Forum Topic

Car 101: Tips and FAQ Thread

  • Good day! Mga paps, OT lang po.. Need some advice lang I have an accident happened yesterday. I just scratch the rear bumper of a car and He admitted naman fault nya din at nagulat sya kya napafull stop sya but sabi nya is Grab driver lang daw sya at di sa knya un sasakyan kaya naawa ko and since papasok din ko ng office kaya di ko na naantay yun enforcer then we have agreement nalang na papaayos ko since naawa ko. He just take picture of my license and get my number. ngaun nagtext na sya and pumayag sa repair shop na napili ko. But now He is demanding to cover the 1 day boundary and sa abala daw sa kanya. Which in fact, na ako din naabala sa nangyari at ako na nagadjust para sa knya sa sobrang minimal scratches lang and it can finish it by an hour sa shop by buffing or repaint. Imbes tuloy na maawa ko sa kanya is parang umabuso na sya masyado. Any advice mga paps on how to deal with it? Thanks in advance.
  • wag mo na replyan hehehhe

    but kidding aside, di mo kailangan i-grant lahat ng demands nya. yan ang reason kaya may insurance, para masettle lahat ng damages to/by your vehicle. lahat ng other settlements, as long as di agree ang both parties, then wala lang yun. kahit naman magka demandahan kayo wala pa din naman mangyayari, kasi nga your word against his lang yan.

    -- edited by tatlolagi on Feb 01 2023, 07:02 PM
  • ^^in the first place dapat safe distance siya sayo...
  • Kahit saang anggulo, ikaw ang at fault sir. Always maintain safe braking distance sa harap at the minimum. Unless ma-prove mo na nag-brake check siya sa harap mo, then all else, ikaw ang accountable.
  • ^
    +1 with khernitzz
  • Kaya yung auto namin namin may dash cam
  • Any updates ba sa process ng registration renewal sa LTO?
  • the usual pa rin punta ka sa LTO.

    pero may bagong system daw na online registration. di ko pa nababasa ang full process.
  • Tanong lang guys. Sa Pinas ba mas madami ang naka downpayment o mas madami ang fully paid na sasakyan?

    Nakikita ko kasi ang Networking na Frontrow na yan. Sasakyan pinag show off nila, pero nakakausap ko puro pala down payment tapos after few mos nahahatakan sila sabi nila.
  • ^ bakit nahahatakan? mahina na kita sa FR?
  • ^ bakit nahahatakan? mahina na kita sa FR?


    Oo diba bumagsak sila lalo na nung pandemic, nasa news. Madaming nahatakan din sports car.
  • redwarriors1994 Send Message View User Items on 03 Mar 23 @ 03:13 PM #
    Tanong lang guys. Sa Pinas ba mas madami ang naka downpayment o mas madami ang fully paid na sasakyan?

    if makikipag usap ka sa agents sa mga dealerships, mapapansin mo na mas "binebenta" nila yung installment. i have friends in 2 separate banks, and they confirmed na dumami yung car dealers na nag apply to be their partners sa pagkuha/pagbenta ng mga nahahatak na kotse.
  • if makikipag usap ka sa agents sa mga dealerships, mapapansin mo na mas "binebenta" nila yung installment. i have friends in 2 separate banks, and they confirmed na dumami yung car dealers na nag apply to be their partners sa pagkuha/pagbenta ng mga nahahatak na kotse.


