Forum Topic

The Fighting Games Thread

  • Mga sir saken lang ba nangyayari to, di ako makahanap ng rank matches sa tekken 7 (ps4). Mapa umaga, tanghali o gabi wala mahanap, kahit nga search rank preferred all na, wala paren. Nag set na din ako dmz settings sa modem tas naka nat type 2 naman ako. Date ang dame kalaban, nangyari?
  • Been a long time fan pero I was hoping na merong HD versions silang sinama sa package, sadly wala. Sayang :(

    And panu yung meron nang USF4 gaya ko, so wala na akong pre-order bonus :D

  • Sabi nila code so there's a chance na makukuha mo pa rin cya.
  • Sa mga wala pang Marvel vs. Capcom: Infinite, naka sale sya on Steam, less 50% (P524.50) until this Sunday lang.

    Yun nga lang, may "rumors" na hanggang October 2018 na lang sya ibebenta sa digital stores so not sure if support for the game will still be available after that. <click here for link>

    Na-awa naman tuloy ako sa Capcom:
    "And FYI, the realistic artstyle had NOTHING to do with Marvel, they never gave any orders on how the art must look, the artstyle was done by Capcom because this game was the first fighting game that was built in-house by Capcom in over a decade. The problem was Capcom did not have the talent or the resources in-house to pick whatever artstyle they wanted, the resources and talent was extremely limited. Also the reason Captain Marvel looked better than Chun Li at first is because Captain Marvel was outsourced to a designer from France. The reason it took so long to fix Chun Li's face was because they had to outsource her to another designer to do the fixes, those "fixes" were not done by Capcom so I am just letting you guys know. This is why they didn't fix dante or anyone else."
  • POTEK, ngayon ko lang nakita :D



    Sana ibalik nila yung "SD" moves from Samurai Spirits 2 :)
  • ^ aesthetically taking a page from what capcom did with SF IV
  • Kelan kaya darating ito sa atin? Baka laos na yung game pag dinala nila 'to dito, lolz :)

  • Parang may pagka old-school vibe itong gameplay ng Samurai Spirits, hindi sya kagaya ng Street Fighter V and Dragon Ball FighterZ na sobrang focused sa combo plays. Which is good for me, medyo nasusuya na ako sa mga "combo fighters" na sandamakmak ang kailangan aralin na combo move-sets para maka-survive, lolz :D

    Natandaan ko yung mga laban dati sa arcades ng Samurai Showdown II, sundutan and abang-abang lang ng openings, inip-talo. Pag talon ka ng talon, yari ka sa mga anti air slash, pag kalaban mo naman si Jubei, yung slash mo sasahurin tapos reversal :) Sana nga para syang remastered version ng Samurai Showdown II, with modern graphics.

    By the way, yung announcer very familar yung boses, same kaya yung ginamit nilang voice actor :D

  • Capcom home arcade announced. only 16 games installed.
  • Natandaan ko yung mga laban dati sa arcades.


    Samurai Showdown, naalala ko lagi gamit yung ninja, nagiging kahoy. or yung si Galford. Sa Robinson's Galleria yung place to be dati, Rino's at yung sa baba, may Filbar's dati. tapos puro taga Poveda na sorority naka tambay.

    SF naman, Si Mike De Fobio yung parang matangkad na bumbay na payat. walang maka talo sa Guile/ChunLi plays nya.

    -- edited by gr8guy on Apr 17 2019, 02:12 AM
  • ^ true. updated sa games mga arcades diyan. ako dati madalas sa shangrila naglalaro, sa game field. sa 5th floor tapos malapit pa sa mcdo. masarap din tambayan dahil di masyado crowded.
  • May maglalaro ba ng Mortal Kombat 11 ba dito? Release na bukas, excited na ako.
  • saying quota na kasi ako sa nabili kong games nun march. day 1 sana yan mk 11 sakin pero antayin ko na lang complete ed.
  • Hehe, nice. Last time I saw Spawn in action was from Soul Calibur II :)



    -- edited by dayamos on Mar 09 2020, 09:51 AM
  • Sa April na pala lalabas 'to, malapit na :D



    -- edited by dayamos on Feb 09 2021, 04:53 PM
  • Sana ok na ung online gameplay nya. There's hope since rollback netcode gamit but we'll know once it's out.
  • Sa akin 2nd priority yung online play :D

    Ang inaabangan ko talaga sa GG series (or any other Arksys titles for that matter, except DB FighterZ) is yung story mode nila, sulit yung bayad, hehe