Forum Topic

Bakit TRAFFIC lagi? Ano ang problema? Ano ang pwedeng solusyon?

  • nde naregulate ng gov ang pagdami ng mga sasakyan and nde naimprove public transpo

    Sa SG, halos lahat naman can afford ng new car pero pahirapan bumili dahil regulated ng gov nila

    Sa UK, andaming road taxes, congestion charges, etc kaya medyo mahal din mag-own ng sasakyan, plus maganda din transport system. Tsaka yung system ng pagkuha ng DL sobrang higpit, yung bf ng sister ko dun more than 25yrs ng nagmamaneho dito sa pinas as a responsible driver pero 2 beses pa rin bumagsak sa driving test dun :( may penalty pa nga sila pagbinitawan mo manibela kahit nasa traffic stop eh ehehe

    and kung may bungguan, magpalitan lang kayo ng details ng insurance and you can drive away na para iwas traffic.

    -- edited by Fargin on Nov 23 2016, 12:10 AM

    -- edited by Fargin on Nov 23 2016, 12:12 AM
  • Sa SG, halos lahat naman can afford ng new car pero pahirapan bumili dahil regulated ng gov nila


    Naku madaming magrereklamo nyan dito. Ayusin daw muna ang transport system.
  • While back reading i saw this post for a long term solutions daw. 3 month course din kaya kinuha nya?

    3. 3-month course training for would be drivers
  • Why is this issue being whined upon much too much on the news and by the some Metro Manila residents? It's actually only happening in a small part of the country and affecting a small portion of the populace too. Pressing issues should be commensurate with its impact on the whole population of a country.
  • ^13 million of the 100 million Filipinos but only 600 sqkm of the 300,000sqkm total land area. Plus the adition of new cars while abandoning the efficiency of mass transport system.
  • Post deleted #11815406
  • car loan ang dahilan kung bakit grabe ang trapik sa pinas
  • Post deleted #11815786
  • Post deleted #11815788
  • tama ka jan bro, sobrang baba na ng mga DP
    pati motor ganyan na rin nangyari

    kaya sana maipasa na yung batas sa mandatory garage eh :) yung kapitbahay namin 3 ang jeep pero walang garahe :(
  • Tama kayo dyan

    Tito ko nag wowork in UCPB Head Office Loans / Treasury unit

    According to him... A single bank branch approves an average of 10 car loans per day. isang branch lang yan?, and UCPB pa lang yan.

    How many banks do we have, how many branches do they have.....

    How many cars are bought?
    vs.
    How many cars are discarded / no longer used?

    result = Traffic
  • Tama kayo dyan

    Tito ko nag wowork in UCPB Head Office Loans / Treasury unit

    According to him... A single bank branch approves an average of 10 car loans per day. isang branch lang yan?, and UCPB pa lang yan.

    How many banks do we have, how many branches do they have.....

    How many cars are bought?
    vs.
    How many cars are discarded / no longer used?

    result = Traffic



    Unfair naman po sa mga kaka approve lang ng car loans kasi parang sila pa may kasalanan ng traffic.
    So yung mga naunang approve hindi kasama sa result = Traffic?
  • long term solution ang ginagawa ng Duterte Admin ngayon.


    binubuhay nila ang LRT papuntang Bicol...
    then sa tren na lang ibyahe mga kargamento papuntang probinsya.. bawas cargo trucks.

    yung ibang ahensya tinitignan na ilipat sa visayas at mindanao.

    yung malacañang tinitignan na ilipat sa clark.
    yung ibang airlines sa clark na lumalapag.

    madami pang iba.

    approved na sa 3rd reading ang 3.3 trillion budget, bulk nyan mapupunta sa infra.
    magta-trapik for 2-3 yrs dahil sa constructions... pero after that, hopefully guminhawa na ang kalsada.

    also pinapalakas din ang turismo at iba pang industriya at negosyo sa vis at mindanao, in this case, mababawasan na ang mga luluwas ng maynila.. at yung mga taga probinsya, pag nalaman na may trabaho na sa kanila, maari ng umuwi.. di hamak na mas masarap manirahan na kasama ang pamilya kesa makipag sapalaran sa maynila.

    makakamit nating lahat to... basta wag rally ng rally na nagpapasikip ng kalsada.
  • i think isa din sa nag palalaga imbes na makatulong is ang pag sikat ng uber /Grab..
    these ang main target lang nito nung una is yugn mga may existing car imaximize yung usage ng car via at iself drive mo on your idle ors pauwi, weekend etc.

