- Post deleted #12202269
-
Xstriker00
on
23 Feb 19 @ 09:30 PM #
Anyone here na naga dorm lang? Sama nyo ako haha. Naga hanap ako ng malilipatan. ????
-
steventomas
on
04 Mar 19 @ 03:30 PM #
Hello ask ko lang po ano pong dress code ng SSA sa mga nakakaalam? (software engineer analyst) bali start ko na ng bench sa wednesday sa uptown tower 3. Thanks sa makakasagot!
-
chekot_the_great
on
04 Mar 19 @ 04:20 PM #
^casual lang yan. Maliban na lang kung haharap ka sa mga clients at may important meetings with the “Management” dun mo kelangan mag formal at dress up. The rest, nahhhh just your usual jeans lang.
-
MadK1NG
on
04 Mar 19 @ 06:04 PM #
@steventomas
Jeans and polo-shirts lang okay na. Sa GlobalOne Bldg. Pwede kami mag T-Shirt basta naka Jacket. HR mismo nag sabi samin
-
PTBAF
on
05 Mar 19 @ 02:11 AM #
Pwede ba mag IJP pag bagong promote lang?
-
steventomas
on
05 Mar 19 @ 10:44 AM #
Salamat po sa mga sagot! (-:
-
java051997
on
05 Mar 19 @ 05:51 PM #
Fresh grad here.
Nagtake ako ng exam sa accenture.
Normal ba na kapag hindi ka pumasa sa abstract e di ka natutuloy sa 2 set of exam?
Ganito kase nangyare sakin. Assessment palang BAGSAK na ako.
I dunno kung system ang may problem. Well dalawa kame naka exp ng ganto. yung iba nakapag take ng english and personality tests.
Sakit lang ng nangyare.
-
EarlOfMillenium
on
05 Mar 19 @ 06:39 PM #
^ That's normal sa mga hindi pumasa sa first exam.
-
chekot_the_great
on
05 Mar 19 @ 06:42 PM #
Sakit lang ng nangyare.
okay lang yan. learn from experience ika nga nila.
Gusto ko na talaga bumalik sa dati kong work. Ung nilipatan ko ngayon puro ako error. nahihirapan ako mag adjust. ibang iba hayz
-
EarlOfMillenium
on
05 Mar 19 @ 06:51 PM #
Ano ba dati mong work?
-
steventomas
on
05 Mar 19 @ 07:33 PM #
Hello po huhu sa eastwood project ko pano ang commute if galing taft vitocruz or makati?? Salamat po madami
-
java051997
on
05 Mar 19 @ 10:19 PM #
Di ata para sakin si Accenture.
Well first choice ko talaga sya dahil sabi ganda raw trainings.
Ano pa ba mga top IT companies dito sa pinas. Accenture lang tlga matunog e.
Try ko magapply. Huhuhu Accenture. Why o why
-
EarlOfMillenium
on
06 Mar 19 @ 12:17 AM #
Ano pa ba mga top IT companies dito sa pinas. Accenture lang tlga matunog e.
IBM
DXC (Dating HP)
Tata Consulting
Fujitsu
Hello po huhu sa eastwood project ko pano ang commute if galing taft vitocruz or makati?? Salamat po madami
Sa may triangle, may dumadaan (daan lang walang terminal) na UV papuntang Marikina sakay ka dun baba ka ng Eastwood. Pagbalik may UV din na dumadaan lang ng Eastwood papuntang Ayala pero may oras.
Pwede din LRT1 Vito Cruz -> LRT1 Edsa -> MRT3 Edsa -> MRT3 Cubao -> Jeep Rosario/DeCastro baba ng Eastwood/Citibank
LRT1 Vito Cruz -> LRT1 D Jose (? not sure anymore) -> LRT2 Recto -> LRT2 Gateway Cubao -> Jeep Rosario/DeCastro baba ng Eastwood/Citibank
-
cerseilicious
on
06 Mar 19 @ 11:40 AM #
Hi. Start date ko na sa March 29. Kaya lang wala pa yung coe ko sa isang company. Pero nag provide na ko ng letter of explanation bakit wala pa. Tinanggap na nila kasi naka disabled na siya. Tapos hinihingian pa rin ako. Nakalagay na sa LOE ko lahat ng dahilan at alternative contact ng HR manager sa dati kong company for verification. Mauusog pa din kaya start date ko?
-
superbon
on
06 Mar 19 @ 11:40 PM #
Mga sir meron ba dito nakaka alam ng sakayan pag galing ka ng Pasig via Shaw Boulevard corner Pioneer papuntang Cybergate? May sakayan ba ng Tricycle dun and how much? Iiwasan ko lang yung MRT or EDSA sa biyahe.
-
blip09
on
07 Mar 19 @ 11:14 AM #
Mga sir meron ba dito nakaka alam ng sakayan pag galing ka ng Pasig via Shaw Boulevard corner Pioneer papuntang Cybergate? May sakayan ba ng Tricycle dun and how much? Iiwasan ko lang yung MRT or EDSA sa biyahe.
