Forum Topic

what if nakasanggi kayo ng kotse at pinapabayaran kayo ng malaking halaga pero hindi nyo kayang bayaran?

  • what if nakasanggi kayo ng kotse at pinapabayaran kayo ng malaking halaga pero hindi nyo kayang bayaran?

    tapos napunta na kayo ng police investigation. paano if hindi mo kaya bayaran? ano ang posibleng mangyare sayo?
  • impounded hanggan magkaayos or kasuhan ka damage to property but that is less likely kasi magastos din mag file ng kaso

    this is why i\'m a fan of comp. insurance too many a holes sa MM
  • pagkinasuhan ka, pwede kang makulong..
  • kaso at kulong.
  • bale meron ka ding sasakyan then nakasagi ka? wala po bang insurance yung sasakyan nyo para macover yang ganyang cases?
  • naka motor ako at naka sagi ako. pero maliit na guhit lng pero maganda at bago kasi sasakyan nasagi ko. walang insurance yung motor ko. yung sasakyan na nasagi ko meron. ayaw makipag areglo kasi anak ang may gamit at sa ermat nya yung sasakyan.. inoferan ko ng 3k kaso ayaw hanggang sa napunta kame sa investigation police. ayun offer na nya 10k kung hindi ko daw magawan ng paraan pasensyahan na lng daw kame. gusto ko din sana bayaran kaso hulugan. ayaw naman nya.
  • Pag bago pa kasi, automatic casa ang takbo nun.. Medyo may kamahalan talaga..
  • hi.

    sagot lang ako coming from the receiving end. ako naman yung nabangga.


    scenario 1, may insurance. malaking bangga.

    what is just. imho. participation fee 1% ng halaga ng principal yan (example bnew innova, usually 15k iyan) plus the cost of 1 year insurance.

    scenario 2. walang insurance

    ikaw na magpapagawa at your agreed repair shop. kung bago ang nadale mo malamang may karapatan sya na sa casa ito ipagawa.

    scenario 3. maliit lang ang gas gas

    kahit sa casa mga hindi naman siguro lalagpas ng 5k ang babayaran mo. kung mapapaki-usapan mo na wag sa casa, better.

    malamang 10k ang hiniihingi dahil sa abala na nadulot mo sir.

    scenario 4. less hustle, bayaran mo nalang
  • less hustle, bayaran mo nalang


    +1
    gawa ka na lang paraan para makahagilap ng 10k.
  • nako ang saklap...

    malabo ang kaso at kulong dahil hassle at gastos din sa kanya yun pero legally pwedeng magyari. but still hanggang kaso lang... personally 90% di ka makukulong dahil di naman criminal case yan.

    UNLESS, ang may ari ng kotseng nabangga mo ay ocho or anak ni mayor or ni gob, lol. hirap yan.

    -- edited by barry13 on Aug 23 2015, 07:17 AM
  • pasensyahan na lng daw kame. gusto ko din sana bayaran kaso hulugan. ayaw naman nya.


    masyadong pabebe brad.
  • may insurance yung kotse ko so pag nakabangga or mabangga ako ok lang, mau insurance naman, bahala na sila dyan trabaho na nila yan. So pag nangyari sa akin yan, tatawagan ko na lang yung car insurance ko at sila na bahala mag pagawa ng nabannga kong sasakyan. So far wala pa naman ako nababangga na sasakyan, ako lang yung binabangga ng mga hayup na Bus at Jeep dyan sa EDSA. Barumbado pa minsan kaya kung ayaw nila makipag areglo tawag ako ng kaibigan kong abugado at kinakasuhan ko na lang, case closed enjoy the jail for a few months pero pag nasa prisinto na parang mga tupang ang aamo nakikipag aregluhan na lang.

    Sa buhay ngayun, dapat lahat ng car owners may insurance, trust me, it will be very handy.

    pero these days rarely ko na malabas yung sasakyan ko, mas efficient pa na mag UV express na lang ako, alam kasi nila kung saan lulusot pag may trapik, hayahay sa byahe.
  • @kulot
    Kung bago yun malamang may insurance yun. Kung kotse yan less than 5k ang participation kung nasa less than 1m ang halaga. Pwede naman nya ifile ng hit and run gusto ka lang pag kakitaan.
  • @kulot
    since wala ka insurance, talo ka talaga. kailngan mo magbayad. pagnagfile yan ng kaso at prehas kayo ayaw magsettle. impound yung motor mo. mas malaking hassle.
  • walang insurance = TPL
    o
    walang insurance = hindi rehistrado?
  • TPL is also insurance though ang coverage niya lang is para sa tao at hindi para sa damage ng auto.
    Di mo pwede ilabas ang sasakyan mo kung wala kang rehistro. Doon palang dapat automatic kulong ka na. Having no insurance ay mas malala pa kaysa sa driving w/o a lic. Automatic na kasi kung papa rehistro ka ng sasakyan eh di ka papatapusin ng process kung wala ka insurance weather it be TPL or comprehensive.
    Just pay if off pero para sigurado di ka rin maloko eh humingi ka ng resibo para alam mo yung cost ng babayaran mo. Maski ikaw ang nakasagi eh legal right mo parin malaman yung exact cost of repairs.
    If the vehicle is bnew malamang naka comprehensive insurance yan lalo na pag wala pa 1 yr yung bnew vehicle.