    eh mga pinoy mahilig sa loophole ginawang alternative sa taxi. di nag sikuhaan ng kotse para isali sa business daw. ayun lahat nag kuhana ng kotse kahit mga no downpayment. result too many brand new cars on street
  • Tama ka jan pre, dapat ginawang condition ng uber/grab is yung may-ari talaga ang magmamaneho. sa isang kanto samin may nakaparada sa gilid ng kalsada bagong vios tapos may nakadikit wanted uber driver ehehe
  • Bakit TRAFFIC lagi?

    sya po kasi.
    sila po dahilan.
  • While back reading i saw this post for a long term solutions daw. 3 month course din kaya kinuha nya?

    3. 3-month course training for would be drivers
    Kaya nga walang disiplina kasi madali lang makuha yung licensya...magbayad ka lang 2k-4k eh meron na.
  • Post deleted #11893538
  • ipa implement and No Parking No Car Policy!
  • whoa! trapik pa pala akala ko neto solb na.
  • whoa! trapik pa pala akala ko neto solb na.
    Temporary pa lang solution yan boss.
  • Create a color coding scheme, people eventually got around it by getting a 2nd car, since its so easy to get one.
  • two cents ko sa problema ng trapik...

    1. BUS... BUS... BUSES...BUSESSSSS
    - Alisin na lahat ng Bus Station along EDSA. Ilipat lahat ng terminal sa magkabilang dulo ng EDSA. Alam kong operational na ung sa Alabang, kaya good start na un. Ilipat somewhere sa entrance ng NLEX. Perwisyo to sa mga umuuwi ng probinsiya, pero mas perwisyo sa araw araw na ginawa ng Diyos ang heavy traffic sa EDSA. We want change, we need to sacrifice, we need discipline.
    - Kung kaya... at kung kaya lang talaga, hawakan na ng gobyerno ang mga bus companies. Panigurado dami na namang aangal, at posibleng maging tampulan ng korapsyon kaya di natin masisisi ang mga tao. Pero kapag ang mga driver eh sumasahod ng regular ng hindi inaalala ang boundary, mas magiging kalmado sila sa trabaho nila at hindi laging "kelangan ko kumita ng extra" ang laman ng isipan.

    2. UNDISCIPLINED DRIVERS, TOO MUCH ROAD WEAVING
    - Nagmamadali umuwi? Nagmamadali kumita ng pera? Nagmamadali makapunta sa patutunguhan? Umiiwas maabutan ng rush hour? Regardless of the reason, you never own the road. Karamihan, mas iniisip ang sarili kasi nga naman, bakit nila iisipin ung iba. Mabagal ung nasa unahan ko? Overtake ako, madami akong dapat gawin para lang pagmasdan likuran ng sasakyan mo. Sisingit ako hanggang makakasingit, basta makapunta lang sa dapat mapuntahan sa oras na dapat nandun ako. Tama lang ung 3 month course for to-be drivers, pero dapat meron rin lang annual refresher course para sa lumang driver. Alam ko me bagong develop na program para dito, and it's a start.

    3. ILLEGAL PARKING
    - Need I say more? Marami nang ongoing efforts ang MMDA, kaya appreciate ung effort nila. But they can only do so much, nasa tao pa rin ang disiplina. Sa amin na lang sa may Taguig, magz-zigzag ka pag binagtas mo ung kalye kasi kabilaan ang naka-park. Kontrolado ba to ng MMDA? Hinde, hindi nila cover ang mga private subdivisions kaya talamak yan. Suggestion ko, kamay na bakal, kapag pinark sa labas, ipa-tow sa Munisipyo. Taasan ang penalty, at kung maaari wag ibalik kung hindi makapagpapakita ng paglalagakan ng sasakyan kapag sinoli sa may-ari.

    4. IPAGBAWAL ANG MOTOR/SINGLES SA EDSA
    - Hindi ko talaga gets to. I mean, the mindset when they got those motors in the first place was to displace themselves from traffic. Pero bakit dinadaanan pa rin nila ung EDSA? I get the point na me pupuntahan ka somewhere sa EDSA, kaya lang it adds up to the traffic more than it eases the convenience. Tanggalin na lang at kung pwede lang, i-limit na ung motor and car sales per year. Hindi na kaya ng kalsada, wag na natin parusahan pa.


