Forum Topic

Car 101: Tips and FAQ Thread

  • Do not use impact drills or rotary hammers. :)

    Hehe, yun nga yung pumasok sa isip ko, yung malalaking hammer drill na may kabigatan, mejo effort mag buff ng roof lalo na kung walang step ladder
  • @evincar
    wala ser, pero pag may chance picturan ko, basta yun pics ni ser ninjababez sa loob ng oto yung shot halos ganun na yun sa advi ko.

    so far nakakadalawang portion pa lang ako, mga nasa 9inch x 9inch na hehehe 2 times ko pa lang naman ibinuff, tig 20mins per session kasama na preparation at linis after.
  • good day mga ser, question lang.,
    nakabili ko ng civic, ok naman lahat ng papel, OR/CR, Deed of Sale, Insurance (na expire last month).,
    1. recommended ba na ipa transfer pa sakin yung title?
    2. gano po kaimportante yung insurance ng sasakyan? ituloy ko pa ba i-renew?
    3. yung plate number nya is Z**-**5, (green plate). automatic ba na na pending na sa lto yung new plate
    nya na white and black once na renew na ng registration? pano malalaman kung available na sa lto?
  • wala ser, pero pag may chance picturan ko, basta yun pics ni ser ninjababez sa loob ng oto yung shot halos ganun na yun sa advi ko.


    @mynameisneo
    ibig sabihin bro, di wiper marks ang nangyari sa adventure mo; watermarks lang na napabayaan. :)
    which reminds me, after rainy season, linis ulit ako windshield and windows.
  • Hello! May tinitignan kasi kaming "07 na Vios. Anong known issues nang '07 na vios? G yung model niya :)
  • nakabili ko ng civic, ok naman lahat ng papel, OR/CR, Deed of Sale, Insurance (na expire last month).,
    1. recommended ba na ipa transfer pa sakin yung title?


    Yes, it is recommended and it is the right thing to do. But again, you decide.

    2. gano po kaimportante yung insurance ng sasakyan? ituloy ko pa ba i-renew?


    It is important but optional so up to you. If you have full insurance and got into accident, the insurance company will take care of repair and payments (minus your participation fee). Without full insurance, you pay for everything.

    3. yung plate number nya is Z**-**5, (green plate). automatic ba na na pending na sa lto yung new plate
    nya na white and black once na renew na ng registration? pano malalaman kung available na sa lto?


    Check the previous OR's. If meron P450 payment for license plate, it means nagbayad na yung previous owner. Contact the LTO branch indicated in the OR para malaman if available na.
  • Thank you sir dm,
    latest OR lang yung nasakin e., posible kaya na nung last renewal nya before this OR e nagbayad na sya? mandatory ba yun ng bayaran nung nag start magpalit ng plates?

    Question po ulit., ok lang ba na magkaiba yung date sa OR/CR?
    yung OR kasi is 5/12/17 and yung CR is 8/8/2016. kelangan ba irenew yung CR.,
    Sorry sa mga questions sir, bago lang sa mga papers and documents ng car.. hehehe.
  • Question po ulit., ok lang ba na magkaiba yung date sa OR/CR?
    yung OR kasi is 5/12/17 and yung CR is 8/8/2016. kelangan ba irenew yung CR.,


    Permanent na po ang date ng CR at hindi po siya nirerenew parang birth certificate ng car mo yan.

    CR means Certificate of Registration.

    Yung OR (Official Receipt) naman ay resibo po katibayan po na nagbayad kayo ng rehistro para sa current. Kaya nagbabago ang date nito.

    -- edited by Atari on Jun 25 2017, 07:49 PM
  • latest OR lang yung nasakin e., posible kaya na nung last renewal nya before this OR e nagbayad na sya? mandatory ba yun ng bayaran nung nag start magpalit ng plates?


    Posible but cannot confirm without the previous OR. Mandatory siya dati pero di ko sure kung kailan nag-start at kailan nag-end ng implementation.

    Question po ulit., ok lang ba na magkaiba yung date sa OR/CR?
    yung OR kasi is 5/12/17 and yung CR is 8/8/2016. kelangan ba irenew yung CR.,


    CR: Yung CR No. at CR date ay mababago kapag na-transfer mo na sa name mo ang car. Sa lower part ng CR, may makikita kang OR No. at OR Date. Ito ang permanent. Ito ang original date of registration ng car sa LTO. Parang birth certificate like what Atari said.

    OR: Mababago yearly tuwing renewal. Valid for 1 year lang ito.
  • Salamat ulit sa inyo sir DM and Atari.,
    Cheers!!!
  • @ninjababez
    tinanggihan na ng shop na nagdedetail to ser. na try na nila using buffing machine pero di na daw matanggal, sayang nga e kala ko madadale nila sa halagang P400 na usapan namin.
    baka nga pala bilhan ko na to ng buffing pad na kinakabit sa hand drill napapagod nko kaka buff hehehe
  • Dinala ko na sa mitsubishi casa yung kotse ko para i-consult yung maingay na brakes ko. Binaklas at niliha nila yung brakepads. Pero ayun, maingay parin talaga sa first 100-200 meters yung kotse ko pag mga at least 2 hours hindi nagamit (lumamig brake pads?)

    Makapal pa yung brake pads pero nakakainis talaga yung ingay. Any tips?
  • May matinong dashcam ba na mabibili sa halagang 1k to 1.5k? Or masyadong mababa yung budget? Nagsubok kasi ako ng 700 pesos sa lazada at sobrang pangit, sinoli ko lang din.
  • @netshark
    puro low quality china lang mga dashcam sa presyong yan papi. Pinaka maganda na siguro jan ay kung makaka-score ka nang SJ4000 (action cam ito) na second hand.
    Protektsyon naman yan para sa inyo din kaya taasan niyo na budget. Ok na ok ang Yi Dash Cam sir. Current user ako. Malinaw ang Video niya tapos mabilis pang makuha ang files papunta smartphone.

