Forum Topic

Car 101: Tips and FAQ Thread

  • May nakita ako Pajero naman, nagfail sya sa unang test tapos retest sya kinabukasan. ayun nagpass. nakalimutan ko na yung fail nya
  • ^ This is just daylight robbery. Hindi makatarungan and the reinspection is not cheap,
  • Best siguro na i-timing na kakatapos mo lang mag PMS/Service tapos dalahin mo lahat ng resibo mo dun pag nag fail ka, pakita mo haha
  • ^yung nagdala nung Pajero, pinainspect muna bago nagpunta sa PMVIC. naalala ko, may pinahigpitan sya saka pumasa nung pagbalik.

    meron sya kasabay na Ford pero nagfail
  • Wow dami horror stories a. Kapag pala meron ka na irehistro na medyo malapit nang pang parts-out talagang bomalabs na.
  • para sa akin ok naman yan para malaman din natin lalo sa mga lumang sasakyan kung ok pa ba gamitin. at dapat tignan din ng LTO kung pwede habaan yung susunod na rehistro at hindi taunan ang pag renew. example nalang kung pumasa ang kotse dyan, sana gawing 3 years or 5 years yung sunod na renewal.
  • Papa register na din ako this May.

    For a 3 year old car, pass naman siguro without any sweat.
  • ^

    You don't say haha - alam mo naman satin, expect the unexpected.

    Nakakainis talaga yun 800 na reinspection fee. Kawawa naman yun iba.
  • target lang puro private vehicle eh.. may makikita kaya akong jeep or public bus sa PMVIC?
  • Feb 2018 ko nakuha sasakyan pero ending is 5.

    Kelan ako dapat rehistro? May nabasa ako dalawa beses pa rehistro, Feb 2021 dahil yun nakalagay sa or/cr. Tapos register uli sa May 2021.
  • ^

    Ganyan rin scenario sa Wildtrak ng nanay ko, April 2017 nakuha, pero ending is 8.

    September 2020 na kami nakapagparehistro, no penalties (gawa ng pandemic), pero dapat August.

    Best to check with LTO, tawag ka sa kanila or daan sandali. Kasi hindi rin ako sigurado haha.

    -- edited by gowueld on Jan 20 2021, 10:50 PM
  • Landcruiser VX 2017 nag fail daw sa PMVIC dahil sa Sound Test na ang resulta ay 650db hahaha daig pa bomba




    Maganda talaga yun intention, pero problema, tiyak incompetent yun mga nag iimplement at ginagawang negosyo lang
  • 655 db? mas malakas pa sa explosion ng atomic bomb yan? totoo kaya iyan?
  • sa wheel alignment fail ka agad, eh di naman maayos ang kalsada sa pinas
  • ^

    Hindi ko rin sure kung totoo, pero may picture sila dun sa FB page nung document na 655db talaga naka sulat
  • Mukang pinag iinitan yung mga mamahaling sasakyan.

    Dapat pala pag punta ko ng MVIC muka ako mahirap at maduming madumi ang oto labas at loob.

    Nakita ko din post ni James Deakin nasira yung AWD nung Subaru lol. What a disaster.

    -- edited by TheUninvited on Jan 21 2021, 10:55 PM
  • Ganadong ganado nanaman mga fixer nyan at mas malaki ang kitaan ngayon.

    Tapos mga jeep pasado antimano hahahaha lol

    Ganda ng concept pero olats nanaman sa implementation

    -- edited by razorjay on Jan 21 2021, 11:16 PM
  • @TheUninvited

    Kaya sabi sayo, wag kampante haha. Buti nalang hindi "1" ending ng plaka ko
  • post ko sa pdvd *me trying to be funny
    im all for it, pero sana walang palpak na taong gagawa ng inspection. na tipong "sir oem nyan may duck tail spoiler, wala po sa inyo. pakabitan nyo po retest tayo". pag tinuloy nila yan, malmang di na papansinin ng TE ang mga color coding violators. maghahanap nalang yan ng lumang auto at biglang maghahanap ng license and registration. mas malaki ang kikitain nila eh
    in short di na magmamando ng traffic LOL


    bro in short and sad to say di talaga tayo ready dyan. sana public transport pag praktisan nila, mas marami pa silang kikitain sa retesting doon .. garantisado hahaha


    -- edited by ninjababez on Jan 22 2021, 07:11 AM
  • ^

    Onga, kung seryoso sila sa safety, dapat inuna PUV and trucks.

    Sa SLEX palang, napakarami mga nag byabyahe na truck na wasak wasak gulong, lagi may debris sa kalsada. Saka sila yung mas malaki potential damage na magawa pag hindi condition yun mga sasakyan nila.
  • the F! seryoso ba di nila isasama sa check puv's?

    eh 9 out of 10 ata na taxi dito di papasa sa check na yan.
  • pagsinunod yan, marami talaga hindi papasa.
  • Mga boss saan po magandang mag pa undercoat?

    Which the best paint for undercoat
    1. Urethane Anzahl
    2. 3M paint and wurth

    Maraming salamat po

    -- edited by Squall_2798 on Jan 22 2021, 10:36 AM
  • ayun meron nagpass one time lang. Owner-type jeep
  • misleading daw yung landcruiser decibel issue: <click here for link>, inulit daw nila yung test FREE OF CHARGE at pumasa na.

    Bias siguro ako, pero kutob ko kung hindi to na-soc med, walang gagawin yung tester on their end. Dapat ilang beses sila kumuha ng noise levels tapos averaging na lang.
  • ^

    Aba dapat lang free of charge haha.

    Dapat nga ganito sistema

    Inspection fee 1800php
    Reinspection fee - free sa first na balik, succeeding may bayad na - this is to give chance and encourage the MV owner to take corrective actions

    OR better yet, magkaron ng halaga yun specific items na nag fail ka at yun lang babayaran mo na reinspection

    Masyadong buwaya yung 800 agad sa reinspection, pano kung sound test lang, does it really cost 800 to perform sound test?
  • road worthy ang sasakyan, pero ang roads ng gobyerno hindi vehicle worthy sa dami ng sira... alignment test pa lang FAIL ka na agad...
  • ^

    Agree. Part yata ng binabayaran natin sa renewal/registration ay "road tax"

    SLEX nga lang may mga mini humps eh - private owned pa ito haha
  • Inspection fee 1800php
    Reinspection fee - free sa first na balik, succeeding may bayad na - this is to give chance and encourage the MV owner to take corrective actions
    agree. baka mapigilan din basta mag bigay ng "Fail" si tester.
  • May standard checklist na ba na nilabas ang LTO kung ano ang icheck nila during inspection ng vehicle or dry run pa lang, sabi kasi ng kapitbahay namin nag parehistro kahapon sa LTO Muntinlupa eto lang mga chineck sa kanya.
    Lights,(signals,brake lights), wipers. Altis 06 model. Di daw tinignan ang gulong samantalang upod na yun 2 na nasa rear.