    -- edited by E on Aug 23 2015, 08:53 AM
  • kung hindi kups ang nabangga at maayos kausap

    may insurance naman sya, pwede nya ipasok sa insurace then ikaw nalang mag bayad ng participation, usually 3-5k lang sa mga bago, lalo\'t maliit lang ang damage.
    ex. montero ng kilala ko 3k lang participation sa policy nya.

    kung medyo 2-3yrs na yung auto, may depreciation din dagdag sa bayad, bukod sa participation.

    maliit na guhit lang ang damage ayon sayo. baka wala pa 5k yan sa insurance
  • Kapag may insurance bayaran mo lang participation fee nya + miscellaneous. Mga P5k siguro yun more or less. Pero sa gasgas lang i doubt papagawa nya agad yun. Kung ako yung may kotse kukunin ko P5k mo kunwari papa insurance ko pero di ko ipapasok baka makuha pa sa scratch remover hehe. =)
  • 2nd hand ko lng nabili motor ko. mag 1yr pa lng saken.. naka rehistro naman ser..

    nung una pa lng ser gusto ko ng makipag ayos kahit gas gas lng talaga as in gas gas lng na maliit. sabe ko nga 1k malaki na e. pero ayaw nya kasi anak lang sya 20yrs old at ermat nya may ari. so wala daw sa kanya ang desisyon. sabe ko sige ser gawin na natin 3k para wala na tayong abala gagawan ko n lng ng paraan yung 3k. kaso ayaw. kaya sige sabe ko kayo na bahala. ayun direcho kami sa investigation office.

    yung investigation mismo nagsabe na dapat hindi n daw pinaabot dun kasi maliit lng naman daw at kung hindi ako nagkakamali baka daw hindi tanggapin ng insurance kung ganun lng daw kaliit yung damage/gasgas ng car... nakipag areglo n lng daw sana sya. pero sabe nya kasi utos daw ng ermat nya yun.

    nag meet ulit kame nung thursday, sabe sige daw 10k daw gawan ko daw paraan in two weeks kung wala pa din daw pasensahan nalng daw kame. sabe ko ser malabo ko magawan ng paraan ang 10k in two weeks. kaya ayun pasensyahan na lgn daw kame.. gusto ko din talaga bayaran kaso hindi ko kaya in two weeks.

    hindi ko din masabe kung namemera lng e. parang oo at parang hindi. ewan! actually ang gulo nya kausap. lagi kasi sya natawag at may kakausapin sa phone nya. mga 5-15mins siguro nakikipag usap.

    mali talaga ako at aminado ako. gusto ko bayaran at ayusin kaso hindi ko kaya yung 10k. sinabi ko n din yan sa kanya. kaso ayaw e..
  • if hindi ko mabayaran 10k in two weeks mag file sya ng kaso then ma impound agad yung motor ko? ganun ba agad yun? ano ang mga dapat kong gawin? gagawan ko na lng ba ng paraan ang 10k kahit pangutang ko or tatanggapin na lng ang kaso?
  • wag mo ng bayaran. hayaan mo lang yang pa bebe na yan mag sasawa din yan .. di ka naman makukulong diyan
  • ano ba sasakyan nya? napicturan mo ba yung damage? post mo nga dito.
  • sir pa help naman po ako may nabangga po ako ford ranger basak tail light nya tapos may konting gasgas 1 month palang po ngayun yung ford sagot po ba nang inssurance nya yun kse sabi nung police gagawan daw po sya police report na na hit and run po sya tanung ko kse nahingi sakin nang 17k
  • https://www.datafilehost.com/d/2a61d391

    eto pong gasgas nya tapos basag po left tail light dipo ako marunong pag send nang pic kaya po inupload ko sa datafile host po
  • Eto lang yan… kung di mo babayaran di ka nga makukulong. Or matagal yung itatakbo ng kaso. Ang problema magkaka record ka. So sira ka pag kumuha ka ng police clearance or NBI. Mas malala yun
  • magkaiba naman kasi ang "ayaw magbayad" at saka "di kayang magbayad".

    mas posible kang magka kaso sa "ayaw magbayad". lol
  • ako nga nasagi yun back pack ko ng side mirror suv .. pinababayad sa akin yun nasirang side mirror nya.. di me nag bayad ahihi