Forum Topic

Car 101: Tips and FAQ Thread

  • paano ba ma justify ang isang model to say it's another (gen)eration?
  • Normally new platform, inside and out. Like Toyota's TNGA, new Rav 4, Corolla, CH-R, Camry.

    The current model Vios is actually just a facelift, albeit a major one.

    Tingnan niyo din yung Elantra 2019. Facelift lang din yun ng current generation but super super facelift.

    -- edited by TheUninvited on May 23 2019, 10:05 AM
  • Toyota's case of new gen and facelift has an average of 5-year cycle

    1st year new gen
    4th year of new gen, facelift
    6th year new gen release
  • ^ most if not all of car manufacturers, ganyan ang cycle.


    follow up question ko (can't find a study/ article in Google), how often does Filipino car owners change their cars?

    nacurious ako as a first time car owner, gusto ko lang malaman para alam ko gagawin sa future. I understand that it may actually vary when it comes to decision-making like depende if car is loaned (casa or bank) or bought in cash.
  • ^
    Depende sa budget.. Hehe

    Mga officemates ko, usually every 5 years
    They consider car amort as part of monthly expense
    5 years loan for car purchase, then pag natapos, loan uli ng 5 years, and so on

    Ganito din dapat gagawin ko, pero i realized na mas masarap yung feeling na walang loan na iniintindi monthly
    Kaya nung natapos yung loan ko last year for the car, nag try ako magipon na lang muna pang cash for next purchase
  • Anyway, every 5 years na palit is quite logical

    Madalas kasi ang sasakyan, worry free for the first 5 years.
    More or less, pms plus battery pa lang ang gagastusin mo jan
    After 5 years, mejo nag start na maglabasan yung sira ng auto, madalas nag start sa underchasis repair since pangit ng kalsada dito satin

    Being first time car owner, malamang pagbili mo ng 2nd car, iki-keep mo muna yung 1st mo as backup car, then yung mga succeeding na bili mo, saka ka na magbebenta nung mas luma, just keeping 2 sa garage
  • @thanks aRTie sa idea. atleast alam ko na ano gagawin ko sa future. mag 1year pa lang sa May 30 car#1 and months old car#2 pero advance na agad inisip ko. balak ko pa naman keep ng 7-8years para masulit pero mukhang bago mag start ang 6th year, simulan ko na ibenta.

    balak ko ibenta, then ung proceed from benta, dagdagan ko na lang to buy another car in cash.

    -- edited by mmb101 on May 24 2019, 05:59 AM
  • ^
    yup, ganun nga rin mga officemates ko.
    yung napagbentahan, pang down or pandagdag sa down

    ako naman, parang nahihirapan ako mag let go ng sasakyan, lalo pa kung maayos pa naman

    assess mo na lang din by that time if need mo talaga bumili or mag upgrade
    laki rin kasi ng value na nawawala sa depreciation, lalo na bnew mo binili yung sasakyan mo
  • yes sir, brand new nga. kung ako lang sana masusunod before buying, oks na ako sa slightly used basta in good condition. kaso gusto ng family brand new so no choice.

    yan din naisip ko, depende sa situation in the next few years if it is still all good why sell unless di talaga makapagpigil, hahahaha. isa din sa naisip ko is sentimental value kaso walang forever and dadating ang time na need magLet-go. lol
  • Ganito din dapat gagawin ko, pero i realized na mas masarap yung feeling na walang loan na iniintindi monthly
    Kaya nung natapos yung loan ko last year for the car, nag try ako magipon na lang muna pang cash for next purchase