    @car gurus
    Nagtitingin ako upgrade sa Horns mga sir, una minamata ko lang Bosch EC6 or H3F nung nag-ikot ako sa mall at nagtingin sa youtube, parang gusto ko na mag Hella Sharptone or Bosch Europa. Advisable ba or parang mayabang na ang labas ko bilang G4 lang oto ko?

    Inisip ko rin mag DIY kaya inaaral ko pano magbaklas nang front bumper at mag wiring. haha
  • Yi dash cam na din nga kino-consider ko kung wala na mahanap na iba. Saan ka nakabili? Sa lazada din?
  • yep. lazada din. Yung chinese na updated firmware to english din binili ko. 3M pandikit niya kaya mura vs dun sa suction mount model na US
  • may nakagamit na ba dito ng 2in1 vacuum cleaner and tire inflator? any feedback kung okay?
  • Nagtitingin ako upgrade sa Horns mga sir, una minamata ko lang Bosch EC6 or H3F nung nag-ikot ako sa mall at nagtingin sa youtube, parang gusto ko na mag Hella Sharptone or Bosch Europa. Advisable ba or parang mayabang na ang labas ko bilang G4 lang oto ko?


    I suggest Bosch Europa Silver. I saw someone with Mirage, 2 pairs Bosch Europa Silver pa kinabit. Anyway, that is too much in my opinion. 1 pair is enough for any car.
  • +1 sa bosch europa silver.
    1 pair lang ok na. pero mas ok talaga kung kaya sya i-install just behind the grills para malakas talaga. nag-iiba kasi ang timbre nya kapag natatakipan na gaya ng bumper.
  • Langya nasira yung tint ko, generic lang naman to. Pero hindi ko alam na maling punasan ng basa yung tint ko from inside? kabanas kung kelan ako may out of town nagka leche leche tint ko,
  • Langya nasira yung tint ko, generic lang naman to. Pero hindi ko alam na maling punasan ng basa yung tint ko from inside? kabanas kung kelan ako may out of town nagka leche leche tint ko,


    That should not happen. I use Armor All Glass Cleaner spray for outside and inside glass. Baka may ibang cause ang pagkasira ng tint mo.
  • may nakagamit na ba dito ng 2in1 vacuum cleaner and tire inflator? any feedback kung okay?


    Bili ka ng separate. It will be cheaper in the long run. Plus sure ka pang magandang klase.

    For vacuum cleaner, I suggest Shop-Vac Micro. Small and powerful. Can use for house and car.

    For tire inflator, I suggest automatic digital type with LCD and preset memory.
  • That should not happen. I use Armor All Glass Cleaner spray for outside and inside glass. Baka may ibang cause ang pagkasira ng tint mo.


    Dapat ammonia free para hindi ma damage tint sa loob but kung mismong glass lang pupunasan ok lang kahit may ammonia. Not sure lang baka nakakasira ng pintura ng kotse kapag natalsikan ng may ammonia.
  • mga boss good dy po..ask ko lang po kung sino may v..s na 2***17 dito kung pede po ask yung sterior walang power on off talaga..?pag inistart engine open nadin sterio then ganun pag in off wala pag pintay mo engine ganun lang syempre mamatay talaga sterio.hehehe..ask ko sana kung meron sa inyo meron ng same unit...
  • .ask ko lang po kung sino may v..s na 2***17


    Vios 2017 ba? Bakit hindi mo ilagay ang buong model para hindi na hulaan kung ano tinatanong mo.

    Based sa mga nagamit ko ng car stereo, it will remember the last mode na ginamit mo. Example, if naka-on ang FM radio ng pinatay mo ang engine. Pag start mo ng engine, mag-play ulit ang FM radio. Pero if naka-off ang car stereo ng pinatay mo ang engine. Pag start mo ng engine, off pa rin ang stereo.

    Hindi ko sure if lahat ng car stereo ay ganito ang operation.
  • Yup Ammonia-Free ang Armor All Glass Cleaner ko.

    Select a glass cleaner that does not contain ammonia. Ammonia can damage the window tint over time, degrading it with each use. Many tint installers actually use ammonia products to remove window tint from glass, demonstrating why it’s not a good idea to use ammonia glass cleaners on your window tint.
  • hay katangahan, butas nanaman gulong ko dahil "bumalahaw" (ito daw tawag sa ganap kanina) ako kanina sa parking. gasgas pa bumper. shemay. malas. papatignan ko pa kung may natamaan ba sa buong structure nung gulong sa likod.
  • Yung alpine na gamit kong HU, ganun sa sinabi ni DM. 3 years ago ko pa binili.
  • Ginamit ko naman microtex quick detailer sa salamin, nun pinunasan ko nabakbak yung tint. Kamote ibig sabihin panget talaga nakabit sakin siguro after 5 yrs....

    -- edited by evincar on Jul 03 2017, 08:06 AM
  • Na pundi na ang Osram Night Breaker unlimited ko after 2 year and 6 months.

    Sulit ba ang span ng buhay? o masyadong maiksi?

    Anu masa-suggest nyong pamalit? I am eyeing sa Philips X-treme vision dahil sa yellowish kulay nito (semi all-weather). Hihirapan kasi ako sa Osram ko pag ka gabi tapos na ulan.

    Also, planning to upgrade my fog lamps to all weather na din.

    Any suggestion?