Forum Topic

Converge ICT Fiber ISP Thread (never ever hard reset your modem and refer to page 1 for FAQs)

  • Internet up and running, LOS blinking light resolved as of 7:15pm aug 17, 2019 Pembo Makati
  • @jonelrn21

    may pumuntang technician sau boss. or may tumawag or naayos nlng basta?
  • Available parin ba PLAN 35mbps ni Converge?
    Balak ko magswitch sana kung available pa.
  • @milton345

    Wala po. Bigla nalang nawala LOS blinking light then internet successfully connected
  • @techmigs25

    Wala pong Plan 35mbps ang converge. Ang meron po, Plan 25mbps. Kaya lang po naging 35mbps yun ay dahil nagkaroon ng promo ang converge dati na add 10mbps to your current subscription for additional 99 pesos. Pero tapos na po ang promo na yan.
  • dalawang agent na nakausap ko. parehong wala akong napala. yung una may account number na daw. pero hanggang dun lang. so lipat ako sa kabila. ayun di na sumagot after kong sabihin yung address ko.

    di man lang magsabi kung di serviceable yung area or whatnot. parang ang bastos lang kausap. saan kayo nakakuha ng agent na naghandle ng account niyo?
  • Check your application status.

    https://iconverge.convergeict.com/application/check-status
  • @GENTLEMEN Thank you sir! Resolved na po yung issue ko. Bale nagdownload ako ng bagong update para sa TPLink C7 AC1750 router ko and then binago ko yung DNS ko from default to Cloudflare DNS, both sa router and computer ko. Same din ang ginawa ko sa phones namin sa bahay.

    Guys, may tanong ako. Isang LAN port lang ba talaga ang gumagana sa modem? Balak ko kasi na bumili pa ng isang router para lumakas ang coverage namin sa bahay. TPLink din sana ulit para ma-utilize namin yung OneMesh technology nila. Sabi kasi sakin ng nagkabit ng internet namin ay 1 lang ang gumagana (LAN port 1) tapos kapag balak namin gamitin ang other LAN ports, tatawag daw kami sa Converge para buksan ito tapos magbabayad after . Totoo ba yun? Salamat
  • ^ ilipat mo lang ung yellow cable sa ibang port para ma-test kung gumagana ba lahat.

    Lahat ng port gumagana saken.
  • @serotonin

    ah kumagat ka na agad sa firmware update sa C7? paps anu bago sa web UI pascreenshot naman

    Regarding mesh, ung susunod na TPlink na bblin mo ikakabit sa unang TPlink, ndi direcho sa modem.
  • meron na ba dito naka-converge around San Pedro Laguna area?
    hingi lang sana ko feedback..

    thanks
  • @avoid1104 So far, maganda naman, Pacita 1 Phase 1B area.

    Pansin ko lang minsan tuwing gabi, medyo bumabagal. Pero wala naman problema sa akin kasi hindi naman ako nag-o-online tuwing gabi kasi tulog :)

    Around 9PM ito nangyayari, pero nitong nakaraan linggo, OK naman sa mga ganun oras (9PM), except lang noong Saturday morning (5AM to 1PM) kasi meron talaga problema noon ng buong system yata ng Converge.

    Dito sa malapit ko, konti pa lang nagpapakabit. Ito mga kapitbahay ko hindi pa makalipat sa Converge kasi naka-locked in pa sila sa PLDT. Fortunately, ako, since 2015 pa hindi na ako nag-renew ng contract sa Telpad plan ko kaya madali lang ako nakalipat sa Converge.

    Overall, malayong-malayo ang bilis ng connection ng Converge compared to PLDT DSL. Mabilis din ang application via agent at installation.
  • Parang ang bagal ng converge kapag ganitong oras.




  • Getting consistent less than subscribed speed. Masambong, SFDM, QC area.
  • Its been a week since our switch to converge and I can rate it as "meh" True it is faster but the ping times gets horrible from time to time. For example right now, our ping times is around 80-110ms and its unplayable in games like league due to "delay" feeling specially on your skill shots.

    Isa pa, ano kinalaman ng CGNAT ip sa bridge? Kase need ko i bridge ang amin pero iba ang purpose ko. My purpose is to "offload" the processing to our dual core router. Kase pansin ko hilig ma 100% ng cpu usage nitong huawei router, causing me problems. Di naman porket CGNAT ka eh di na pede I bridge ung router, there are users like me na gusto lang is mag karoon ng more capable na modem para sa lugar namin kesa sa router ng converge kase tong router ng converge is so underwhelming for me. Di naman for Portwarding or DDNS.

    Kase kung icoconnect ko lang ung second router sa modem ng converge, eh since di naman nakabridge ung router ng converge, mag proprocess padin yon, adding more ping times pa nga kase imbes na ung router mo na mas malakas na mag hahandle, makikisawsaw pa itong router ng converge.
  • @Deivu

    Its been a week since our switch to converge and I can rate it as "meh" True it is faster but the ping times gets horrible from time to time. For example right now, our ping times is around 80-110ms and its unplayable in games like league due to "delay" feeling specially on your skill shots.