    true bro!
    btw takot din ako noon sumugal sa 2nd hand na auto.
    pero dahil sa mga tao dito, natuto ako mag kumpuni ng konte. tapos na realized ko, aside from checking the condition may 2 secret weapon ako ngayon while "browsing" 2nd hand cars.
    1. know what your buying, ibig sabihin alamin mo kung ano known issue ng auto. e.g. altis prone to oil sludge, dashboard issue etc.
    2. extra money (lots of it)
    bago ko binili itong 2008 altis na gamit ko ngayon, ang target ko talaga nasa 400k range
    so may 400k + 150k napagbentahan ng vios (pero latter part na ito kasi di ko naman binenta agad yung vios)
  • Parecommend naman trusted paint/body shop within QC mgs sirs, pagawa ko lang dent sa bumper ko, nagasgas sa pader, ang mahal sa casa e.
  • guys, any recommended repair shop (Bulacan or pwede din na QC area and wag na sa casa kasi out of warranty na and gusto ipaiwan ang oto). Yung Avanza kasi namin is naglleak dun sa 3rd row na malapit back pillar. ang suspicion ng ibang napagntanungan is yung rubber strip sa bubong ng kotse ang cause, baka di na daw lapat or wala ng dikit. so gusto ko sana sya patingin.

    Thank you!
  • Mga sirs, OK at legal ba na tanggalin na yung Conduction Stickers ng oto kapag meron na plaka?
    *New car with Licensed Plates
    *Hulugan pa sa banko

    Salamat po sa sasagot.
  • ^

    yep, i removed mine kasi nasira na rin overtime...
  • Inalis ko din Conduction Stickers ko right after I got my plates. Titigas kasi yan pag tumagal mas mahirap alisin.
  • After 1 year madaling alisin pa yung CS.

    Ready na ko with WD-40 and glue remover, pero na alis like a vinyl wrap.

    Baka higher quality na gamit nila hehe.
  • Ganito din dapat gagawin ko, pero i realized na mas masarap yung feeling na walang loan na iniintindi monthly
    Kaya nung natapos yung loan ko last year for the car, nag try ako magipon na lang muna pang cash for next purchase


    + 1
    Mas masarap sa pakiramdam talaga yung walang hinuhulugan, pero minsan nakakatempt din kumuha ng bago lalo magaganda mga lumalabas na oto. hehe. Pero iniisip ko pa lang yung monthly ammortization, parang nabibigatan na ako let's say kung 5 years to pay. Kelangan ng steady income para ma-sustain yung hulog.

    Ako as of now, mas prefer ko muna kumuha ng 2nd hand pero maayos pa dahil unang bagsak lang masakit sa bulsa pero later on mas maginhawa. Like example yung 2010 Honda City 1.5E na nakuha ko last Dec 2017 (taga dito din sa tpc nagbenta. hehe), hanggang ngayon wala pa ako pinagawa kundi wheel alignment lang, usual change oil, palit air and cabin filter, recently pinalinis ko lang AC, until now wala sakit ng ulo. May excess budget pa for minor modification sa aesthetics. hehe
  • ^

    Palagay ko depende sa preference na rin yan.

    Yung tubo naman na binabayaran mo pag nag auto loan ka is parang "convenience fee" na rin, kasi nandiyan na agad yun auto + wala pang problema + may warranty ka pa - which is hindi na rin masama kasi sigurado at least for 3 years, walang sakit sa ulo.

    So far yung City ko 4.5 yrs old na, malapit na rin matapos sa amortization, wala parin naman sira tsaka sobra reliable parin. Nakarating na ng Pagudpud, Baguio, Bagac, La Union, Pangasinan na walang problema :) - yun iba rito multiple times ko pinuntahan

    Kung i-cash mo naman tapos hindi naman ganun kalaki sweldo, abutin ka siyam siyam kakaipon.

    Overall, auto loan is for convenience talaga.

    Whereas pag nag 2nd hand ka, kelangan kasama sa budget mo yung repairs/replacements ng parts, plus you risk na tumirik ka sa kalsada - siyempre depende to sayo tsaka sa knowledge mo sa auto. If familiar ka siguro sa mga pasikot sikot, pwede rin naman.