    Linawin ko lang sarili ko. Wala ako kotse, wala ako motor, mountain bike lang. Commuter since I was college 15 years ago (do the math haha). I'm speaking from someone with a perspective of a non-driver, but know just enough on what the road is now and what could be done with it. Tulad niyo rin lang naman akong mareklamo, me naiisip na solusyon pero hindi alam pano isasakatuparan un.

    Naiinggit talaga ako sa SG. Halos waiting time lang sa mga intersections ang inabot kong trapik dun. Well organized transport system, good roads, disciplined citizens. Too much praise siguro being only a few days dun, pero sa ilang araw lang na un...it tells a lot. Di siguro perpekto, pero siguro isang bagay na un na pwede nating pagsimulan...


    Ang haba, sori na mga paps... hahahahaah
  • 4. IPAGBAWAL ANG MOTOR/SINGLES SA EDSA
    - Hindi ko talaga gets to. I mean, the mindset when they got those motors in the first place was to displace themselves from traffic. Pero bakit dinadaanan pa rin nila ung EDSA? I get the point na me pupuntahan ka somewhere sa EDSA, kaya lang it adds up to the traffic more than it eases the convenience. Tanggalin na lang at kung pwede lang, i-limit na ung motor and car sales per year. Hindi na kaya ng kalsada, wag na natin parusahan pa.


    Edi sana kotse nalang wag mo padaanin sa edsa or yung mga jeep or yung mga bus para mas walang traffic diba kasi 4 na motor katumbas ng isang kotse or 6 na motor sa isang bus. Parehas lang naman sila nagbabayad ng buwis diba so bakit hindi mo papadaanin sa EDSA? yung gitna nga lang dinadaanan nila eh. Too unfair for them.

    BTW, dapat magkaron ng time ang pagbaba at pagsakay sa mga jeepney or bus stations. Tapos taasan ang multa sa mga nagbababa at nagsasaky ng pasahero sa gitna ng kalsada,
  • naisip ko lang kasi kung susundin natin yan nabanggit mo, para na rin nating sinabi na dapat padaanin na rin ung mga truck sa EDSA kasi taxpayer din mga kumpanyang may-ari nun.

    anyway, ang point ko lang is a disciplined road system. apart from banning motorcycles sa EDSA, sana nga implement na rin na batas ung bawal ang kotse sa EDSA kung iisa lang naman laman.

    meron naman tayo in place at may mga gagawin pa so bakit hindi tayo makiisa. hindi naman dapat para lang sa atin, dapat para sa bansa ung mindset. might sound too patriotic with that, pero it all starts with discipline (and huge sacrifices).

    EDIT: Nagbackread onte, and un natandaan ko ung isa kong point na nalimutan kanina. Hikayatin magtayo ng business districts outside MM. Pwede simulan sa Bulacan, Rizal, Laguna then eventually move out further.

    -- edited by holyorders on Mar 30 2017, 05:20 PM
  • May idea ako, as a regular motorcycle rider in C5, instead of that idiotic motrcycle LANE na puno ng kotse at delivery van anyway, what about an elevated motorcycle LINE (about 2 feet wide) between the two rightmost lanes at sa gitna ng lanes ng flyovers at underpass? Walang LINE between transitions at intersections. Sawa na ako makipag patintero sa jeep at e-jeep tuwing biglang preno o kakabig na walang signal para magbaba ng pasahero.

    Another idea, ang delivery vans dapat nasa truck lanes na din. Ang lalaki/lapad na nila, truck na yan!
  • Take The Boring Company, Musk’s latest “hobby” aimed at banishing Los Angeles’ snarled traffic. On Apr 28, at a TED conference, Musk explained his proposal to deploy continuous tunnel-boring machines that link cities through a network of deep underground tunnels. The company’s promotional video shows vehicles zipping along city streets before stopping on car-sized elevators built into the pavement. Underground tracks whisk them off to their destination at speeds of more than 130 miles per hour (200 kilometers per hour) before depositing them back at the surface to finish the last leg of their journey. He wants to do all this for one-tenth of today’s costs compared to the estimated ?50 billion per mile price tag for Los Angeles’ new subway extension.