From Shaw Blvd, lakad ka ng 2 blocks papuntang William St. May terminal ng tricycle na color red dun. Yung route nila is from William St. to Robinson's Forum. Minimum fare lang yung singil nila (di ko na matandaan kung magkano)
-- edited by blip09 on Mar 07 2019, 07:23 PM
-
java051997
on
13 Mar 19 @ 06:32 PM #
Guys from acn.
Example mag wwork muna ako sa ibang company as an entry level soft developer.
tapos after 1 year ttry ko ulit mag apply sa Accenture. Pero as software engineer , hindi yung associate. Ppwede kaya yun? Gusto ko talaga dito e
Salamat
-- edited by java051997 on Mar 13 2019, 06:33 PM
-
djdiaz
on
13 Mar 19 @ 07:47 PM #
Usually and ideally, may mga skillset, years of experience at salary range per level sa industry. So kung pasok ka sa items na yan for the level na target mo, yes pwede yun. Although medyo questionable yang 1 year..
-
EarlOfMillenium
on
14 Mar 19 @ 12:55 AM #
^Mga student ko sa bootcamp na may 1 year exp ASE pa rin ang inoffer.
-
java051997
on
14 Mar 19 @ 01:11 AM #
Ah ganun pala yun.
Pero may kakilala ako matindi. 1 year lang exp pero pag punta sa ACN, senior se na agad. Pero iba rin kase resume non daming certificates at sa microsoft sya nung student palang.
Anyway,
Iba ba talaga kapag sa Accenture ka nag start ng career mo?
Hindi ko alam saan ako magsstart ng career ko.
-
EarlOfMillenium
on
14 Mar 19 @ 05:07 PM #
Sabi ng mga HR na nagiinterview sakin iba daw talaga pag sa Accenture ka nagsimula. Yung common nilang sinasabi sakin mababa daw talaga magpasahod ang Accenture. :D Kaya daw expected na nila yung mga x2 yung asking or x2.5 na asking.
-
chekot_the_great
on
14 Mar 19 @ 05:11 PM #
Anyway,
Iba ba talaga kapag sa Accenture ka nag start ng career mo?
Trainings...you get a lot of trainings.
Pati working environment talagang digmaan. Bihira na lang ata ang petiks ngayon na project.
Kaya daw expected na nila yung mga x2 yung asking or x2.5 na asking.
Truth. Isa ko sa mga patunay hehehe
Lipat na kasi, alam ko x3 ka na eh hahaha
-
EarlOfMillenium
on
14 Mar 19 @ 05:14 PM #
Hindi ko pa maiwan tong project ko. Andaming trabaho at deadline pero ayaw magonboard ng tao. XD bahala sila pag bigla ako umalis.
-
CooKaLang06
on
14 Mar 19 @ 05:44 PM #
Hi ACN folks, meron ba ditong mga taga PCS? Anu anu ba ang expectations or workload dito? Okay ba ang setup/ environment/ people? How about yung mga bonuses? Feedback naman guys. I'm considering this opportunity sana.
-
EarlOfMillenium
on
14 Mar 19 @ 06:32 PM #
PCS - Project Control Services. Ang alam ko lang sakanila ako nagpapa assign ng task/bucket for workload XD
-
lolli111
on
14 Mar 19 @ 06:36 PM #
ano po salary range ng SSE ? :)
-
about_us
on
14 Mar 19 @ 09:40 PM #
Guys anong pinagkaiba ng team lead vs dev lead vs senior software developer ? At alin ang pinkamahirap dito? Currently kasi, I was a junior to mid level developer sa previous company ko, at never pa akong nagtake ng leadership role. Hindi ko lang sure kung kaya ko ang trabaho ng dev lead at team lead. Iyun kasi yung position na most likely ibibigay sa akin.
-
java051997
on
15 Mar 19 @ 07:39 AM #
SSE nasa ~40k yan.
Based sa mga babasa ko
22k na ang ASE
31k naman sa SE
Tapos 43k sa SENIOR
Sarap ng sahod hehehe.
Plus 10k++ per level sa mababang position.
Per year ba ang promotion sa Accenture? Lalo na kung bibo at straw ?
Gusto ko tlga dito kaso wala na bobo ako sa exam . Pero lesson learned naman na. So September pa ata ako makakapag re apply :(
Ano advise nyo saken . I have freelance work naman kaso gusto ko na sa corporate world
-
lolli111
on
15 Mar 19 @ 01:12 PM #
^
below market value talaga tong si accenture. :( di ko na tinuloy ang pagbalik ko.
anyway, depende. pwede ka yearly mapromote basta bibo ka at lagi ka nagjojoke sa manager mo. kahit bobo, basta sipsip, goods yan :D. saka sali ka dun sa GP2W. gupit gupit ka lang, maging artistic ka lang mappromote ka heheheheh
di ko na alam pano exam ngayon e. pero dati may timer 3mins lang, more on IQ,abstract. review ka lang ng ganun. basta wag ka tatagal sa isang tanong.
alam mo goal ko nga yang work mo. freelance. nakakastress bumyahe sa work araw araw jusko po. suko na ako. sa ngayon home based job hinahanap ko. palit na lang tayo ? hahaha