    Meron ako ka opisina dati, puro 2nd hand kotse, nakaka 4-5 leaves siya siguro every year siguro sa sira ng auto niya lols. Tumitirik sa SLEX madalas.
  • Swertihan din sa pagbili ng second hand. Mas advisable kung sa kakilala mo yun binili at nakikita mo kondisyon. Depende rin kung gaano na edad nung bibilhing second hand car. All in all, less pa rin magagastos kesa sa ammortization plus PMS sa casa within those 3 years warranty.
  • ^

    Parang Russian roulette... well good idea na kumuha sa kakilala mo if you want assurance.
  • ano gamit nyong mounting sa Yi Dashcam? 3M adhesive or suction?
    sabi kasi nung iba maalog yung suction and mahuhulog yung cam pag bumitaw yung suction. Ano bang cons ng naka-3M? didikit sa tint?
  • ^
    ^

    merun sa shopee ung mount that attaches to the rearview mirror, natry q na ung 3M adhesive dati, sumama ung tint nung inalis ko. suction minsan naalis lalo na pagnabilad.
  • suction gamit ko sa Yi dashcam, pero bihira naman mahulog, linis lang ng salamin, re attached ko lang uli

    yan naiisip ko sa Brand New, hirap magbayad laki ng monthly unless well off talaga at maraming budget

    pero kung tama lang budget tapos kukuha ng brand new mabigat, tulad samin Innova halos wala pako pinalitan na major parts, shocks palang at ngayon timing belt papalitan ko. going 8yrs na, pero exterior gasgas at for repaint na talaga kasi faded na, interior wala ko masabi kasi talagang alaga at halos ayaw ko ng may kumakain sa Loob ng kotse

    Sa brand new kasi peace of mind talaga na hindi ka basta masisiraan

    -- edited by evincar on May 27 2019, 02:23 PM
  • Yung rearview mount din gamit ko sa Yi. 1yr na di pa din gumagalaw.
  • Guys, question, anong difference or may difference ba sa bayad pagdating ng toll gate exit if hindi ka dadaan ng Skyway? Every time we go South kasi, lagi kaming Skyway nadaan, nacurious ako kung hindi dadaan sa Skyway. Ayoko naman sumugal na sa baba ang daan without knowing what to expect.
  • ^
    around 45 pesos difference sir
  • ^ 1 liter of diesel lang pala difference. back to Skyway na lang pala, hehe. thanks sa info sir.


    add question: sa Address na 'to -- 5th Ave crn Rizal Dr, Bonifacio Global GF, Sunlife Centre; 1634 Taguig., saan may mura at malawak na parking space?
  • ^
    not necessarily faster sa skyway sir ha.. Lalo na sa part ng Magallanes and yung pa exit ng Airport/ NAIAX, nagbo-bottleneck dun madalas

    coming from BGC, almost always sa C5 then SLEX sa baba ako pinapadaan ng waze
    pag nasanay ka na sa baba, matututunan mo rin kung saan yung mabilis na lane and kung kailan kailangan lumipat
    advantage ng skyway though is wala kang kasabay na trucks


    re: parking, sorry hindi ko na kabisado sa part na yan
  • ^ thanks sir. naiask ko difference ng baba at taas ng Skyway kasi laging daan namin sa taas pag pauwi ng Bicol and early morning naman ang luwas namin Manila then pagpabalik Manila gabi na ang dating. this June uwi kami ulit Bicol, para iwas truck and kasama ko family ko, sa taas na lang ulit, hehe


    oks lang sir, mag ikot na lang ako dun makahanap parking, baka this Friday punta ako BGC, malamang heavy traffic kasi katapusan sahod, yare, hahaha
  • @mmb101

    I used to work for Sun Life (in that office particularly)

    Nearest and cheapest parking:
    1. Fort Victoria (entrance beside Family Mart) Covered/Basement - isang tawid lang ito from Sun Life - 50php for 3 hours, 20php per hour afterwards
    - Pag wholeday ako dito, 170 to 190php binabayaran ko noon
    2. One Bonifacio Highstreet Mall Covered/Basement - Libre ito (as of today) 10am nagbubukas, mahaba lagi pila but then again LIBRE
    - If plano mo magpark dito, dumaan ka lang sa 3rd avenue para di ka mahassle pumila doon ang dulo neto ay usually nasa Mind Museum area na
    3. (Parking near Honda BGC) Covered/Basement - fixed rate to 100 if you enter certain hour and exit on the specified hour - pero mura lang to afaik, di ko lang matandaan, nagpapark din ako dati dito.

    Cheapest parking:
    1. SM Aura - 50php for 3 hrs, 10php per hour afterwards
    2. Market Market - 50php for 3 hrs, 15php per hour afterwards