    So mas gusto talga ng tao ang DP hehehe..salamat sa info po.
  • ^
    siguro it's a matter of mas capable ang tao magbayad ng monthly payments, compared sa mag pay in cash

    may nabasa nga akong article dati na average bank account of Filipino is less than 5k
    imagine mo na lang kung ilang percent lang yung may emergency fund
    and imagine kung iilan lang yung may extra na at least 500k pambili ng sasakyan in cash

    and kung business owner ka, kahit karamihan sa kanila kaya magbayad ng cash, meron jan na mas pipiliin mag financing
    pwede kasing paikutin yung pera and yung tubo lang yung ipapang shoulder nila na pambayad ng sasakyan
  • aRTie Send Message View User Items on 06 Mar 23 @ 11:45 AM #
    ^
    siguro it's a matter of mas capable ang tao magbayad ng monthly payments, compared sa mag pay in cash

    may nabasa nga akong article dati na average bank account of Filipino is less than 5k
    imagine mo na lang kung ilang percent lang yung may emergency fund
    and imagine kung iilan lang yung may extra na at least 500k pambili ng sasakyan in cash

    and kung business owner ka, kahit karamihan sa kanila kaya magbayad ng cash, meron jan na mas pipiliin mag financing
    pwede kasing paikutin yung pera and yung tubo lang yung ipapang shoulder nila na pambayad ng sasakyan


    ^this
  • baka may reco kayo nag iinstall car alarm, i have the old CODE ALARM brand, sadly hindi ma copy nagloloko na yung remote ko
    kahit linisin ko contacts bumabalik lang sa dati, ayaw na nag lock / unlock pero umiilaw yung remote . new batteries narin

    from toyota kasi tong code alarm around 11-12years na
  • ^
    siguro it's a matter of mas capable ang tao magbayad ng monthly payments, compared sa mag pay in cash

    may nabasa nga akong article dati na average bank account of Filipino is less than 5k
    imagine mo na lang kung ilang percent lang yung may emergency fund
    and imagine kung iilan lang yung may extra na at least 500k pambili ng sasakyan in cash

    and kung business owner ka, kahit karamihan sa kanila kaya magbayad ng cash, meron jan na mas pipiliin mag financing
    pwede kasing paikutin yung pera and yung tubo lang yung ipapang shoulder nila na pambayad ng sasakyan


    I agree naman po hehe..lalo na pag business.

    Ang tukoy ko lang medyo di ako agree sa mga nag DP kung hindi naman business purposes. Dagdag gastos lang siya if magiging luho lang ang kalalabasan hehe. Sakit sa ulo ng monthly ng kotse.

    Kasi if mag kuha ako car, balak ko talga full payment. Masakit sa ulo kasi walang mga warranty, which is okay lang para incase mawalan ako source of income, hindi ako mahatakan ba hehe
  • Mga Kasama,,

    Ano po advantage ng mas malapad na gulong? current ko kasi 175/60/r14 - okay ba palitan ng 185/60/r14? Salamat
  • ^ ako din hindi bibili ng car na hulugan kasi ang pagiisip ko diyan ay halos 50% more costly ang total payments mo pag hulugan (tama ba?). Habang yung sasakyan ay nagdedepreciate naman up to half its value by the time na tapos ka na bayaran. Parang double black eye.
  • Ano po advantage ng mas malapad na gulong? current ko kasi 175/60/r14 - okay ba palitan ng 185/60/r14? Salamat


    Better grip on road, at estetiks (ika nga ng gen z). yung size na binigay mo is negligible naman, +10mm on track width is fine, ang maganda diyan, sidewall increase, which is rougly 7.3%, malaking bagay yan. Ang possible downside naman is decrease in fuel economy.
  • Mamamali yung readings sa speedometer and odometer kung nagpalit ka ng wheel diameter. 175/60 to 185/55 will give you the least error in readings if you really want to "upgrade" to wider tires.
  • ako din hindi bibili ng car na hulugan kasi ang pagiisip ko diyan ay halos 50% more costly ang total payments mo pag hulugan (tama ba?).


