Forum Topic

Mga taga-Accenture... Taas ang kamay! part2

  • ^ offer muna before requirements.
    Ganun naman ata lahat ng process saa IT Company

    -- edited by AeronRoot on Mar 24 2020, 11:53 AM
  • meaning ang job offer ay isang term narin ng job contract sa acn?

    ang alam ko kasi yung job offer doon nakalagay yung salary and package followed by the requirements to be submitted before the hiring date.

    sa job contract naman ay nandoon na naka-list yung terms and conditions, policies,bonds ng company na you'll be signing as their official probationary employee and etc.

    gusto ko lang ma secure yung resignation ko sa current company ko if in case na maganda yung offer sakin ni accenture. base kasi sa nababasa ko sa ibang forum matagal yung hiring process nila usually it takes 1-2months kahit in demand yung position na inapplyan mo. Mas important kasi para sakin yung job contract rather than job offer for me to move forward na sa bagong employer.
  • "matagal yung hiring process nila usually it takes 1-2months"

    depende kasi toh lalo sa project, isa sa reason na nakakapagpatagal is yung background check, may mga demand na walang background check needed at meron ding mahigpit ang background check, lalo sa mga experienced hire
  • ^ ang na experience ko naman sa previous company ko nag conduct sila ng background check during my on-boarding employment and standard naman ng background check nila from college credentials, my previous employment and community check.

    May portal ba si accenture na doon i susubmit yung mga credentials?
  • Post deleted #12291218
  • Update: Dumating na yung offer sakin. CL9 daw yung level ko based sa assessment ng Tech Lead and Technical Director na nag interview sakin. Nasagot na din yung tanong ko after ko mag sign ng JO proceed na agad sa contract signing.
  • ^
    ^
    CL9, wow team lead na yun ah
  • Wala pa ako idea with regards to complexity, roles and soft skills of cl9. Nag consult ako sa tropa ko na may gf na ex accenture. cl9 pababa daw lapitin daw to ng tukso lol (kidding side lang niya).

    Not sure anong tools yung ginamit na assessment sakin nung dalawang manager na nag interview sakin. Casual lang din yung usapan namin. From basic concept to technical concept pati best practices. Kapag hindi ko alam yung tanong nila naging honest lang ako na i need to improve on this area blah blah.


    Dilemma ko ngayon waiting pa ako sa isang job offer sa kabilang company at may 48 hours lang ako for me to sign the acn JO. Isa pa dilemma ko kung safe ba ko mag resign sa current company ko dahil sa COVID-19.


    Ang peg ko sana kay acn na after ko mag contract signing if possible na mag start yung 30 days notice sa current ko after ko magpasa ng requirements at i notify nila ako na walang pending sa requirements ko. Pwede kaya to or sila talaga magbibigay ng start date ko?
  • ^ congrats @monsterbaker
    Haba na pala ng thread...

    nice. same tayo ng level :).. though sa ETL side ako.
    Hope you can decide well.. hirap dumiskarte dahil sa covid.. hirap papirma clearance. haha


    sila mgbibigay start date,, ganun yung exp ko.. bale nadiscuss sayo yung offer through phone? tapos ask ka kung kelan ka magSign ng JO. sakin kasi nasabi na din dun kung kelan ang start date nung call palang..
  • Salamat dude. Saan office mo? Pinirmahan ko na sa wakas then need na ulit asikasuhin yung mga requirements. Tentative na onboarding ko sa May 11 pero depends parin kung ma extend yung enhanced community quarantine.
  • ^ BGC ako sir.
  • Same pala tayo. Walang malapit na karinderya sa area kaya purgahan na naman sa fastfood.
  • Same pala tayo. Walang malapit na karinderya sa area kaya purgahan na naman sa fastfood.


    hahaha.. ang layo na ng 7th flr sa Ecotower
  • sino na malapit ang start date? tinawagan na ba kayo for update? nakasufficient na ba lahat ng requirements nyo?
  • pag malapit na start date, alam nyo ba kung ilang days bago iupdate. kinakabahan ako hahaha baka maghost na naman ako ng employer.
  • Ako sir sa Apr17.
    Kulang pa ako ng requirements. Hindi ko pa maasikaso due to ECQ. Ikaw po ba?
  • Inupdate ka na ulit ng onboarding team o hindi pa? sa april 10 ako kaso wala pang update sakin
  • Wala pa update sakin sir. Haha. Complete requirements kna?
  • oo, complete na kaso di pa nila chinecheck ata hanghang ngayon
  • ah pwede mo makita status kung nacheck na sa site na binigay satin.

    Next week na pala start mo. update mo kami paano magiging process.
    Pero ako tinawagan ako, baka cancel na daw muna yung NJO dahil sa ECQ, so baka Monday na start ko (Apr20)..
    Baka ganun din sayo. Follow up mo lang yung nagpapirma sayo ng JO.
  • hindi pa nga din yung iba. nagfollow up naman ako sabi sa onboarding team daw ako magtanong. hindi naman nagrereply yung mga number nila
  • Share ko lang,

    Lahat ng need ko pirmahan thru digital signature nalang tapos need ko parin siya ipasa yung mga pinirmahan ko sa cybergate kapag physically onboard na ko.

    Waiting nalang sa tawag onboarding team para sa next requirements.
  • Nice nice. ????????
  • magkano offer dito sa accenture kahit salary range lang.
  • Kinausap ako ng manager namin yung February na isa ako sa maroroll off sa project dahil daw sa management decision. Sa ngayon naghahanap ako ng project na pwede sakin sa ngayon may tumawag na kaso wala pa din balita. Hanggang MAY 31 nalang ako sa team namin. Baka may kakilala kayo na project na may bakante. Salamat.
  • molavydez Send Message View User Items on 04 Apr 20 @ 10:18 PM #

    magkano offer dito sa accenture kahit salary range lang.


    Depende sa magiging resulta ng interview mo kung ibibigay ba yung expected salary mo.
  • Sino dito start ng NJO is April 24? ASE here tagged under Application Developer.
  • ah pwede mo makita status kung nacheck na sa site na binigay satin.

    Next week na pala start mo. update mo kami paano magiging process.
    Pero ako tinawagan ako, baka cancel na daw muna yung NJO dahil sa ECQ, so baka Monday na start ko (Apr20)..
    Baka ganun din sayo. Follow up mo lang yung nagpapirma sayo ng JO.


    Sufficient document na nakalagay sayo sir? at Kailan ka tinawagan? Lapit na rin ako pero wala pa nag ccheck ng documents ko kahit complete.
  • Post deleted #12292652
  • Kinausap ako ng manager namin yung February na isa ako sa maroroll off sa project dahil daw sa management decision. Sa ngayon naghahanap ako ng project na pwede sakin sa ngayon may tumawag na kaso wala pa din balita. Hanggang MAY 31 nalang ako sa team namin. Baka may kakilala kayo na project na may bakante. Salamat.


    question lang sir, meaning eh matatangal ka kahit permanent ka?