    <click here for link>
  • Main problem = big population,urbanize city pero less public transport.

    yung train gamitin na lang sana sa province area or sa cargo same sa other country
    Ex
    Maglagay ng MRT Alabang to Calamba link to airport. Sa airport na lang sobrang dami taxi dyan to cause traffic. Pag MRT link to airport ewan ko lang kung may traffic pa dyan.

    Mabuti pa mga mall magaling sa marketing alam nila pag marami na tao or malaki population lagay na sila mall. Dapat ganoon din pag alam nila malaki population,or urbanize city na lagyan na MRT kahit no gov subsidy para ma discourage ang na tao bumili ng car kasi may MRT na.

    Example:
    Alabang to Makati way- pag magdadala ka car magkano gas,tollgate,car maintenance - siguro 500+ gastos plus pagod + traffic etc
    samantalang kung may MRT kahit 100 or 200 pesos bayad siguro mag MRT na lang tao di pa pagod sa driving at iwas traffic

    Ang problem kasi mas gusto talaga nila traffic kasi malaki kita sa Expressway, road, gasoline,transport like car ,tax etc.
    For now ang GOAL kasi ay kita.

    Sa tingin ko marami na nakaisip nito kaya lang marami objection sa masasagasaan ng project.

    sa ibang bansa ang ginagawa nila yung mga province official nagbibigay ng marami promo benifits sa mga businessman , investor para lang maglagay ng business sa kanilang province.
    para ma decongest and City nila.

    -- edited by ke on May 19 2017, 05:58 PM
  • Marami pa namang solusyon dyan... di lang naman infra at pagbawal sa pagbili ng sasakyan ang kelangan dyan... actually madami akong naiisip na paraan...

    Hatiin natin sa long-term at fast yung solusyon.

    Fast solution
    1. Study the demographics of the Riding public - kung anong oras sila pumapasok, umuuwi at kung ano ano pa...
    ex. A. Students pumapasok ng 6AM umuuwi ng 5PM B. government workers pasok 7AM uwi at 5PM C. mall emps pasok at 9AM uwi at 6PM D. Etc
    Kita nyo ba san ngayon ang rush hour? So dapat solusyunan yan ng shifting na hindi magpanagpo sa 3 hours ang mga tao.
    2. Study the vehicle demographics of the riding public tapos pag-aralan kung anong best solution sa routing at schedule ng mga bus... sabihin natin ipagbawal ang mga kotse o kaya BUS sa EDSA at a certain hour...
    3. Ipag bawal ang paghinto sa ilalim ng SM Makati or at least 1 minute lang dapat ang hinto.
    4. Enforce strict traffic rules.
    5. Pag-aralan ang utilization ng mga alternate routes... Dito ipadaan ang mga private vehicles.
    6. May ticketing system ang pagdaan sa EDSA... sabihin natin ang BUS ay dapat 8beses lang sa isang araw makadaan dyan at pag ubos na ticket niya di na siya pwedeng dumaan pa... yung private vehicle eh 2 beses lang... Para kahit bumili pa ng 1000 libong sasakyan yung isang tao na umiiwas sa odd-even scheme... di pa rin makalusot.
    7. Ban setting up of new BPO\'s and other businesses inside Ortigas and Makati

    Long term solutions
    1. Better infrastructure - i close loop na yang MRT na yan at pagandahin... bat kasi pinutol pa nila...
    2. EDSA Widening
    3. 3-month course training for would be drivers
    4. Taasan ang sahod ng mga traffic enforcers para di na mangotong
    5. Phase-out buses, jeeps and trikes for a 10-year period (Palitan ng 2 Story Bus, trikes palitan ng Multicab)
    6. Decentralization of Industries and Businesses - give incentives pag nag set-up sa Provinces
    7. Force companies to give and adopt plans for a work at home setup - must be 10-20% of the companies workforce.

    Yang sa MRT... naipost ko na paano imodernize yan sa previous pages... dapat encourage ang pagbili ng electronic ticket dyan... less 10% sa Card based fare... at pag laging nadidisgrasya o nakakadisgrasya o kaya natitikitan yung driver eh wag na nilang issuhan ng licensya... parang nagbigay ka ng baril sa taong killer nyan.

    Etc... etc... etc...

    Gamitan lang ng utak at di mag pinpointing... ang tanong... mag sasacrifice ba kayo?


    Ilan kaya mangyayari dito?
  • Napapanahon ito. Ano na lang ang gagawin natin paano mapapaayos ang bagay bagay kung laging iintindihin ang reklamo ng lahat?