    More or less 25% sa loan amount in 5 years, in effect around 20% ng total cost

    for a 1M car na may 20% cash dp, you'll pay a total of around 1.2M
  • better check the tyre size conversion for correct and less percentage of readings
  • ako din hindi bibili ng car na hulugan kasi ang pagiisip ko diyan ay halos 50% more costly ang total payments mo pag hulugan (tama ba?).


    kailangan mo lang taasan ang DP mo para maliit ang monthly. pwede mo rin babaan ang years of payment. sa pag bayad mo ng kotse on its first year, covered na agad yan ng 1 year insurance, 3 years warranty, 3 years LTO reg and plate issuance.
  • ^ ako din hindi bibili ng car na hulugan kasi ang pagiisip ko diyan ay halos 50% more costly ang total payments mo pag hulugan (tama ba?). Habang yung sasakyan ay nagdedepreciate naman up to half its value by the time na tapos ka na bayaran. Parang double black eye.


    Big Check.

    Basta business, ok lang DP talaga.

    Andami ko nakikita din na DP sasakyan nila pero ansakit ng monthly nila, tapos me iba na nangungutang na mismo sakin.

    Kasi if earning ka ng malaki, ibig sabihin kaya mo mag fully paid ng sasakyan na I think makakaipon ka mabilis para sa 250-400k na sasakyan.

    Ok lang naman pag me nasira ikaw mag papagawa, para sakin minor issue lang yun. Kesa monthly sumasakit ulo mo sa bayarin dahil sa luho, hindi business.
  • Kasi if earning ka ng malaki, ibig sabihin kaya mo mag fully paid ng sasakyan na I think makakaipon ka mabilis para sa 250-400k na sasakyan.


    hindi lahat. may tao na kahit mataas earnings, nagsettle pa rin sa amortization na kaya nila bayaran. kasi yung ipapangcash nila, ilalaan lang nila sa ibang bagay yun. kung ayaw mo talaga na may babayaran at gusto mo debt free, public transpo ang sagot. PERO, convenience mo ang tatamaan.

    -- edited by elman on Mar 06 2023, 06:30 PM
  • Kasi if earning ka ng malaki, ibig sabihin kaya mo mag fully paid ng sasakyan na I think makakaipon ka mabilis para sa 250-400k na sasakyan.

    if you are referring to buying used cars, then best option talaga is to buy it in cash
    malaki interest ng mga groups na nagfi-finance ng 2nd hand cars

    pero tingin ko marami pa ring mas capable bumili ng sasakyan ng financing vs Cash
    imagine an office worker na kailangan mag grab and gumagastos ng 500 or more everyday sa transpo. pwede na nila yun gamitin as monthly amortization for a small car
    hindi kailangan ng malaking bank account, reallocate lang ng daily na gastos
  • if you are referring to buying used cars, then best option talaga is to buy it in cash
    malaki interest ng mga groups na nagfi-finance ng 2nd hand cars

    pero tingin ko marami pa ring mas capable bumili ng sasakyan ng financing vs Cash
    imagine an office worker na kailangan mag grab and gumagastos ng 500 or more everyday sa transpo. pwede na nila yun gamitin as monthly amortization for a small car
    hindi kailangan ng malaking bank account, reallocate lang ng daily na gastos


    DP po ba ang sasakyan mo?
  • kung ordinary office worker ka lang parang mahirap bumili ng cash. sa amin puro DP at monthly payment lang. as long may pang monthly ka then ok lang. kasi medyo mahirap makaipon ng 2M ng mabilis.
  • DP po ba ang sasakyan mo?

    wala ako actually binabayaran ngayon na sasakyan..
    pero i bought 1 used car in cash, then 2 bnew cars thru financing

    if bibili ako ng sasakyan ngayon, i'd go bnew and financing pa rin, why?

    i have 2 senior parents na wala ng health card, both high risk sa covid and have other medical conditions
    me and my son both have asthma, high risk din sa covid
    i want to make sure na i have enough liquid assets incase of medical emergencies, kahit sabay sabay pa kami magkasakit

    anyway, yung mga ni-cite ko na example from previous posts are actual circumstances ng mga kakilala ko
    marami akong kakilala na kahit sa 20% dp pa lang ng sasakyan, hirap na, kahit earning somewhat decent salary na