    Isa pa, ano kinalaman ng CGNAT ip sa bridge? Kase need ko i bridge ang amin pero iba ang purpose ko. My purpose is to "offload" the processing to our dual core router. Kase pansin ko hilig ma 100% ng cpu usage nitong huawei router, causing me problems. Di naman porket CGNAT ka eh di na pede I bridge ung router, there are users like me na gusto lang is mag karoon ng more capable na modem para sa lugar namin kesa sa router ng converge kase tong router ng converge is so underwhelming for me. Di naman for Portwarding or DDNS.

    Kase kung icoconnect ko lang ung second router sa modem ng converge, eh since di naman nakabridge ung router ng converge, mag proprocess padin yon, adding more ping times pa nga kase imbes na ung router mo na mas malakas na mag hahandle, makikisawsaw pa itong router ng converge.


    Same issue with me bro. Their modem-router isn't capable to handle all the load we're giving it. We're not even maxing the bandwidth we have.
  • yep, basta pumatak na 9pm sa akin, basag-basag na ping ko sa mga games, may mga rto pa. Back to normal kapag 12am onwards, 2 weeks ko na napapansin laging ganito.
  • ganyan sakin dati nung mga first 2 weeks ko sa converge. if im not mistaken, nagpost ako dati ng ganyang problema dito sa thread.

    from pangasinan here..
    nung late june lang ako nagpakabit. ang gara ng connection ko nung mga first few days tapos bigla nagiging lagapak kada mga 8-11pm, less than 5mbps lang lumalabas. pag bandang 12mn na saka lang balik sa 25mbps.
    pero nung nireport ko yan sa mismong agent na nagapplyan ko, naayos naman after 2-3 days. siguro nasa experimental stage pa lang sila samin that time kasi bagong bago pa lang converge dito sa area namin. yan din sabi ng kaibigan kong long time converge user na sa pampanga.
    nagreport pala ako sa website nila noon pero after 2wks saka lang sila nagreply. lol!
    so far wala na ako naging problema after nung time na yun.
  • yep, basta pumatak na 9pm sa akin, basag-basag na ping ko sa mga games, may mga rto pa. Back to normal kapag 12am onwards, 2 weeks ko na napapansin laging ganito.


    Same din samin ngayon, naayos na yung issue na to a year ago, then naputol yung cable namin sa box na pinagkakabitan namin sa labas.
    Ang nangyare is nilipat kami sa mas malapit na NAP box, tapos eversince laging maraming RTO at high latency buong gabi. Yung Netflix hindi pwede magamit at yung ibang streaming sites hindi talaga naglload.
    Usually nangyayare to simula 7-8pm tapos yung ayos 12am na lagpas.

    Isa pa sa problema nila CGNAT sila at Dynamic yung IP so hindi ako makapag port forward kahit kailan.
    Di na ko umaasa sa maayos nila to since "Tipid" sila sa lahat ng serbisyo. Yung router cheap, yung distribution ng fiber nila cheap at pinagsiksik lahat ng customer sa NAP box na halatang nagooverload pag peak times.

    Planning to change ISPs next year since ngayong taon lang nagkaroon ng ibang Fiber competitors samin.
  • meron n ba dito taga Imus, Cavite n nakabitan ni Converge?
    Knina kasi habang nag drive ako may mga nakakabit na sa NAPbox nila
    musta nman ang connection?
  • Check your application status.


    Sorry! No application found.

    siguro hindi serviceable yung street namin. at dahil wala na akong "silbi" sa paningin nitong mga kausap kong agent ay di na ko nireplyan.

    seenzoned amf.

    nag-apply nalang ako sa site. i thought i was doing these guys a favor since may incentive sila. but then again...

    -- edited by gen0 on Aug 22 2019, 10:40 AM
  • 2 years ba ang lock period nyo?
  • Guys new subscriber po ako, nagbayad ako initial cash out ng 1,500 thru bdo app, naupload ko na dn ung payment proof. Pano malalaman kung kelan ako kakabitan?
  • @chokpc

    Makikita mo naman po yung status dun din sa website kung saan mo in-upload yung proof of payment mo. So check it form time to time.
  • Ang bagal talaga ng converge kapag ganitong oras.
  • parang iniba nila yun admin access natin sa ONU
    ayaw na gumawa yun admin admin
  • Guys, baka alam nyo paano maayos ung mini disconnection sa Mobile Legends pati League of Legends? kase every 90 mins
    na di-disconnect ako pero mga ilan segundo bumabalik din agad.
    Please po sa mga nakaka alam ng solusyon paki tulungan ako....
    Huawei po ung modem, isang modem lang po gamit namen
  • @riri23

    Gawin mong DMZ ng Router mo yung IP ng computer na pinaglalaruan mo.
  • Timog Ave. Intermittent connection
  • Pandacan Area. Okay naman connection