagandahin... bat kasi pinutol pa nila...
    2. EDSA Widening
    3. 3-month course training for would be drivers
    4. Taasan ang sahod ng mga traffic enforcers para di na mangotong
    5. Phase-out buses, jeeps and trikes for a 10-year period (Palitan ng 2 Story Bus, trikes palitan ng Multicab)
    6. Decentralization of Industries and Businesses - give incentives pag nag set-up sa Provinces
    7. Force companies to give and adopt plans for a work at home setup - must be 10-20% of the companies workforce.

    Yang sa MRT... naipost ko na paano imodernize yan sa previous pages... dapat encourage ang pagbili ng electronic ticket dyan... less 10% sa Card based fare... at pag laging nadidisgrasya o nakakadisgrasya o kaya natitikitan yung driver eh wag na nilang issuhan ng licensya... parang nagbigay ka ng baril sa taong killer nyan.

    Etc... etc... etc...

    Gamitan lang ng utak at di mag pinpointing... ang tanong... mag sasacrifice ba kayo?


    Reposting
  • Force companies to give and adopt plans for a work at home setup - must be 10-20% of the companies workforce.
    Agree ako dito. Kayang kaya ng ibang trabaho kagaya ng sakin ang work from home. Masakit lang sa damdamin gawin kasi kina-count as VL yung mga work-from-home ko pag hindi ko na tinry pumasok dahil sa trapiko.

    Naisip ko rin yung idea nang forced different time schedule ng mga school at opisina. May 3 hour interval dapat ang start ng pasok ng mga yan. 7am yung isa, 10am naman isa. pati narin ang 4 day work / school week. Tapos yung isang araw sa 4 days na yan, walang coincident sa 1 day nung isang category

    -- edited by matchachloe on Aug 13 2016, 05:39 PM
  • Agree ako dito. Kayang kaya ng ibang trabaho kagaya ng sakin ang work from home. Masakit lang sa damdamin gawin kasi kina-count as VL yung mga work-from-home ko pag hindi ko na tinry pumasok dahil sa trapiko.

    Naisip ko rin yung idea nang forced different time schedule ng mga school at opisina. May 3 hour interval dapat ang start ng pasok ng mga yan. 7am yung isa, 10am naman isa. pati narin ang 4 day work / school week. Tapos yung isang araw sa 4 days na yan, walang coincident sa 1 day nung isang category
    Basta pag aralan lang at gawan ng tamang proseso... wala o konti ang magiging problema. Para kasing may iisang pintuan lang tapos angdami ng sabay sabay dadaan... traffic talaga.