-
ceejaybassist917
on
29 Jan 23 @ 05:36 PM #
Anyone know a cheap managed switch? Kahit 4-8 ports lang, basta gigabit. Preferrably TP-Link. Pang home use lang naman so hindi ako naghahanap ng enterprise-level brands like Ubiquity or anything of that sort.
-
excelia
on
29 Jan 23 @ 10:07 PM #
Kaya pala parang mabagal yung ibang S'pore hosted sites mag-load. Parang may issue yata sa Singapore mismo. Experiencing some lags as well in Valorant SG server. Mukhang may SG datacenter na nagkaka-issue.
<click here for link>
-- edited by excelia on Jan 29 2023, 06:08 AM
-
taba
on
30 Jan 23 @ 06:50 AM #
@taba
Have you tried replacing your LAN cable?
try ko ngayon
-
taba
on
30 Jan 23 @ 09:11 AM #
@ccl2003 tama ka nga ang nabilhan ko dati ng cable niloko ako kase sani cat 6 hindi naman pala e
-
rapak
on
30 Jan 23 @ 11:17 AM #
True ba? 1899 unli is now 350Mbps? May nakapag align na daw via messenger.
looks about right... kase yung 2,699 nasa 600Mbps na eh.
san kayo ng info na ito?
-
KaYouBy
on
30 Jan 23 @ 11:33 AM #
Hi. Pahirapan po ba talaga magpa terminate ng account sa Globe?
1 month nako nagfile hanggang ngayon di nila maprocess laging nastuck sa system nila ang laging excuse pag pinafollow-up ko. Tapos pag singilan na ambilis bilis. E pag binayaran ko naman tutuloy sa next month yung billing kahit di ko na ginagamit.
-
ccl2003
on
30 Jan 23 @ 07:22 PM #
@taba
Nice. Buti naman at na-trace mo source ng issue.
-
taba
on
30 Jan 23 @ 11:35 PM #
@taba
Nice. Buti naman at na-trace mo source ng issue
@ccl2003 yes buti at kala ko na kelangan ko
(mapipilitan bili ng asus routers para sa multi wan input and failover functions lol sayang) na upgrade ng router... but happy i didnt spend that much hehehe
-- edited by taba on Jan 30 2023, 08:09 AM
-
jericvilla
on
01 Feb 23 @ 05:41 PM #
Hi, need help lang with bridge mode. Possible ba ang bridge mode with IPOE? Mostly na nasearch ko is PPPOE credentials. Nakapagsetup na ko before ng bridge mode using PPPOE, but sa friend ko na new install ang Globe, naka IPOE yung Encapsulation Mode nya.
-
excelia
on
01 Feb 23 @ 05:46 PM #
@jericvilla
Meron nakapag-bridge mode dito, need daw iclone din yung WAN MAC ng ONU. Few pages back yata yung nakapag-bridge.
-
ceejaybassist917
on
01 Feb 23 @ 06:20 PM #
@jericvilla IPOE is VLAN-based. Hindi mo na kelangan ng username and password para ma-configure yan. You just need to know what VLAN ID is your internet config, then configure it to bridge mode. Bind that config to LAN1, disable DHCP of your ONU, and you're done. You can now connect your 3rd-party router to LAN1 of your ONU.
This is the same with residential plans of PLDT. IPOE and VLAN-based din ang resi plans ni PLDT kaya no need ang username and password, VLAN ID lang need mong malaman.
-- edited by ceejaybassist917 on Feb 01 2023, 02:22 AM
-
joseph0829
on
01 Feb 23 @ 07:29 PM #
Hi. Pahirapan po ba talaga magpa terminate ng account sa Globe?
1 month nako nagfile hanggang ngayon di nila maprocess laging nastuck sa system nila ang laging excuse pag pinafollow-up ko. Tapos pag singilan na ambilis bilis. E pag binayaran ko naman tutuloy sa next month yung billing kahit di ko na ginagamit.
Plan upgrade nga system issue daw, pano pa kaya kung termination, Nakakatawa tong Globe
-
macgraydee
on
01 Feb 23 @ 08:39 PM #
Dati pinapunta ako sa globe store para magpaterminate ng old plan namin na Globe at home LTE. Less than 1 week na terminate na. Kaso 2020 pa yun. Nagbago na ba process?